Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core; itinugma sa Alamoth. Awit.
46 Ang Dios ay (A)ating ampunan at kalakasan,
(B)Handang saklolo sa kabagabagan.
2 Kaya't hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago,
At bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat;
3 Bagaman ang tubig niyaon ay magsihugong at mabagabag.
Bagaman ang mga bundok ay mangauga dahil sa unos niyaon. (Selah)
4 (C)May isang ilog, na ang mga agos ay nagpapasaya (D)sa bayan ng Dios.
Sa banal na dako ng mga tabernakulo ng Kataastaasan.
5 (E)Ang Dios ay nasa gitna niya; siya'y hindi makikilos:
Tutulungan siya ng Dios na maaga.
6 Ang mga bansa ay nangagkagulo, ang mga kaharian ay nangakilos:
Inihiyaw niya ang kaniyang tinig, ang lupa ay natunaw.
7 (F)Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin;
Ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan. (Selah)
8 Kayo'y parito, inyong masdan ang mga gawa ng Panginoon,
Kung anong mga kagibaan ang kaniyang ginawa sa lupa.
9 (G)Kaniyang pinapaglilikat ang mga pagdidigma sa wakas ng lupa;
Kaniyang binabali ang busog, at pinuputol ang sibat;
Kaniyang sinusunog ang mga karo sa apoy.
10 Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios:
(H)Ako'y mabubunyi sa gitna ng mga bansa, ako'y mabubunyi sa lupa.
11 Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin;
Ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan.
25 At sila'y sumumpa mula sa Egipto, at naparoon sa lupain ng Canaan, kay Jacob na kanilang ama.
26 At kanilang isinaysay sa kaniya, na sinasabi, Si Jose ay buhay pa, at siya'y puno sa buong lupain ng Egipto. At ang kaniyang puso ay nanglupaypay, sapagka't di niya pinaniwalaan sila.
27 At kanilang isinaysay sa kaniya ang lahat ng salita ni Jose, na kaniyang sinabi sa kanila: (A)nang kaniyang makita ang mga karitong ipinadala ni Jose upang dalhin sa kaniya, ay nagsauli ang diwa ni Jacob na kanilang ama.
28 At sinabi ni Israel, Siya na; si Jose na aking anak ay buhay pa: ako'y paroroon at titingnan ko siya, bago ako mamatay.
Si Jacob at ang kaniyang angkan ay pumunta sa Gosen.
46 At si Israel ay naglakbay na dala ang lahat niyang tinatangkilik, at napasa (B)Beer-seba, at naghandog ng mga hain (C)sa Dios ng kaniyang amang si Isaac.
2 At kinausap ng Dios si Israel (D)sa mga panaginip sa gabi, at sinabi, Jacob, Jacob. At sinabi niya, Narito ako:
3 At kaniyang sinabi, Ako'y Dios, ang Dios (E)ng iyong ama, huwag kang matakot na bumaba sa Egipto: (F)sapagka't doo'y gagawin kitang isang dakilang bansa:
4 (G)Ako'y bababang kasama mo sa Egipto; (H)at tunay na iaahon kita uli, (I)at ipapatong ni Jose ang kaniyang kamay sa iyong mga mata.
5 At bumangon si Jacob mula sa Beer-seba; at dinala ng mga anak ni Israel si Jacob na kanilang ama, at ang kanilang mga bata, at ang kanilang mga asawa, sa mga kariton (J)na ipinadala ni Faraon kay Jacob.
6 At kanilang dinala ang kanilang mga hayop, at ang kanilang mga pagaari na kanilang inimpok sa lupain ng Canaan, at na pasa Egipto, si (K)Jacob at ang buong binhi niya na kasama niya.
7 Ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang mga anak na lalake at babae ng kaniyang mga anak na kasama niya, at ang kaniyang buong binhi ay dinala niyang kasama niya sa Egipto.
33 Datapuwa't sila, nang kanilang marinig ito, ay nangasugatan sa puso, at nangagpasiyang sila'y patayin.
34 Datapuwa't nagtindig sa Sanedrin ang isang Fariseo, na nagngangalang (A)Gamaliel, doktor sa kautusan, na pinapupurihan ng buong bayan, at nagutos na ilabas na sandali ang mga tao.
35 At sinabi niya sa kanila, Kayong mga lalaking taga Israel, ay mangagingat kayo sa inyong sarili tungkol sa mga taong ito, kung ano ang inyong gagawin.
36 Sapagka't bago pa ng mga araw na ito ay lumitaw na si Teudas, na nagsabing siya'y dakila; at sa kaniya'y nakisama ang may apat na raang tao ang bilang: na siya'y pinatay; at ang lahat ng sa kaniya'y nagsisunod, ay pawang nagsipangalat at nangawalang kabuluhan.
37 Pagkatapos ng taong ito ay lumitaw si Judas na taga Galilea nang mga araw ng (B)pagpapasulat, at nakahila siya ng marami sa bayan: siya'y nalipol rin; at ang lahat ng sa kaniya'y nagsisunod ay pawang nagsipangalat.
38 At ngayo'y sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangakialam sa mga taong ito, at pabayaan ninyo sila: sapagka't kung ang pasiyang ito, o ang gawang ito ay sa mga tao, ay mawawasak:
39 Datapuwa't kung sa Dios, ay hindi ninyo maiwawasak; baka pa kayo'y mangasumpungan (C)na nangakikihamok laban sa Dios.
40 At sila'y nagsisangayon sa kaniya: at (D)pagkatawag nila sa mga apostol, ay (E)pinalo nila at ibinala sa kanila na huwag silang mangagsalita sa pangalan ni Jesus, at sila'y pinawalan.
41 Sila nga'y nagsialis sa harapan ng Sanedrin, (F)na nangatutuwang sila'y (G)nangabilang na karapatdapat na mangagbata ng kaalimurahan dahil sa Pangalan.
42 At sa araw-araw, (H)sa templo at sa mga bahay-bahay, ay hindi sila nagsisipagtigil ng pagtuturo at pangangaral, na si Jesus ang siyang Cristo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978