Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 139:1-6

Ang Panginoon ay sumasa lahat at nakaaalam ng lahat. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

139 Oh Panginoon, (A)iyong siniyasat ako, at nakilala ako.
(B)Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig,
(C)Iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo.
Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan,
At iyong kilala ang lahat kong mga lakad.
Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila,
Nguni't, narito, Oh Panginoon, (D)natatalastas mo nang buo.
(E)Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan,
At inilapag mo ang iyong kamay sa akin.
Ang ganyang kaalaman (F)ay totoong kagilagilalas sa akin;
Ito'y mataas, hindi ko maabot.

Mga Awit 139:13-18

13 (A)Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob:
(B)Iyo akong tinakpan sa bahaybata ng aking ina.
14 Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas:
Kagilagilalas ang iyong mga gawa;
At nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.
15 Ang katawan ko'y (C)hindi nakubli sa iyo,
Nang ako'y gawin sa lihim,
At yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.
16 Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal,
At sa iyong aklat ay pawang nangasulat,
Kahit na ang mga araw na itinakda sa akin,
Nang wala pang anoman sa kanila,
17 (D)Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios!
Pagka dakila ng kabuoan nila!
18 Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin:
Pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako.

1 Samuel 2:21-25

21 At (A)dinalaw ng Panginoon si Ana, at siya'y naglihi, at nagkaanak ng tatlong lalake at dalawang babae. At ang batang si Samuel ay lumalaki sa harap ng Panginoon.

22 Si Eli nga ay totoong matanda na; at kaniyang nababalitaan ang lahat ng (B)ginagawa ng kaniyang mga anak sa buong Israel, at kung paanong sila'y sumisiping sa mga babae na naglilingkod sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

23 At sinabi niya sa kanila, Bakit ginagawa ninyo ang mga ganiyang bagay? sapagka't aking nababalitaan sa buong bayang ito ang inyong mga masamang kilos.

24 Huwag, mga anak ko; sapagka't hindi mabuting balita ang aking naririnig: inyong pinasasalangsang ang bayan ng Panginoon.

25 Kung ang isang tao ay magkasala laban sa iba, ay hahatulan siya ng (C)Dios; nguni't kung ang isang tao ay magkasala laban sa Panginoon, sino ang mamamagitan sa kaniya? Gayon ma'y hindi nila dininig ang tinig ng kanilang ama, (D)sapagka't inakalang patayin sila ng Panginoon.

Mateo 25:1-13

25 Kung magkagayon ay makakatulad ang kaharian ng langit ng sangpung dalaga, na kinuha ang kanilang mga ilawan, at nagsilabas upang salubungin (A)ang kasintahang lalake.

At ang lima sa kanila'y mga mangmang, at ang lima'y (B)matatalino.

Sapagka't nang dalhin ng mga mangmang ang kanilang mga ilawan, ay hindi sila nangagdala ng langis:

Datapuwa't ang matatalino ay nangagdala ng langis sa kanilang sisidlan na kasama ng kanilang mga ilawan.

Samantalang nagtatagal nga ang kasintahang lalake, ay (C)nangagantok silang lahat at nangakatulog.

Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya.

Nang magkagayo'y nagsipagbangong lahat ang mga dalagang yaon, at pinagigi ang kanilang mga ilawan.

At sinabi ng mga mangmang sa matatalino, Bigyan ninyo kami ng inyong langis; sapagka't nangamamatay ang aming mga ilawan.

Datapuwa't nagsisagot ang matatalino, na nangagsasabi, Baka sakaling hindi magkasiya sa amin at sa inyo: magsiparoon muna kayo sa nangagbibili, at magsibili kayo ng ganang inyo.

10 At samantalang sila'y nagsisiparoon sa pagbili, ay dumating ang kasintahang lalake; at (D)ang mga nahahanda ay nagsipasok na kasama niya sa piging ng kasalan: at (E)inilapat ang pintuan.

11 Pagkatapos ay nagsirating naman ang mga ibang dalaga, na nagsisipagsabi, (F)Panginoon, Panginoon, buksan mo kami.

12 Datapuwa't sumagot siya at sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, (G)Hindi ko kayo nangakikilala.

13 Mangagpuyat nga kayo, (H)sapagka't hindi ninyo nalalaman ang araw ni ang oras.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978