M’Cheyne Bible Reading Plan
Si Abraham at si Cetura.
25 At si Abraham ay nagasawa ng iba, at ang pangalan ay Cetura.
2 At (A)naging anak nito sa kaniya si Zimram at si Joksan, at si Medan, at si Midiam, at si Ishbak, at si Sua.
3 At naging anak ni Joksan si Seba at si Dedan. At ang mga anak na lalake ni Dedan, ay si Assurim at si Letusim, at si Leummim.
4 At ang mga anak ni Midian: si Epha at si Epher, at si Enech, at si Abida, at si Eldaa. Lahat ng ito ay mga anak ni Cetura.
5 (B)At ibinigay ni Abraham ang lahat ng kaniyang tinatangkilik kay Isaac.
6 Datapuwa't ang mga anak ng naging mga babae ni Abraham, ay pinagbibigyan ni Abraham ng mga kaloob; at samantalang nabubuhay pa siya ay (C)mga inilayo niya kay Isaac na kaniyang anak sa dakong silanganan (D)sa lupaing silanganan.
7 At ito ang mga araw ng mga taon ng buhay na ikinabuhay ni Abraham, isang daan at pitong pu't limang taon.
Ang kamatayan ni Abraham.
8 At (E)nalagot ang hininga ni Abraham at namatay sa mabuting katandaan, matanda at puspos ng mga taon; at (F)nalakip sa kaniyang bayan.
9 (G)At inilibing siya ni Isaac at ni Ismael na kaniyang mga anak sa yungib ng Macpela, sa parang ni Ephron, na anak ni Zohar na Hetheo, na nasa tapat ng Mamre;
10 Sa parang na binili ni Abraham sa mga anak ni Heth: (H)doon inilibing si Abraham at si Sara na kaniyang asawa.
11 At nangyari, pagkamatay ni Abraham, na pinagpala ng Dios si Isaac na kaniyang anak; at si Isaac ay nanahan sa tabi ng (I)Beer-lahai-roi.
12 Ang mga ito nga ang sali't saling lahi ni Ismael, anak ni Abraham, (J)na naging anak kay Abraham ni Agar na taga Egipto, na alila ni Sara:
13 (K)At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Ismael, ayon sa kanikaniyang lahi: ang panganay ni Ismael ay si Nabaioth; at si Cedar, at si Adbeel, at si Mibsam,
14 At si Misma, at si Duma, at si Maasa,
15 At si Hadad, at si (L)Tema, si (M)Jetur, si Naphis, at si Cedema:
16 Ito ang mga anak ni Ismael, at ito ang kanikaniyang pangalan, ayon sa kanikaniyang nayon, at ayon sa kanikaniyang hantungan: (N)labing dalawang pangulo ayon sa kanilang bansa.
17 At ito ang mga naging taon ng buhay ni Ismael, isang daan at tatlong pu't pitong taon; (O)at nalagot ang hininga at namatay; at siya'y nalakip sa kaniyang bayan.
18 (P)At nagsisitahan sila mula sa Havila hanggang sa (Q)Shur, na natatapat sa Egipto, kung patutungo sa Asiria; siya'y tumahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid.
19 At ito ang mga sali't saling lahi ni Isaac, na anak ni Abraham: naging anak ni (R)Abraham si Isaac,
20 At si Isaac ay may apat na pung taon, nang siya'y magasawa kay Rebeca, na (S)anak ni Bethuel na taga Siria sa Padan-aram, (T)kapatid na babae ni Laban na taga Siria.
21 At nanalangin si Isaac sa Panginoon dahil sa kaniyang asawa, sapagka't baog; (U)at nadalanginan niya ang Panginoon, at si Rebeca na kaniyang asawa ay naglihi.
22 At nagbubuno ang mga bata sa loob niya; at kaniyang sinabi, Kung ganito'y bakit nabubuhay pa ako? (V)At siya'y yumaong nagsiyasat sa Panginoon.
23 At sinabi sa kaniya ng Panginoon,
Dalawang bansa ay nasa iyong bahay-bata,
At (W)dalawang bayan ay papaghihiwalayin mula sa iyong tiyan:
At ang isang (X)bayan ay magiging malakas kaysa isang bayan;
(Y)At ang matanda ay maglilingkod sa bata.
