M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang pagbubulaan ni Siba tungkol kay Mephiboseth.
16 At nang si (A)David ay makaraan sa dako pa noon ng kaunti ng taluktok ng bundok, narito, si (B)Siba na lingkod ni Mephiboseth ay sumalubong sa kaniya, na may handang isang tuwang na asno, at sa ibabaw ng mga yaon ay dalawang daang tinapay, at isang daang (C)kumpol na pasas, at isang daang bunga sa taginit, at isang sisidlang balat ng alak.
2 At sinabi ng hari kay Siba, Ano ang iyong ibig sabihin sa mga ito? At sinabi ni Siba, Ang mga asno ay upang sakyan ng sangbahayan ng hari; at ang tinapay at ang bunga sa taginit ay upang mangakain ng mga binata; at ang alak ay upang mainom ng (D)nangapapagod sa ilang.
3 At sinabi ng hari, At nasaan ang anak ng iyong panginoon? At sinabi ni (E)Siba sa hari, Narito, siya'y tumatahan sa Jerusalem; sapagka't kaniyang sinabi, Ngayo'y ibabalik sa akin ang sangbahayan ng Israel, ang kaharian ng aking ama.
4 Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay Siba, Narito, iyo ang buong nauukol kay Mephiboseth. At sinabi ni Siba, Ako'y yumuyukod; makasumpong nawa ako ng biyaya sa paningin mo, panginoon ko, Oh hari.
5 At nang dumarating ang hari sa (F)Bahurim, narito, lumalabas na mula roo'y isang lalake sa angkan ng sangbahayan ni Saul, na ang pangala'y (G)Semei, na anak ni Gera: siya'y lumalabas, at manunumpa habang siya'y lumalabas.
6 At kaniyang hinagis ng mga bato si David, at ang lahat ng lingkod ng haring si David: at ang buong bayan, at ang lahat na malalakas na lalake ay nasa kaniyang kanan, at sa kaniyang kaliwa.
7 At ganito ang sinabi ni Semei nang siya'y nanunumpa, Lumayas ka, lumayas ka, ikaw na lalaking mabagsik, at hamak na lalake:
8 (H)Ibinalik sa iyo ng Panginoon ang buong (I)dugo ng sangbahayan ni Saul na siya mong hinalinhan ng pagkahari; at ibinigay ng Panginoon ang kaharian sa kamay ni Absalom na iyong anak: at, narito, ikaw ay nasa iyong sariling kasamaan, sapagka't ikaw ay lalaking mabagsik.
Kabutihan ni David kay Semei.
9 Nang magkagayo'y sinabi ni Abisai na anak ni Sarvia sa hari, Bakit (J)susumpain nitong asong patay ang aking panginoon na hari? payaunin mo ako, isinasamo ko sa iyo, at pugutin ang kaniyang ulo.
10 At sinabi ng hari, (K)Anong ipakikialam ko sa inyo, kayong mga (L)anak ni Sarvia? Sapagka't siya'y nanunumpa, at sapagka't sinabi ng Panginoon sa kaniya, Sumpain mo si David, sino nga ang magsasabi, Bakit ka gumawa ng ganyan?
11 At sinabi ni David kay Abisai, at sa lahat niyang mga lingkod, Narito, ang anak ko, na lumabas sa aking tiyan, siyang humahanap ng aking buhay: gaano pa nga kaya ang gagawin ngayon ng Benjamitang ito? bayaan ninyo siya at manumpa siya: sapagka't iniutos ng Panginoon sa kaniya.
12 (M)Marahil ay titingnan ng Panginoon ang kasamaang ginagawa sa akin, at gagawan ako ng mabuti ng Panginoon sa sumpa niya sa akin sa araw na ito.
13 Sa gayo'y nagpatuloy ng lakad si David at ang kaniyang mga lalake: at si Semei ay yumaon sa tagiliran ng bundok sa tapat niya, at sumusumpa habang siya'y yumayaon, at hinahagis ng bato siya, at nananaboy ng alabok.
14 At ang hari at ang buong bayan na nasa kaniya ay nagsidating na pagod; at siya'y nagpahinga roon.
Pumanig si Husai kay Absalom.
