Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
13 (A)Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob:
(B)Iyo akong tinakpan sa bahaybata ng aking ina.
14 Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas:
Kagilagilalas ang iyong mga gawa;
At nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.
15 Ang katawan ko'y (C)hindi nakubli sa iyo,
Nang ako'y gawin sa lihim,
At yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.
16 Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal,
At sa iyong aklat ay pawang nangasulat,
Kahit na ang mga araw na itinakda sa akin,
Nang wala pang anoman sa kanila,
17 (D)Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios!
Pagka dakila ng kabuoan nila!
18 Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin:
Pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako.
16 At sila'y naglakbay mula sa Bethel; at may kalayuan pa upang dumating sa Ephrata: at nagdamdam si Raquel, at siya'y naghihirap sa panganganak.
17 At nangyari, nang siya'y naghihirap sa panganganak, na sinabi sa kaniya ng hilot, Huwag kang matakot, (A)sapagka't magkakaroon ka ng isa pang anak na lalake.
18 At nangyari, nang nalalagot ang kaniyang hininga (sapagka't namatay siya), ay kaniyang pinanganlang Benoni:[a] datapuwa't pinanganlan ng kaniyang ama na Benjamin.[b]
19 (B)At namatay si Raquel at inilibing sa daang patungo sa (C)Ephrata (na siyang Beth-lehem).
20 At nagtayo si Jacob ng isang batong pinakaalaala sa ibabaw ng kaniyang libingan: na siyang batong pinakaalaala ng libingan ni Raquel (D)hanggang ngayon.
21 At naglakbay si Israel at iniladlad ang kaniyang tolda sa dako pa roon ng moog ng Eder.
Ang kaniyang mga anak.
22 (E)At nangyari, samantalang tumatahan si Israel sa lupaing yaon, na si Ruben ay yumaon at sumiping kay Bilha, na babae ng kaniyang ama; at ito'y nabalitaan ni Israel.
Labing dalawa nga ang anak na lalake ni Jacob.
23 Ang mga anak ni Lea, ay: si Ruben, na panganay ni Jacob, at si (F)Simeon, at si Levi, at si Juda at si Issachar, at si Zabulon.
24 Ang mga anak ni Raquel, ay: si Jose at si Benjamin:
25 At ang mga anak ni Bilha, na alila ni Raquel, ay: si Dan at si Nephtali:
26 At ang mga anak ni Zilpa na alilang babae ni Lea, ay: si Gad at si Aser: ito ang mga anak ni Jacob na ipinanganak sa kaniya sa Padan-aram.
27 At naparoon si Jacob kay Isaac na kaniyang ama, sa (G)Mamre, sa (H)Kiriat-arba (na siyang Hebron), na doon tumahan si Abraham at si Isaac.
Kamatayan ni Isaac.
28 At ang mga naging araw ni Isaac ay isang daan at walong pung taon.
29 At nalagot ang hininga ni Isaac at namatay, at (I)siya'y nalakip sa kaniyang bayan, matanda at puspos ng mga araw: (J)at inilibing siya ng kaniyang mga anak na si Esau at si Jacob.
15 At pagkahalata nito ni Jesus ay lumayo roon: (A)at siya'y sinundan ng marami; at kaniyang pinagaling silang lahat,
16 At ipinagbilin niya (B)sa kanila, na siya'y huwag nilang ihayag:
17 Upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi,
18 Narito, ang lingkod ko (C)na aking hinirang;
At minamahal ko (D)na kinalulugdan ng aking kaluluwa:
Isasakaniya ko ang aking Espiritu,
At ihahayag niya ang paghuhukom sa mga Gentil.
19 Hindi siya makikipagtalo, ni sisigaw;
Ni maririnig man ng sinoman ang kaniyang tinig sa mga lansangan.
20 Hindi niya babaliin ang tambong gapok,
At hindi papatayin ang timsim na umuusok,
Hanggang sa papagtagumpayin ang paghuhukom.
21 At aasa sa kaniyang pangalan ang mga Gentil.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978