M’Cheyne Bible Reading Plan
7 At sinabi ng Panginoon kay Noe, (A)Lumulan ka at ang iyong buong sangbahayan sa sasakyan; (B)sapagka't ikaw ay aking nakitang matuwid sa harap ko sa panahong ito.
2 Sa bawa't malinis na (C)hayop ay kukuha ka ng tigpipito, ng lalake at ng kaniyang babae; at sa mga hayop na hindi malinis ay dalawa, ng lalake at ng kaniyang babae;
3 Gayon din naman sa mga ibon sa himpapawid tigpipito, ng lalake at ng babae; upang ingatang binhing buhay sa ibabaw ng buong lupa.
4 Sapagka't pitong araw pa, at pauulanan ko na ang ibabaw ng lupa ng (D)apat na pung araw at apat na pung gabi, at aking lilipulin ang lahat ng may buhay na aking nilikha sa balat ng lupa.
5 (E)At ginawa ni Noe ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Panginoon.
Pagsakay sa Daong.
6 At may anim na raang taon si Noe nang ang baha ng tubig ay dumagsa sa ibabaw ng lupa.
7 At lumulan sa sasakyan si Noe at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang asawa, at ang mga asawa ng kaniyang mga anak, dahil sa tubig ng baha.
8 Sa mga hayop na malinis, at sa mga hayop na hindi malinis, at sa mga ibon at sa bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa,
9 Ay dalawa't dalawang dumating kay Noe sa sasakyan, na lalake at babae ayon sa iniutos ng Dios kay Noe.
Pagbuhos ng Baha.
10 At nangyari na pagkaraan ng pitong araw, na ang tubig ng baha ay umapaw sa ibabaw ng lupa.
11 Sa ikaanim na raang taon ng buhay ni Noe, nang ikalawang buwan, sa ikalabing pitong araw ng buwan, nang araw ding yaon, ay nangasira ang (F)lahat ng bukal ng lubhang kalaliman, at ang mga (G)durungawan ng langit ay nabuksan.
12 At umulan sa ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi.
13 Nang araw ding yaon, ay lumulan sa sasakyan si Noe, at si Sem, at si Cham, at si Japhet, na mga anak ni Noe, at ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng kaniyang mga anak na kasama nila;
14 Sila, at ang bawa't hayop gubat ayon sa kanikanilang uri, at lahat ng hayop na maamo ayon sa kanikanilang uri, at bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikanilang uri, at bawa't ibon ayon sa kanikanilang uri, lahat ng sarisaring ibon.
15 (H)At nagsidating kay Noe sa sasakyan na dalawa't dalawa, ang lahat ng hayop na may hinga ng buhay.
16 At ang mga nagsilulan, ay lumulang lalake at babae, ng lahat na laman, (I)gaya ng iniutos sa kaniya ng Dios: at kinulong siya ng Panginoon.
17 (J)At tumagal ang baha ng apat na pung araw sa ibabaw ng lupa; at lumaki ang tubig at lumutang ang sasakyan, at nataas sa ibabaw ng lupa.
18 At dumagsa ang tubig at lumaking mainam sa ibabaw ng lupa; at lumutang ang sasakyan sa ibabaw ng tubig.
19 At dumagsang lubha ang tubig sa ibabaw ng lupa: at inapawan ang lahat na mataas na bundok na nasa silong ng buong langit.
20 Labing limang siko ang lalim na idinagsa ng tubig; at inapawan ang mga bundok.
21 (K)At namatay ang lahat ng lamang gumagalaw sa ibabaw ng lupa, ang mga ibon at gayon din ang hayop, at ang hayop gubat, at ang bawa't nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa, at ang bawa't tao.
22 Ang bawa't may (L)hinga ng diwa ng buhay sa kanilang ilong, lahat na nasa lupang tuyo ay namatay.
23 At nilipol ang bawa't may buhay na nasa ibabaw ng lupa, ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; at sila'y nalipol sa lupa: (M)at ang natira lamang, ay si Noe at ang mga kasama niya sa sasakyan.
24 At tumagal ang tubig sa ibabaw ng lupa, ng isang daan at limang pung araw.
7 (A)Huwag kayong magsihatol, (B)upang huwag kayong hatulan.