15 At si (N)Absalom at ang buong bayan, na mga lalake ng Israel, ay nagsidating sa Jerusalem at si Achitophel na kasama niya.
16 At nangyari, nang si Husai na (O)Arachita, na kaibigan ni David, ay dumating kay Absalom, na sinabi ni Husai kay Absalom, (P)Mabuhay ang hari, mabuhay ang hari.
17 At sinabi ni Absalom kay Husai, Ito ba ang iyong kagandahang loob sa iyong kaibigan? (Q)bakit hindi ka sumama sa iyong kaibigan?
18 At sinabi ni Husai kay Absalom, Hindi; kundi kung sinong piliin ng Panginoon, at ng bayang ito, at ng lahat na lalake sa Israel, doroon ako, at sa kasamahan noon tatahan ako.
19 At saka, (R)kanino ako maglilingkod? hindi ba sa harap ng kaniyang anak? kung paanong ako'y naglingkod sa harap ng iyong ama, ay magiging gayon ako sa iyong harap.
20 Nang magkagayo'y sinabi ni Absalom kay Achitophel, Magbigay payo kayo kung ano ang ating gagawin.
21 At sinabi ni Achitophel kay Absalom, (S)Sipingan mo ang mga babae ng iyong ama, na kaniyang iniwan na magsipagingat ng bahay; at mababalitaan ng buong Israel na ikaw ay makayayamot sa iyong ama: kung magkagayo'y lalakas ang (T)mga kamay ng lahat na nasa iyo.
22 Sa gayo'y kanilang ipinagladlad si Absalom ng isang tolda sa bubungan ng bahay; at sinipingan ni Absalom ang mga babae ng kaniyang ama (U)sa paningin ng buong Israel.
23 At ang payo ni Achitophel, na kaniyang ipinapayo sa mga araw na yaon, ay gaya ng kung ang isang lalake ay nagsisiyasat sa salita ng Dios: (V)gayong lahat ang payo ni Achitophel kay David at gayon din kay Absalom.
9 Sapagka't (A)tungkol sa pangangasiwa ng mga abuloy sa (B)mga banal, ay kalabisan na sa akin ang isulat ko pa.
2 Sapagka't nakikilala ko ang (C)inyong sikap, (D)na aking ipinagmamapuri tungkol sa inyo sa mga taga Macedonia, na ang (E)Acaya ay nahahandang (F)isang taon na; at ang inyong pagsisikap ay nakapagudyok sa lubhang marami sa kanila.
3 Datapuwa't sinugo ko (G)ang mga kapatid, upang ang aming pagmamapuri dahil sa inyo ay huwag mawalan ng kabuluhan sa bagay na ito; na, ayon sa aking sinabi, kayo'y mangakapaghanda:
4 Baka sakaling sa anomang paraan (H)kung magsirating na kasama ko ang ilang taga Macedonia at kayo'y maratnang hindi nangahahanda, kami (upang huwag sabihing kayo) ay mangapahiya sa pagkakatiwalang (I)ito.
5 Iniisip ko ngang kailangang ipamanhik sa mga kapatid, na mangaunang pumariyan sa inyo, at ihanda agad ang inyong abuloy na ipinangako nang una, upang ito'y maihanda na gaya ng abuloy, at hindi gaya ng sapilitan.
6 Datapuwa't sinasabi ko, (J)Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang bahagya na; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana.
7 Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag (K)mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.
8 At maaaring (L)gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa't mabuting gawa:
9 Gaya ng nasusulat,
(M)Siyang nagsabog, siyang nagbigay sa mga dukha;
Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
10 At ang (N)nagbibigay ng binhi sa naghahasik at ng tinapay na pinakapagkain, ay magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik, at magdaragdag ng mga bunga ng inyong katuwiran:
11 Yamang kayo'y pinayaman sa lahat ng mga bagay na ukol sa lahat ng kagandahang-loob, (O)na nagsisigawa sa pamamagitan namin ng pagpapasalamat sa Dios.