Panganganak kay Esau at kay Jacob.
24 At nang matupad ang mga araw ng kaniyang kapanganakan, narito't kambal sa kaniyang bahay-bata.
25 At ang unang lumabas ay mapula na (Z)buong katawa'y parang mabalahibong damit; at siya'y pinanganlang Esau.
26 At pagkatapos ay lumabas ang kaniyang kapatid, at ang kaniyang kamay ay (AA)nakakapit sa sakong ni Esau; (AB)at ipinangalan sa kaniya ay Jacob: at si Isaac ay may anim na pung taon na, nang sila'y ipanganak ni Rebeca.
Ipinagbili ni Esau ang kaniyang pagkapanganay.
27 At nagsilaki ang mga bata; (AC)at si Esau ay naging maliksi sa pangangaso, lalake sa parang; at si Jacob ay lalaking tahimik, na tumatahan sa mga tolda.
28 Minamahal nga ni Isaac si Esau, (AD)sapagka't kumakain ng kaniyang pinangangasuhan: (AE)at minamahal ni Rebeca si Jacob.
29 At nagluto si Jacob ng lutuin: at dumating si Esau na galing sa parang, at siya'y nanglalambot:
30 At sinabi ni Esau kay Jacob, Ipinamamanhik ko sa iyo na pakanin mo ako niyaong mapulang lutuin; sapagka't ako'y nanglalambot: kaya't tinawag ang pangalan niya na Edom.
31 At sinabi ni Jacob, Ipagbili mo muna sa akin ang iyong pagkapanganay.
32 At sinabi ni Esau, Narito, ako'y namamatay: at saan ko mapapakinabangan ang pagkapanganay?
33 At sinabi ni Jacob, Isumpa mo muna sa akin; at isinumpa niya sa kaniya: (AF)at kaniyang ipinagbili ang kaniyang pagkapanganay kay Jacob.
34 At binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilutong lentehas; at siya'y kumain, at uminom, at bumangon at yumaon: gayon niwalang halaga ni Esau ang kaniyang pagkapanganay.
24 At (A)lumabas si Jesus sa templo, at (B)payaon sa kaniyang lakad; at nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang sa kaniya'y ipamalas ang mga gusali ng templo.
2 Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito'y walang (C)maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak.
3 At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?
4 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman.
5 Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.
6 At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo (D)na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas.
7 Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako.
8 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.
9 Kung magkagayo'y ibibigay kayo (E)sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan.
10 At kung magkagayo'y maraming (F)mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa't isa, at mangagkakapootan ang isa't isa.
11 At magsisibangon ang (G)maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami.
12 At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.
13 Datapuwa't (H)ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.
14 At (I)ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.
15 Kaya nga pagkakita ninyo (J)ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta (K)Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa),
16 Kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:
17 (L)Ang nasa (M)bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob ng kaniyang bahay:
18 At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal.
19 Datapuwa't sa aba ng nangagdadalang-tao at nangagpapasuso sa mga araw na yaon!
20 At magsipanalangin kayo na huwag mangyari ang pagtakas ninyo sa panahong taginaw, o sa sabbath man:
21 Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.
22 At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamang makaliligtas: datapuwa't dahil sa (N)mga hirang ay paiikliin ang mga araw na yaon.
23 Kung magkagayon, (O)kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan.
24 Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at (P)mga bulaang propeta, at (Q)mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.
25 Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo.
26 Kaya nga kung sa inyo'y kanilang sasabihin, Narito, siya'y nasa ilang; huwag kayong magsilabas: Narito, siya'y nasa mga silid; huwag ninyong paniwalaan.
27 Sapagka't (R)gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
28 (S)Saan man naroon ang bangkay, ay doon mangagkakatipon ang mga uwak.
29 Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim (T)ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit:
30 At kung magkagayo'y (U)lilitaw (V)ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.
31 At (W)susuguin ang kaniyang mga anghel na may matinding (X)pakakak, at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila.
32 Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw;
33 Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.
34 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, (Y)Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.
35 (Z)Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.
36 Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon (AA)walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, (AB)kundi ang Ama lamang.
