Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Dalangin ni David.
86 Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako;
Sapagka't (A)ako'y dukha at mapagkailangan.
2 Ingatan mo ang aking kaluluwa; (B)sapagka't ako'y banal:
Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.
3 (C)Maawa ka sa akin, Oh Panginoon,
Sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw.
4 Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod;
(D)Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa.
5 Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad,
At (E)sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo.
6 (F)Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin;
At pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing.
7 (G)Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo;
Sapagka't iyong sasagutin ako.
8 Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, (H)Oh Panginoon;
Wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa.
9 (I)Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon;
At kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan.
10 Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay:
(J)Ikaw na magisa ang Dios.
43 At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Ito ang tuntunin sa paskua: walang sinomang taga ibang lupa na kakain niyaon:
44 Datapuwa't ang alipin ng bawa't lalake na nabili ng salapi, (A)pagkatuli sa kaniya'y makakakain nga niyaon.
45 (B)Ang nakikipamayan at ang alilang binabayaran ay hindi kakain niyaon.
46 Sa isang bahay kakanin; huwag kang magdadala ng laman sa labas ng bahay, (C)ni sisira kayo ng kahit isang buto niyaon.
47 Ipangingilin ng buong kapisanan ng Israel.
48 At pagka ang isang (D)taga ibang lupa ay makikipamayan kasama mo, at mangingilin ng paskua sa Panginoon, ay tuliin lahat ang kaniyang mga lalake at saka siya lumapit at ipangilin: at siya'y magiging parang ipinanganak sa lupain ninyo; datapuwa't sinomang di tuli ay hindi makakakain niyaon.
49 (E)Isang kautusan magkakaroon sa ipinanganak sa lupain, at sa taga ibang bayan na nakikipamayang kasama ninyo.
5 Sapagka't hindi niya ipinasakop sa mga anghel (A)ang sanglibutang darating, na siya naming isinasaysay.
6 Nguni't pinatunayan ng isa sa isang dako, na sinasabi,
(B)Ano ang tao, upang siya'y iyong alalahanin?
O ang anak ng tao, upang siya'y iyong dalawin?
7 Siya'y ginawa mong mababa ng kaunti kay sa mga anghel;
Siya'y pinutungan mo ng kaluwalhatian at ng karangalan,
At siya'y inilagay mo sa ibabaw ng mga gawa ng iyong mga kamay:
8 Inilagay mo (C)ang lahat ng mga bagay sa pagsuko sa ilalim ng kaniyang mga paa.
Sapagka't nang pasukuin niya ang lahat ng mga bagay sa kaniya, ay wala siyang iniwan na di sumuko sa kaniya. (D)Nguni't ngayon ay hindi pa natin nakikitang sumuko sa kaniya ang lahat ng mga bagay.
9 Kundi nakikita natin ang (E)ginawang mababa ng kaunti kay sa mga anghel, sa makatuwid ay si Jesus, na dahil sa pagbata ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ay (F)lasapin niya ang kamatayan (G)dahil sa bawa't tao.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978