Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 65:8-13

Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda:
Ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim.
(A)Iyong dinadalaw ang lupa, at (B)dinidilig mo,
Iyong pinayayamang mainam;
(C)Ang ilog ng Dios ay puno ng tubig:
Iyong pinagtataanan sila ng trigo, pagka't inihanda mo ang lupa.
10 Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana;
Iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal;
Iyong mga pinalalambot ng ambon;
Iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon.
11 Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan;
At ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan.
12 Nagsisipatak sa mga (D)pastulan sa ilang;
At ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan.
13 Ang mga[a] pastulan ay nangabihisan ng mga kawan;
Ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo;
Sila'y magsisihiyaw sa kagalakan, sila naman ay nagsisiawit.

Genesis 46:2-47:12

At kinausap ng Dios si Israel (A)sa mga panaginip sa gabi, at sinabi, Jacob, Jacob. At sinabi niya, Narito ako:

At kaniyang sinabi, Ako'y Dios, ang Dios (B)ng iyong ama, huwag kang matakot na bumaba sa Egipto: (C)sapagka't doo'y gagawin kitang isang dakilang bansa:

(D)Ako'y bababang kasama mo sa Egipto; (E)at tunay na iaahon kita uli, (F)at ipapatong ni Jose ang kaniyang kamay sa iyong mga mata.

At bumangon si Jacob mula sa Beer-seba; at dinala ng mga anak ni Israel si Jacob na kanilang ama, at ang kanilang mga bata, at ang kanilang mga asawa, sa mga kariton (G)na ipinadala ni Faraon kay Jacob.

At kanilang dinala ang kanilang mga hayop, at ang kanilang mga pagaari na kanilang inimpok sa lupain ng Canaan, at na pasa Egipto, si (H)Jacob at ang buong binhi niya na kasama niya.

Ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang mga anak na lalake at babae ng kaniyang mga anak na kasama niya, at ang kaniyang buong binhi ay dinala niyang kasama niya sa Egipto.

Ang mga pangalan ng sangbahayan ni Jacob ay ibinigay.

(I)At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Israel, na napasa Egipto, ni Jacob at ng kaniyang mga anak: si (J)Ruben na anak na panganay ni Jacob.

At ang mga anak ni Ruben; si Hanoch, at si Phallu, at si Hezron, at si Carmi.

10 At ang mga anak ni Simeon; si Jemuel, at si Jamin, at si Ohad, at si Jachin, at si Zohar, at si Saul na anak ng isang babaing taga Canaan.

11 (K)At ang mga anak ni Levi; si Gerson, si Coat at si Merari.

12 (L)At ang mga anak ni Juda; si Er, at si Onan, at si Sela, at si Phares, at si Zara; (M)nguni't si Er at si Onan ay namatay sa lupain ng Canaan. (N)At ang mga anak ni Phares, si Hezron at si Hamul.

13 (O)At ang mga anak ni Issachar; si Thola, at si Phua, at si Job, at si Simron.

14 At ang mga anak ni Zabulon; si Sered; at si Elon, at si Jahleel.

15 (P)Ito ang mga anak ni Lea, na kaniyang ipinanganak kay Jacob sa Padan-aram, sangpu ng kaniyang anak na babaing si Dina: ang lahat na taong kaniyang mga anak na lalake at babae ay tatlong pu't tatlo.

16 At ang mga anak ni Gad; si Ziphion, at si Aggi, si Suni, at si Ezbon, si Heri, at si Arodi, at si Areli.

17 (Q)At ang mga anak ni Aser; si Jimna; at si Ishua, at si Isui, at si Beria, at si Sera na kanilang kapatid na babae: at ang mga anak ni Beria; si Heber, at si Malchel.

18 (R)Ito ang mga anak ni Zilpa (S)na siyang ibinigay ni Laban kay Lea na kaniyang anak na babae, at ang mga ito ay kaniyang ipinanganak kay Jacob, na labing anim na tao.

19 Ang mga anak ni Raquel na asawa ni Jacob; si Jose at si Benjamin.

20 (T)At kay Jose ay ipinanganak sa lupain ng Egipto si Manases at si Ephraim, na ipinanganak sa kaniya ni Asenath, na anak ni Potiphera na saserdote sa On.

21 (U)At ang mga anak ni Benjamin; si Bela; at si Becher, at si Asbel, si Gera, at si Naaman, si Ehi, at si Ros, si Muppim, at si Huppim, at si Ard.

22 Ito ang mga anak ni Raquel na ipinanganak kay Jacob: lahat ay labing apat.

23 At ang mga anak ni Dan; si Husim.

24 (V)At ang mga anak ni Nephtali; si Jahzeel, at si Guni, at si Jezer, at si Shillem.

25 (W)Ito ang mga anak ni Bilha, (X)na siyang ibinigay ni Laban kay Raquel na kaniyang anak, at ang mga ito ang ipinanganak niya kay Jacob; lahat na tao ay pito.

26 Lahat na tao na sumama kay Jacob sa Egipto, na nagsilabas sa kaniyang mga balakang, bukod pa ang mga asawa ng mga anak ni Jacob, ang lahat na tao ay anim na pu't anim;

27 At ang mga anak ni Jose na ipinanganak sa kaniya sa Egipto, ay dalawang katao; ang (Y)lahat na tao sa sangbahayan ni Jacob, na napasa Egipto, ay pitongpu.

28 At pinapagpauna niya si Juda kay Jose, (Z)upang ituro ang daan na patungo sa Gosen; at sila'y nagsidating sa lupain ng Gosen.