2 Sapagka't sa hatol na inyong ihahatol, ay hahatulan kayo: (C)at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo.
3 At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng inyong kapatid, nguni't hindi mo pinapansin ang tahilan na nasa iyong sariling mata?
4 O paanong sasabihin mo sa iyong kapatid, Pabayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo; at narito, ang tahilan sa iyong sariling mata?
5 Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata; at kung magkagayo'y makikita mong malinaw ang pag-aalis mo ng puwing sa mata ng iyong kapatid.
6 (D)Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang anomang banal, ni ihagis man ang inyong mga perlas sa harap ng mga baboy, baka yurakan ng kanilang mga paa, at mangagbalik at kayo'y lapain.
7 (E)Magsihingi kayo, (F)at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan:
8 Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.
9 O anong tao sa inyo, ang kung siya'y hingan ng tinapay ng kaniyang anak, ay bato ang ibibigay;
10 O kung hingan siya ng isda, ay bibigyan niya ng ahas?
11 Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang (G)inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa kaniya?
12 Kaya nga (H)lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila: (I)sapagka't ito ang sa kautusan at ang mga propeta.
13 Kayo'y magsipasok sa (J)makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok.
14 Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon.
15 (K)Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila.
16 (L)Sa kanilang mga bunga ay inyong mangakikilala sila. Nakapuputi baga ng mga ubas sa mga tinikan, o ng mga igos sa mga dawagan?
17 Gayon din naman ang bawa't mabuting punong kahoy ay nagbubunga ng mabuti; datapuwa't ang masamang punong kahoy ay nagbubunga ng masama.
18 Hindi maaari na ang mabuting punong kahoy ay magbunga ng masama, at ang masamang punong kahoy ay magbunga ng mabuti.
19 Bawa't punong kahoy (M)na hindi nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa apoy.
20 Kaya't sa kanilang mga bunga ay mangakikilala ninyo sila.
21 (N)Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.
22 Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y (O)nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?
23 At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.
24 Kaya't (P)ang bawa't dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap, ay matutulad sa isang (Q)taong matalino, na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato:
25 At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at hindi nabagsak: sapagka't natatayo sa ibabaw ng bato.
26 At ang bawa't dumirinig ng aking mga salitang ito at hindi ginaganap, ay matutulad sa isang taong mangmang, na itinayo ang kaniyang bahay sa buhanginan:
27 At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at nabagsak: at kakilakilabot ang kaniyang pagkabagsak.
28 At nangyari, na nang matapos na ni Jesus ang mga salitang ito, ay nangatilihan (R)ang mga karamihan sa kaniyang aral:
29 (S)Sapagka't sila'y kaniyang tinuturuang tulad sa may kapamahalaan, at hindi gaya ng kanilang mga eskriba.
Si Ezra ay dumating sa Jerusalem.
7 Pagkatapos nga ng mga bagay na ito, sa paghahari ni (A)Artajerjes (B)na hari sa Persia, si Ezra na anak ni Seraias, na anak ni Azarias, na anak ni Hilcias,
2 Na anak ni Sallum, na anak ni Sadoc, na anak ni Achitob,
3 Na anak ni Amarias, na anak ni Azarias, na anak ni Meraioth,
4 Na anak ni Zeraias, na anak ni Uzzi, na anak ni Bucci,
5 Na anak ni Abisue, na anak ni Phinees, na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron, na pangulong saserdote:
6 Ang Ezra na ito ay yumaon mula sa Babilonia. At (C)siya'y kalihim na bihasa sa kautusan ni Moises, na ibinigay ng Panginoon, ng Dios ng Israel: at tinulutan siya ng hari sa lahat niyang kahilingan, ayon sa (D)kamay ng Panginoon niyang Dios na sumasa kaniya.
7 (E)At nakiahon sa Jerusalem ang ilan sa mga anak ni Israel, at sa mga saserdote, (F)at sa mga Levita, at sa mga mangaawit, at sa mga tagatanod-pinto, at sa mga (G)Nethineo, sa ikapitong taon ni Artajerjes na hari.
