M’Cheyne Bible Reading Plan
Mga huling awit ni David.
23 Ito nga ang mga huling salita ni David.
Sinabi ni (A)David na anak ni Isai,
At sinabi ng (B)lalake na pinapangibabaw,
Na (C)pinahiran ng langis ng Dios ni Jacob,
At kalugodlugod na mangaawit sa Israel:
2 (D)Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ko,
At ang kaniyang salita ay suma aking dila.
3 Sinabi ng Dios ng Israel,
Ang (E)malaking bato ng Israel ay nagsalita sa akin:
Ang naghahari (F)sa mga tao na may katuwiran,
Na mamamahala sa katakutan sa Dios,
4 Siya'y magiging gaya ng liwanag sa kinaumagahan pagka ang araw ay sumisikat,
Sa isang umagang walang mga alapaap;
Pagka ang malambot na damo ay sumisibol sa lupa,
Sa maliwanag na sikat pagkatapos ng ulan.
5 Katotohanang ang aking sangbahayan ay hindi gayon sa Dios;
Gayon ma'y (G)nakipagtipan siya sa akin ng isang tipang walang hanggan,
Maayos sa lahat ng mga bagay, at maasahan:
Sapagka't siyang aking buong kaligtasan, at buong nasa.
Bagaman hindi niya pinatubo.
6 Nguni't ang mga di banal ay ipaghahagis na gaya ng mga tinik,
Sapagka't hindi nila matatangnan ng kamay:
7 Kundi ang lalake na humipo sa kanila,
Marapat magsakbat ng bakal at ng puluhan ng sibat;
At sila'y lubos na susunugin ng apoy sa kanilang kinaroroonan.
Ang mga bantog na lalaki ni David.
8 (H)Ito ang mga pangalan ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David: Si Josebbasebet na (I)Tachemonita, na pinuno ng mga kapitan; na siya ring si Adino na Eznita, na siyang dumaluhong laban sa walong daan na nangapatay ng paminsan.
9 At pagkatapos niya'y si (J)Eleazar, na anak ni Dodo, na anak ng isang Ahohita, na isa sa tatlong malalakas na lalake na kasama ni David, nang sila'y mangakipagaway sa mga Filisteo, na nangapipisan doon upang makipagbaka, at ang mga lalake ng Israel ay nagsialis:
10 Siya'y bumangon, at sinaktan ang mga Filisteo hanggang sa ang kaniyang kamay ay nangalay, at ang kaniyang kamay ay nadikit sa tabak: at ang Panginoo'y gumawa ng dakilang pagtatagumpay sa araw na yaon: at ang bayan ay bumalik na kasunod niya, upang manamsam lamang.
11 At pagkatapos niya'y si (K)Samma na anak ni Age, na Araita. At ang mga Filisteo ay nagpipisan sa isang pulutong, na kinaroroonan ng isang putol na lupa sa puno ng lentehas; at tinakasan ng bayan ang mga Filisteo.
12 Nguni't siya'y tumayo sa gitna ng putol na yaon, at ipinagsanggalang niya, at pinatay ang mga Filisteo: at ang Panginoo'y gumawa ng dakilang pagtatagumpay.
13 At (L)tatlo sa tatlong pung pinuno ay nagsilusong at nagsiparoon kay David sa pagaani sa (M)yungib ng Adullam; at ang pulutong ng mga Filisteo ay nagsihantong sa (N)libis ng Rephaim.
14 At si David nga'y nasa (O)katibayan, at ang (P)pulutong nga ng mga Filisteo ay nasa Beth-lehem.
15 At nagnais si David, at nagsabi, Oh may magbigay sana sa akin ng tubig sa balon ng Beth-lehem, na nasa tabi ng pintuang-bayan!
16 At ang tatlong malalakas na lalake ay nagsisagasa sa hukbo ng mga Filisteo, at nagsiigib ng tubig sa balon ng Beth-lehem, na nasa siping ng pintuang bayan, at kinuha, at dinala kay David: nguni't hindi niya ininom yaon, kundi kaniyang ibinuhos na handog sa Panginoon.
