Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 83:1-4

Awit, Salmo ni Asaph.

83 Oh (A)Dios, huwag kang tumahimik:
Huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios.
Sapagka't (B)narito, ang mga kaaway mo'y nanggugulo:
At silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo.
Sila'y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan,
At nangagsanggunian (C)laban sa iyong nangakakubli.
Kanilang sinabi, Kayo'y parito, at atin silang (D)ihiwalay sa pagkabansa;
Upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa.

Mga Awit 83:13-18

13 (A)Oh Dios ko, gawin mo silang parang ipoipong alabok;
(B)Parang dayami sa harap ng hangin.
14 Parang apoy na sumusunog ng gubat,
At parang liyab na nanunupok ng mga bundok;
15 Kaya't habulin mo sila ng iyong bagyo,
At pangilabutin mo sila ng iyong unos.
16 (C)Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan;
Upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon.
17 Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man;
Oo, mangahiya sila at mangalipol:
18 (D)Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na (E)ang pangalan ay JEHOVA,
Ay Kataastaasan sa buong lupa.

Exodo 4:10-31

10 At sinabi ni Moises sa Panginoon, Oh Panginoon, ako'y hindi marikit mangusap, kahit ng panahong nakaraan, kahit mula ng magsalita ka sa iyong lingkod: (A)sapagka't ako'y kimi sa pangungusap at umid sa dila.

11 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Sinong gumawa ng bibig ng tao? o sinong gumawa ng pipi, o bingi, o may paningin, o bulag sa tao? Hindi ba akong Panginoon?

12 Ngayon nga'y yumaon ka, (B)at ako'y sasaiyong bibig, at ituturo ko sa iyo kung ano ang iyong sasalitain.

13 At kaniyang sinabi, Oh Panginoon, magsugo ka, isinasamo ko sa iyo, sa pamamagitan ng kamay niyaong iyong susuguin.

14 At ang galit ng Panginoon ay nagningas laban kay Moises, at kaniyang sinabi, Wala ba si Aarong kapatid mo na Levita? Nalalaman kong siya'y makapagsasalitang mabuti. At saka, narito, siya'y lumalabas upang salubungin ka; at pagkakita niya sa iyo, ay matutuwa sa kaniyang puso.

15 (C)At ikaw ay magsasalita sa kaniya, at (D)iyong isasabibig niya ang mga salita; at ako'y sasaiyong bibig at sasakaniyang bibig, at aking ituturo sa inyo, kung ano ang inyong gagawin.

16 At siya ang makikipagusap sa lagay mo sa bayan: at mangyayari na siya'y magiging sa iyo'y bibig, (E)at ikaw ay magiging sa kaniya'y parang Dios.

17 At tatangnan mo sa iyong kamay (F)ang tungkod na ito, na iyong ipaggagawa ng mga tanda.

Nagbalik si Moises sa Egipto.

18 At si Moises ay yumaon, at bumalik kay Jethro na kaniyang biyanan, at nagsabi sa kaniya, Pahintulutan mo akong yumaon, isinasamo ko sa iyo, at bumalik sa aking mga kapatid na nasa Egipto, at titingnan ko, kung sila'y nabubuhay pa. At sinabi ni Jethro kay Moises, Yumaon kang payapa.

19 At sinabi ng Panginoon kay Moises sa Madian, Yumaon ka, bumalik ka sa Egipto: (G)sapagka't namatay na ang lahat ng tao, na nagmimithi ng iyong buhay.

20 At ipinagsama ni Moises ang kaniyang asawa at ang kaniyang mga anak, at kaniyang ipinagsasakay sa isang asno, at siya'y bumalik sa lupain ng Egipto: at tinangnan ni Moises ang (H)tungkod ng Dios sa kaniyang kamay.

21 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Pagkabalik mo sa Egipto, iyong gawin nga sa harap ni Faraon ang lahat ng kababalaghan na aking itiniwala sa iyong kamay: datapuwa't aking (I)papagmamatigasin ang kaniyang puso, at hindi niya tutulutang yumaon ang bayan.

22 At iyong sasabihin kay Faraon, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang (J)Israel ay aking anak, (K)aking panganay:

23 At aking sinabi sa iyo, Pahintulutan mong ang aking anak ay yumaon, upang siya'y makapaglingkod sa akin; at ayaw mo siyang payaunin, narito, aking (L)papatayin ang iyong anak, ang iyong panganay.

24 At nangyari sa daan, sa dakong (M)panuluyanan, na sinalubong ng Panginoon (N)siya, at pinagsikapang patayin siya.

25 Nang magkagayo'y sumunggab si Sephora ng isang batong matalim, at pinutol ang balat ng masama ng kaniyang anak, at inihagis sa kaniyang paanan; at kaniyang sinabi, Tunay na ikaw sa akin ay isang asawang mabagsik.

26 Sa gayo'y kaniyang binitiwan siya. Nang magkagayo'y kaniyang sinabi, Isang asawa kang mabagsik, dahil sa pagtutuli.

Sinalubong ni Aaron si Moises.

27 At sinabi ng Panginoon kay Aaron, (O)Pumaroon ka sa ilang na salubungin mo si Moises. At siya'y pumaroon, (P)at nasalubong niya sa bundok ng Dios, at kaniyang hinagkan.

28 At isinaysay ni Moises kay Aaron ang lahat ng salita ng Panginoon, na ipinagbilin sa kaniyang sabihin, (Q)at ang lahat ng tandang ipinagbilin sa kaniyang gawin.

29 (R)At si Moises at si Aaron ay naparoon at tinipon ang lahat ng matanda sa mga anak ni Israel:

30 At sinalita ni Aaron ang lahat ng salita na sinalita ng Panginoon kay Moises, at ginawa ang mga tanda sa paningin ng bayan.

31 (S)At ang bayan ay naniwala: at nang kanilang marinig na (T)dinalaw ng Panginoon ang mga anak ni Israel, at kaniyang nakita ang kanilang kapighatian, ay (U)iniyukod nga nila ang kanilang mga ulo at sumamba.

Apocalipsis 3:1-6

At sa anghel ng iglesia sa (A)Sardis ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng (B)may pitong Espiritu ng Dios, at may pitong bituin: Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, (C)at ikaw ay patay.

Magpuyat ka, at pagtibayin mo ang mga bagay na natitira, na malapit ng mamatay: sapagka't wala akong nasumpungang iyong mga gawang sakdal sa harapan ng aking Dios.

Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig; at ito'y tuparin mo, at magsisi ka. Kaya't kung hindi ka magpupuyat (D)ay paririyan akong (E)gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.

Nguni't mayroon kang (F)ilang pangalan sa Sardis na hindi (G)nangagdumi ng kanilang mga damit: at sila'y kasama kong magsisilakad (H)na may mga damit na maputi; sapagka't sila'y karapatdapat.

(I)Ang magtagumpay (J)ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko (K)papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan (L)sa aklat ng buhay, at (M)ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at (N)sa harapan ng kaniyang mga anghel.

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978