8 At siya'y naparoon sa Jerusalem sa ikalimang buwan, na sa ikapitong taon ng hari.
9 Sapagka't sa unang araw ng unang buwan ay nagpasimula siyang umahon mula sa Babilonia, at sa unang araw ng ikalimang buwan ay dumating siya sa Jerusalem, ayon sa mabuting kamay ng kaniyang Dios na sumasa kaniya.
10 Sapagka't inilagak ni Ezra ang kaniyang puso na hanapin ang kautusan ng Panginoon, at upang gawin, at upang (H)magturo sa Israel ng mga palatuntunan at mga kahatulan.
Ang sulat ni Artajerjes kay Ezra.
11 Ito nga ang salin ng sulat na ibinigay ng haring Artajerjes kay Ezra na saserdote, na kalihim, na kalihim sa mga salita ng mga utos ng Panginoon, at ng kaniyang mga palatuntunan sa Israel.
12 Si Artajerjes, na (I)hari ng mga hari, kay Ezra na saserdote, na kalihim sa kautusan ng Dios ng langit, na sakdal at iba pa.
13 Ako'y gumagawa ng pasiya, na silang lahat na sa bayan ng Israel, at ang kanilang mga saserdote at ang mga Levita, sa aking kaharian, na nagakala ng kanilang sariling kusang kalooban na nagsiparoon sa Jerusalem, ay magsisama sa iyo.
14 Yamang ikaw ay sinugo sa ganang hari at ng kaniyang (J)pitong kasangguni, upang magusisa tungkol sa Juda at Jerusalem, ayon sa kautusan ng iyong Dios na nasa iyong kamay;
15 At dalhin ang pilak at ginto na inihandog na kusa ng hari at ng kaniyang mga kasangguni sa Dios ng Israel, na ang tahanan ay nasa Jerusalem.
16 At ang lahat na pilak at ginto na iyong masusumpungan sa buong lalawigan ng Babilonia, pati ng kusang handog ng bayan, at ng mga saserdote, na mga naghahandog na kusa sa bahay ng kanilang Dios na nasa Jerusalem;
17 Kaya't ibibili mo ng buong sikap ang salaping ito ng mga toro, mga lalaking tupa, mga kordero, pati ng mga (K)handog na harina at ng mga (L)handog na inumin ng mga yaon, at iyong ihahandog sa ibabaw ng dambana ng bahay ng inyong Dios na nasa Jerusalem.
18 At anomang akalain mong mabuti at ng iyong mga kapatid na gawin sa labis sa pilak at ginto, gawin ninyo ayon sa kalooban ng inyong Dios.
19 At ang mga sisidlang nabigay sa iyo na ukol sa paglilingkod sa bahay ng iyong Dios, ibigay mo sa harap ng Dios sa Jerusalem.
20 At anomang kakailanganin pa sa bahay ng iyong Dios, na ipagkakailangan mong ibigay, ibigay mo na mula sa bahay ng kayamanan ng hari.
21 At ako, akong si Artajerjes na hari, nagpasiya sa lahat na mga tagaingat-yaman na nasa dako roon ng Ilog, na anomang hingin sa inyo ni Ezra na saserdote, na kalihim sa kautusan ng Dios ng langit, ibigay ng buong sikap,
22 Hanggang isang daang talentong pilak, at hanggang isang daang takal ng trigo, at isang daang bath ng alak at isang daang bath ng langis, at asin na walang tasa.
23 Anomang iniutos ng Dios ng langit, gawing lubos sa bahay ng Dios ng langit; sapagka't bakit magkakaroon ng poot ng Dios laban sa kaharian ng hari at ng kaniyang mga anak?
24 Pinatototohanan din naman namin sa inyo, na tungkol sa sinoman sa mga saserdote at mga Levita, mga mangaawit, mga tagatanod-pinto, mga Nethineo, o mga lingkod sa bahay na ito ng Dios, ay hindi marapat na lapatan sila ng (M)buwis, kabayaran, o upa.
25 At ikaw, Ezra, ayon sa karunungan ng iyong Dios na nasa iyong kamay, maghalal ka ng mga magistrado, at mga hukom, na makakahatol sa buong bayan na nasa dako roon ng Ilog, niyaong lahat na nakatatalos ng mga kautusan ng iyong Dios; at turuan ninyo yaong hindi nakakaalam.
