M’Cheyne Bible Reading Plan
Pagbalik sa Canaan.
13 At umahon sa Timugan si Abram mula sa Egipto, siya at ang kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang tinatangkilik, at si Lot na kaniyang kasama.
2 At si Abram ay totoong mayaman sa hayop, sa pilak, at sa ginto.
3 At nagpatuloy si Abram ng kaniyang paglalakbay mula sa Timugan hanggang sa Bethel, hanggang sa dakong kinaroroonan noong una ng kaniyang tolda sa pagitan ng Bethel at ng Hai;
4 (A)Sa dako ng dambana na kaniyang ginawa roon nang una: at sinambitla doon ni Abram ang pangalan ng Panginoon.
5 At si Lot man na kinasama ni Abram ay may tupahan at bakahan, at mga tolda.
6 At sila'y hindi makayanan (B)ng lupain, na sila'y manahan na magkasama: sapagka't napakarami ang kanilang pagaari, na ano pa't hindi maaring manirahang magkasama.
Paghiwalay kay Lot.
7 (C)At nagkaroon ng pagtatalo ang mga pastor ng hayop ni Abram at ang mga pastor ng hayop ni Lot; (D)at ang Cananeo at ang Pherezeo ay naninirahan noon sa lupain.
8 At sinabi ni Abram kay Lot, Ipinamamanhik ko sa iyong (E)huwag magkaroon ng pagtatalo, ikaw at ako, at ang mga pastor mo at mga pastor ko; sapagka't tayo'y magkapatid.
9 (F)Di ba ang buong lupain ay nasa harap mo? Humiwalay ka nga sa akin, ipinamamanhik ko sa iyo: kung ikaw ay pasa sa kaliwa, ay pasa sa kanan ako: o kung ikaw ay pasa sa kanan, ay pasa sa kaliwa ako.
10 At itiningin ni Lot ang kaniyang mga mata, at natanaw niya ang buong (G)kapatagan ng Jordan, na pawang patubigan na magaling sa magkabikabila, kung pasa sa (H)Zoar, bago (I)giniba ng Panginoon ang Sodoma at Gomorra, ay gaya ng (J)halamanan ng Panginoon, gaya ng lupain ng Egipto.
11 Kaya't pinili ni Lot sa kaniya ang buong kapatagan ng Jordan; at si Lot ay naglakbay sa silanganan: at sila'y kapuwa naghiwalay.
12 Tumahan si Abram sa lupain ng Canaan; at si Lot ay tumahan sa mga bayan ng kapatagan, at inilipat ang kaniyang tolda hanggang sa Sodoma.
13 (K)Ang mga tao nga sa Sodoma ay masasama at mga makasalanan sa harap ng Panginoon.
14 At sinabi ng Panginoon kay Abram, pagkatapos na makahiwalay si Lot sa kaniya, Itingin mo ngayon ang iyong mga mata, at tumanaw ka mula sa dakong iyong kinalalagyan, sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong kalunuran:
15 Sapagka't ang buong lupaing iyong natatanaw (L)ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi magpakaylan man.
16 (M)At gagawin kong parang alabok ng lupa ang iyong binhi: na ano pa't kung mabibilang ng sinoman ang alabok ng lupa ay mabibilang nga rin ang iyong binhi.
17 Magtindig ka, lakarin mo ang lupain, ang hinabahaba at niluwang-luwang niyan; sapagka't ibibigay ko sa iyo.
18 At binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, at yumaon (N)at tumahan sa mga punong encina ni Mamre na (O)nasa Hebron, at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon.
12 Nang panahong yaon ay (A)naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at (B)nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain.
2 Datapuwa't pagkakita nito ng mga Fariseo, ay sinabi nila sa kaniya, Tingnan mo, ginagawa ng mga alagad mo (C)ang hindi matuwid na gawin sa sabbath.
3 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Hindi baga ninyo nabasa (D)ang ginawa ni David nang siya'y nagutom, at ang mga kasamahan niya;
4 Kung paanong siya'y pumasok sa bahay ng Dios, at kumain siya ng mga (E)tinapay na handog, na hindi matuwid na kanin niya, ni ng mga kasamahan niya, (F)kundi ng mga saserdote lamang?
5 O hindi baga ninyo nabasa (G)sa kautusan, kung papaanong sa mga araw ng sabbath ay niwawalang galang ng mga saserdote sa templo ang sabbath, at hindi nangagkakasala?
6 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo.
7 Datapuwa't kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, (H)Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan.
