Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 111

Ang Panginoon ay pinuri dahil sa Kaniyang kagalingan.

111 Purihin ninyo ang Panginoon.
Ako'y magpapasalamat (A)sa Panginoon ng aking buong puso,
Sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan.
Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila,
Siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan.
Ang kaniyang gawa ay (B)karangalan at kamahalan:
At ang (C)kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin:
Ang Panginoon ay (D)mapagbiyaya at puspos ng kahabagan.
Siya'y nagbigay ng (E)pagkain sa nangatatakot sa kaniya:
Kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan.
Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa,
Sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa.
Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay (F)katotohanan at kahatulan:
Lahat niyang mga tuntunin ay (G)tunay.
(H)Nangatatatag magpakailankailan man,
Mga yari sa katotohanan at katuwiran.
Siya'y nagsugo ng (I)katubusan sa kaniyang bayan;
Kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man:
(J)Banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan.
10 (K)Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan;
May mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos.
Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.

Deuteronomio 3:23-29

Hindi itinulot ang pagtawid sa Jordan.

23 At ako'y dumalangin sa Panginoon nang panahong yaon, na sinasabi,

24 Oh Panginoong Dios, iyong minulang ipinakilala sa iyong lingkod ang iyong kadakilaan at ang iyong kamay na makapangyarihan: (A)ano ngang Dios sa langit o sa lupa ang makagagawa ng ayon sa iyong mga gawa, at ayon sa iyong mga makapangyarihang kilos?

25 Paraanin mo nga ako, isinasamo ko sa iyo, at aking makita ang (B)mabuting lupain na nasa dako roon ng Jordan, yaong mainam na bundok, at ang (C)Libano.

26 Nguni't (D)ang Panginoon ay nagalit sa akin dahil sa inyo, at hindi ako dininig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Siya na; huwag ka nang magsalita pa sa akin ng tungkol sa bagay na ito.

27 (E)Sumampa ka sa taluktok ng Pisga at ilingap mo ang iyong mga mata sa dakong kalunuran, at sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at masdan mo ng iyong mga mata; sapagka't hindi ka makatatawid sa Jordang ito.

28 Nguni't (F)pagbilinan mo si Josue, at palakasin mo ang kaniyang loob at palakasin mo siya: sapagka't siya'y daraan sa harap ng bayang ito, at kaniyang ipamamana sa kanila ang lupain na iyong makikita.

29 Sa gayo'y tumahan tayo sa (G)libis, na nasa tapat ng Beth-peor.

Roma 9:6-18

Datapuwa't hindi sa ang salita ng Dios ay nauwi sa wala. Sapagka't (A)hindi ang lahat ng buhat sa Israel ay mga taga Israel:

(B)Ni sapagka't sila'y binhi ni Abraham, ay mga anak na silang lahat: kundi, (C)Kay Isaac tatawagin ang iyong binhi.

Sa makatuwid, ay hindi mga anak sa laman ang mga anak ng Dios: kundi ang mga (D)anak sa pangako'y siyang ibibilang na isang binhi.

Sapagka't ito ang salita ng pangako, (E)Ayon sa panahong ito'y paririto ako, at magkakaroon si Sara ng isang anak na lalake.

10 At hindi lamang gayon; kundi nang maipaglihi na ni (F)Rebeca sa pamamagitan ng isa, ito nga'y ng ating ama na si Isaac—

11 Sapagka't ang mga anak nang hindi pa ipinanganganak, at hindi pa nagsisigawa ng anomang mabuti o masama, upang ang layon ng Dios ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang, na hindi sa mga gawa, kundi (G)doon sa tumatawag,

12 Ay sinabi sa kaniya, (H)Ang panganay ay maglilingkod sa bunso.

13 Gaya ng nasusulat, (I)Si Jacob ay inibig ko, datapuwa't si Esau ay aking kinapootan.

14 Ano nga ang ating sasabihin? Mayroon baga kayang kalikuan sa Dios? Huwag nawang mangyari.

15 Sapagka't sinasabi niya kay Moises, (J)Ako'y maaawa sa aking kinaaawaan, at ako'y mahahabag sa aking kinahahabagan.

16 Kaya nga hindi sa may ibig, ni hindi sa tumatakbo, kundi sa Dios na naaawa.

17 Sapagka't sinasabi ng kasulatan tungkol kay Faraon, (K)Dahil sa layong ito, ay itinaas kita, upang aking maihayag sa pamamagitan mo ang aking kapangyarihan, at upang ang aking pangala'y maitanyag sa buong lupa.

18 Kaya nga sa kaniyang ibig siya'y naaawa, at sa kaniyang ibig siya'y nagpapatigas.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978