Add parallel Print Page Options

(A)At kaniyang tinanggap sa kanilang kamay, at niyari sa pamamagitan ng isang buril, at ginawang isang guyang binubo, at kanilang sinabi, Ang mga ito ang maging iyong mga dios, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto.

At nang makita ito ni Aaron, ay nagtayo siya ng isang dambana sa harapan niyaon: at (B)itinanyag ni Aaron at sinabi, Bukas ay pista sa Panginoon.

At sila'y bumangong maaga nang kinabukasan, at naghandog ng mga handog na susunugin, at nagdala ng mga handog tungkol sa kapayapaan; (C)at ang bayan ay umupong kumain at uminom, at tumindig upang magkatuwa.

Read full chapter