Old/New Testament
Panalangin upang malupig ang kaaway ng Sion. Awit sa mga Pagsampa.
129 Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa (A)aking kabataan,
(B)Sabihin ngayon ng Israel,
2 Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan:
(C)Gayon ma'y hindi sila nanganaig laban sa akin.
3 Ang mga mangaararo ay nagsiararo (D)sa aking likod;
Kanilang pinahaba ang kanilang bungkal.
4 Ang Panginoon ay matuwid:
Kaniyang pinutol ang mga (E)panali ng masama.
5 Mapahiya sila at magsitalikod,
Silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion.
6 Sila'y maging (F)parang damo sa mga bubungan,
Na natutuyo bago lumaki:
7 Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon,
Ni siyang nagtatali man ng mga bigkis, ang kaniyang sinapupunan.
8 Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan,
(G)Ang pagpapala ng Panginoon, ay sumainyo nawa;
Binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon.
Pagasa sa pagpapatawad ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
130 Mula sa (H)mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.
2 Panginoon, dinggin mo ang aking tinig:
Pakinggan ng iyong mga pakinig
Ang tinig ng aking mga pamanhik.
3 Kung ikaw, Panginoon, (I)magtatanda ng mga kasamaan,
Oh Panginoon, sinong (J)tatayo?
4 Nguni't may (K)kapatawarang taglay ka,
(L)Upang ikaw ay katakutan.
5 (M)Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa,
At (N)sa kaniyang salita ay umaasa ako.
6 Hinihintay ng (O)aking kaluluwa ang Panginoon,
Ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga;
Oo, higit kay sa bantay sa umaga.
7 Oh Israel, (P)umasa ka sa Panginoon;
Sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.
8 (Q)At kaniyang tutubusin ang Israel
Sa lahat niyang kasamaan.
Wagas na pagtitiwala sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni David.
131 Panginoon, hindi hambog ang (R)aking puso, ni mayabang man ang aking mga mata;
(S)Ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay,
O sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin.
2 Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa;
(T)Parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina,
Ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso.
3 (U)Oh Israel, umasa ka sa Panginoon
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
11 (A)Maging taga tulad kayo sa akin, na gaya ko naman kay Cristo.
2 (B)Kayo'y aking pinupuri nga, na sa lahat ng mga bagay ay naaalaala ninyo ako, (C)at iniingatan ninyong matibay ang (D)mga turo, na gaya ng ibinigay ko sa inyo.
3 Datapuwa't ibig ko na inyong maalaman, (E)na ang pangulo ng bawa't lalake ay si Cristo, at (F)ang pangulo ng babae ay ang lalake, at (G)ang pangulo ni Cristo ay ang Dios.
4 Ang bawa't lalaking nanalangin, o (H)nanghuhula na may takip ang ulo, ay niwawalan ng puri ang kaniyang ulo.
5 Datapuwa't ang (I)bawa't babaing nananalangin o nanghuhula na walang lambong ang kaniyang ulo, niwawalan ng puri ang kaniyang ulo; sapagka't gaya rin ng kung kaniyang inahitan.
6 Sapagka't kung ang babae ay walang lambong, ay pagupit naman; nguni't kung (J)kahiyahiya sa babae ang pagupit o paahit, ay maglambong siya.
7 Sapagka't katotohanang ang lalake ay hindi dapat maglambong sa kaniyang ulo, palibhasa'y (K)larawan siya at kaluwalhatian ng Dios: nguni't ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalake.
8 Sapagka't (L)ang lalake ay hindi sa babae; kundi ang babae ay sa lalake:
9 Sapagka't (M)hindi nilalang ang lalake dahil sa babae; kundi ang babae dahil sa lalake;
10 Dahil dito'y nararapat na ang babae ay magkaroon sa kaniyang ulo ng tanda ng kapamahalaan, (N)dahil sa mga anghel.
11 Gayon man, ang babae ay di maaaring walang (O)lalake at ang lalake ay di maaaring walang babae, (P)sa Panginoon.
12 Sapagka't kung paanong ang babae ay sa lalake, gayon din naman ang lalake ay sa pamamagitan ng babae; datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay sa Dios.
13 Hatulan ninyo sa inyo-inyong sarili: nararapat baga na manalangin ang babae sa Dios nang walang lambong?
14 Hindi baga ang katalagahan din ang nagtuturo sa inyo, na kung may mahabang buhok ang lalake, ay mahalay sa kaniya?
15 Datapuwa't kung ang babae ang may mahabang buhok, ay isang kapurihan niya; sapagka't ang buhok sa kaniya'y ibinigay na pangtakip.
16 Datapuwa't kung tila mapagtunggali ang sinoman, walang gayong ugali kami, (Q)ni ang iglesia man ng Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978