12 Sapagka't ang pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay hindi lamang (P)tumatakip sa pangangailangan ng mga banal, kundi naman umaapaw sa pamamagitan ng maraming pagpapasalamat sa Dios;
13 Palibhasa'y sa pagsubok sa inyo sa pamamagitan ng ministeriong ito ay niluluwalhati nila ang Dios dahil sa pagtalima ng inyong pagkilala sa evangelio ni Cristo, at dahil sa kagandahang-loob ng inyong ambag sa kanila at sa lahat;
14 Samantalang sila rin naman, sa panalanging patungkol sa inyo, ay nananabik sa inyo (Q)dahil sa saganang biyaya ng Dios sa inyo.
15 Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masayod.
Ang pagpapatutot ni Ohola, at ni Oholiba.
23 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin na nagsasabi:
2 Anak ng tao, may (A)dalawang babae, na mga anak na babae ng isang ina:
3 At sila'y (B)nagpatutot (C)sa Egipto; sila'y nagpatutot sa kanilang kadalagahan: doo'y nangahigpit ang kanilang mga dibdib, at doo'y nangahipo ang mga suso ng kanilang pagkadalaga.
4 At ang mga pangalan nila ay Ohola[a] ang matanda, at Oholiba[b] ang kapatid niya: at sila'y (D)naging akin at nanganak ng mga lalake at babae. At tungkol sa kanilang mga pangalan, Samaria ay Ohola, at Jerusalem ay Oholiba.
5 At si Ohola ay nagpatutot nang siya'y akin; at siya'y suminta sa mga mangingibig sa kaniya, (E)sa mga taga Asiria na kaniyang mga kalapit bayan.
6 Na nananamit ng kulay asul, ang mga tagapamahala at ang mga pinuno, silang lahat na binatang makisig, mga mangangabayo na nangakasakay sa mga kabayo.
7 At ipinagkaloob niya sa kanila ang kaniyang pakikiapid, sa mga pinaka piling lalake sa Asiria sa kanilang lahat; at sa sino man na inibig niya, sa lahat nilang diosdiosan, ay nadumhan siya.
8 Ni hindi man niya iniwan ang kaniyang mga pagpapatutot mula sa mga kaarawan ng Egipto, sapagka't sa kaniyang kadalagahan, sila'y sumisiping sa kaniya, at nangahipo nila ang mga suso ng kaniyang pagkadalaga; at kanilang ibinuhos ang kanilang pagpapatutot sa kaniya.
9 Kaya't ibinigay ko siya sa kamay ng mga mangingibig sa kaniya, sa kamay ng mga taga Asiria, na siya niyang mga inibig.
10 Ang mga ito ang nangaglitaw ng kaniyang kahubaran; kinuha nila ang kaniyang mga anak na lalake at babae; at siya'y pinatay nila ng tabak: at siya'y naging kakutyaan sa mga babae; sapagka't sila'y naglapat ng mga kahatulan sa kaniya.
11 At nakita ito ng kaniyang kapatid na si Oholiba, gayon ma'y siya'y higit na napahamak sa kaniyang pagibig kay sa kaniya, at sa kaniyang mga pagpapatutot na higit kay sa mga pagpapatutot ng kaniyang kapatid.
12 Siya'y umibig sa mga taga Asiria, sa mga tagapamahala at mga pinuno, sa kaniyang mga kalapit bayan, na nararamtan ng mga pinakamahusay, sa mga nangangabayo na nakasakay sa mga kabayo, silang lahat ay mga binatang makisig.
13 At aking nakita na siya'y nadumhan; na sila kapuwa ay nagisang daan.
14 At kaniyang pinalago ang kaniyang mga pagpapatutot; sapagka't siya'y nakakita ng mga lalaking nakalarawan sa mga panig, na mga larawan ng mga Caldeo na nakalarawan ng bermillon,
15 Na nangabibigkisan sa kanilang mga balakang, na mga may lumilipad na turbante sa kanilang mga ulo, silang lahat ay parang mga prinsipe ayon sa wangis ng mga taga Babilonia sa Caldea, na lupain na kanilang kinapanganakan.
16 At pagkakita niya sa kanila ay inibig niya agad sila, at (F)nagsugo ng mga sugo sa kanila sa Caldea.
17 At sinipingan siya ng mga taga Babilonia sa higaan ng pagibig, at kanilang dinumhan siya ng kanilang pagpapatutot, at siya'y nahawa sa kanila, at ang kaniyang kalooban ay tinabangan sa kanila.
