Add parallel Print Page Options

25 Nguni't ngayon, sinasabi ko, (A)ako'y pasasa-Jerusalem, upang mamahagi sa mga banal.

26 Sapagka't (B)minagaling ng (C)Macedonia at ng Acaya na gumawa ng isang ambagang laan sa mga dukha sa mga banal na nasa Jerusalem.

27 Oo, ito'y kalugodlugod sa kanila; at sila'y may utang na loob sa kanila. (D)Sapagka't kung ang mga Gentil ay naging mga kabahagi sa kanilang mga bagay na ayon sa Espiritu, nararapat naman nilang paglingkuran ang mga yaon sa mga bagay na ayon sa laman.

28 Kung maganap ko nga ito, at aking matatakan na sa kanila (E)ang bungang ito, ay magdaraan ako sa inyong patungo sa Espana.

Read full chapter

16 Ngayon tungkol (A)sa ambagan sa (B)mga banal, ay gawin din naman ninyong gaya ng (C)iniutos ko sa (D)mga iglesia ng (E)Galacia.

Tuwing unang (F)araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, (G)ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang (H)huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.

At pagdating ko, ang sinomang inyong mamagalingin, ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong (I)abuloy sa Jerusalem:

Read full chapter

Na lubhang ipinamamanhik sa amin ang tungkol sa biyayang ito at (A)sa pakikisama (B)sa pangangasiwa ng mga abuloy sa mga banal:

Read full chapter

Sapagka't (A)tungkol sa pangangasiwa ng mga abuloy sa (B)mga banal, ay kalabisan na sa akin ang isulat ko pa.

Read full chapter

12 Sapagka't ang pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay hindi lamang (A)tumatakip sa pangangailangan ng mga banal, kundi naman umaapaw sa pamamagitan ng maraming pagpapasalamat sa Dios;

Read full chapter