Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang Israel ay pinapagpupuri sa Panginoon.
149 Purihin ninyo ang Panginoon.
Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit,
At ng kaniyang kapurihan (A)sa kapisanan ng mga banal.
2 (B)Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya:
Magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari.
3 (C)Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw:
Magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa.
4 Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan:
(D)Kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo.
5 Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian:
(E)Magsiawit sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan.
6 Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios,
At (F)tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay;
7 Upang magsagawa ng panghihiganti sa mga bansa,
At mga parusa sa mga bayan;
8 Upang talian ang kanilang mga hari ng mga tanikala,
At ang kanilang mga mahal na tao ng mga panaling bakal;
9 Upang magsagawa sa kanila ng hatol na (G)nasusulat:
Mayroon ng karangalang ito ang lahat niyang mga banal.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang katapusang salot ay ibinabala.
11 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (A)May isang salot pa akong dadalhin kay Faraon at sa Egipto; pagkatapos niyaon ay pahihintulutan niyang kayo'y umalis dito: pagpapahintulot niya sa inyong yumaon, ay tunay na kayo'y (B)samasamang palalayasin niya rito.
2 Magsalita ka ngayon sa pakinig ng bayan, at humingi ang bawa't lalake sa kaniyang kapuwa, at bawa't babae sa kaniyang kapuwa, ng mga (C)hiyas na pilak, at ng mga hiyas na ginto.
3 (D)At pinagbiyayaan ng Panginoon ang bayan, sa paningin ng mga Egipcio. Saka si Moises ay lalaking naging dakila sa lupain ng Egipto, sa paningin ng mga lingkod ni Faraon, at sa paningin ng bayan.
4 At sinabi ni Moises, Ganito ang sinasabi ng Panginoon, (E)Sa may hating gabi ay lalabas ako sa gitna ng Egipto:
5 At lahat ng mga (F)panganay sa lupain ng Egipto ay mamamatay, mula sa panganay ni Faraon, na nakaluklok sa kaniyang luklukan, hanggang sa panganay ng aliping babaing nasa (G)likuran ng gilingan; at ang lahat ng mga panganay sa mga hayop.
6 (H)At magkakaroon ng malakas na hiyawan sa buong lupain ng Egipto, na hindi nagkaroon ng kaparis, at hindi na magkakaroon pa ng kaparis.
7 (I)Datapuwa't sa lahat ng anak ng Israel (J)mula sa tao hanggang sa hayop, ay walang maggagalaw kahit isang aso ng kaniyang dila laban sa tao o sa hayop: upang inyong makilala kung paano ang pagkakalagay ng pagkakaiba ng Panginoon sa mga Egipcio at sa Israel.
8 (K)At bababain ako nitong lahat na iyong lingkod, at magsisiyukod sa akin, na magsasabi, Umalis ka, at ang buong bayan na sumusunod sa iyo: at pagkatapos niyaon ay aalis ako. At siya'y umalis sa harap ni Faraon na may maalab na galit.
9 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Hindi kayo didinggin ni (L)Faraon: upang ang aking mga kababalaghan ay dumami sa lupain ng Egipto.
10 At ginawa ni Moises at ni Aaron ang lahat ng mga kababalaghang ito sa harap ni Faraon: at pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon, at hindi niya pinahintulutan ang mga anak ni Israel ay umalis sa kaniyang lupain.
29 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at (A)inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid,
30 At sinasabi ninyo, Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang disi'y hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta.
31 Kaya't kayo'y nangagpapatotoo sa inyong sarili, na (B)kayo'y mga anak niyaong mga nagsipatay ng mga propeta.
32 Punuin nga ninyo ang takalan ng inyong mga magulang.
33 Kayong mga ahas, (C)kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?
34 (D)Kaya't, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga (E)eskriba: ang mga iba sa kanila'y inyong papatayin at ipapako sa krus; (F)at ang mga iba sa kanila'y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila'y inyong paguusigin sa bayan-bayan:
35 (G)Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa, (H)buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni (I)Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana.
36 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa lahing ito.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978