8 Sapagka't ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath.
9 At siya'y umalis doon at (I)pumasok sa sinagoga nila:
10 At narito, may isang tao na tuyo ang isang kamay. At sa kaniya'y itinanong nila, na sinasabi, (J)Matuwid bagang magpagaling sa araw ng sabbath? upang siya'y kanilang maisumbong.
11 At sinabi niya sa kanila, Sino kaya sa inyo, na kung mayroong isang tupa, na kung mahulog ito sa isang hukay sa araw ng sabbath, ay hindi baga niya aabutin, at hahanguin?
12 Gaano pa nga ang isang tao na may halaga kay sa isang tupa! Kaya't matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng sabbath.
13 Nang magkagayo'y sinabi niya sa lalake, Iunat mo ang iyong kamay. At iniunat niya; at napauling walang sakit, na gaya ng isa.
14 Datapuwa't nagsialis ang mga Fariseo, at nangagpulong laban sa kaniya, kung papaanong siya'y maipapupuksa nila.
15 At pagkahalata nito ni Jesus ay lumayo roon: (K)at siya'y sinundan ng marami; at kaniyang pinagaling silang lahat,
16 At ipinagbilin niya (L)sa kanila, na siya'y huwag nilang ihayag:
17 Upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi,
18 Narito, ang lingkod ko (M)na aking hinirang;
At minamahal ko (N)na kinalulugdan ng aking kaluluwa:
Isasakaniya ko ang aking Espiritu,
At ihahayag niya ang paghuhukom sa mga Gentil.
19 Hindi siya makikipagtalo, ni sisigaw;
Ni maririnig man ng sinoman ang kaniyang tinig sa mga lansangan.
20 Hindi niya babaliin ang tambong gapok,
At hindi papatayin ang timsim na umuusok,
Hanggang sa papagtagumpayin ang paghuhukom.
21 At aasa sa kaniyang pangalan ang mga Gentil.
22 Nang magkagayo'y dinala sa kaniya ang (O)isang inaalihan ng demonio, bulag at pipi, at kaniyang pinagaling, ano pa't ang pipi ay nagsalita at nakakita.
23 At ang buong karamihan ay nangagtaka, at nangagsabi, Ito kaya ang (P)Anak ni David?
24 Datapuwa't nang marinig ito ng mga Fariseo, ay kanilang sinabi, Ang taong ito'y (Q)hindi nagpapalabas ng mga demonio, kundi sa pamamagitan ni Beelzebub na prinsipe ng mga demonio.
25 At (R)pagkaalam niya ng mga iniisip nila, ay sinabi niya sa kanila, (S)Ang bawa't kahariang nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay mawawasak; ang bawa't bayan o bahay na nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay hindi mananatili.
26 At kung pinalalabas ni Satanas si Satanas, siya nababahagi laban sa kaniyang sarili; papaano ngang mananatili ang kaniyang kaharian?
27 At kung sa pamamagitan ni Beelzebub ay nagpapalabas ako ng mga demonio, ang inyong mga anak sa kaninong pamamagitan sila'y pinalalabas? kaya nga sila ang inyong magiging mga hukom.
28 Nguni't kung sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios nagpapalabas ako ng mga demonio, ay dumating nga sa inyo ang kaharian ng Dios.
29 O papaano bagang makapapasok ang sinoman sa bahay ng malakas, at samsamin ang kaniyang mga pag-aari, kung hindi muna gapusin ang malakas? at (T)kung magkagayo'y masasamsaman niya ang kaniyang bahay.
30 (U)Ang hindi sumasa akin ay laban sa akin; at ang hindi nagiimpok na kasama ko ay nagsasambulat.
31 Kaya't sinasabi ko sa inyo, (V)Ang bawa't kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa't ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad.
32 At ang sinomang magsalita ng isang salitang (W)laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa't ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.
33 (X)O pabutihin ninyo ang punong kahoy, at mabuti ang bunga niyaon; o pasamain ninyo ang punong kahoy, at masama ang bunga niyaon: sapagka't ang punong kahoy ay nakikilala sa pamamagitan ng kaniyang bunga.
34 Kayong (Y)lahi ng mga ulupong, papaano kayo na masasama, ay makapagsasalita ng mabubuting bagay? (Z)sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig.
35 Ang mabuting tao sa kaniyang mabuting kayamanan ay kumukuha ng mabubuting bagay: at ang masamang tao sa kaniyang masamang kayamanan ay kumukuha ng masasamang bagay.