18 Sa gayo'y inilitaw niya ang kaniyang mga pagpapatutot, at inilitaw niya ang kaniyang kahubaran: nang magkagayo'y tinabangan ang aking kalooban sa kaniya, na gaya ng pagkatabang ng aking kalooban sa kaniyang kapatid.
19 (G)Gayon ma'y kaniyang pinarami ang kaniyang mga pakikiapid, na inalaala ang mga kaarawan ng kaniyang kadalagahan, na kaniyang ipinagpatutot sa lupain ng Egipto,
20 At siya'y umibig sa mga nagsisiagulo sa kaniya, na ang laman ay parang laman ng mga asno, at ang lumalabas sa kanila ay parang lumalabas sa mga kabayo.
21 Ganito mo inalaala ang kahalayan ng iyong kadalagahan, sa pagkahipo ng iyong mga suso ng mga taga Egipto dahil sa mga suso ng iyong kadalagahan.
Ang parusa kay Ohola, at kay Oholiba.
22 Kaya, Oh Oholiba, ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Narito, aking ibabangon ang mga mangingibig sa iyo laban sa iyo, na siyang pinagsawaan ng iyong kalooban, at aking dadalhin (H)sila laban sa iyo sa lahat ng dako:
23 Ang mga taga Babilonia at lahat ng Caldeo, (I)ang Pekod, at ang Soa, at ang Coa, at lahat ng taga Asiria na kasama nila; na mga binatang makisig, mga tagapamahala at mga pinuno silang lahat, mga prinsipe, at mga lalaking bantog, silang lahat ay nagsisisakay sa mga kabayo.
24 At sila'y magsisiparitong laban sa iyo na may mga almas, mga karo, at mga kariton, at may kapulungan ng mga tao; sila'y magsisilagay laban sa iyo sa palibot na may longki, at kalasag at turbante; at aking ipauubaya ang kahatulan sa kanila, at sila'y magsisihatol sa iyo (J)ayon sa kanilang mga kahatulan.
25 At aking ilalagak ang aking paninibugho laban sa iyo, at sila'y magsisigawa sa iyo sa kapusukan; kanilang pipingusin ang iyong ilong at ang iyong mga tainga; at ang nalabi sa iyo ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak: kanilang kukunin ang iyong mga anak na lalake at babae; at ang nalabi sa iyo ay susupukin sa apoy,
26 Kanila rin namang huhubaran ka ng iyong mga suot, at dadalhin ang iyong mga magandang hiyas.
27 Ganito ko patitigilin sa iyo ang iyong kahalayan, at ang iyong pagpapatutot na dinala mula sa lupain ng Egipto: na anopa't hindi mo ididilat ang iyong mga mata sa kanila, o aalalahanin mo pa man ang Egipto kailan man.
28 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ibibigay kita sa kamay (K)ng mga ipinagtatanim mo, sa kamay ng mga pinagsawaan ng iyong kalooban;
29 At hahatulan ka nila na may pagtatanim, at aalisin ang lahat ng iyong kayamanan, at iiwan kang hubad at hubo: at ang sala mong pagpapatutot ay malilitaw, ang iyong kahalayan at gayon din ang iyong mga pagpapatutot.
30 Ang mga bagay na ito ay gagawin sa iyo, sapagka't ikaw ay (L)nagpatutot sa mga bansa, at sapagka't ikaw ay nadumhan sa kanilang mga diosdiosan.
31 Ikaw ay lumakad sa lakad ng iyong kapatid; kaya't (M)ibibigay ko ang kaniyang saro sa iyong kamay.
32 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ikaw ay iinom sa saro ng iyong kapatid, na malalim at malaki: ikaw ay tatawanan na pinakatuya at pinaka kadustaan; maraming laman.
33 Ikaw ay lubhang (N)malalasing at mamamanglaw, sa pamamagitan ng sarong katigilan at kapahamakan, sa pamamagitan ng saro ng (O)iyong kapatid na Samaria.
34 Iyo ngang iinumin at tutunggain, at iyong hahaluin ang (P)labo niyaon, at sasaktan ang iyong dibdib; sapagka't aking sinalita, sabi ng Panginoong Dios.
35 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ako'y iyong nilimot, at tinalikdan mo ako, taglayin mo nga rin ang iyong kahalayan at ang iyong mga pakikiapid.
