Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Genesis 23

Ang pagkamatay ni Sara.

23 At ang buhay ni Sara ay tumagal ng isang daan at dalawang pu't pitong taon: ito ang naging mga taon ng buhay ni Sara.

At namatay si Sara (A)sa Kiriatharba (na siyang (B)Hebron), sa lupain ng Canaan: at naparoon si Abraham na ipinagluksa si Sara at iniyakan.

At tumindig si Abraham sa harap ng kaniyang patay, at nagsalita sa mga anak ni Heth, na sinasabi,

(C)Ako'y tagaibang bayan at nakikipamayan sa inyo: bigyan ninyo ako ng isang pagaaring libingan sa gitna ninyo, upang aking ilibing ang aking patay, na malingid sa aking paningin.

At ang mga anak ni Heth ay sumagot kay Abraham, na nagsasabi sa kaniya,

Dinggin mo kami, panginoon ko: ikaw ay prinsipe ng Dios sa gitna namin: sa pinakahirang sa aming mga libingan ay ilibing mo ang iyong patay; wala sa amin na magkakait sa iyo ng kaniyang libingan, upang paglibingan ng iyong patay.

At tumindig si Abraham, at yumukod sa bayan ng lupain, sa mga anak nga ni Heth.

Pagbili ng Parang sa Macpela.

At nakiusap sa kanila, na sinasabi, Kung kalooban ninyo na aking ilibing ang aking patay na malingid sa aking paningin, ay dinggin ninyo ako, at pamagitanan ninyo ako kay Ephron, na anak ni Zohar,

Upang ibigay niya sa akin ang yungib ng Macpela, na kaniyang inaari, na nasa hangganan ng kaniyang parang; sa tapat na halaga ay ibigay niya sa akin, upang maging pagaaring libingan sa gitna ninyo.

10 Si Ephron nga ay nakaupo sa gitna ng mga anak ni Heth: at sumagot si Ephron na Hetheo kay Abraham, sa harap ng mga anak ni Heth, na naririnig ng lahat na (D)pumapasok sa pintuan ng bayan, na sinasabi,

11 Hindi, panginoon ko, dinggin mo ako: ang parang ay ibinibigay ko sa iyo, at ang yungib na naroroon ay ibinibigay ko sa iyo; sa harap ng mga anak ng aking bayan, ay ibinigay ko sa iyo: ilibing mo ang iyong patay.

12 At si Abraham ay yumukod sa harapan ng bayan ng lupain.

13 At nagsalita kay Ephron sa harap ng bayan ng lupain, na sinasabi, Maanong ako lamang ay iyong pakinggan: ibibigay ko sa iyo ang halaga ng parang; tanggapin mo sa akin, at ililibing ko roon ang aking patay.

14 At sumagot si Ephron kay Abraham, na sinasabi sa kaniya,

15 Panginoon ko, dinggin mo ako: isang putol ng lupa na ang halaga'y apat na raang (E)siklong[a] pilak: gaano sa akin at sa iyo? ilibing mo nga ang iyong patay.

16 At dininig ni Abraham si Ephron; (F)at tinimbang ni Abraham kay Ephron ang salaping sinabi, sa harap ng mga anak ni Heth, apat na raang siklong pilak, na karaniwang salapi ng mga mangangalakal.

Ang libing ni Sara.

17 (G)Kaya't ang parang ni Ephron na nasa Macpela, na nasa tapat ng Mamre, ang parang at ang yungib na nandoon, at ang lahat ng mga punong kahoy na nasa parang na yaon, na ang nasa buong hangganan niyaon sa palibot, ay pinagtibay

18 Kay Abraham na pagaari sa harap ng mga anak ni Heth, sa harapan ng lahat ng nagsisipasok sa pintuang-daan ng kaniyang bayan.

19 At pagkatapos nito ay inilibing ni Abraham si Sara na kaniyang asawa sa yungib ng parang sa Macpela sa tapat ng Mamre (na siyang Hebron) sa lupain ng Canaan.

20 At (H)ang parang at ang yungib na naroroon, ay pinagtibay kay Abraham ng mga anak ni Heth, na pagaaring libingan niya.

Mateo 22

22 At sumagot si Jesus at muling pinagsalitaan (A)sila sa mga talinghaga, na sinasabi,

Tulad ang kaharian ng langit sa isang hari na naghanda ng (B)piging ng kasalan ng kaniyang anak na lalake,

At sinugo ang kaniyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan sa piging ng kasalan: at sila'y ayaw magsidalo.