36 At sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom.
37 Sapagka't (AA)sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal, at sa iyong mga salita ay hahatulan ka.
38 Nang magkagayo'y nagsisagot sa kaniya ang ilan sa mga eskriba at sa mga Fariseo, na nangagsasabi, (AB)Guro, ibig namin makakita ng isang tanda sa iyo.
39 Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi sa kanila, (AC)Isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng isang tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda kundi ng tanda ng propeta Jonas:
40 Sapagka't (AD)kung paanong si Jonas ay napasa tiyan ng isang balyena na tatlong araw at tatlong gabi; ay gayon ding mapapasa ilalim ng lupa na tatlong araw at tatlong gabi ang Anak ng tao.
41 Magsisitayo sa paghuhukom ang mga tao sa Nineve na kasama ng lahing ito, at ito'y hahatulan: (AE)sapagka't sila'y nagsipagsisi sa pangangaral ni Jonas; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Jonas.
42 (AF)Magbabangon sa paghuhukom ang reina ng timugan na kasama ng lahing ito, at ito'y hahatulan: sapagka't siya'y nanggaling sa mga wakas ng lupa upang pakinggan ang karunungan ni Salomon; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Salomon.
43 Datapuwa't ang karumaldumal na espiritu, kung siya'y (AG)lumabas sa tao, ay lumalakad sa mga dakong walang tubig na humahanap ng kapahingahan, at hindi makasumpong.
44 Kung magkagayo'y sinasabi niya, Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko; at pagdating niya, ay nasusumpungan niyang walang laman, walis na, at nagagayakan.
45 Kung magkagayo'y yumayaon siya, at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong masasama kay sa kaniya, at sila'y nagsisipasok at nagsisitahan doon: (AH)at nagiging lalo pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una. Gayon din ang mangyayari sa masamang lahing ito.
46 Samantalang siya'y nagsasalita pa sa mga karamihan, (AI)narito, ang kaniyang ina at ang (AJ)kaniyang mga kapatid ay nangakatayo sa labas, at ibig nilang siya'y makausap.
47 At may nagsabi sa kaniya, Narito, ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay nangakatayo sa labas, na ibig nilang makausap ka.
48 Nguni't siya'y sumagot at sinabi sa nagsabi sa kaniya, Sino ang aking ina? at sino-sino ang aking mga kapatid?
49 At iniunat niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Narito, ang aking ina at ang aking mga kapatid!
50 Sapagka't (AK)sinomang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, ay siyang aking kapatid na lalake at aking kapatid na babae, at ina.
Dumalaw si Nehemias sa mga Judio sa Jerusalem.
2 At nangyari sa buwan ng (A)Nisan, sa (B)ikadalawang pung taon ni Artajerjes na hari, nang ang alak ay nasa harap niya, na aking (C)kinuha ang alak at ibinigay ko sa hari. Hindi nga ako nalungkot nang una sa kaniyang harapan.
2 At sinabi ng hari sa akin, Bakit ang iyong mukha ay malungkot, dangang wala kang sakit? ito'y dili iba kundi kalungkutan ng puso. Nang magkagayo'y natakot akong mainam.
3 At sinabi ko sa hari, (D)Mabuhay ang hari magpakailan man: bakit ang aking mukha ay hindi malulungkot, kung ang bayan, ang dako ng mga libingan sa aking mga magulang ay giniba, (E)at ang mga pintuang-bayan niyaon ay nasupukan ng apoy?
4 Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa akin, Ano ang iyong hinihiling? Sa gayo'y dumalangin ako sa (F)Dios ng langit.
5 At nagsabi ako sa hari, Kung ikinalulugod ng hari, at kung ang iyong lingkod ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin ay suguin mo ako sa Juda, sa bayan ng libingan sa aking mga magulang, upang aking maitayo.
6 At ang hari ay nagsabi sa akin, (ang reina ay nakaupo naman sa siping niya,) Magiging gaano kalaon ang iyong paglalakbay? at kailan ka babalik? Sa gayo'y nalugod ang hari na suguin ako, at nagtakda ako sa kaniya ng panahon.
7 Bukod dito'y sinabi ko sa hari, Kung ikinalulugod ng hari, bigyan ako ng mga sulat sa mga (G)tagapamahala sa dako roon ng Ilog, upang ako'y kanilang paraanin hanggang sa ako'y dumating sa Juda;
8 At isang sulat kay Asaph na tagapagingat ng gubat ng hari, upang bigyan niya ako ng mga kahoy na magawang mga tahilan sa mga pintuang-daan ng (H)kastillo na nauukol sa bahay, at sa kuta ng bayan at sa bahay na aking papasukan. At pinagkalooban ako ng hari (I)ayon sa mabuting kamay ng aking Dios na sumasa akin.
