Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim. Awit ni David.
69 Iligtas mo ako, Oh Dios; Sapagka't (A)ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa.
2 Ako'y lumulubog sa malalim na burak na walang tayuan:
Ako'y lumulubog sa malalim na tubig, na tinatabunan ako ng agos.
3 Ako'y hapo sa aking daing; ang lalamunan ko'y tuyo:
Ang mga mata ko'y nangangalumata habang hinihintay ko ang aking Dios.
4 (B)Silang nangagtatanim sa akin ng walang anomang kadahilanan ay higit kay sa mga buhok ng aking ulo:
Silang ibig maghiwalay sa akin, na mga kaaway kong may kamalian, ay mga makapangyarihan:
(C)Akin ngang isinauli ang hindi ko kinuha.
5 Oh Dios, kilala mo ang kamangmangan ko;
At ang mga kasalanan ko'y hindi lihim sa iyo.
30 Aking pupurihin ng awit ang pangalan ng Dios,
At dadakilain ko siya ng pasalamat.
31 At kalulugdan ng Panginoon na higit kay sa isang baka,
O sa toro na may mga sungay at mga paa.
32 (A)Nakita ng mga maamo, at nangatuwa:
(B)Mabuhay ang puso, ninyong nagsisihanap sa Dios.
33 Sapagka't dinidinig ng Panginoon ang mapagkailangan,
At hindi hinahamak ang kaniyang mga bilanggo.
34 (C)Purihin siya ng langit at lupa,
Ng mga dagat, (D)at ng bawa't bagay na gumagalaw roon.
35 (E)Sapagka't ililigtas ng Dios ang Sion, at itatayo ang mga bayan ng Juda;
At sila'y magsisitahan doon, at tatangkilikin nila na pinakaari.
36 Mamanahin naman ng binhi ng kaniyang mga lingkod;
At silang nagsisiibig ng kaniyang pangalan ay magsisitahan doon.
14 (A)Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang (B)iyong Manunubos ay ang (C)Banal ng Israel.
15 Narito, aking ginawa kang bagong kasangkapang panggiik na matalas na may mga ngipin; iyong gigiikin ang mga bundok, at didikdiking durog, at iyong gagawin ang mga burol na parang ipa.
16 Iyong pahahanginan, (D)at tatangayin ng hangin, at pangangalatin ng ipoipo: at ikaw ay magagalak sa Panginoon, (E)ikaw ay luwalhati sa Banal ng Israel.
17 Ang dukha at mapagkailangan ay humahanap ng tubig, at wala, at ang kanilang dila ay natutuyo dahil sa uhaw; akong Panginoon ay sasagot sa kanila, akong (F)Dios ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila.
18 (G)Ako'y magbubukas ng mga ilog sa mga luwal na kaitaasan, at mga bukal sa gitna ng mga libis: (H)aking gagawin ang ilang na lawa ng tubig, at ang tuyong lupain ay mga bukal ng tubig.
19 Aking itatanim sa ilang ang cedro, ang puno ng acacia, at ang arayan, at ang olivo; aking ilalagay sa ilang ang puno ng abeto, at ang pino, at ang boj na magkakasama:
20 Upang sila'y makakita at makaalam, at makagunita, at makatalos na magkakasama, na ginawa ito ng kamay ng Panginoon, at nilikha ng Banal ng Israel.
29 Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, (A)ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!
30 (B)Ito yaong aking sinasabi, Sa hulihan ko'y dumarating ang isang lalake na magiging una sa akin: sapagka't siya'y una sa akin.
31 At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't upang siya'y mahayag sa Israel, (C)dahil dito'y naparito ako na bumabautismo sa tubig.
32 At nagpatotoo si Juan, na nagsasabi, (D)Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa langit; at dumapo sa kaniya.
33 At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig, ay siyang nagsabi sa akin, Ang makita mong babaan ng Espiritu, at manahan sa kaniya, ay (E)siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo.
34 At aking nakita, at pinatotohanan kong ito (F)ang Anak ng Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978