26 At sinomang hindi tumupad ng kautusan ng iyong Dios, at ng kautusan ng hari, gawin sa kaniya ang kahatulan ng buong sikap, maging sa kamatayan, o sa pagtatapon o sa pagsamsam ng mga pagaari, o sa pagkabilanggo.
27 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng ating mga magulang, na naglagak ng ganyang mga bagay na gaya nito sa puso ng hari, na pagandahin ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem:
28 (N)At nagdulot sa akin ng kahabagan sa harap ng hari, at ng kaniyang mga kasangguni, at sa harap ng lahat na may kayang prinsipe ng hari. At ako'y tumibay ayon sa kamay ng Panginoon kong Dios na sumasa akin, at ako'y nagpisan mula sa Israel ng mga pangulong lalake upang magsiahong kasama ko.
7 At sinabi ng dakilang saserdote, Tunay baga ang mga bagay na ito?
2 At sinabi niya, (A)Mga kapatid na lalake at mga magulang, mangakinig kayo: Ang Dios ng kaluwalhatia'y napakita sa ating amang si Abraham, nang siya'y nasa Mesapotamia, (B)bago siya tumahan sa Haran,
3 At sinabi sa kaniya, (C)Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong kamaganakan, at pumaroon ka sa lupaing ituturo ko sa iyo.
4 Nang magkagayo'y (D)umalis siya sa lupain ng mga Caldeo, at tumahan sa Haran: at buhat doon, pagkamatay ng kaniyang ama, ay inilipat siya ng Dios sa lupaing ito, na inyong tinatahanan ngayon:
5 At hindi siya pinamanahan ng anoman doon, kahit mayapakan ng kaniyang paa: (E)at siya'y nangakong yao'y ibibigay na pinakaari sa kaniya, at sa kaniyang binhi pagkatapos niya, nang wala pa siyang anak.
6 At ganito ang sinalita ng Dios, (F)na ang kaniyang binhi ay makikipamayan sa ibang lupain, at kanilang dadalhin sila sa pagkaalipin, at sila'y pahihirapang apat na raang taon.
7 At ang bansang sa kanila'y aalipin ay aking hahatulan, sabi ng Dios: at pagkatapos nito'y magsisialis sila, (G)at paglilingkuran nila ako sa dakong ito.
8 At ibinigay niya sa kaniya ang tipan (H)ng pagtutuli: at sa ganito'y naging anak ni Abraham si Isaac, at ito'y tinuli nang ikawalong araw; at naging anak ni Isaac si Jacob, at naging mga anak ni Jacob ang labingdalawang patriarka.
9 At ang mga patriarka (I)sa udyok ng kainggitan kay Jose, ay ipinagbili siya, upang dalhin sa Egipto; at ang Dios ay sumasa kaniya,
10 At siya'y iniligtas sa lahat ng kaniyang kapighatian, at (J)siya'y binigyan ng ikalulugod at karunungan sa harapan ni Faraon na hari sa Egipto; at siya'y ginawang gobernador sa Egipto at sa buong bahay niya.
11 Dumating nga ang kagutom sa buong Egipto at sa Canaan, at nagkaroon ng malaking kapighatian: at walang nasumpungang pagkain ang ating mga magulang.
12 Datapuwa't nang marinig ni Jacob (K)na may trigo sa Egipto, ay sinugo niyang una ang ating mga magulang.
13 At sa ikalawa'y napakilala si Jose sa kaniyang mga kapatid; at nahayag kay Faraon ang lahi ni Jose.
14 At (L)nagsugo si Jose, at pinaparoon sa kaniya si Jacob, na kaniyang ama, at (M)ang lahat niyang kamaganakan, na pitongpu't limang tao.
15 At lumusong si Jacob sa Egipto; (N)at namatay siya, at ang ating mga magulang.
16 At sila'y (O)inilipat sa Siquem, at inilagay sila sa libingang (P)binili ni Abraham sa mga anak ni Hamor sa Siquem, sa halaga ng pilak.
