Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 29

Ang tinig ng Panginoon ay nasa malakas na hangin. Awit ni David.

29 Mangagbigay kayo sa Panginoon, (A)Oh kayong mga anak ng makapangyarihan,
Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:
Inyong sambahin ang Panginoon sa (B)kagandahan ng kabanalan.
(C)Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig:
Ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog,
Sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng (D)maraming tubig.
Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan;
Ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan.
Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro;
Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano.
Kaniya namang (E)pinalulukso na gaya ng guya:
Ang Libano at (F)Sirion na gaya ng mailap na guyang baka.
Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon.
Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang:
Niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades.
Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa,
At hinuhubdan ang mga gubat:
At sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: Kaluwalhatian.
10 Ang Panginoon ay (G)naupo sa Baha na parang Hari;
(H)Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man.
11 (I)Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan;
Pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.

Job 39:26-40:5

26 Lumilipad ba ang uwak sa pamamagitan ng inyong karunungan,
At iniuunat ba ang kaniyang mga pakpak sa dakong timugan?
27 Napaiilanglang ba ang agila sa iyong utos,
At gumagawa ba ng kaniyang pugad sa itaas?
28 Sila'y nananahan sa malaking bato, at doon tumitira,
Sa taluktok ng burol at sa katibayan,
29 Mula roo'y tumitingin siya ng madadagit;
Ang kaniyang mga mata ay tumatanaw sa malayo.
30 Ang mga anak naman niya ay nagsisihitit ng dugo:
(A)At kung saan naroon ang pinatay ay naroon siya.

Si Job ay sumailalim ng Panginoon. Ang hamon ng Panginoon.

40 Bukod dito'y sumagot ang Panginoon kay Job, at nagsabi,

(B)Magmamatapang ba siya na makipagtalo sa Makapangyarihan sa lahat?
Siyang nakikipagkatuwiranan sa Dios, ay sagutin niya ito.

Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi,

(C)Narito, ako'y walang kabuluhan; anong isasagot ko sa iyo?
Aking inilalagay (D)ang aking kamay sa aking bibig,
Minsan ay nagsalita ako, at hindi ako sasagot:
Oo, makalawa, nguni't hindi ako magpapatuloy.

Juan 14:25-26

25 Ang mga bagay na ito'y sinalita ko sa inyo, samantalang ako'y tumatahang kasama pa ninyo.

26 Datapuwa't (A)ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y (B)ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, (C)siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978