Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Panalangin upang tulungan sa panahon ng ligalig. (A)Masquil ni David, nang siya'y nasa yungib; Dalangin.
142 Ako'y (B)dumadaing ng aking tinig sa Panginoon;
Ako'y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon.
2 (C)Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya;
Aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko.
3 Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko,
Nalaman mo ang aking landas.
(D)Sa daan na aking nilalakaran
Ay pinagkukublihan nila ako ng silo.
4 (E)Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo:
Sapagka't (F)walang tao na nakakakilala sa akin:
Kanlungan ay kulang ako;
Walang taong lumilingap sa aking kaluluwa.
5 Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon;
Aking sinabi: Ikaw ay aking kanlungan,
(G)Aking bahagi (H)sa lupain ng may buhay.
6 Pakinggan mo ang aking daing;
Sapagka't (I)ako'y totoong nababa:
Iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin;
Sapagka't sila'y malakas kay sa akin.
7 (J)Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan,
Upang ako'y makapagpasalamat sa iyong pangalan:
Kubkubin ako ng matuwid;
(K)Sapagka't ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin.
15 (A)Sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, laban sa lahat ng bansa: (B)kung ano ang iyong gawin, ay siyang gagawin sa iyo; (C)ang iyong gawa ay babalik sa iyong sariling ulo.
16 Sapagka't (D)kung paanong kayo'y nagsiinom sa aking banal na bundok, gayon magsisiinom na palagi ang lahat na bansa, oo, sila'y magsisiinom, at magsisitungga, at magiging wari baga sila'y hindi nangabuhay.
Ang Israel ay luluwalhatiin.
17 Nguni't sa bundok (E)ng Sion ay doroon yaong nangakatatanan, at magiging banal; at aariin ng sangbahayan ni Jacob ang kaniyang mga pagaari.
18 At ang sangbahayan ni Jacob ay (F)magiging isang apoy, at ang sangbahayan ni Jose ay isang liyab, at ang sangbahayan ni Esau ay dayami, at sila'y kanilang susunugin, at sila'y susupukin; at walang malalabi sa sangbahayan ni Esau; sapagka't sinalita ng Panginoon.
19 At silang sa Timugan, ay (G)mangagaari ng bundok ng Esau, (H)at silang sa mababang lupa ay ng mga Filisteo; at kanilang aariin ang parang ng Ephraim, at ang parang ng Samaria; at aariin ng Benjamin ang Galaad.
20 At ang mga bihag sa hukbong ito ng mga anak ni Israel na nasa mga taga Canaan, ay magaari ng (I)hanggang sa Sarefat; at ang mga bihag sa Jerusalem na nasa Sepharad ay magaari ng mga bayan ng Timugan.
21 At ang mga (J)tagapagligtas ay magsisisampa sa (K)bundok ng Sion upang hatulan ang bundok ng Esau; at (L)ang kaharian ay magiging sa Panginoon.
10 At nagsilapit ang mga alagad, at sinabi nila sa kaniya, Bakit mo sila pinagsasalitaan sa mga talinghaga?
11 At sumagot siya at sinabi sa kanila, (A)Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng langit, datapuwa't hindi ipinagkaloob sa kanila.
12 Sapagka't sinomang (B)mayroon ay bibigyan, at siya'y magkakaroon ng sagana: nguni't sinomang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin sa kaniya.
13 Kaya't sila'y pinagsasalitaan ko sa mga talinghaga; sapagka't nagsisitingin ay hindi sila nangakakakita, at nangakikinig ay hindi sila nangakakarinig, ni hindi sila nangakakaunawa.
14 At natutupad sa kanila ang hula ni Isaias, na sinasabi,
(C)Sa pakikinig ay inyong maririnig, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mapaguunawa;
At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mamamalas:
15 Sapagka't kumapal ang puso ng bayang ito,
At mahirap na mangakarinig ang kanilang mga tainga,
At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata;
Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata,
At mangakarinig ng kanilang mga tainga,
At mangakaunawa ng kanilang puso,
At muling mangagbalik loob,
At sila'y aking pagalingin.
16 Datapuwa't mapapalad ang inyong mga mata, sapagka't nangakakakita; at ang iyong mga tainga, sapagka't nangakakarinig.
17 Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, (D)na hinangad na makita ng maraming propeta at ng mga taong matuwid ang inyong nakikita, at hindi nila nakita; at marinig ang inyong naririnig, at hindi nila narinig.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978