36 Sinabi ng Panginoon sa akin bukod dito: Anak ng tao: (Q)hahatulan mo baga si Ohola at si Oholiba? ipakilala mo sa kanila ang kanilang mga kasuklamsuklam.
37 Sapagka't sila'y nagkasala ng pangangalunya, at (R)dugo ay nasa kanilang mga kamay; at sa kanilang mga diosdiosan ay nagsisamba; at kanila namang (S)pinaraan sa apoy upang masupok ang kanilang mga anak, na kanilang ipinanganak sa akin.
38 Bukod dito'y ginawa nila ito sa akin: (T)kanilang nilapastangan ang aking santuario sa araw ding yaon, at (U)nilapastangan ang aking mga sabbath.
39 Sapagka't nang kanilang patayin ang kanilang mga anak para sa kanilang mga diosdiosan, nagsiparoon nga sila nang araw ding yaon (V)sa aking santuario upang lapastanganin; at, narito, ganito ang kanilang ginawa (W)sa gitna ng aking bahay.
40 At bukod dito ay inyong ipinasundo ang mga taong nangagmumula sa malayo, na siyang mga ipinasundo sa sugo, at, narito, sila'y nagsisidating; na siyang dahil ng iyong ipinaligo, at ipinagkulay mo ng iyong mga mata, at pinaggayakan mo ng mga gayak;
41 At naupo ka sa isang mainam na higaan, na may dulang na nakahanda sa harap niyaon, na siya mong pinaglapagan ng aking kamangyan at (X)aking langis.
42 At ang tinig ng pulutong na tiwasay ay nasa kaniya: at nadala na kasama ng mga lalake sa mga karaniwan ang mga manglalasing na mula sa ilang; at sila'y nangaglagay ng mga pulsera sa mga kamay nila, at mga magandang putong sa kanilang mga ulo.
43 Nang magkagayo'y sinabi ko sa kaniya na tumanda sa mga pangangalunya, Ngayon mangakikiapid pa sila sa kaniya, at siya sa kanila.
44 At sinipingan nila siya, na parang sumiping sa isang patutot: gayon nila sinipingan si Ohola at si Oholiba, na malibog na mga babae.
45 At mga matuwid na tao ang hahatol (Y)sa kanila ng kahatulan sa mangangalunya, at ng kahatulan sa mga babae na nagbubo ng dugo; sapagka't sila'y mangangalunya, at dugo ang nasa kanilang mga kamay.
46 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ako'y magsasampa ng isang (Z)kapulungan laban sa kanila, at ibibigay ko sila upang ligaliging paroo't parito at samsaman.
47 At babatuhin sila ng kapulungan, ng mga bato, at tatagain sila ng kanilang mga tabak; papatayin nila ang kanilang mga anak na lalake at babae, at susunugin ng apoy ang kanilang mga bahay.
48 Ganito ko patitigilin ang kahalayan sa lupain, upang ang lahat na babae ay maturuan na huwag magsigawa ng ayon sa inyong mga kahalayan.
49 At gagantihin nila ang inyong kahalayan sa inyo, at inyong (AA)dadanasin ang mga kasalanan tungkol sa inyong mga diosdiosan, (AB)at inyong malalaman na ako ang Panginoong Dios.
Sa Pangulong Manunugtog. (A)Awit ni David; upang umalaala.
70 (B)Magmadali ka, Oh Dios, na iligtas mo ako;
Magmadali ka na tulungan mo ako, Oh Panginoon.
2 Mangapahiya at mangalito sila,
Na nagsisiusig ng aking kaluluwa:
Mangapatalikod sila at mangadala sa kasiraang puri.
Silang nangaliligaya sa aking kapahamakan.
3 (C)Mangapatalikod sila dahil sa kanilang kahihiyan.
Silang nangagsasabi, Aha, Aha.
4 Mangagalak at mangatuwa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo;
At magsabing lagi yaong umiibig ng iyong kaligtasan:
Dakilain ang Dios.
5 Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan;
(D)Magmadali ka sa akin, Oh Dios:
Ikaw ay aking katulong at aking tagapagligtas;
Oh Panginoon, huwag kang magluwat.
Panalangin ng isang matandang tao sa pagliligtas.
