Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 139:1-6

Ang Panginoon ay sumasa lahat at nakaaalam ng lahat. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

139 Oh Panginoon, (A)iyong siniyasat ako, at nakilala ako.
(B)Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig,
(C)Iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo.
Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan,
At iyong kilala ang lahat kong mga lakad.
Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila,
Nguni't, narito, Oh Panginoon, (D)natatalastas mo nang buo.
(E)Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan,
At inilapag mo ang iyong kamay sa akin.
Ang ganyang kaalaman (F)ay totoong kagilagilalas sa akin;
Ito'y mataas, hindi ko maabot.

Mga Awit 139:13-18

13 (A)Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob:
(B)Iyo akong tinakpan sa bahaybata ng aking ina.
14 Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas:
Kagilagilalas ang iyong mga gawa;
At nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.
15 Ang katawan ko'y (C)hindi nakubli sa iyo,
Nang ako'y gawin sa lihim,
At yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.
16 Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal,
At sa iyong aklat ay pawang nangasulat,
Kahit na ang mga araw na itinakda sa akin,
Nang wala pang anoman sa kanila,
17 (D)Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios!
Pagka dakila ng kabuoan nila!
18 Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin:
Pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako.

Mga Hukom 2:16-23

16 At nagbangon ang (A)Panginoon ng mga hukom, na nagligtas sa kanila sa kamay niyaong mga lumoloob sa kanila.

17 At gayon ma'y hindi nila dininig ang kanilang mga hukom: sapagka't sila'y (B)sumamba sa ibang mga dios, at kanilang niyukuran ang mga yaon: sila'y nagpakaligaw na madali sa daan na nilakaran ng kanilang mga magulang, na sumunod ng mga utos ng Panginoon; ngunit hindi sila gumawa ng gayon.

18 At nang ipagbangon sila ng Panginoon ng mga hukom, ang (C)Panginoon ay suma hukom, at iniligtas sila sa kamay ng kanilang mga kaaway sa lahat ng mga araw ng hukom: (D)sapagka't nagsisi ang Panginoon dahil sa kanilang (E)daing, dahil doon sa mga pumighati sa kanila at nagpakalupit sa kanila.

19 (F)Nguni't nangyari pagkamatay ng hukom, na sila'y tumalikod at lalong sumama kay sa kanilang mga magulang sa pagsunod sa ibang mga dios, upang maglingkod sa kanila, at yumukod sa kanila; sila'y hindi naglikat sa kanilang mga gawa, ni sa kanilang tampalasang lakad.

20 At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel; at kaniyang sinabi, Sapagka't sinalangsang ng bansang ito ang aking tipan na aking iniutos sa kanilang mga magulang, at hindi dininig ang aking tinig;

21 (G)Hindi ko na naman palalayasin pa sa harap nila ang sinoman ng mga bansang iniwan ni Josue nang siya'y mamatay;

22 Upang sa (H)pamamagitan nila'y aking (I)masubok ang Israel, kung kanilang susundin o hindi ang daan ng Panginoon upang lakaran nila, na gaya ng inilakad ng kanilang mga magulang.

23 Kaya't iniwan ng Panginoon ang mga bansang yaon, na hindi niya pinalayas silang biglaan; ni ibinigay sila sa kamay ni Josue.

Mga Gawa 13:16-25

16 At nagtindig si Pablo, at ang kamay ay (A)ikinikiya na nagsabi,

Mga lalaking taga Israel, at kayong nangatatakot sa Dios, magsipakinig kayo.

17 (B)Hinirang ng Dios nitong bayang Israel ang ating mga magulang, at pinaunlakan ang bayan nang sila'y nakipamayan sa Egipto, at sa pamamagitan (C)ng taas at unat na kamay ay kaniyang inilabas (D)sila roon.

18 At nang panahong halos (E)apat na pung taon, ay kaniyang binata ang mga kaugalian nila sa ilang.

19 At (F)nang maiwasak na niya ang pitong bansa sa lupaing Canaan, ay ibinigay niya (G)sa kanila ang kanilang lupain na pinakamana, sa loob ng halos apat na raa't limangpung taon:

20 At (H)pagkatapos ng mga bagay na ito ay binigyan niya sila ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta.

21 At pagkatapos ay (I)nagsihingi sila ng hari: at ibinigay ng Dios (J)sa kanila si Saul na anak ni Kis na isang (K)lalake sa angkan ni Benjamin; sa loob ng apat na pung taon.

22 At nang siya'y alisin niya, ay (L)ibinangon niya si David upang maging hari nila; na siya rin namang pinatotohanan niya at sinabi, (M)Nasumpungan ko si David na anak ni Jesse na isang (N)lalaking kinalulugdan ng aking puso, na gagawa ng buong kalooban ko.

23 (O)Sa binhi ng taong ito, (P)ayon sa pangako, ang Dios ay nagkaloob ng isang (Q)Tagapagligtas, na si Jesus;

24 Noong unang ipangaral ni (R)Juan ang bautismo ng pagsisisi sa buong bayang Israel bago siya dumating.

25 At nang ginaganap na ni Juan ang kaniyang katungkulan, ay sinabi niya, (S)Sino baga ako sa inyong akala? Hindi ako siya. Datapuwa't narito, may isang dumarating sa hulihan ko na hindi ako karapatdapat na magkalag ng mga pangyapak ng kaniyang mga paa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978