Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 29

Ang tinig ng Panginoon ay nasa malakas na hangin. Awit ni David.

29 Mangagbigay kayo sa Panginoon, (A)Oh kayong mga anak ng makapangyarihan,
Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:
Inyong sambahin ang Panginoon sa (B)kagandahan ng kabanalan.
(C)Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig:
Ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog,
Sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng (D)maraming tubig.
Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan;
Ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan.
Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro;
Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano.
Kaniya namang (E)pinalulukso na gaya ng guya:
Ang Libano at (F)Sirion na gaya ng mailap na guyang baka.
Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon.
Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang:
Niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades.
Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa,
At hinuhubdan ang mga gubat:
At sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: Kaluwalhatian.
10 Ang Panginoon ay (G)naupo sa Baha na parang Hari;
(H)Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man.
11 (I)Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan;
Pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.

Job 39:13-25

13 Ang pakpak ng avestruz ay nagagalak;
Nguni't may kagandahang loob ba ang kanilang mga pakpak at mga balahibo?
14 Sapagka't nagiiwan ng kaniyang mga itlog sa lupa,
At pinaiinit ang mga yaon sa alabok,
15 At kinalilimutang mangapipisa ng paa,
O mangayuyurakan ng mabangis na hayop.
16 (A)Siya'y nagmamatigas laban sa kaniyang mga sisiw na tila hindi kaniya:
Bagaman ang kaniyang gawa ay mawalang kabuluhan, hindi niya ikinatatakot;
17 Sapagka't binawian siya ng Dios ng karunungan,
Ni hindi siya binahaginan ng unawa.
18 Anomang panahon na siya'y napaiitaas,
Hinahamak niya ang kabayo at ang sakay nito.
19 Nagbigay ka ba sa kabayo ng kalakasan?
Binihisan mo ba ang kaniyang leeg ng buhok na gumagalaw?
20 Pinalulukso mo ba siya na parang balang?
Ang kaluwalhatian ng kaniyang bahin ay kakilakilabot.
21 Siya'y kumukutkot sa libis, at nagagalak sa kaniyang kalakasan,
(B)Siya'y sumasagupa sa mga taong may sandata.
22 Tinutuya niya ang takot at hindi nanglulupaypay:
Ni hindi tinatalikuran ang tabak.
23 Ang suksukan ng pana ay tumutunog laban sa kaniya,
Ang makintab na sibat at ang kalasag.
24 Kaniyang sinasakmal ang lupa na may kabangisan at poot;
Ni hindi siya naniniwala na yao'y tunog ng pakakak.
25 Kaniyang sinasabi sa tuwing tutunog ang mga pakakak: Aha!
At kaniyang naaamoy ang pagbabaka sa malayo,
Ang sigaw ng mga kapitan at ang hiyaw.

1 Corinto 12:4-13

Ngayo'y (A)may iba't ibang mga kaloob, datapuwa't (B)iisang Espiritu.

At may (C)iba't ibang mga pangangasiwa, datapuwa't iisang Panginoon.

At may iba't ibang paggawa, datapuwa't iisang (D)Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat.

Datapuwa't sa bawa't isa (E)ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan naman.

Sapagka't sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng (F)karunungan; at sa iba'y ang salita ng (G)kaalaman ayon din sa Espiritu:

Sa iba'y ang (H)pananampalataya, sa gayon ding Espiritu; at sa iba'y ang (I)mga kaloob na pagpapagaling, sa iisang Espiritu.

10 At sa iba'y ang mga paggawa ng mga himala; at sa iba'y hula; at sa iba'y ang (J)pagkilala sa mga espiritu; at sa iba'y ang (K)iba't ibang wika; at sa iba'y ang (L)pagpapaliwanag ng mga wika.

11 Datapuwa't ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa't isa ayon sa kaniyang ibig.

12 Sapagka't (M)kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo.

13 Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, (N)maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay (O)pinainom sa (P)isang Espiritu.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978