Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Panalangin laban sa mga manlulupig. Panalangin ni David.
17 Dinggin mo ang matuwid, Oh Panginoon, pakinggan mo ang aking daing;
Ulinigin mo ang aking panalangin, na hindi lumalabas sa mga magdarayang labi.
2 Manggaling sa iyong harapan ang aking kahatulan;
Masdan ng iyong mga mata (A)ang karampatan.
3 Iyong sinubok ang aking puso; (B)iyong dinalaw ako sa kinagabihan;
(C)Iyong nilitis ako, at wala kang nasumpungan;
Ako'y nagpasiya na ang aking bibig ay hindi sasalangsang.
4 Tungkol sa mga gawa ng mga tao, sa pamamagitan ng salita ng iyong mga labi.
Ako'y nagingat sa mga daan ng pangdadahas.
5 Ang aking mga hakbang ay (D)nagsipanatili sa iyong mga landas,
Ang aking mga paa ay hindi nangadulas.
6 (E)Ako'y tumawag sa iyo, sapagka't ikaw ay sasagot sa akin, Oh Dios:
Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at dinggin mo ang aking pananalita.
7 (F)Ipakita mo ang iyong mga kagilagilalas na kagandahang-loob,
Oh ikaw na nagliligtas sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo.
Sa nagsisibangon laban sa kanila, sa pamamagitan ng iyong kanan.
Ang Israel ay tiniyak na tutulungan ng Panginoon.
8 Nguni't ikaw, Israel, lingkod ko, Jacob na siyang aking (A)pinili, na binhi ni Abraham na (B)aking kaibigan;
9 Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil;
10 Huwag kang matakot, (C)sapagka't ako'y (D)sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.
6 Datapuwa't hindi sa ang salita ng Dios ay nauwi sa wala. Sapagka't (A)hindi ang lahat ng buhat sa Israel ay mga taga Israel:
7 (B)Ni sapagka't sila'y binhi ni Abraham, ay mga anak na silang lahat: kundi, (C)Kay Isaac tatawagin ang iyong binhi.
8 Sa makatuwid, ay hindi mga anak sa laman ang mga anak ng Dios: kundi ang mga (D)anak sa pangako'y siyang ibibilang na isang binhi.
9 Sapagka't ito ang salita ng pangako, (E)Ayon sa panahong ito'y paririto ako, at magkakaroon si Sara ng isang anak na lalake.
10 At hindi lamang gayon; kundi nang maipaglihi na ni (F)Rebeca sa pamamagitan ng isa, ito nga'y ng ating ama na si Isaac—
11 Sapagka't ang mga anak nang hindi pa ipinanganganak, at hindi pa nagsisigawa ng anomang mabuti o masama, upang ang layon ng Dios ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang, na hindi sa mga gawa, kundi (G)doon sa tumatawag,
12 Ay sinabi sa kaniya, (H)Ang panganay ay maglilingkod sa bunso.
13 Gaya ng nasusulat, (I)Si Jacob ay inibig ko, datapuwa't si Esau ay aking kinapootan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978