17 Datapuwa't nang nalalapit na (Q)ang panahon ng pangako, na ginawa ng Dios kay Abraham, (R)ang bayan ay kumapal at dumami sa Egipto,
18 Hanggang sa lumitaw ang ibang hari sa Egipto na hindi nakakikilala kay Jose.
19 Ito rin ay gumamit ng lalang sa ating lahi, at pinahirapan ang ating mga magulang, (S)na ipinatapon ang kani-kanilang mga sanggol upang huwag mangabuhay.
20 Nang panahong yaon, ay (T)ipinanganak si Moises, at siya'y totoong maganda; at siya'y inalagaang tatlong buwan sa bahay ng kaniyang ama:
21 At nang siya'y matapon, ay pinulot siya ng anak na babae ni Faraon, at siya'y inalagaang gaya ng sariling anak niya.
22 At tinuruan si Moises sa lahat ng karunungan ng mga Egipcio: at siya ay makapangyarihan sa kaniyang mga salita at mga gawa.
23 Datapuwa't nang siya'y (U)magaapat na pung taong gulang na, ay tumugtog sa kaniyang puso na dalawin ang kaniyang mga kapatid na mga anak ni Israel.
24 At nang makita niya ang isa sa kanila na inaalipusta, ay kaniyang ipinagsanggalang siya, at ipinaghiganti ang pinipighati, at pinatay ang Egipcio:
25 At ang isip niya'y napagunawa ng kaniyang mga kapatid na ibinigay ng Dios sa kanila ang kaligtasan sa pamamagitan ng kamay niya: datapuwa't hindi nila napagunawa.
26 At nang kinabukasan ay napakita siya sa kanila samantalang sila'y nagaaway, at sila'y ibig sana niyang payapain, na sinasabi, mga Ginoo, kayo'y magkapatid; bakit kayo'y nagaalipustaan?
27 Datapuwa't itinulak siya ng umalipusta sa kaniyang kapuwa tao, na sinasabi, Sino ang naglagay sa iyo na puno at hukom sa amin?
28 Ibig mo bagang ako'y patayin mo, na gaya ng pagkapatay mo kahapon sa Egipcio?
29 At sa salitang ito'y tumakas si Moises, (V)at nakipamayan sa lupain ng Midian, na doo'y nagkaanak siya ng dalawang lalake.
30 At nang maganap ang apat na pung taon, ay napakita sa kaniya (W)ang isang anghel sa ilang ng bundok ng Sinai, sa ningas ng apoy sa isang mababang punong kahoy.
31 At nang makita ito ni Moises, ay nanggilalas sa tanawin; at nang siya'y lumapit upang pagmasdan, ay dumating ang isang tinig ng Panginoon,
32 (X)Ako ang Dios ng iyong mga magulang, ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob. At si Moises ay nanginig at hindi nangahas tumingin.
33 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Alisin mo ang mga pangyapak sa iyong mga paa: sapagka't ang dakong kinatatayuan mo ay lupang banal.
34 Totoong nakita ko ang kapighatian ng aking bayang nasa Egipto, at narinig ko ang kanilang hibik, at ako'y bumaba upang sila'y iligtas: at ngayo'y halika, susuguin kita sa Egipto.
35 Ang Moises na ito na kanilang itinakuwil, na sinasabi, Sino ang sa iyo'y naglagay na puno at hukom? ay siyang sinugo ng Dios na maging puno at tagapagligtas (Y)sa pamamagitan ng kamay ng anghel na sa kaniya'y napakita sa mababang punong kahoy.
36 Pinatnugutan sila (Z)ng taong ito, pagkagawa (AA)ng mga kababalaghan at mga tanda sa Egipto, at sa dagat na Pula, at sa ilang sa loob ng apat na pung taon.
37 Ito'y yaong Moises, na nagsabi sa mga anak ni Israel, Palilitawin ng Dios sa inyo ang isang (AB)propeta na gaya ko, mula sa inyong mga kapatid.