37 (AC)At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
38 Sapagka't gaya ng mga araw (AD)bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong,
39 At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
40 Kung magkagayo'y sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan:
41 Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan.
42 (AE)Mangagpuyat nga kayo: (AF)sapagka't hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.
43 Datapuwa't (AG)ito'y talastasin ninyo, na kung nalalaman ng puno ng sangbahayan kung anong panahon darating (AH)ang magnanakaw, ay siya'y magpupuyat, at hindi niya pababayaang tibagin ang kaniyang bahay.
44 Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.
45 Sino nga baga (AI)ang aliping tapat at matalino, na pinagkatiwalaan ng kaniyang panginoon sa kaniyang sangbahayan, upang sila'y bigyan ng pagkain sa kapanahunan?
46 Mapalad yaong aliping kung dumating ang kaniyang panginoon, ay maratnan siyang gayon ang kaniyang ginagawa.
47 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na sa kaniya'y ipagkakatiwala (AJ)ang lahat niyang pagaari.
48 Datapuwa't kung ang masamang aliping yaon ay magsabi sa kaniyang puso, Magtatagal ang aking panginoon;
49 At magsimulang bugbugin ang kaniyang mga kapuwa alipin, at makipagkainan at makipaginuman sa mga lasing;
50 Darating ang panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya hinihintay, at oras na hindi niya nalalaman,
51 At siya'y babaakin, at isasama ang kaniyang bahagi (AK)sa mga mapagpaimbabaw: doon na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.
Ang kaarawan ni Assuero.
1 Nangyari nga, sa mga kaarawan ni Assuero, (ito ang Assuero na naghari, mula sa (A)India hanggang sa (B)Etiopia, (C)sa isang daan at dalawang pu't pitong lalawigan:)
2 Na sa mga kaarawang yaon, nang maupo ang haring Assuero sa luklukan ng kaniyang kaharian, na nasa (D)Susan na bahay-hari,
3 Sa ikatlong taon ng kaniyang paghahari, siya'y gumawa ng isang kapistahan sa kaniyang lahat na mga prinsipe, at mga lingkod niya; ang kapangyarihan ng Persia at Media, ang mga mahal na tao at mga prinsipe, ng mga lalawigan ay nangasa harap nga niya:
4 Nang kaniyang ipakita ang mga kayamanan ng kaniyang maluwalhating kaharian at ang karangalan ng kaniyang marilag na kamahalan na malaong araw, na isang daan at walong pung araw.
5 At nang maganap ang mga kaarawang ito, ang hari ay nagdaos ng isang kapistahan sa buong bayan na nangasa Susan na bahay-hari sa mataas at gayon din sa mababa, na pitong araw, sa looban ng (E)halamanan ng bahay ng hari;
6 Na may tabing na kayong puti, verde, at bughaw, na naiipit ng mga panaling mainam na lino at ng kulay ube sa mga singsing na pilak at mga haliging marmol: na ang mga hiligan ay ginto at pilak, sa isang lapag na mapula, at maputi, at madilaw, at maitim na marmol.
7 At sila'y nangagbigay sa kanila ng inumin sa mga sisidlang ginto, (na ang mga sisidlan ay magkakaiba,) at saganang alak hari, ayon sa kasaganaan ng hari.
8 At ang paginom ay ayon sa kautusan; walang pagpilit: sapagka't gayon ibinilin ng hari sa lahat na pinuno ng kaniyang bahay, na kanilang gawin ayon sa kalooban ng bawa't isa.
Hindi dumalo ang reina na si Vasthi.
9 Si Vasthi na reina naman ay nagdaos ng kapistahan sa mga babae sa bahay-hari na ukol sa haring Assuero.
10 Nang ikapitong araw, nang masayahan ang puso ng hari sa pamamagitan ng alak, kaniyang iniutos kay Mehuman, kay Biztha, kay Harbona, kay Bigtha, at kay Abagtha, kay Zetar, at kay Carcas, na pitong kamarero na nangaglilingkod sa harapan ng haring Assuero.
11 Na dalhin si Vasthi na reina na may (F)putong pagkareina sa harap ng hari, upang ipakita sa mga tao at sa mga prinsipe ang kaniyang kagandahan: sapagka't siya'y may magandang anyo.
