Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
12 Ano ang aking ibabayad sa Panginoon
Dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?
13 Aking kukunin ang (A)saro ng kaligtasan,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
14 (B)Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.
15 (C)Mahalaga sa paningin ng Panginoon
Ang kamatayan ng kaniyang mga banal.
16 Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod;
Ako'y iyong lingkod, na (D)anak ng iyong lingkod na babae;
Iyong kinalag ang aking mga tali.
17 Aking ihahandog sa iyo ang (E)hain na pasalamat,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
18 Aking babayaran ang mga panata ko (F)sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;
19 Sa mga looban ng bahay ng Panginoon,
Sa gitna mo, Oh Jerusalem.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang pamamanhik sa pagaasawa ni Isaac kay Rebeca.
24 At si Abraham ay matanda na, at lipas na sa panahon: at (A)pinagpala ng Panginoon si Abraham sa lahat ng mga bagay.
2 At (B)sinabi ni Abraham sa kaniyang alilang katiwala, sa pinakamatanda sa kaniyang bahay na (C)namamahala ng lahat niyang tinatangkilik: Ipinamamanhik ko sa iyo na (D)ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita:
3 At ikaw ay aking pasusumpain, alangalang sa Panginoon sa Dios ng langit at Dios ng lupa, (E)na hindi mo papag-aasawahin ang aking anak sa mga anak ng mga Cananeo na siyang aking pinakikitahanan:
4 Kundi ikaw ay (F)paroroon sa aking lupain, at sa aking kamaganakan, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak na si Isaac.
5 At sinabi sa kaniya ng lingkod, Sakaling hindi iibigin ng babae na sumama sa akin sa lupaing ito: dapat ko bang ibalik ang anak mo sa lupaing pinanggalingan mo?
6 At sinabi sa kaniya ni Abraham, Ingatan mong huwag ibalik doon ang aking anak.
7 Ang Panginoon, ang Dios ng langit, (G)na kumuha sa akin sa bahay ng aking ama, at sa lupaing aking tinubuan, at sa akin ay nagsalita, at sa akin ay sumumpa, na nagsasabi, (H)Sa iyong binhi, ibibigay ko ang lupaing ito: ay magsusugo (I)siya ng kaniyang anghel sa unahan mo, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak.
8 At kung ang babae ay ayaw sumama sa iyo, ay (J)maliligtas ka rito sa aking sumpa; huwag mo lamang pabalikin ang aking anak doon.
9 At inilagay ng alilang katiwala ang kaniyang kamay sa ilalim ng hita ni Abraham na kaniyang panginoon, at sumumpa sa kaniya tungkol sa bagay na ito.
35 Ang Moises na ito na kanilang itinakuwil, na sinasabi, Sino ang sa iyo'y naglagay na puno at hukom? ay siyang sinugo ng Dios na maging puno at tagapagligtas (A)sa pamamagitan ng kamay ng anghel na sa kaniya'y napakita sa mababang punong kahoy.
36 Pinatnugutan sila (B)ng taong ito, pagkagawa (C)ng mga kababalaghan at mga tanda sa Egipto, at sa dagat na Pula, at sa ilang sa loob ng apat na pung taon.
37 Ito'y yaong Moises, na nagsabi sa mga anak ni Israel, Palilitawin ng Dios sa inyo ang isang (D)propeta na gaya ko, mula sa inyong mga kapatid.
38 Ito'y yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama (E)ang anghel na nagsalita sa kaniya sa bundok ng Sinai, at kasama ang ating mga magulang: na siyang nagsitanggap (F)ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin:
39 Sa kaniya'y ayaw magsitalima ang ating mga magulang, kundi siya'y kanilang itinakuwil, at sa kanilang mga puso'y nangagbalik sa Egipto,
40 Na sinasabi kay Aaron, (G)Igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin: sapagka't tungkol dito kay Moises, na naglabas sa amin sa lupain ng Egipto, ay hindi namin nalalaman kung ano ang nangyari sa kaniya.
41 At nagsigawa sila nang mga araw na yaon ng isang (H)guyang baka, at nagsipaghandog ng hain sa diosdiosang yaon, at nangatuwa sa mga gawa ng kanilang mga kamay.
42 Datapuwa't tumalikod ang Dios, at (I)sila'y pinabayaang magsisamba sa hukbo ng langit; gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta,
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978