17 At kaniyang sinabi, Malayo sa akin, Oh Panginoon, na aking gawin ito: (Q)iinumin ko ba ang dugo ng mga lalake na nagsiparoon na ipinain ang kanilang buhay? kaya't hindi niya ininom. Ang mga bagay na ito ay ginawa ng tatlong malalakas na lalake.
18 At si Abisai, na kapatid ni Joab, na anak ni Sarvia, ay pinuno ng tatlo. At kaniyang itinaas ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan at pinatay niya sila, at nagkapangalan sa tatlo.
19 Hindi ba siya ang lalong marangal sa tatlo? kaya't siya'y ginawang punong kawal nila: gayon ma'y hindi siya umabot sa unang tatlo.
20 At si (R)Benaia, na anak ni Joiada, na anak ng matapang na lalake na taga Cabseel, na gumawa ng makapangyarihang gawa, na kaniyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel na taga Moab; siya'y lumusong din at pumatay ng isang leon sa gitna ng isang hukay sa kapanahunan ng niebe.
21 At siya'y pumatay ng isang taga Egipto na malakas na (S)lalake: at ang taga Egipto ay may sibat sa kaniyang kamay; nguni't siya'y nilusong niyang may tungkod, at inagaw niya ang sibat sa kamay ng taga Egipto, at pinatay niya siya ng kaniyang sariling sibat.
22 Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaias, na anak ni Joiada, at nagkapangalan sa tatlong malalakas na lalake.
23 Siya'y marangal kay sa tatlongpu, nguni't sa unang tatlo'y hindi siya umabot. (T)At inilagay ni David siya sa kaniyang bantay.
24 At si (U)Asael na kapatid ni Joab ay isa sa tatlongpu; si Elhaanan na anak ni Dodo, na taga Beth-lehem,
25 Si Samma na Harodita, si Elica na Harodita,
26 Si Heles na Paltita, si Hira na anak ni Jecces na Tecoita.
27 Si Abiezer na Anathothita, si Mebunai na Husatita,
28 Si Selmo na Hahohita, si Maharai na Netophathita,
29 Si Helec na anak ni Baana, na Netophathita, si Ithai na anak ni Ribai, na taga Gabaa, sa mga anak ng Benjamin.
30 Si Benaia na Pirathonita, si Hiddai sa mga batis ng Gaas,
31 Si Abi-albon na Arbathita, si Azmaveth na Barhumita,
32 Si Eliahba na Saalbonita, ang mga anak ni Jassen, si Jonathan,
33 Si Samma na Ararita, si Ahiam na anak ni Sarar, na Ararita,
34 Si Elipheleth na anak ni Asbai, na anak ni Maachateo, si (V)Eliam na anak ni Achitophel na Gelonita,
35 Si Hesrai na Carmelita, si Pharai na Arbita;
36 Si Igheal na anak ni Nathan na taga Soba, si Bani na Gadita,
37 Si Selec na Ammonita, si Naharai na Beerothita, na mga tagadala ng sandata ni Joab na anak ni Sarvia;
38 Si (W)Ira na Ithrita, si Gareb na Ithrita,
39 Si (X)Uria na Hetheo: silang lahat ay tatlong pu't pito.
3 Oh mga mangmang na taga Galacia, (A)sino ang mga nagsigayuma sa inyo, na sa harapan ng inyong mga mata'y si Jesucristo, na napako sa krus, ay maliwanag na inihayag?
2 Ito lamang ang ibig kong maalaman sa inyo, Tinanggap baga ninyo (B)ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, (C)o sa pamamagitan ng pakikinig ng tungkol sa pananampalataya?
