Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 110

Awit ni David.

110 (A)Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon,
Umupo ka (B)sa aking kanan,
(C)Hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
Pararatingin ng Panginoon (D)ang setro ng iyong kalakasan (E)mula sa Sion:
Magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.
Ang bayan mo'y naghahandog na kusa
Sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan:
Mula sa bukang liwayway ng umaga,
Ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan.
(F)Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi,
(G)Ikaw ay (H)saserdote (I)magpakailan man
Ayon sa pagkasaserdote ni (J)Melchisedech.
Ang Panginoon (K)sa iyong kanan ay
Hahampas sa mga hari (L)sa kaarawan ng kaniyang poot.
Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa,
Kaniyang pupunuin ng mga bangkay ang mga pook;
(M)Siya'y manghahampas ng ulo sa maraming lupain.
Siya'y iinom (N)sa batis sa daan:
Kaya't siya'y magtataas ng ulo.

Mga Kawikaan 1:20-33

20 Karunungan ay humihiyaw na malakas sa lansangan;
Kaniyang inilalakas ang kaniyang tinig sa mga luwal na dako;
21 Siya'y humihiyaw sa mga pangulong dako na pinaglilipunan;
Sa pasukan ng mga pintuang-bayan,
Sa bayan, kaniyang binibigkas ang kaniyang mga salita:
22 Hanggang kailan kayong mga musmos, magsisiibig sa inyong kamusmusan?
At ang mga nanunuya ay maliligaya sa panunuya,
At ang mga mangmang ay (A)mangagtatanim sa kaalaman?
23 Magsibalik kayo sa aking saway:
Narito, (B)aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo.
24 (C)Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi:
Aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig;
25 Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo,
At hindi ninyo inibig ang aking saway:
26 (D)Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan:
Ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating;
27 (E)Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo.
At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo;
Pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo.
28 (F)Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot;
Hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan:
29 Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman,
At hindi (G)pinili ang takot sa Panginoon.
30 Ayaw sila ng aking payo;
Kanilang hinamak ang buo kong pagsaway:
31 (H)Kaya't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang sariling lakad,
At mabubusog ng kanilang sariling mga kagagawan.
32 Sapagka't papatayin sila ng pagtalikod ng musmos,
At ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila.
33 Nguni't (I)ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay.
At (J)tatahimik na walang takot sa kasamaan.

Santiago 4:1-10

Saan nagbubuhat ang mga pagbabaka at saan nagbubuhat ang mga pagaaway sa inyo? hindi baga nagbubuhat dito, sa inyong mga (A)kalayawan (B)na bumabaka sa inyong mga sangkap?

Kayo'y nangagiimbot, at kayo'y wala: (C)kayo'y nagsisipatay, at kayo'y nangaiinggit, at hindi maaaring kamtan: kayo'y nangakikipagaway at nangakikipagbaka; kayo'y wala, sapagka't hindi kayo nagsisihingi.

Kayo'y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, (D)sapagka't nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan.

Kayong (E)mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na (F)ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios? (G)Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios.

O iniisip baga ninyo na ang kasulatan ay nagsasalita ng walang kabuluhan? Ang (H)Espiritu baga na pinatira sa atin ay nagnanais hanggang sa kapanaghilian?

Nguni't siya'y nagbibigay ng lalong biyaya. Kaya't sinasabi ng kasulatan, Ang (I)Dios ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.

Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa't magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo.

Magsilapit kayo sa Dios, at siya'y lalapit sa inyo. Mangaglinis kayo ng inyong mga kamay, kayong mga makasalanan; at (J)dalisayin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga (K)may dalawang akala.

Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan.

10 Mangagpakababa kayo (L)sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978