Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
Study Bibles + commentaries + Scripture = deeper understanding. Explore Bible Gateway Plus.
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
Understand more as you read. Try Bible Gateway Plus.
  • Read
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • News
  • Explore
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
    • Take a Tour
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
ABTAG1978
Version
Bible Books Bible Books
ABTAG1978
Version
Read
Study
News
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
Print PrintSettingsSettingsShare ShareParallelParallelExpandExpandCollapse

Roma 15  Ang Biblia (1978)

15 (A)Tayo ngang malalakas ay nararapat mangagbata ng (B)kahinaan ng mahihina, at huwag tayong mangagbigay lugod sa ating sarili.

2 Bawa't isa sa atin ay (C)magbigay lugod sa kaniyang kapuwa, sa kaniyang ikabubuti (D)sa ikatitibay.

3 (E)Sapagka't si Cristo man ay hindi nagbigay lugod sa kaniyang sarili; kundi gaya ng nasusulat, (F)Ang mga pagalipusta ng mga nagsisialipusta sa iyo, ay nangahulog sa akin.

4 Sapagka't (G)ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis (H)at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa.

5 Loobin nawa ng Dios ng pagtitiis at paggiliw, (I)na kayo ay magkaisa ng pagiisip sa isa't isa ayon kay Cristo Jesus:

6 Upang kayo na may isang pagiisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo (J)ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo.

7 Sa ganito'y (K)mangagtanggapan kayo, gaya naman ni Cristo na tinanggap kayo sa kaluwalhatian ng Dios.

8 Sapagka't sinasabi ko na (L)si Cristo ay ginawang ministro ng pagtutuli dahil sa katotohanan ng Dios, (M)upang kaniyang mapagtibay ang mga pangakong ibinigay sa mga magulang,

9 At upang ang mga Gentil ay makaluwalhati sa Dios dahil sa kaniyang kahabagan; gaya ng nasusulat,

(N)Kaya nga't ikaw ay aking pupurihin sa gitna ng mga Gentil.
At aawit ako sa iyong pangalan.

10 At muling sinasabi niya,

(O)Makigalak kayo, kayong mga Gentil, sa kaniyang bayan.

11 At muli,

(P)Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga Gentil;
At purihin siya ng lahat ng mga bayan.

12 At muli, sinasabi ni Isaias,

(Q)Magkakaroon ng ugat kay Jesse,
At siya'y lilitaw upang maghari sa mga Gentil;
Ay sa kaniya magsisiasa ang mga Gentil.

13 Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

14 (R)At ako naman sa aking sarili ay naniniwalang lubos tungkol sa inyo mga kapatid ko, na kayo naman ay mangapuspos ng kabutihan, pinuspos ng lahat ng kaalaman, na ano pa't makapagpapaalaala naman kayo sa isa't isa.

15 Nguni't sinulatan ko kayo na may dakilang kalayaan na bilang pagpapaalaala sa inyo, dahil sa (S)biyaya na sa akin ay ibinigay ng Dios,

16 (T)Upang ako'y maging ministro ni Cristo Jesus sa mga Gentil, na nangangasiwa sa evangelio ng Dios, upang ang mga Gentil ay maging (U)kalugodlugod na handog, palibhasa'y pinapaging banal ng Espiritu Santo.

17 Mayroon nga akong ipinagmamapuri kay Cristo Jesus sa mga bagay na nauukol sa Dios.

18 Sapagka't hindi ako nangangahas magsalita ng anomang mga bagay, (V)maliban na sa mga ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko, (W)sa pagtalima ng mga Gentil, sa salita at sa gawa,

19 Sa bisa ng mga tanda (X)at ng mga kababalaghan, sa kapangyarihan ng Espiritu ng Dios; ano pa't buhat sa Jerusalem, at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico, ay aking ipinangaral na lubos ang evangelio ni Cristo;

20 Aking nilayon na maipangaral ang evangelio, hindi doon sa napagbalitaan na kay Cristo, (Y)upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba;

21 Kundi, gaya ng nasusulat,

(Z)Makakakita silang mga hindi dinatnan ng mga balita tungkol sa kaniya,
At silang hindi nangakapakinig, ay mangakakatalastas.

