Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Pinalayas si Agar at si Ismael.
8 At lumaki ang sanggol, at inihiwalay sa suso; at nagpiging ng malaki si Abraham ng araw na ihiwalay sa suso si Isaac.
9 At nakita ni Sara ang anak ni Agar na (A)taga Egipto, na ito'y nagkaanak kay Abraham, na tumutuya sa kaniya.
10 Kaya't sinabi niya kay Abraham, (B)Palayasin mo ang aliping ito at ang kaniyang anak: sapagka't hindi magmamana ang anak ng aliping ito na kahati ng aking anak, sa makatuwid baga'y ni Isaac.
11 At ang bagay na ito ay naging lubhang mabigat sa paningin ni Abraham dahil sa kaniyang anak.
12 At sinabi ng Dios kay Abraham, Huwag mong mabigatin ito sa iyong paningin dahil sa iyong alipin; sa lahat na sabihin sa iyo ni Sara, ay makinig ka sa kaniyang tinig, (C)sapagka't kay Isaac tatawagin ang iyong lahi.
13 At ang anak din naman ng alipin ay gagawin kong isang (D)bansa, sapagka't siya'y anak mo.
14 At nagbangong maaga sa kinaumagahan si Abraham, at kumuha ng tinapay at ng isang bangang balat ng tubig, at ibinigay kay Agar, na ipinatong sa kaniyang balikat, at ang bata at siya ay pinapagpaalam, at siya'y nagpaalam at naggala sa ilang ng (E)Beer-seba.
15 At naubos ang tubig sa bangang balat, at kaniyang inilapag ang bata sa ilalim ng isa sa mabababang punong kahoy.
16 At yumaon at naupo sa tapat niya, na ang layo ay isang hilagpos ng pana; sapagka't sinabi niya, Huwag kong makita ang kamatayan ng bata. At naupo sa tapat, at naghihiyaw at umiyak.
17 At narinig ng Dios ang tinig ng bata; at tinawag ng anghel ng Dios si Agar, mula sa langit, at sa kaniya'y sinabi, Naano ka Agar? Huwag kang matakot; sapagka't narinig ng Dios ang tinig ng bata sa kinalalagyan.
18 Magtindig ka, iyong itayo ang bata, at alalayan mo siya ng iyong kamay; sapagka't siya'y gagawin kong isang bansang malaki.
19 At (F)idinilat ng Dios ang kaniyang mga mata, at siya'y nakakita ng isang balon ng tubig; at naparoon at pinuno ng tubig ang bangang balat, at pinainom ang bata.
20 At ang Dios ay sumabata, at siya'y lumaki; at tumahan sa ilang (G)at naging mamamana.
21 At nanahan siya sa ilang ng Paran: at ikinuha siya ng kaniyang ina ng asawa sa lupain ng Egipto.
Dalangin ni David.
86 Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako;
Sapagka't (A)ako'y dukha at mapagkailangan.
2 Ingatan mo ang aking kaluluwa; (B)sapagka't ako'y banal:
Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.
3 (C)Maawa ka sa akin, Oh Panginoon,
Sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw.
4 Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod;
(D)Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa.
5 Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad,
At (E)sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo.
6 (F)Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin;
At pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing.
7 (G)Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo;
Sapagka't iyong sasagutin ako.
8 Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, (H)Oh Panginoon;
Wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa.
9 (I)Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon;
At kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan.
10 Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay:
(J)Ikaw na magisa ang Dios.
16 (A)Oh bumalik ka sa akin, at maawa ka sa akin;
Ibigay mo ang lakas mo sa (B)iyong lingkod.
At iligtas mo ang anak ng iyong lingkod na babae.
17 Pagpakitaan mo ako ng tanda (C)sa ikabubuti:
Upang mangakita nilang nangagtatanim sa akin, at mangapahiya,
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay tumulong sa akin, at umaliw sa akin.
6 Ano nga ang ating sasabihin? (A)Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang (B)ang biyaya ay makapanagana?
2 Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, (C)paano nga tayong mabubuhay pa riyan?
3 O hindi baga ninyo nalalaman na (D)tayong lahat na mga nabautismuhan (E)kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan?
4 Tayo nga'y (F)nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si (G)Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan (H)ng kaluwalhatian ng Ama, ay (I)gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay.
5 Sapagka't (J)kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli;
6 Na nalalaman natin, na ang (K)ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang (L)ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo'y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan;
7 Sapagka't (M)ang namatay ay ligtas na sa kasalanan.
8 Datapuwa't kung tayo'y nangamatay na kalakip ni Cristo, ay (N)naniniwala tayo na mangabubuhay naman tayong kalakip niya;
9 Na nalalaman nating si Cristo na nabuhay na maguli sa mga patay ay hindi na mamamatay; ang kamataya'y hindi naghahari sa kaniya.
10 Sapagka't ang kamatayan na ikinamatay niya, ay kaniyang ikinamatay (O)na minsan (P)sa kasalanan: datapuwa't ang buhay na kaniyang ikinabubuhay, ay kaniyang ikinabubuhay sa Dios.
11 Gayon din naman kayo, ibilang ninyong kayo'y tunay na mga patay na sa kasalanan, nguni't (Q)mga buhay sa Dios kay Cristo Jesus.
24 (A)Hindi mataas ang alagad sa kaniyang guro, ni hindi rin mataas ang alila sa kaniyang panginoon.
25 Sukat na sa alagad ang maging katulad ng kaniyang guro, at sa alila ang maging katulad ng kaniyang panginoon. Kung pinanganlan nilang Beelzebub (B)ang panginoon ng sangbahayan, gaano pa kaya ang mga kasangbahay niya!
26 Huwag nga ninyo silang katakutan: (C)sapagka't walang bagay na natatakpan, na hindi mahahayag; at natatago na hindi malalaman.
27 Ang sinasabi ko sa inyo sa kadiliman, ay sabihin ninyo sa kaliwanagan; at ang narinig ninyo sa bulong, ay inyong ipagsigawan sa mga bubungan.
28 At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa (D)impierno.
29 Hindi baga ipinagbibili ng isang beles ang dalawang maya? at kahit isa sa kanila'y hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahintulot ng inyong Ama:
30 Datapuwa't maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat.
31 Huwag nga kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya.
32 Kaya't ang bawa't kumikilala (E)sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin ko naman (F)siya sa harap ng aking Ama na nasa langit.
33 Datapuwa't (G)sinomang sa aki'y magkaila sa harap ng mga tao, ay ikakaila ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit.
34 Huwag ninyong (H)isiping ako'y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak.
35 Sapagka't ako'y naparito upang papagalitin ang lalake (I)laban sa kaniyang ama, at ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyanang babae:
36 At ang magiging kaaway ng tao ay ang kaniya ring sariling kasangbahay.
37 Ang (J)umiibig sa ama o sa ina ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin; at ang umiibig sa anak na lalake o anak na babae ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin.
38 At (K)ang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin, ay hindi karapatdapat sa akin.
39 Ang nakasusumpong ng kaniyang buhay ay (L)mawawalan nito; at ang mawalan ng buhay dahil sa akin ay makasusumpong niyaon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978