38 Ito'y yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama (AC)ang anghel na nagsalita sa kaniya sa bundok ng Sinai, at kasama ang ating mga magulang: na siyang nagsitanggap (AD)ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin:
39 Sa kaniya'y ayaw magsitalima ang ating mga magulang, kundi siya'y kanilang itinakuwil, at sa kanilang mga puso'y nangagbalik sa Egipto,
40 Na sinasabi kay Aaron, (AE)Igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin: sapagka't tungkol dito kay Moises, na naglabas sa amin sa lupain ng Egipto, ay hindi namin nalalaman kung ano ang nangyari sa kaniya.
41 At nagsigawa sila nang mga araw na yaon ng isang (AF)guyang baka, at nagsipaghandog ng hain sa diosdiosang yaon, at nangatuwa sa mga gawa ng kanilang mga kamay.
42 Datapuwa't tumalikod ang Dios, at (AG)sila'y pinabayaang magsisamba sa hukbo ng langit; gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta,
(AH)Hinandugan baga ninyo ako ng mga hayop na pinatay at mga hain
Na apat na pung taon sa ilang, Oh angkan ni Israel?
43 At dinala ninyo ang tabernakulo ni (AI)Moloc,
At ang bituin ng dios Refan,
Ang mga larawang ginawa ninyo upang inyong sambahin:
At dadalhin ko kayo sa dako pa roon ng Babilonia.
44 Sumaating mga magulang sa ilang (AJ)ang tabernakulo ng patotoo, ayon sa itinakda ng nagsalita kay (AK)Moises, na kaniyang gawin yaon alinsunod sa anyong kaniyang nakita.
45 Na yao'y ipinasok din ng ating mga magulang sa kapanahunang ukol, na kasama ni (AL)Josue nang sila'y magsipasok sa inaari ng mga bansa, na pinalayas ng Dios sa harapan ng ating magulang, hanggang sa mga araw ni David;
46 Na nakasumpong ng biyaya sa paningin ng Dios, at (AM)huminging makasumpong ng isang tahanang ukol sa Dios ni Jacob.
47 Datapuwa't iginawa siya ni Salomon ng isang bahay.
48 (AN)Bagama't ang Kataastaasa'y (AO)hindi tumatahan sa mga bahay na gawa ng mga kamay; gaya ng sinasabi ng propeta,
49 Ang langit ay ang aking luklukan,
(AP)At ang lupa ang tungtungan ng aking mga paa:
Anong anyo ng bahay ang itatayo ninyo sa akin? sabi ng Panginoon:
O anong dako ang aking pahingahan?
50 Hindi baga ginawa ng aking kamay ang lahat ng mga bagay na ito?
51 (AQ)Kayong matitigas ang ulo, at di tuli ang puso't mga tainga, kayo'y laging nagsisisalangsang sa Espiritu Santo: kung ano ang ginawa ng inyong mga magulang, ay gayon din naman ang ginagawa ninyo.
52 Alin sa mga propeta ang (AR)hindi pinagusig ng inyong mga magulang? at kanilang pinatay ang nangagpahayag ng una ng pagdating (AS)ng Matuwid na Ito; na sa kaniya'y kayo ngayon ay nangaging mga tagapagkanulo at mamamatay-tao;
53 Kayo na nagsitanggap ng kautusan ayon (AT)sa pangangasiwa ng mga anghel, at hindi ninyo ginanap.
54 Nang marinig nga nila ang mga bagay na ito, ay nangasugatan sila sa puso, at siya'y pinagngalitan nila ng kanilang mga ngipin.
55 Datapuwa't siya, (AU)palibhasa'y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig (AV)sa kanan ng Dios,
56 At nagsabi, Narito, nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Dios.
57 Datapuwa't sila'y nagsigawan ng malakas na tinig, at nangagtakip ng kanilang mga tainga, at nangagkaisang siya'y dinaluhong;
58 At siya'y kanilang itinapon (AW)sa labas ng bayan, (AX)at binato: at inilagay (AY)ng mga saksi ang kanilang mga damit sa mga paanan ng isang binata na nagngangalang Saulo.
59 At kanilang pinagbatuhanan si Esteban, na tumatawag sa Panginoon at nagsasabi, Panginoong Jesus, (AZ)tanggapin mo ang aking espiritu.
60 At siya'y nanikluhod, at sumigaw ng malakas na tinig, (BA)Panginoon, huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito. At pagkasabi niya nito, ay nakatulog siya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978