12 Nguni't ang reinang si Vasthi ay tumanggi na pumaroon sa utos ng hari sa pamamagitan ng mga kamarero: kaya't ang hari ay lubhang naginit, at ang kaniyang galit ay nagalab sa kaniya.
Naalis sa pagkareina si Vasthi.
13 Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa (G)mga pantas na nakakaalam (H)ng mga panahon (sapagka't gayon ang paraan ng hari sa lahat na nakakaalam ng kautusan at ng kahatulan.
14 At ang sumusunod sa kaniya ay si Carsena, si Sethar, si Admatha, si Tharsis, si Meres, si Marsena, at si Memucan, (I)na pitong prinsipe sa Persia at Media, (J)na nangakakita ng mukha ng hari, at nangaupong una sa kaharian,
15 Anong ating gagawin sa reinang si Vasthi ayon sa kautusan, sapagka't hindi niya sinunod ang bilin ng haring Assuero sa pamamagitan ng mga kamarero?
16 At si Memucan ay sumagot sa harap ng hari at ng mga prinsipe: Ang reinang si Vasthi ay hindi lamang sa hari nagkasala, kundi pati sa lahat na prinsipe, at sa lahat ng mga bayan na nangasa lahat na lalawigan ng haring Assuero.
17 Sapagka't ang gawang ito ng reina ay kakalat sa lahat ng babae, upang hamakin ang kanilang mga asawa sa harap ng kanilang mga mata, pagka nabalitaan: Ang haring Assuero ay nagpautos kay Vasthi na reina, na dalhin sa harap niya, nguni't hindi siya naparoon.
18 At sa araw na ito ay lahat na asawa ng mga prinsipe sa Persia at Media, na nangakabalita ng gawang ito ng reina ay mangagsasabi ng gayon sa lahat na prinsipe ng hari. Na anopa't kasasanghian ng maraming pagkahamak at pagkapoot.
19 Kung kalulugdan ng hari, maglabas ng utos hari sa ganang hari, at isulat sa mga kautusan ng mga taga Persia at mga (K)Medo, upang huwag mabago, na si Vasthi ay huwag nang pumaroon sa harap ng haring Assuero; at ibigay ng hari ang kaniyang kalagayang reina sa iba na maigi kay sa kaniya.
20 At pagka ang pasiya ng hari na kaniyang isasagawa ay mahahayag sa lahat niyang kaharian, (sapagka't dakila,) lahat ng babae ay mangagbibigay sa kanilang mga asawa ng karangalan, sa mataas at gayon din sa mababa.
21 At ang sabi ay nakalugod sa hari at sa mga prinsipe; at ginawa ng hari ang ayon sa salita ni Memucan:
22 Sapagka't siya'y nagpadala ng mga sulat sa lahat ng mga lalawigan ng hari, sa bawa't lalawigan, ayon sa sulat noon, at sa bawa't bayan ayon sa kanilang wika, na ang bawa't lalake ay magpupuno sa kaniyang sariling bahay at mahahayag ayon sa wika ng kaniyang bayan.
24 At pagkaraan ng limang araw ay lumusong ang pangulong saserdoteng si (A)Ananias na kasama ang ilang matatanda, at ang isang Tertulo na mananalumpati; at sila'y nangagbigay-alam sa gobernador laban kay Pablo.
2 At nang siya'y tawagin, si Tertulo ay nagpasimulang isakdal siya, na sinasabi,
Yamang dahil sa iyo'y nangagtatamo kami ng malaking kapayapaan, at sa iyong kalinga ay napawi sa bansang ito ang mga kasamaan,
3 Ay tinatanggap namin ito sa lahat ng mga paraan at sa lahat ng mga dako, kagalanggalang na Felix, ng buong pagpapasalamat.
4 Datapuwa't, nang huwag akong makabagabag pa sa iyo, ay ipinamamanhik ko sa iyo na pakinggan mo kami sa iyong kagandahang loob sa ilang mga salita.
5 Sapagka't nangasumpungan namin (B)ang taong ito'y isang taong mapangulo at mapagbangon ng mga paghihimagsik sa gitna ng lahat ng mga Judio sa buong sanglibutan, at namiminuno sa sekta ng mga Nazareno:
6 Na kaniya (C)rin namang pinagsisikapang lapastanganin ang templo: na siya ring dahil ng aming inihuli:[a](D)(E)
8 Na mapagtatalastas mo, sa iyong pagsisiyasat sa kaniya, ang lahat ng mga bagay na ito na laban sa kaniya'y isinasakdal namin.