Muling nagsugo siya sa ibang mga alipin, na sinasabi, Sabihin ninyo sa mga inanyayahan, Narito, inihanda ko na ang aking piging; pinatay ko ang aking mga baka at mga hayop na matataba, at ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na: magsiparito kayo sa piging ng kasalan.

Datapuwa't hindi nila pinansin, at sila'y nagsiyaon sa kanilang lakad, ang isa'y sa kaniyang sariling bukid, ang isa'y sa kaniyang mga kalakal;

At hinawakan ng mga iba ang kaniyang mga alipin, at sila'y dinuwahagi, at pinagpapatay.

Datapuwa't ang hari ay nagalit; at sinugo ang kaniyang mga hukbo, at pinuksa ang mga mamamataytaong yaon, at sinunog ang kanilang bayan.

Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alipin, Nahahanda ang kasalan, nguni't hindi (C)karapatdapat ang mga inanyayahan.

Magsiparoon nga kayo sa mga likuang lansangan, at anyayahan ninyo sa piging ng kasalan ang lahat ninyong mangasumpungan.

10 At nagsilabas ang mga aliping yaon sa mga lansangan, at kanilang tinipon ang lahat nilang nangasumpungan, (D)masasama at mabubuti: at napuno ng mga panauhin ang kasalan.

11 Datapuwa't pagpasok ng hari upang tingnan ang mga panauhin, ay doo'y nakita niya ang isang tao na (E)hindi nararamtan ng damit-kasalan:

12 At sinabi niya sa kaniya, Kaibigan, ano't pumasok ka rito na walang damit-kasalan? At siya'y naumid.

13 Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa mga naglilingkod, Gapusin ninyo ang mga paa at mga kamay niya, at itapon ninyo siya sa kadiliman sa labas; (F)diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.

14 Sapagka't (G)marami ang mga tinawag, datapuwa't kakaunti ang mga nahirang.

15 Nang magkagayo'y nagsialis ang mga Fariseo, (H)at nangagsanggunian sila kung paano kayang mahuhuli nila siya sa kaniyang pananalita.

16 At sinugo nila sa kaniya ang kanilang mga alagad, na kasama ng mga (I)Herodiano, na nagsisipagsabi, Guro, nalalaman naming ikaw ay totoo, at itinuturo mong may katotohanan ang daan ng Dios, at hindi ka nangingimi kanino man: sapagka't hindi ka nagtatangi ng tao.

17 Sabihin mo nga sa amin, Ano sa akala mo? Matuwid bagang bumuwis (J)kay Cesar, o hindi?

18 Datapuwa't napagkikilala ni Jesus ang kanilang kasamaan, at sinabi sa kanila, Bakit ninyo ako tinutukso, kayong mga mapagpaimbabaw?

19 Ipakita ninyo sa akin ang salaping pangbuwis. At dinala nila sa kaniya ang isang denario.

20 At sinabi niya sa kanila, Kanino ang larawang ito at ang nasusulat?

21 Sinabi nila sa kaniya, Kay Cesar. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Kaya't (K)ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar; at sa Dios ang sa Dios.

22 At pagkarinig nila nito ay nagsipanggilalas sila, at siya'y iniwan, at nagsiyaon.

23 Nang araw na yaon ay nagsilapit sa kaniya ang mga (L)Saduceo, na nangagsasabing walang pagkabuhay na maguli: at siya'y kanilang tinanong,

24 Na sinasabi, Guro, sinabi ni Moises, (M)Kung mamatay na walang mga anak ang isang lalake, ay magasawa ang kaniyang kapatid na lalake sa asawa niya, at magkakaanak sa kaniyang kapatid na lalake.

25 Nagkaroon nga sa amin ng pitong magkakapatid na lalake: at nagasawa ang panganay at namatay, at sapagka't hindi siya nagkaanak ay iniwan niya ang kaniyang asawa sa kaniyang kapatid na lalake;

26 Gayon din naman ang nangyari sa pangalawa, at sa pangatlo, hanggang sa ikapito.

27 At sa kahulihulihan nilang lahat, ay namatay ang babae.

28 Sa pagkabuhay ngang maguli sino kaya doon sa pito ang magiging asawa? sapagka't siya'y naging asawa nilang lahat.

29 Nguni't sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Nangagkakamali kayo, (N)sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ni ng kapangyarihan man ng Dios.

30 Sapagka't sa pagkabuhay na maguli ay hindi na mangagaasawa, ni mga papagaasawahin pa, kundi (O)gaya ng mga anghel sa langit.

31 Datapuwa't tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay, hindi baga ninyo nabasa ang sinalita sa inyo ng Dios, na nagsasabi,

32 Ako ang Dios ni Abraham, (P)at ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob? Ang Dios ay hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay.

33 At nang marinig ito ng karamihan ay (Q)nangagtaka sa kaniyang aral.

34 Datapuwa't nang marinig ng mga Fariseo na kaniyang napatahimik ang mga Saduceo, ay nangagkatipon sila.

35 At isa sa kanila, na (R)tagapagtanggol ng kautusan, ay tinanong siya ng isang tanong, upang siya'y tuksuhin:

36 Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan?

37 At sinabi sa kaniya, (S)Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo.

38 Ito ang dakila at pangunang utos.

39 At ang pangalawang katulad ay ito, (T)Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

40 Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.

41 Habang nangagkakatipon nga ang mga Fariseo, ay tinanong sila ni (U)Jesus ng isang tanong,

42 Na sinasabi, Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya? Sinabi nila sa kaniya, (V)kay David.

43 Sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y bakit tinatawag siya ni David na Panginoon, sa espiritu, na nagsasabi,

44 Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
(W)Maupo ka sa aking kanan,
Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa?

45 Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya'y kaniyang anak?

46 At wala sinomang nakasagot sa kaniya ng isang salita, (X)ni wala sinomang nangahas buhat sa araw na yaon na tumanong pa sa kaniya ng anomang mga tanong.

Nehemias 12

Mga saserdote at Levita na dumating na kasama ni Zorobabel.

12 Ang mga ito nga ang mga (A)saserdote at ang mga Levita na nagsisampa na kasama ni Zorobabel na anak ni Sealthiel, at ni Jesua: si Seraias, si Jeremias, si Ezra;

Si Amarias; si Malluch, si Hartus;

Si Sechanias, si Rehum, si Meremoth;

Si Iddo, si (B)Ginetho, si Abias;

Si Miamin, si Maadias, si Bilga;

Si Semaias, at si Joiarib, si Jedaias;

Si Sallum, si Amoc, si Hilcias, si Jedaias. Ang mga ito'y ang mga pinuno sa mga saserdote at sa kanilang mga kapatid sa mga kaarawan ni Jesua.

Bukod dito'y ang mga Levita: si Jesua, si Binnui, si Cadmiel, si Serebias, si Juda, at si Mathanias, na (C)namamahala sa pagpapasalamat, siya at ang kaniyang mga kapatid.

Si Bacbucias, naman at si Unni, na kanilang mga kapatid, ay nagkakaharapan sa kanikaniyang pulutong.

10 At naging anak ni Jesua si Joiacim, at naging anak ni Joiacim si Eliasib, at naging anak ni Eliasib, si Joiada,

11 At naging anak ni Joiada si Jonathan at naging anak ni Jonathan si Jaddua.

12 At sa mga kaarawan ni Joiacim, ay mga saserdote, na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang: kay Seraias, si Meraias; kay Jeremias, si Hananias;

13 Kay Ezra, si Mesullam; kay Amarias, si Johanan;

14 Kay Melicha si Jonathan; kay Sebanias, si Joseph;

15 Kay Harim, si Adna; kay Meraioth, si Helcai;

16 Kay Iddo, si Zacarias; kay Ginnethon, si Mesullam;

17 Kay Abias, si Zichri; kay Miniamin, kay Moadias, si Piltai;

18 Kay Bilga, si Sammua; kay Semaias, si Jonathan;

19 At kay Joiarib, si Mathenai; kay Jedaias, si Uzzi;

20 Kay Sallai, si Callai; kay Amoc, si Eber;

21 Kay Hilcias, si Hasabias; kay Jedaias, si Nathanael.

22 Ang mga Levita sa mga kaarawan ni Eliasib, ni Joiada, at ni (D)Johanan, at ni Jaddua, ay nangasulat sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang: gayon din ang mga saserdote sa paghahari ni Dario na taga Persia.

23 Ang mga anak ni Levi, na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, ay nangasulat sa aklat ng mga (E)alaala, hanggang sa mga kaarawan ni Johanan na anak ni Eliasib.

24 At ang mga pinuno ng mga Levita: si Hasabias, si Serabias, si Jesua na anak ni Cadmiel, na may mga kapatid na nangasa (F)tapat nila (G)upang magsipuri at nangagpasalamat, (H)ayon sa utos ni David na (I)lalake ng Dios, sa pulutong at pulutong.

25 Si Mathanias, at si Bucbucias, si Obadias, si Mesullam, si Talmon, si Accub, ay mga tagatanod-pinto, na nangagbabantay sa mga kamalig ng mga pintuang-bayan.

26 Ang mga ito'y sa mga kaarawan ni Joiacim, na anak ni Jesua, na anak ni Josadac, at sa mga kaarawan ni Nehemias na tagapamahala, at ng saserdoteng Ezra na (J)kalihim.

Ang pagtatalaga ng kuta.

27 At sa pagtatalaga ng kuta ng Jerusalem ay kanilang hinanap ang mga Levita mula sa (K)lahat nilang dako upang dalhin nila sila sa Jerusalem, na ipagdiwang ang pagtatalaga na may kasayahan, na may mga pagpapasalamat, at may mga awitan din (L)may mga cimbalo, mga salterio, at may mga alpa.

28 At ang mga anak ng mga mangaawit ay nagpipisan mula sa (M)kapatagan ng palibot ng Jerusalem, at mula sa mga nayon ng mga Netophatita;

29 Mula rin naman sa Beth-gilgal, at mula sa mga parang ng Geba at ng Azmaveth: sapagka't nangagtayo sa ganang kanila ang mga mangaawit ng mga nayon sa palibot ng Jerusalem.

30 At ang mga saserdote at ang mga Levita ay (N)nangagpakalinis; at kanilang nilinis ang bayan, at ang mga pintuang-bayan, at ang kuta.

31 Nang magkagayo'y isinampa ko ang mga prinsipe sa Juda sa ibabaw ng kuta, at akin silang pinapagdalawang malaking pulutong na nangagpasalamat at nagsiyaong sunodsunod; (O)na ang isa'y lumalakad sa kanan sa ibabaw ng kuta sa dako ng (P)pintuang-bayan ng tapunan ng dumi;

32 At sumusunod sa kanila si Osaias, at ang kalahati sa mga prinsipe sa Juda,

33 At si Azarias, si Ezra, at si Mesullam,

34 Si Juda, at si Benjamin, at si Semaias, at si Jeremias,

35 At ang iba sa mga anak ng mga saserdote na (Q)may mga pakakak: si Zacarias na anak ni Jonathan, na anak ni Semaias, na anak ni Mathanias, na anak ni Micaya, na anak ni Zacur, na anak ni Asaph;

36 At ang kaniyang mga kapatid, na si Semaias, at si Azarel, si Milalai, si Gilalai, si Maai, si Nathanael, at si Juda, si Hanani, (R)na may mga panugtog ng tugtugin ni David na lalake ng Dios; at si Ezra na kalihim ay nasa unahan nila:

37 (S)At sa tabi ng pintuang-bayan ng bukal, at nagtuwid sila sa harapan nila, na sila'y nagsisampa sa mga baytang ng bayan ni David sa sampahan sa kuta, sa ibabaw ng bahay ni David, (T)hanggang sa pintuang-bayan ng tubig sa dakong silanganan.

38 (U)At ang isang pulutong nila na nagpapasalamat ay yumaong sinalubong sila, at ako'y sa hulihan nila, na kasama ko ang kalahati ng bayan sa ibabaw ng kuta, sa itaas ng (V)moog ng mga hurno, (W)hanggang sa maluwang na kuta;

39 (X)At sa ibabaw ng pintuang-bayan ng Ephraim, at sa (Y)matandang pintuang-bayan at sa (Z)pintuang-bayan ng mga isda, at sa (AA)moog ng Hananel, at sa moog ng Meah, hanggang sa pintuang-bayan ng mga tupa: at sila'y nagsitayong nangakatigil sa (AB)pintuang-bayan ng bantay.

40 Sa gayo'y nagsitayo ang dalawang pulutong nila na nangagpasalamat sa bahay ng Dios, at ako, at ang kalahati sa mga pinuno na kasama ko.