9 Nang magkagayo'y pumaroon ako sa mga tagapamahala sa dako roon ng Ilog, at ibinigay ko sa kanila ang mga sulat ng hari. Sinugo nga ako ng hari na may kasamang mga punong kawal ng hukbo at mga mangangabayo.
10 At nang mabalitaan ni (J)Sanballat na (K)Horonita, at ni (L)Tobias na lingkod, na Ammonita, ay namanlaw na mainam, sapagka't may naparoong isang lalake (M)upang hanapin ang ikagagaling ng mga anak ni Israel.
11 (N)Sa gayo'y naparoon ako sa Jerusalem, at dumoon akong tatlong araw.
12 At ako'y bumangon sa kinagabihan, ako, at ilang lalake na kasama ko; ni hindi ko man isinaysay sa kanino man kung anong inilagak ng aking Dios sa aking puso na gawin sa ikagagaling ng Jerusalem: wala rin namang anomang hayop na kasama ako, liban sa hayop na aking sinasakyan.
13 At ako'y lumabas ng kinagabihan sa (O)pintuang-bayan ng libis, sa makatuwid baga'y sa dako ng balon ng dragon, at sa pintuang-bayan ng tapunan ng dumi, at minasdan ko ang mga kuta ng Jerusalem, na nangabagsak, at ang mga pintuang-bayan na sinupok ng apoy.
14 Nang magkagayo'y nagpatuloy ako sa (P)pintuang-bayan ng bukal at sa (Q)tangke ng hari: nguni't walang dakong mararaanan ang hayop sa ilalim ko.
15 Nang magkagayo'y namaybay ako ng kinagabihan sa (R)batis, at aking minasdan ang kuta; at ako'y bumalik, at pumasok sa pintuang-bayan ng libis, at sa gayo'y pumihit ako.
16 At hindi naalaman ng mga (S)pinuno kung saan ako naparoon, o kung ano ang ginawa ko; ni hindi ko rin isinaysay sa mga Judio, ni sa mga saserdote man, ni sa mga mahal na tao man, ni sa mga pinuno man, ni sa nalabi man na gumagawa ng gawain.
17 Nang magkagayo'y sinabi ko sa kanila, Inyong nakikita ang masamang kalagayan na kinaroroonan natin, kung paanong ang Jerusalem ay guho at ang mga pintuang-bayan nito ay nasunog sa apoy: kayo'y parito, at ating itayo ang kuta ng Jerusalem, upang tayo'y huwag nang maging (T)kadustaan.
18 At isinaysay ko sa kanila ang (U)kamay ng aking Dios na naging mabuti sa akin, at gayon din ang mga salita ng hari na sinalita niya sa akin. At kanilang sinabi, Magbangon tayo at magtayo. Sa gayo'y kanilang (V)pinalakas ang kanilang mga kamay sa mabuting gawa.
19 Nguni't nang mabalitaan ni Sanballat na Horonita, at ni Tobias na lingkod, na Ammonita, at ni (W)Gesem na taga Arabia, ay kanilang tinawanang mainam kami, at hinamak kami, at sinabi, Ano itong bagay na inyong ginagawa? (X)manghihimagsik ba kayo laban sa hari?
20 Nang magkagayo'y sumagot ako sa kanila, at sinabi ko sa kanila, Ang Dios ng langit, siya ang magpapaginhawa sa amin: kaya't kaming kaniyang mga lingkod ay magbabangon at magtatayo: nguni't (Y)kayo'y walang bahagi, o matuwid man, o alaala man, sa Jerusalem.
12 Nang panahon ngang yaon ay iniunat ni Herodes ang kaniyang mga kamay upang pahirapan ang ilan sa iglesia.
2 At pinatay niya sa tabak si (A)Santiago na kapatid ni Juan.
3 At (B)nang makita niya na ito'y ikinatutuwa ng mga Judio, ay kaniya namang ipinagpatuloy na hulihin si Pedro. At noo'y mga araw ng mga tinapay na walang lebadura.
4 At nang siya'y mahuli na niya, ay kaniyang inilagay siya sa bilangguan at siya'y ibinigay sa apat na (C)tigaapat na kawal upang siya'y bantayan; na inaakalang siya'y iharap sa bayan pagkatapos (D)ng Paskua.
5 Kaya nga't si Pedro ay iningatan sa bilangguan: datapuwa't (E)ang iglesia ay maningas na dumalangin sa Dios patungkol sa kaniya.