Sinalubong ni Jose ang kaniyang ama.

29 At inihanda ni Jose ang kaniyang karro, at sumampang sinalubong si Israel na kaniyang ama sa Gosen; at siya'y humarap sa kaniya, (AA)at yumakap sa kaniyang leeg, at umiyak sa kaniyang leeg na matagal.

30 At sinabi ni Israel kay Jose, (AB)Ngayo'y mamatay na ako yamang nakita ko na ang iyong mukha, na ikaw ay buháy pa.

31 At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid, at sa sangbahayan ng kaniyang ama, Ako'y (AC)aahon, at aking sasaysayin kay Faraon, at aking sasabihin sa kaniya. Ang aking mga kapatid, at ang sangbahayan ng aking ama, na nangasa lupain ng Canaan, ay naparito sa akin;

32 At ang mga lalake ay mga pastor, sapagka't sila'y naging tagapagalaga ng hayop, at kanilang dinala ang kanilang mga kawan, at ang kanilang mga bakahan, at ang lahat nilang tinatangkilik.

33 At mangyayaring, pagka tatawagin kayo ni Faraon, at sasabihin, Ano ang inyong hanapbuhay?

34 (AD)Na inyong sasabihin, Ang iyong mga lingkod ay naging (AE)tagapagalaga ng hayop mula sa aming pagkabata hanggang ngayon, kami at ang aming mga magulang; upang kayo'y matira sa (AF)lupain ng Gosen; (AG)sapagka't bawa't pastor ay kasuklamsuklam sa mga Egipcio.

Iniharap si Jacob kay Faraon.

47 Nang magkagayo'y pumasok si (AH)Jose at isinaysay kay Faraon, at sinabi, Ang aking ama, at ang aking mga kapatid, at ang kanilang mga kawan, at ang kanilang mga bakahan, at ang lahat nilang tinatangkilik, ay dumating na mula sa lupain ng Canaan; at, (AI)narito, sila'y nasa lupain ng Gosen.

At sa kaniyang mga kapatid ay nagsama siya ng limang lalake, (AJ)at mga iniharap niya kay Faraon.

(AK)At sinabi ni Faraon sa kaniyang mga kapatid, Ano ang inyong hanapbuhay? At kanilang sinabi kay Faraon, Ang iyong mga lingkod ay mga pastor, kami at gayon din ang aming mga magulang.

At kanilang sinabi kay Faraon, (AL)Upang makipamayan sa bayang ito ay naparito kami; sapagka't walang makain ang mga kawan ng iyong mga lingkod; dahil sa ang kagutom ay mahigpit sa lupain ng Canaan: ngayon nga, ay isinasamo namin sa iyo, na pahintulutan mo na ang iyong mga lingkod ay (AM)tumahan sa lupain ng Gosen.

At sinalita ni Faraon kay Jose, na sinasabi, Ang iyong ama at ang iyong mga kapatid ay naparito sa iyo:

(AN)Ang lupain ng Egipto ay nasa harap mo; sa (AO)pinakamabuti sa lupain ay patirahin mo ang iyong ama at ang iyong mga kapatid; sa lupain ng Gosen (AP)patirahin mo sila: at kung may nakikilala kang mga matalinong lalake sa kanila, ay papamahalain mo sa aking hayop.

At ipinasok ni Jose si Jacob na kaniyang ama, at itinayo niya sa harap ni Faraon, at binasbasan ni (AQ)Jacob si Faraon.

At sinabi ni Faraon kay Jacob, Ilan ang mga araw ng mga taon ng iyong buhay?

At sinabi ni Jacob kay Faraon, (AR)Ang mga araw ng mga taon ng aking pakikipamayan ay isang daan at tatlong pung taon; (AS)kaunti at masasama ang mga naging araw ng mga taon ng aking buhay, (AT)at hindi umabot sa mga araw ng mga taon ng buhay ng aking mga magulang sa mga araw ng kanilang pakikipamayan.

10 (AU)At binasbasan ni Jacob si Faraon at umalis sa harapan ni Faraon.

11 At itinatag ni Jose ang kaniyang ama, at ang kaniyang mga kapatid, at sila'y binigyan ng pagaari sa lupain ng Egipto, sa pinakamabuti sa lupain, (AV)sa lupain ng Rameses, (AW)gaya ng iniutos ni Faraon.

12 At (AX)pinakain ni Jose ng tinapay ang kaniyang ama, at ang kaniyang mga kapatid, at ang buong sangbahayan ng kaniyang ama, ayon sa kanikaniyang sangbahayan.

Marcos 4:30-34

30 At kaniyang sinabi, (A)Sa ano natin itutulad ang kaharian ng Dios? o sa anong talinghaga isasaysay natin ito?

31 Ito'y tulad sa butil ng binhi ng mostasa, na pagkahasik sa lupa, bagama't siyang lalong pinakamaliit sa lahat ng mga binhi na nangasa lupa,

32 Gayon ma'y pagkatanim, ay tumataas, at lumalaki (B)ng higit kay sa lahat ng mga gulay, at nagsasanga ng malalabay; ano pa't ang mga ibon sa langit ay mangakasisilong sa kaniyang lilim.

33 At sa pamamagitan ng gayong maraming talinghaga ay sinasaysay niya sa kanila ang salita, (C)ayon sa makakaya ng kanilang pakinig;

34 At hindi sila kinakausap kundi sa talinghaga: datapuwa't sa kaniyang sariling mga alagad ay (D)bukod na ipinaliliwanag ang lahat ng mga bagay.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978