3 Napakamangmang na baga kayo? (D)kayong nagpasimula sa Espiritu, ngayo'y nangagpapakasakdal kayo sa laman?
4 Tiniis baga ninyong (E)walang kabuluhan ang lubhang maraming mga bagay? kung tunay na walang kabuluhan.
5 Siya na nagbibigay nga sa inyo ng Espiritu, at gumagawa ng mga himala sa gitna ninyo, ginagawa baga sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, o sa pakikinig ng tungkol sa pananampalataya?
6 Gaya nga ni (F)Abraham na sumampalataya sa Dios, at ito'y ibinilang sa kaniya na katuwiran.
7 Talastasin nga ninyo na (G)ang mga sa pananampalataya, ang mga yaon ay mga anak ni Abraham.
8 At sapagka't ipinakita na (H)ng kasulatan, na (I)aariing-ganap ng Dios ang mga Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya, ay ipinangaral na nang una ang evangelio kay Abraham, na sinasabi, Sa iyo ay pagpapalain ang (J)lahat ng mga bansa.
9 Kaya't ang mga sa pananampalataya ay pinagpapala kay Abraham na may pananampalataya.
10 Sapagka't ang lahat na sa mga gawang ayon sa kautusan (K)ay nasa ilalim ng sumpa: sapagka't nasusulat, (L)Sinusumpa ang bawa't hindi nananatili sa lahat ng mga bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan, upang gawin nila.
11 Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaring-ganap (M)sa kautusan sa harapan ng Dios; sapagka't, (N)Ang ganap ay mabubuhay sa pananampalataya.
12 At ang kautusan ay hindi sa pananampalataya; kundi, (O)Ang gumaganap ng mga yaon ay mabubuhay sa mga yaon.
13 Sa sumpa ng kautusan ay (P)tinubos tayo ni (Q)Cristo, na naging sumpa sa ganang atin; sapagka't nasusulat, (R)Sinusumpa ang bawa't (S)binibitay sa punong kahoy:
14 Upang sa mga Gentil ay dumating ang pagpapala ni Abraham na kay Cristo Jesus; upang sa pamamagitan ng pananampalataya ay tanggapin natin (T)ang pangako ng Espiritu.
15 Mga kapatid, nagsasalita ako (U)ayon sa kaugalian ng mga tao: Bagama't ang (V)pakikipagtipan ay gawa lamang ng tao, gayon ma'y pagka pinagtibay, sinoman ay hindi makapagpapawalang kabuluhan, o makapagdaragdag man.
16 Ngayon (W)kay Abraham nga (X)sinabi ang mga pangako, at sa kaniyang binhi. Hindi sinasabi ng Dios, At sa mga binhi, na gaya baga sa marami; kundi gaya sa iisa lamang, (Y)At sa iyong binhi, na si Cristo.
17 Ito nga ang aking sinasabi: Ang isang pakikipagtipang pinagtibay na nang una ng Dios, ay hindi mapawawalang kabuluhan (Z)ng kautusan, na sumipot nang makaraan ang apat na raan at tatlongpung taon, ano pa't (AA)upang pawalang kabuluhan ang pangako
18 Sapagka't kung ang mana ay sa pamamagitan ng kautusan, ay hindi na sa pamamagitan ng pangako: datapuwa't ipinagkaloob ng Dios kay Abraham sa pamamagitan ng pangako.
19 Ano nga ang kabuluhan ng kautusan? (AB)Idinagdag dahil sa mga pagsalangsang, (AC)hanggang sa pumarito ang binhi na siyang pinangakuan; at ito'y (AD)iniutos sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay (AE)ng isang tagapamagitan.
20 Ngayon (AF)ang isang tagapamagitan ay hindi tagapamagitan ng iisa; datapuwa't ang Dios ay iisa.
21 Ang kautusan nga baga ay laban sa mga pangako ng Dios? Huwag nawang mangyari: sapagka't kung ibinigay sana ang isang kautusang may kapangyarihang magbigay buhay, tunay ngang ang katuwiran sana ay naging dahil sa kautusan.
22 (AG)Datapuwa't kinulong ng kasulatan ang (AH)lahat ng mga bagay sa ilalim ng kasalanan, upang ang pangako sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo ay maibigay sa mga nagsisisampalataya.