9 At nakianib naman ang mga Judio sa pagsasakdal, na pinatutunayan na ang mga bagay na ito'y gayon nga.
10 At nang siya'y mahudyatan ng gobernador upang magsalita, si Pablo ay sumagot,
Yamang nalalaman ko na ikaw ay hukom sa loob ng maraming mga taon sa bansang ito, ay masiglang gagawin ko ang aking pagsasanggalang:
11 Sapagka't napagtatalastas mo na (F)wala pang labingdalawang araw buhat nang ako'y umahon sa Jerusalem upang sumamba:
12 At ni hindi nila ako nasumpungan sa (G)templo na nakikipagtalo sa kanino man o kaya'y nanggugulo sa karamihan, ni sa mga sinagoga, ni sa bayan.
13 Ni hindi rin mapatutunayan nila sa iyo ang mga bagay na ngayo'y kanilang isinasakdal laban sa akin.
14 Nguni't ito ang ipinahahayag ko sa iyo, na ayon sa Daan na kanilang tinatawag na sekta, ay gayon ang paglilingkod ko sa Dios ng aming mga magulang, na sinasampalatayanan ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan, at nangasusulat sa mga propeta;
15 Na may pagasa sa Dios, na siya rin namang hinihintay nila, na magkakaroon (H)ng pagkabuhay na maguli ng mga ganap at gayon din ng mga di ganap.
16 Na dahil nga rito'y lagi rin (I)akong nagsasanay upang magkaroon ng isang budhing walang kapaslangan sa Dios at sa mga tao.
17 At nang makaraan nga (J)ang ilang mga taon ay (K)naparito ako upang magdala ng mga limos sa aking bansa, at ng mga hain:
18 Na ganito nila ako nasumpungang (L)pinalinis sa templo, na walang kasamang karamihan, ni wala ring kaguluhan: datapuwa't mayroon doong ilang mga Judiong galing sa Asia—
19 Na dapat magsiparito sa harapan mo, at mangagsakdal, kung may anomang laban sa akin.
20 O kaya'y ang mga tao ring ito ang mangagsabi kung anong masamang gawa ang nasumpungan nila (M)nang ako'y nakatayo sa harapan ng Sanedrin,
21 Maliban na sa isang tinig na ito na (N)aking isinigaw nang nakatayo sa gitna nila, Tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay ako'y pinaghahatulan sa harapan ninyo sa araw na ito.
22 Datapuwa't si Felix, na may lalong ganap nang pagkatalastas tungkol (O)sa Daan, ay ipinagpaliban sila, na sinasabi, Paglusong ni (P)Lisias na pangulong kapitan, ay pasisiyahan ko ang inyong usap.
23 At iniutos niya sa senturion na siya'y tanuran at siya'y pagbigyang-loob; at (Q)huwag ipagbawal sa kanino mang mga kaibigan niya na siya'y paglingkuran.
24 Datapuwa't nang makaraan ang ilang mga araw, si Felix ay dumating na kasama si Drusila, na kaniyang asawa, na isang Judia, at ipinatawag si Pablo, at siya'y pinakinggan tungkol sa pananampalataya kay Cristo Jesus.
25 At samantalang siya'y nagsasalaysay tungkol sa katuwiran, at sa sariling pagpipigil, at sa paghuhukom na darating, ay nangilabot si Felix, at sumagot, Ngayo'y humayo ka; at (R)pagkakaroon ko ng kaukulang panahon ay ipatatawag kita.
26 Kaniyang inaasahan din naman na siya'y bibigyan ni Pablo ng (S)salapi: kaya naman lalong madalas na ipinatatawag siya, at sa kaniya'y nakikipagusap.
27 Datapuwa't nang maganap ang dalawang taon, si Felix ay hinalinhan ni Porcio Festo; at sa pagkaibig ni Felix (T)na siya'y kalugdan ng mga Judio, ay pinabayaan sa mga tanikala si Pablo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978