Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Genesis 29:15-28

15 At sinabi ni Laban kay Jacob, Sapagka't ikaw ay aking kapatid ay nararapat ka bang maglingkod sa akin ng walang bayad? sabihin mo sa akin kung ano ang magiging kaupahan mo.

16 At may dalawang anak na babae si Laban: ang pangalan ng panganay ay Lea, at ang pangalan ng bunso ay Raquel.

17 At ang mga mata ni Lea ay mapupungay; datapuwa't si Raquel ay maganda at kahalihalina.

18 At sininta ni Jacob si Raquel; at kaniyang sinabi, (A)Paglilingkuran kitang pitong taon dahil kay Raquel na iyong anak na bunso.

19 At sinabi ni Laban, Magaling ang ibigay ko siya sa iyo, kay sa ibigay ko sa iba: matira ka sa akin.

20 (B)At naglingkod si Jacob dahil kay Raquel, na pitong taon; at sa kaniya'y naging parang ilang araw, dahil sa pagibig na taglay niya sa kaniya.

Naging asawa ni Jacob si Lea at si Raquel.

21 At sinabi ni Jacob kay Laban, Ibigay mo sa akin ang aking asawa, sapagka't naganap na ang aking mga araw upang ako'y sumiping sa kaniya.

22 At pinisan ni Laban ang lahat ng tao roon (C)at siya'y gumawa ng isang piging.

23 At nangyari nang kinagabihan, na kaniyang kinuha si Lea na kaniyang anak at dinala niya kay Jacob, at siya'y sumiping sa kaniya.

24 At sa kaniyang anak na kay Lea ay ibinigay na pinaka alilang babae ang kaniyang alilang si Zilpa.

25 At nangyari, na sa kinaumagahan, narito't si Lea: at kaniyang sinabi kay Laban: Ano itong ginawa mo sa akin? Hindi ba kita pinaglingkuran dahil kay Raquel? Bakit mo nga ako dinaya?

26 At sinabi ni Laban, Hindi ginagawa ang ganyan dito sa aming dako, na ibinibigay ang bunso, bago ang panganay.

27 (D)Tapusin mo ang kaniyang sanglingo, at ibibigay rin naman namin sa iyo ang isa, dahil sa paglilingkod na gagawin mong pitong taon pa, sa akin.

28 At gayon ang ginawa ni Jacob, at tinapos niya ang sanglingo nito, at ibinigay ni Laban sa kaniya si Raquel na kaniyang anak na maging asawa niya.

Mga Awit 105:1-11

Ang kahangahangang gawa ng Panginoon ng dahil sa Israel.

105 Oh magpasalamat kayo (A)sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan;
(B)Ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan.
Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri;
(C)Salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa.
Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan:
Mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon.
Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan;
(D)Hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man.
Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa:
Ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig;
Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod,
Ninyong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang.
Siya ang Panginoon nating Dios: Ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa buong lupa.
Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man,
Ang salita na kaniyang iniutos sa libong sali't saling lahi;
(E)Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham,
At ang kaniyang sumpa kay Isaac;
10 At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan,
Sa Israel na pinakawalang hanggang tipan:
11 Na sinasabi, Sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan,
Ang kapalaran na iyong mana;

Mga Awit 105:45

45 (A)Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan,
At sundin ang kaniyang mga kautusan.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Mga Awit 128

Ang kapalaran ng katakutan sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.

128 Mapalad ang (A)bawa't isa na natatakot sa Panginoon,
Na lumalakad sa kaniyang mga daan.
(B)Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay:
Magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.
Ang asawa mo'y magiging (C)parang mabungang puno ng ubas,
Sa mga pinaka-loob ng iyong bahay:
Ang mga anak mo'y (D)parang mga puno ng olibo, Sa palibot ng iyong dulang.
Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao,
Na natatakot sa Panginoon.
(E)Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion:
At iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay.
Oo, iyong (F)makikita ang mga (G)anak ng iyong mga anak.
Kapayapaan nawa'y suma Israel.

Roma 8:26-39

26 At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: (A)sapagka't hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; nguni't (B)ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita;

27 At ang nakasisiyasat ng mga puso'y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagka't siya ang (C)namamagitan dahil sa mga banal (D)alinsunod sa kalooban ng Dios.

28 At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag (E)alinsunod sa kaniyang nasa.

29 Sapagka't (F)yaong mga nang una pa'y kaniyang nakilala, (G)ay itinalaga naman niya (H)na maging katulad (I)ng larawan ng kaniyang Anak, (J)upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid:

30 At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang (K)tinawag naman: at ang mga tinawag ay (L)inaring-ganap naman niya: at ang mga inaring-ganap ay (M)niluwalhati din naman niya.

31 Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Dios ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?

32 Siya, na hindi ipinagkait (N)ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay?

33 Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa (O)mga hirang ng Dios? (P)Ang Dios ay ang umaaring-ganap;

34 Sino (Q)ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na (R)siyang nasa kanan ng Dios, (S)na siya namang namamagitan dahil sa atin.

35 Sino ang maghihiwalay sa atin sa pagibig ni Cristo? ang kapighatian, o ang kahapisan, o ang paguusig, o ang kagutum, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak?

36 Gaya ng nasusulat,

(T)Dahil sa iyo kami'y pinapatay sa buong araw;
Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan.

37 Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito (U)tayo'y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig.

38 Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga (V)pamunuan, kahit (W)ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan,

39 Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa (X)pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Mateo 13:31-33

31 Sinaysay niya sa kanila ang ibang talinghaga, na sinasabi, (A)Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang (B)butil ng binhi ng mostasa, na kinuha ng isang tao, at inihasik sa kaniyang bukid:

32 Na siya ngang lalong maliit sa lahat ng mga binhi; datapuwa't nang tumubo, ay lalong malaki kay sa mga gulay, at nagiging punong kahoy, ano pa't nagsisiparoon ang mga ibon sa langit at sumisilong sa kaniyang mga sanga.

33 Sinalita niya sa kanila ang ibang talinghaga: (C)Ang kaharian ng langit ay tulad sa lebadura, na kinuha ng isang babae, at itinago sa tatlong takal na harina, hanggang sa ito'y nalebadurahang lahat.

Mateo 13:44-52

44 Tulad ang kaharian ng langit sa natatagong kayamanan sa bukid; na nasumpungan ng isang tao, at inilihim; at sa kaniyang kagalaka'y yumaon at (A)ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik, at (B)binili ang bukid na yaon.

45 Gayon din naman, ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong nangangalakal na humahanap ng magagandang perlas:

46 At pagkasumpong ng isang mahalagang perlas, ay yumaon siya at ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik, at binili yaon.

47 (C)Tulad din naman ang kaharian ng langit sa isang lambat, na inihulog sa dagat, na (D)nakahuli ng sarisaring isda:

48 Na, nang mapuno, ay hinila nila sa pampang; at sila'y nagsiupo, at tinipon sa mga sisidlan ang mabubuti, datapuwa't itinapon ang masasama.

49 Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan: lalabas ang mga anghel, at (E)ihihiwalay ang masasama sa matutuwid,

50 At sila'y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.

51 Napagunawa baga ninyo ang lahat ng mga bagay na ito? Sinabi nila sa kaniya, Oo.

52 At sinabi niya sa kanila, Kaya't ang bawa't (F)eskriba na ginagawang alagad sa kaharian ng langit ay tulad sa isang taong puno ng sangbahayan, na naglalabas sa kaniyang kayamanan ng mga bagay na bago at luma.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978