Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Panalangin laban sa mga manlulupig. Panalangin ni David.
17 Dinggin mo ang matuwid, Oh Panginoon, pakinggan mo ang aking daing;
Ulinigin mo ang aking panalangin, na hindi lumalabas sa mga magdarayang labi.
2 Manggaling sa iyong harapan ang aking kahatulan;
Masdan ng iyong mga mata (A)ang karampatan.
3 Iyong sinubok ang aking puso; (B)iyong dinalaw ako sa kinagabihan;
(C)Iyong nilitis ako, at wala kang nasumpungan;
Ako'y nagpasiya na ang aking bibig ay hindi sasalangsang.
4 Tungkol sa mga gawa ng mga tao, sa pamamagitan ng salita ng iyong mga labi.
Ako'y nagingat sa mga daan ng pangdadahas.
5 Ang aking mga hakbang ay (D)nagsipanatili sa iyong mga landas,
Ang aking mga paa ay hindi nangadulas.
6 (E)Ako'y tumawag sa iyo, sapagka't ikaw ay sasagot sa akin, Oh Dios:
Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at dinggin mo ang aking pananalita.
7 (F)Ipakita mo ang iyong mga kagilagilalas na kagandahang-loob,
Oh ikaw na nagliligtas sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo.
Sa nagsisibangon laban sa kanila, sa pamamagitan ng iyong kanan.
Ang Panginoon lamang ang makapagliligtas.
43 Nguni't ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, Oh Jacob, at naganyo sa iyo, Oh Israel, Ikaw ay huwag matakot, (A)sapagka't tinubos kita; tinawag (B)kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.
2 Pagka ikaw ay dumaraan (C)sa tubig, (D)ako'y sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon: pagka ikaw ay lumalakad (E)sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo.
3 Sapagka't ako ang Panginoon mong Dios, ang Banal ng Israel, ang Tagapagligtas (F)sa iyo; aking ibinigay na pinakatubos sa iyo ang (G)Egipto, ang Etiopia at ang Seba.
4 Yamang ikaw ay naging mahalaga sa aking paningin, at kagalanggalang, at aking inibig ka; kaya't magbibigay ako ng mga tao na pinakatubos sa iyo, at ng mga bayan na pinakatubos sa iyong buhay.
5 Huwag kang matakot, (H)sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi (I)mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran;
6 Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa;
7 Bawa't (J)tinatawag sa aking pangalan, at yaong aking nilikha ay (K)sa aking kaluwalhatian, yaong aking inanyuan oo, yaong aking ginawa.
32 At pinalapit ni (A)Jesus sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi, (B)Nahahabag ako sa karamihan, sapagka't tatlong araw nang sila'y nagsisipanatili sa akin at wala silang makain: at di ko ibig na sila'y paalising nangagaayuno, baka sila'y manganglupaypay sa daan.
33 At sa kaniya'y sinabi ng mga alagad, Saan tayo mangakakakuha rito sa ilang ng sapat na daming tinapay na makabubusog sa ganyang lubhang napakaraming tao?
34 At sinabi ni Jesus sa kanila, Ilang tinapay mayroon kayo? At sinabi nila, Pito, at ilang maliliit na isda.
35 At iniutos niya sa karamihan na magsiupo sa lupa;
36 At kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda; (C)at siya'y nagpasalamat at pinagputolputol, at ibinigay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan.
37 At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at pinulot nila ang lumabis sa mga pinagputolputol, na pitong bakol na puno.
38 At silang nagsikain ay apat na libong lalake, bukod ang mga babae at mga bata.
39 At (D)pinayaon niya ang mga karamihan at lumulan sa daong, at napasa mga hangganan ng (E)Magdala.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978