22 Kaya't madalas namang (AA)napigil ako ng pagpariyan sa inyo:

23 Datapuwa't ngayon, na wala nang dako sa mga (AB)lupaing ito, (AC)at malaon nang panahong ako'y may nasang pumariyan sa inyo,

24 Pagparoon ko sa Espana ay paririyan ako (sapagka't inaasahan kong makikita ko kayo sa aking paglalakbay, (AD)at ako'y sasamahan ninyo patungo doon, pagkatapos na magkamit ng kaunting kasiyahan sa pakikisama sa inyo)—

25 Nguni't ngayon, sinasabi ko, (AE)ako'y pasasa-Jerusalem, upang mamahagi sa mga banal.

26 Sapagka't (AF)minagaling ng (AG)Macedonia at ng Acaya na gumawa ng isang ambagang laan sa mga dukha sa mga banal na nasa Jerusalem.

27 Oo, ito'y kalugodlugod sa kanila; at sila'y may utang na loob sa kanila. (AH)Sapagka't kung ang mga Gentil ay naging mga kabahagi sa kanilang mga bagay na ayon sa Espiritu, nararapat naman nilang paglingkuran ang mga yaon sa mga bagay na ayon sa laman.

28 Kung maganap ko nga ito, at aking matatakan na sa kanila (AI)ang bungang ito, ay magdaraan ako sa inyong patungo sa Espana.

29 At nalalaman ko (AJ)na, pagpariyan ko sa inyo, ay darating akong puspos ng pagpapala ng evangelio ni Cristo.

30 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, alangalang sa Panginoon nating Jesucristo, at sa pagibig ng Espiritu, (AK)na kayo'y makipagsikap na kasama ko sa inyong mga pananalangin sa Dios patungkol sa akin;

31 Upang ako'y maligtas (AL)sa mga hindi nagsisisampalataya na nangasa Judea, at nang ang aking pamamahagi sa Jerusalem ay maging (AM)kalugodlugod sa mga banal;

32 Upang (AN)sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ako'y makarating sa inyo na may kagalakan, at ako'y makipamahinga sa inyo.

33 Ngayon (AO)ang Dios ng kapayapaan ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.

Cross references

  1. 15:1 : Gal. 6:1; 1 Tes. 5:14.
  2. 15:1 : Rom. 14:1.
  3. 15:2 : 1 Cor. 10:33.
  4. 15:2 : Rom. 14:19.
  5. 15:3 : Fil. 2:5.
  6. 15:3 : Awit 69:9.
  7. 15:4 : Rom. 4:23, 24; 1 Cor. 9:9, 10; 10:6; 2 Tim. 3:16, 17.
  8. 15:4 : Awit 119:50.
  9. 15:5 : Rom. 12:16.
  10. 15:6 : 2 Cor. 1:3; 11:31; Ef. 1:3.
  11. 15:7 : Rom. 14:1, 3.
  12. 15:8 : Mat. 15:24.
  13. 15:8 : 2 Cor. 1:20.
  14. 15:9 : 2 Sam. 22:50; Awit 18:49.
  15. 15:10 : Deut. 32:43.
  16. 15:11 : Awit 117:1.
  17. 15:12 : Is. 11:10.
  18. 15:14 : 2 Ped. 1:12; 1 Juan 2:21.
  19. 15:15 : Rom. 1:5.
  20. 15:16 : Gawa 9:15; Rom. 11:13.
  21. 15:16 : tal. 31; 2 Cor. 8:12.
  22. 15:18 : Gawa 15:12; 21:19; Gal. 2:8.
  23. 15:18 : Rom. 1:5; 16:26.
  24. 15:19 : Gawa 19:11.
  25. 15:20 : 1 Cor. 3:10; 2 Cor. 10:13, 15, 16.
  26. 15:21 : Is. 52:15.
  27. 15:22 : 1 Tes. 2:18.
  28. 15:23 : 2 Cor. 11:10.
  29. 15:23 : tal. 32; Gawa 19:21; Rom. 1:11.
  30. 15:24 : Gawa 15:3.
  31. 15:25 : Gawa 19:21; 20:3, 22; 24:17.
  32. 15:26 : Gawa 24:17; 2 Cor. 9:2.
  33. 15:26 : Gawa 19:21; 1 Tes. 1:7, 8.
  34. 15:27 : Rom. 11:17; 1 Cor. 9:11.
  35. 15:28 : Rom. 1:13.
  36. 15:29 : Rom. 1:11.
  37. 15:30 : 2 Cor. 1:11; Col. 4:12.
  38. 15:31 : Gawa 20:22, 23; 2 Cor. 1:10; 2 Tes. 3:2.
  39. 15:31 : tal. 16.
  40. 15:32 : Rom. 1:10.
  41. 15:33 : Rom. 16:20; Fil. 4:9; 1 Tes. 5:23.
Next
Roma 14
Roma 16
Next
dropdown
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway