Add parallel Print Page Options

At humingi sa kaniya ng mga sulat sa Damasco sa mga sinagoga, upang kung siya'y makasumpong ng sinoman (A)sa mga nasa Daan, maging mga lalake o mga babae, ay kaniya silang madalang gapos sa Jerusalem.

Read full chapter

10 At ginawa ko (A)rin ito sa Jerusalem: at kinulong ko sa mga bilangguan (B)ang marami sa mga banal, (C)pagkatanggap ko ng kapamahalaan sa mga pangulong saserdote, at (D)nang sila'y ipinapapatay, ay ibinibigay ko ang aking pagsangayon laban sa kanila.

11 At madalas sa pagpaparusa ko sa kanila sa lahat ng mga sinagoga, ay pinipilit ko silang magsipamusong; at (E)sa totoong pagkagalit ko sa kanila, ay sila'y pinaguusig ko hanggang sa mga bayan ng ibang lupain.

12 Hinggil dito (F)sa paglalakbay kong patungo sa Damasco na taglay ang kapamahalaan at bilin ng mga pangulong saserdote,

Read full chapter