71 Sa iyo (E)Oh Panginoon, nanganganlong ako:
Huwag akong mapahiya kailan man.
2 (F)Iligtas mo ako sa iyong katuwiran, at sagipin mo ako:
(G)Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at iligtas mo ako,
3 (H)Ikaw ay maging kanlungan ng aking tahanan, na aking kapaparunang lagi:
(I)Ikaw ay nagbigay utos na iligtas ako;
Sapagka't ikaw ay aking malaking bato at aking kuta.
4 Sagipin mo ako, (J)Oh aking Dios, sa kamay ng masama,
Sa kamay ng liko at mabagsik na tao.
5 Sapagka't ikaw ay (K)aking pagasa, Oh Panginoong Dios:
Ikaw ay aking tiwala mula sa aking kabataan.
6 (L)Sa pamamagitan mo ay naalalayan ako mula sa bahay-bata:
Ikaw ang kumuha sa akin sa tiyan ng aking ina:
Ang pagpuri ko'y magiging laging sa iyo.
7 (M)Ako'y naging isang kagilagilalas sa marami;
Nguni't ikaw ang matibay kong kanlungan.
8 Ang bibig ko'y (N)mapupuno ng pagpuri sa iyo,
At ng iyong karangalan buong araw.
9 (O)Huwag mo akong itakuwil sa katandaan;
Huwag mo akong pabayaan pagka ang aking kalakasan ay nanglulupaypay.
10 Sapagka't ang mga kaaway ko'y nangagsasalita tungkol sa akin:
At silang nagsisibakay ng aking kaluluwa ay nangagsasanggunian,
11 Na nangagsasabi, Pinabayaan siya ng Dios:
Iyong habulin at hulihin siya; sapagka't walang magligtas.
12 (P)Oh Dios, huwag kang lumayo sa akin:
Oh Dios ko, (Q)magmadali kang tulungan mo ako.
13 (R)Mangapahiya at mangalipol sila na mga kaaway ng aking kaluluwa;
Mangatakpan ng pagkaduwahagi at kasiraang puri sila, na nagsisihanap ng aking kapahamakan.
14 Nguni't ako'y maghihintay na palagi,
At pupuri pa ako sa iyo ng higit at higit.
15 (S)Ang bibig ko'y magsasaysay ng iyong katuwiran,
At ng iyong pagliligtas buong araw;
(T)Sapagka't hindi ko nalalaman ang mga bilang.
16 Ako'y yayao na may mga makapangyarihang gawa ng Panginoong Dios:
Aking babanggitin ang iyong katuwiran, sa makatuwid baga'y ang iyo lamang.
17 Oh Dios, iyong tinuruan ako mula sa aking kabataan;
At hanggang ngayon ay aking inihahayag ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
18 Oo, pag ako'y tumanda at may uban, Oh Dios, huwag mo akong pabayaan;
Hanggang sa aking maipahayag ang (U)iyong kalakasan sa sumusunod na lahi,
Ang iyong kapangyarihan sa bawa't isa na darating.
19 (V)Ang iyo ring katuwiran, Oh Dios, ay totoong mataas;
Ikaw na (W)gumawa ng dakilang mga bagay,
(X)Oh Dios, sino ang gaya mo.
20 (Y)Ikaw na nagpakita sa amin ng marami at lubhang kabagabagan,
(Z)Bubuhayin mo uli kami,
At ibabangon mo uli kami mula sa mga kalaliman ng lupa.
21 Palaguin mo ang aking kadakilaan,
At bumalik ka uli, at aliwin mo ako.
22 Pupurihin din kita ng salterio,
Ang iyong katotohanan, Oh Dios ko;
Sa iyo'y aawit ako ng mga kapurihan sa pamamagitan ng alpa,
(AA)Oh ikaw na Banal ng Israel.
23 Ang mga labi ko'y mangagagalak na mainam pagka ako'y umaawit ng mga pagpuri sa iyo;
At ang (AB)kaluluwa ko, na iyong tinubos.
24 (AC)Ang dila ko naman ay magsasalita ng iyong katuwiran buong araw:
(AD)Sapagka't sila'y nangapahiya, sila'y nangalito, na nagsisihanap ng aking kapahamakan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978