41 At ang mga saserdote, si Eliacim, si Maaseias, si Miniamin, si Michaias, si Elioenai, si Zacarias, at si Hananias, na may mga pakakak;

42 At si Maaseias, at si Semeias, at si Eleazar, at si Uzzi, at si Johanan, at si Malchias, at si Elam, at si Ezer. At ang mga mangaawit ay nagsiawit ng malakas, na kasama si Jezrahias, na tagapamahala sa kanila.

43 At sila'y nangaghandog ng malalaking hain ng araw na yaon, at nangagalak; (AC)sapagka't sila'y pinapagkatuwa ng Dios ng di kawasa; at ang mga babae naman at ang mga bata ay nangagalak: na anopa't ang kagalakan ng Jerusalem ay narinig hanggang sa malayo.

44 (AD)At nang araw na yaon ay nahalal ang ilan sa mga lalake sa mga (AE)silid na ukol sa mga kayamanan, sa mga handog na itataas, sa mga unang bunga, at sa mga ikasangpung bahagi, upang pisanin sa mga yaon, ayon sa mga bukid ng mga bayan, na mga bahaging takda ng kautusan sa mga saserdote at mga Levita: sapagka't kinagagalakan ng Juda ang mga saserdote at mga Levita na nagsitayo.

45 At sila'y nangagingat ng tungkulin sa kanilang Dios, at ng tungkulin sa paglilinis, (AF)at gayong ginawa ng mga mangaawit at mga tagatanod-pinto, ayon sa utos ni David, at ni Salomon sa kaniyang anak.

46 Sapagka't sa mga kaarawan ni David (AG)at ni Asaph ng una ay may pinuno sa mga mangaawit, at mga awit na pagpuri at pasasalamat sa Dios.

47 At ang buong Israel sa mga kaarawan ni Zorobabel, at sa mga kaarawan ni Nehemias, ay nangagbigay ng mga bahagi ng mga mangaawit, at mga tagatanod-pinto, (AH)ayon sa kailangan sa bawa't araw: at kanilang (AI)itinalaga sa mga Levita; at itinalaga ng mga Levita sa mga anak ni Aaron.

Mga Gawa 22

22 (A)Mga kapatid na lalake at mga magulang, pakinggan ninyo ang pagsasanggalang na gagawin ko ngayon sa harapan ninyo.

At nang marinig nilang sila'y kinakausap niya (B)sa wikang Hebreo, ay lalo pang tumahimik sila: at sinabi niya,

Ako'y (C)Judio, na ipinanganak sa Tarso ng Cilicia, datapuwa't pinapagaral sa bayang ito, sa paanan ni (D)Gamaliel, na tinuruan alinsunod sa mahigpit na kaparaanan ng kautusan ng ating mga magulang, palibhasa'y masikap tungkol sa Dios, na gaya ninyong lahat ngayon:

At (E)aking pinagusig ang Daang (F)ito hanggang sa mamatay, na tinatalian at ipinapasok sa mga bilangguan ang mga lalake at gayon din ang mga babae.

Gaya rin naman ng pangulong saserdote na nagpapatotoo sa akin, at ang buong kapulungan ng matatanda: (G)na sa kanila nama'y tumanggap ako ng mga sulat sa mga kapatid, at naglakbay ako sa Damasco upang dalhin ko namang mga gapos sa Jerusalem ang nangaroroon upang parusahan.

At (H)nangyari, na, samantalang ako'y naglalakbay, at nalalapit na sa Damasco, nang magtatanghaling tapat, biglang nagliwanag mula sa langit ang isang malaking ilaw sa palibot ko.

At ako'y nasubasob sa lupa, at narinig ko ang isang tinig na nagsasabi sa akin, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig?

At ako'y sumagot, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya sa akin, Ako'y si Jesus na taga Nazaret, na iyong pinaguusig.

At sa katotohana'y nakita ng mga kasamahan ko ang ilaw, (I)datapuwa't hindi nila narinig ang tinig na nagsalita sa akin.

10 At sinabi ko, Ano ang gagawin ko, Panginoon? At sinabi sa akin ng Panginoon, Magtindig ka, at pumaroon ka sa Damasco; at doo'y sasabihin sa iyo ang lahat ng mga bagay na itinalagang gagawin mo.

