Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Panalangin ng pagdaing sa panahon ng bagabag. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
13 Hanggang kailan, Oh Panginoon? iyong kalilimutan ako magpakailan man?
(A)Hanggang kailan ikukubli mo ang iyong mukha sa akin?
2 Hanggang kailan kukuhang payo ako sa aking kaluluwa,
Na may kalumbayan sa aking puso buong araw?
Hanggang kailan magpapakataan ang aking kaaway sa akin?
3 Iyong bulayin, at sagutin mo ako, Oh Panginoon kong Dios:
(B)Liwanagan mo ang aking mga mata, baka ako'y matulog ng tulog na kamatayan;
4 (C)Baka sabihin ng aking kaaway,
Ako'y nanaig laban sa kaniya;
Baka ang aking mga kaaway ay mangagalak (D)pagka ako'y nakilos.
5 Nguni't ako'y tumiwala sa iyong kagandahang-loob.
Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas:
6 Ako'y aawit sa Panginoon,
(E)Sapagka't ginawan niya ako ng sagana.
5 At si Josaphat ay tumayo sa kapisanan ng Juda at Jerusalem, sa bahay ng Panginoon, sa harap ng bagong looban;
6 At kaniyang sinabi, Oh Panginoon, na Dios ng aming mga magulang, (A)di ba ikaw ay Dios sa langit? (B)at di ba ikaw ay puno sa lahat na kaharian ng mga bansa? at nasa iyong kamay ang kapangyarihan at lakas, na anopa't walang makahaharap sa iyo.
7 (C)Di mo ba pinalayas, Oh aming Dios, ang mga nananahan sa lupaing ito sa harap ng iyong bayang Israel, at iyong ibinigay sa binhi ni Abraham na (D)iyong kaibigan magpakailan man?
8 At nagsitahan sila roon at ipinagtayo ka ng santuario roon na ukol sa iyong pangalan, na sinasabi,
9 (E)Kung ang kasamaan ay dumating sa amin, ang tabak ng kahatulan, o salot, o kagutom, kami ay magsisitayo (F)sa harap ng bahay na ito, at sa harap mo, (sapagka't ang (G)iyong pangalan ay nasa bahay na ito,) at kami ay dadaing sa iyo sa aming pagdadalamhati, at kami ay iyong didinggin at ililigtas.
10 At ngayon, narito, ang mga anak ni (H)Ammon at ni Moab, at ng sa bundok ng Seir na (I)hindi mo ipinalusob sa Israel, nang sila'y magsilabas sa lupain ng Egipto, kundi kanilang (J)nilikuan sila, at hindi sila nilipol;
11 Tingnan mo, kung paanong sila'y gumaganti sa amin, na nagsisiparito upang palayasin kami sa (K)iyong pagaari, na iyong ibinigay sa amin upang manahin.
12 Oh aming Dios, hindi mo ba hahatulan sila? sapagka't wala kaming kaya laban sa malaking pulutong na ito na naparirito laban sa amin, ni hindi man nalalaman namin kung anong marapat gawin; nguni't ang aming mga (L)mata ay nasa iyo.
7 Nagsisitakbo kayong mabuti nang una; (A)sino ang gumambala sa inyo upang kayo'y huwag magsisunod sa katotohanan?
8 Ang paghikayat na ito ay hindi nagmula (B)doon sa tumawag sa inyo.
9 Ang kaunting lebadura ay (C)nagpapakumbo sa buong limpak.
10 Ako'y may pagkakatiwala sa inyo sa Panginoon, na hindi kayo nagsipagisip ng ibang paraan: datapuwa't (D)ang gumagambala sa inyo ay magtataglay ng kaniyang kahatulan, maging sinoman siya.
11 Nguni't ako, mga kapatid, (E)kung ipinangangaral ko pa ang pagtutuli, (F)bakit ako'y pinaguusig pa? kung gayon ay natapos (G)na ang katitisuran sa krus.
12 Ibig ko sana na ang mga nagsisigulo sa inyo ay gumawa ng (H)higit sa pagtutuli.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978