6 At nang siya'y malapit nang ilabas ni Herodes, nang gabi ring yaon ay natutulog si Pedro sa gitna ng dalawang kawal, na nagagapos ng dalawang tanikala: at ang mga bantay sa harap ng pintuan ay nangagbabantay ng bilangguan.
7 At narito, tumayo sa tabi niya (F)ang isang anghel ng Panginoon, at lumiwanag ang isang ilaw sa silid na kulungan: at tinapik si Pedro sa tagiliran, at siya'y ginising, na sinasabi, Magbangon kang madali. At nangalaglag ang kaniyang mga tanikala sa kaniyang mga kamay.
8 At sinabi sa kaniya ng anghel, Magbigkis ka, at itali mo ang iyong mga pangyapak. At gayon ang ginawa niya. At sinabi niya sa kaniya. Isuot mo sa iyo ang damit mo, at sumunod ka sa akin.
9 At siya'y lumabas, at sumunod; at hindi niya nalalaman kung tunay ang ginawa ng anghel kundi ang isip niya'y nakakita siya ng isang pangitain.
10 At nang kanilang maraanan na ang una at ang pangalawang bantay, ay nagsirating sila sa pintuang-bakal na patungo sa bayan; (G)na kusang nabuksan sa kanila: at sila'y nagsilabas, at nangagpatuloy sa isang lansangan; at pagdaka'y humiwalay sa kaniya ang anghel.
11 At nang si Pedro ay pagsaulian ng isip, ay kaniyang sinabi, Ngayo'y nalalaman kong sa katotohanan ay sinugo ng Panginoon ang kaniyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes at sa buong pagasa ng bayan ng mga (H)Judio.
12 At nang siya'y makapagnilay na, ay naparoon siya sa bahay ni Maria na ina ni (I)Juan na may pamagat na (J)Marcos; na kinaroroonan ng maraming nangagkakatipon (K)at nagsisipanalangin.
13 At nang siya'y tumuktok sa pintuang-daan, ay lumabas upang sumagot, ang isang dalagang nagngangalang Rode.
14 At nang makilala niya ang tinig ni Pedro, sa tuwa'y hindi niya binuksan ang pintuan, kundi nagtakbo sa loob, ipinagbigay-alam na nakatayo si Pedro sa harap ng pintuan.
15 At kanilang sinabi sa kaniya, Nauulol ka. Datapuwa't buong tiwala niyang pinatunayan na gayon nga. At kanilang sinabi, na (L)yao'y kaniyang anghel.
16 Datapuwa't nanatili si Pedro nang pagtuktok: at nang kanilang buksan, ay nakita nila siya, at sila'y nangamangha.
17 Datapuwa't siya, nang mahudyatan sila ng kaniyang kamay na sila'y tumahimik, ay isinaysay sa kanila kung paanong inilabas siya ng Panginoon sa bilangguan. At sinabi niya, Ipagbigay-alam ninyo ang mga bagay na ito kay (M)Santiago, at sa mga kapatid. At siya'y umalis, at napasa ibang dako.
18 Nang maguumaga na ay hindi kakaunti ang kaguluhang nangyari sa mga kawal, tungkol sa kung anong nangyari kay Pedro.
19 At nang siya'y maipahanap na ni Herodes, at hindi siya nasumpungan, ay siniyasat niya ang mga bantay, at ipinagutos na sila'y patayin. At siya buhat sa Judea ay lumusong sa Cesarea, at doon tumira.
20 At galit na galit nga si Herodes sa mga taga Tiro at taga Sidon: at sila'y nangagkaisang pumaroon sa kaniya, at, nang makaibigan na nila si Blasto na katiwala ng hari, ay kanilang ipinamanhik ang pagkakasundo, sapagka't ang lupain nila'y pinakakain ng lupain ng hari.
21 At isang takdang araw ay nagsuot si Herodes ng damit-hari, at naupo sa (N)luklukan, at sa kanila'y tumalumpati.
22 At ang bayan ay sumigaw, Tinig ng dios, at hindi ng tao.
23 At pagdaka'y sinaktan siya ng isang anghel ng Panginoon, sapagka't hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Dios: at siya'y kinain ng mga uod, at nalagot ang hininga.
24 Datapuwa't lumago (O)ang salita ng Dios at dumami.
25 At nagbalik na galing sa Jerusalem si Bernabe at si Saulo, (P)nang maganap na nila ang kanilang ministerio, na kanilang isinama si (Q)Juan na may pamagat na Marcos.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978