Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang tunay na propeta.
15 Palilitawin sa iyo ng Panginoon mong Dios ang (A)isang propeta sa gitna mo, sa iyong mga kapatid, na gaya ko; sa kaniya kayo makikinig;
16 Ayon sa lahat ng iyong ninasa (B)sa Panginoon mong Dios sa Horeb, sa araw ng kapulungan, na sinasabi, (C)Huwag mong iparinig uli sa akin ang tinig ng Panginoon kong Dios, ni ipakita pa sa akin itong dakilang apoy, upang huwag akong mamatay.
17 At sinabi ng Panginoon sa akin, (D)Mabuti ang kanilang pagkasabi ng kanilang salitain.
18 Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; (E)at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at (F)kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya.
19 (G)At mangyayari, na sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang sasalitain sa aking pangalan, ay aking sisiyasatin yaon sa kaniya.
Ang bulaang propeta.
20 (H)Nguni't ang propeta (I)na magsasalita ng salitang may pagpapalalo sa aking pangalan, na hindi ko iniutos sa kaniyang salitain (J)o magsasalita sa pangalan ng ibang mga dios, ay papatayin nga ang propetang yaon.
Ang Panginoon ay pinuri dahil sa Kaniyang kagalingan.
111 Purihin ninyo ang Panginoon.
Ako'y magpapasalamat (A)sa Panginoon ng aking buong puso,
Sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan.
2 Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila,
Siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan.
3 Ang kaniyang gawa ay (B)karangalan at kamahalan:
At ang (C)kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
4 Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin:
Ang Panginoon ay (D)mapagbiyaya at puspos ng kahabagan.
5 Siya'y nagbigay ng (E)pagkain sa nangatatakot sa kaniya:
Kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan.
6 Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa,
Sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa.
7 Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay (F)katotohanan at kahatulan:
Lahat niyang mga tuntunin ay (G)tunay.
8 (H)Nangatatatag magpakailankailan man,
Mga yari sa katotohanan at katuwiran.
9 Siya'y nagsugo ng (I)katubusan sa kaniyang bayan;
Kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man:
(J)Banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan.
10 (K)Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan;
May mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos.
Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.
8 Ngayon tungkol (A)sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan: Nalalaman natin na tayong lahat ay may (B)kaalaman. (C)Ang kaalaman ay nagpapalalo, nguni't ang pagibig ay nagpapatibay.
2 (D)Kung ang sinoman ay nagaakala na siya'y may nalalamang anoman, ay wala pang nalalaman gaya ng nararapat niyang maalaman;
3 Datapuwa't kung ang sinoman (E)ay umiibig sa Dios, ay kilala niya ang gayon.
4 Tungkol nga sa pagkain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, nalalaman natin na (F)ang diosdiosan ay walang kabuluhan sa sanglibutan, (G)at walang Dios liban sa iisa.
5 Sapagka't bagama't mayroong mga (H)tinatawag na mga dios, maging sa langit o maging sa lupa; gaya nang may maraming mga dios at maraming mga panginoon;
6 Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, (I)ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y (J)sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, (K)na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.
7 Gayon ma'y wala sa lahat ng mga tao ang kaalamang iyan: kundi ang ilan na hanggang ngayon ay (L)nangamimihasa sa diosdiosan, ay kumakain na parang isang bagay na inihain sa diosdiosan; at ang kanilang budhi palibhasa'y mahina ay (M)nangahahawa.
8 Datapuwa't ang pagkain ay hindi magtataguyod sa atin sa Dios: ni hindi tayo masama, kung tayo'y di magsikain; ni hindi tayo lalong mabuti, kung tayo'y magsikain.
9 Datapuwa't magsipagingat kayo baka sa anomang paraan ang inyong kalayaang ito ay maging (N)katitisuran sa mahihina.
10 Sapagka't kung makita ng sinomang ikaw na may (O)kaalaman na nakikisalo sa pagkain sa templo ng diosdiosan, hindi baga titibay ang kaniyang budhi, kung siya'y mahina, upang kumain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan?
11 Sapagka't sa pamamagitan ng iyong kaalaman ay napapahamak ang mahina, ang kapatid na dahil sa kaniya'y namatay si Cristo.
12 At sa ganitong pagkakasala laban sa mga kapatid, at sa pagkakasugat ng kaniyang budhi kung ito'y mahina, ay nangagkakasala kayo laban kay Cristo.
13 Kaya, (P)kung ang pagkain ay nakapagpapatisod sa aking kapatid, kailan man ay hindi ako kakain ng lamang-kati, upang ako'y huwag makapagpatisod sa aking kapatid.
21 (A)At nagsipasok sila sa Capernaum; at pagdaka'y pumasok siya sa sinagoga nang araw ng sabbath at nagtuturo.
22 At nangagtaka sila (B)sa kaniyang aral: sapagka't sila'y tinuturuan niyang tulad sa may kapamahalaan, at hindi gaya ng mga eskriba.
23 At pagdaka'y may isang tao sa kanilang sinagoga na may isang karumaldumal na espiritu; at siya'y sumigaw,
24 Na nagsasabi, (C)Anong pakialam namin sa iyo, Jesus ikaw na Nazareno? naparito ka baga upang kami'y puksain? Nakikilala kita kung sino ka, ang Banal ng Dios.
25 At sinaway siya ni Jesus, na nagsasabi, Tumahimik ka, at lumabas ka sa kaniya.
26 At ang karumaldumal na espiritu, nang (D)mapangatal niya siya at makapagsisigaw ng malakas na tinig, ay lumabas sa kaniya.
27 At silang lahat ay nangagtaka, ano pa't sila-sila rin ay nangagtatanungan, na sinasabi, Ano kaya ito? isang bagong aral yata! may kapamahalaang naguutos pati sa mga karumaldumal na espiritu, at siya'y tinatalima nila.
28 At lumipana pagdaka ang pagkabantog niya sa lahat ng dako sa buong palibotlibot ng lupain ng Galilea.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978