Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 13

Panalangin ng pagdaing sa panahon ng bagabag. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

13 Hanggang kailan, Oh Panginoon? iyong kalilimutan ako magpakailan man?
(A)Hanggang kailan ikukubli mo ang iyong mukha sa akin?
Hanggang kailan kukuhang payo ako sa aking kaluluwa,
Na may kalumbayan sa aking puso buong araw?
Hanggang kailan magpapakataan ang aking kaaway sa akin?
Iyong bulayin, at sagutin mo ako, Oh Panginoon kong Dios:
(B)Liwanagan mo ang aking mga mata, baka ako'y matulog ng tulog na kamatayan;
(C)Baka sabihin ng aking kaaway,
Ako'y nanaig laban sa kaniya;
Baka ang aking mga kaaway ay mangagalak (D)pagka ako'y nakilos.
Nguni't ako'y tumiwala sa iyong kagandahang-loob.
Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas:
Ako'y aawit sa Panginoon,
(E)Sapagka't ginawan niya ako ng sagana.

Mikas 7:18-20

18 (A)Sino ang Dios na gaya mo, (B)na nagpapatawad ng kasamaan, at pinalalagpas ang pagsalansang ng nalabi sa kaniyang mana? hindi niya pinipigil ang kaniyang galit ng magpakailan man, sapagka't siya'y nalulugod sa kagandahang-loob.

19 Siya'y muling magtataglay ng habag sa atin; (C)kaniyang yayapakan ang ating kasamaan: at kaniyang ihahagis ang lahat nilang kasalanan sa mga kalaliman ng dagat.

20 Iyong isasagawa (D)ang katotohanan kay Jacob, at ang kagandahang-loob kay Abraham, na iyong isinumpa sa aming mga magulang mula sa mga araw nang una.

Galacia 5:2-6

Narito, akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo, (A)na, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabang na anoman kay Cristo.

Oo, pinatotohanan kong muli sa bawa't taong tumatanggap ng pagtutuli, (B)na siya'y may kautangang tumupad ng buong kautusan.

Kayo'y hiwalay kay Cristo, (C)kayong nangagiibig na ariing-ganap ng kautusan; nangahulog kayo mula (D)sa biyaya.

Sapagka't tayo sa pamamagitan ng Espiritu sa pananampalataya ay (E)naghihintay ng pangako ng katuwiran.

Sapagka't (F)kay Cristo Jesus, kahit ang pagtutuli ay walang kabuluhan, kahit man ang di-pagtutuli; (G)kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pagibig.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978