11 At nang hindi ako makakita dahil sa kaningningan ng ilaw na yaon, palibhasa'y inakay ako sa kamay ng mga kasamahan ko, ay pumasok ako sa Damasco.

12 At (J)isang Ananias, lalaking masipag sa kabanalan ayon sa kautusan, na may mabuting katunayan ng lahat ng mga Judiong nagsisitahan doon,

13 (K)Ay lumapit sa akin, at natatayo sa tabi ko ay nagsabi sa akin, Kapatid na Saulo, tanggapin mo ang iyong paningin. At nang oras ding yao'y tumingin ako sa kaniya.

14 At sinabi niya, Ang Dios ng ating mga magulang ay (L)itinalaga ka upang mapagkilala mo ang kaniyang kalooban, at makita mo (M)ang Banal, at marinig mo ang isang tinig mula sa kaniyang bibig.

15 Sapagka't magiging saksi ka niya sa lahat ng mga tao tungkol sa (N)mga bagay na iyong nakita at narinig.

16 At ngayon bakit ka tumitigil? magtindig ka, at (O)ikaw ay magbautismo, at hugasan mo ang iyong mga kasalanan, na tumatawag sa kaniyang pangalan.

17 At nangyari, na, nang ako'y (P)makabalik na sa Jerusalem, at nang ako'y nananalangin sa templo ay (Q)nawalan ako ng diwa,

18 At siya'y nakita ko na nagsasabi sa akin, Magmadali ka, at umalis ka agad sa Jerusalem; sapagka't hindi nila tatanggapin sa iyo ang patotoo tungkol sa akin.

19 At aking sinabi, Panginoon, napagtatalastas nila na ako ang nagbilanggo at humampas sa bawa't sinagoga sa mga nagsisisampalataya sa iyo:

20 At nang ibubo ang dugo ni Estebang iyong saksi, ay ako nama'y nakatayo sa malapit, at (R)sinasangayunan ko, at (S)iningatan ko ang mga damit ng sa kaniya'y nagsipatay.

21 At sinabi niya sa akin, Yumaon ka: (T)sapagka't susuguin kita sa malayo sa mga Gentil.

22 At kanilang pinakinggan siya hanggang sa salitang ito; at sila'y nangagtaas ng kanilang tinig, at nangagsabi, (U)Alisin sa lupa ang isang gayong tao: sapagka't hindi marapat (V)na siya'y mabuhay.

23 At samantalang sila'y nangagsisigawan, at ipinaghahagisan ang kanilang mga damit, at nangagsasabog ng alabok sa hangin,

24 Ay ipinagutos ng pangulong kapitan na siya'y ipasok (W)sa kuta, na ipinaguutos na siya'y sulitin sa pamamagitan ng hampas, upang maalaman niya kung sa anong kadahilanan sila'y nangagsigawan ng gayon laban sa kaniya.

25 At nang siya'y kanilang magapos na ng mga panaling katad, ay sinabi ni Pablo sa senturiong nakatayo sa malapit, (X)Matuwid baga sa iyo na hampasin ang isang taong taga Roma, na hindi pa nahahatulan?

26 At nang ito'y marinig ng senturion, ay naparoon siya sa pangulong kapitan at sa kaniya'y ipinagbigay-alam, na sinasabi, Ano baga ang gagawin mo? sapagka't ang taong ito ay taga Roma.

27 At lumapit ang pangulong kapitan at sinabi sa kaniya, Sabihin mo sa akin, ikaw baga'y taga Roma? At sinabi niya, Oo.

28 At sumagot ang pangulong kapitan, Binili ko ng totoong mahal ang pagkamamamayang ito. At sinabi ni Pablo, Nguni't ako'y katutubong taga Roma.

29 Pagkaraka nga'y nagsilayo sa kaniya ang mga sa kaniya sana'y susulit: at ang pangulong kapitan din naman ay (Y)natakot nang maalamang siya'y taga Roma, at dahil sa pagkagapos niya sa kaniya.

30 Datapuwa't nang kinabukasan, sa pagkaibig na matanto ang katunayan kung bakit siya'y isinakdal ng mga Judio, ay kaniyang pinawalan siya, at (Z)pinapagpulong ang mga pangulong saserdote at ang buong Sanedrin, at ipinapanaog si Pablo at iniharap sa kanila.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978