23 Nguni't bago dumating ang pananampalataya, ay nabibilanggo tayo sa ilalim ng kautusan, na nakukulong tayo hanggang sa ang pananampalataya ay ipahahayag pagkatapos.
24 Ano pa't (AI)ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo, (AJ)upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya.
25 Datapuwa't ngayong dumating na ang pananampalataya, ay wala na tayo sa ilalim ng tagapagturo.
26 Sapagka't kayong (AK)lahat ay mga anak ng Dios, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus.
27 Sapagka't (AL)ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis (AM)si Cristo.
28 (AN)Walang magiging Judio o Griego man, (AO)walang magiging alipin o malaya man, walang magiging lalake o babae man; sapagka't kayong lahat ay (AP)iisa kay Cristo Jesus.
29 (AQ)At kung kayo'y kay Cristo, kayo nga'y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana (AR)ayon sa pangako.
Ang Egipto ay sasakupin ng Babilonia.
30 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi,
2 Anak ng tao, manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Manambitan kayo: Sa aba ng araw na yaon!
3 Sapagka't ang kaarawan ay (A)malapit na, sa makatuwid baga'y ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na; magiging kaarawan ng pagaalapaap; panahon ng mga bansa.
4 At isang tabak ay darating sa Egipto, at kahirapan ay sasa Etiopia, pagka ang mga patay ay mangabubuwal sa Egipto; (B)at dadalhin nila ang kaniyang karamihan, at ang kaniyang mga patibayan ay mangawawasak.
5 Ang Etiopia, at ang (C)Phut, at ang Lud, at (D)ang buong halohalong bayan, at ang Chub, at ang mga anak ng lupain na nangasa pagkakasundo, mangabubuwal na kasama nila sa pamamagitan ng tabak.
6 Ganito ang sabi ng Panginoon: Sila namang nagsialalay sa Egipto ay mangabubuwal; at ang kapalaluan ng kaniyang (E)kapangyarihan ay mabababa: mula sa moog ng Seveneh ay mangabubuwal sila roon sa pamamagitan ng tabak, sabi ng Panginoong Dios.
7 At sila'y magiging sira (F)sa gitna ng mga lupain na sira; at ang kaniyang mga bayan ay ibibilang sa mga bayan na giba.
8 At kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka ako'y nagsulsol ng apoy sa Egipto, at lahat niyang katulong ay nangalipol.
9 Sa araw na yaon ay magsisilabas ang mga sugo mula sa harap ko sa mga sasakyan upang takutin ang mga walang bahalang taga Etiopia; at magkakaroon ng kahirapan sa kanila gaya sa kaarawan ng Egipto; sapagka't narito, dumarating.
10 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: (G)Akin namang paglilikatin ang karamihan ng Egipto, sa pamamagitan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia.
11 Siya at ang kaniyang bayan na kasama niya, (H)na kakilakilabot sa mga bansa, ay ipapasok upang gibain ang lupain; at kanilang hahawakan ang kanilang mga tabak laban sa Egipto, at pupunuin ng mga patay ang lupain.
12 At aking tutuyuin ang mga ilog, at aking ipagbibili ang lupain sa kamay ng mga masamang tao; at aking sisirain ang lupain, at lahat na nandoon, sa pamamagitan ng kamay ng mga taga ibang lupa: akong Panginoon ang nagsalita.
13 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: (I)Akin din namang sisirain ang mga diosdiosan, at aking paglilikatin ang mga larawan sa (J)Memphis; at hindi na magkakaroon pa ng prinsipe sa lupain ng Egipto; at ako'y maglalagay ng katakutan sa lupain ng Egipto.
14 At (K)aking sisirain ang Patros, at ako'y magsisilab ng apoy sa (L)Zoan, at maglalapat ako ng mga kahatulan sa (M)No.
15 At aking ibubugso ang aking kapusukan sa Sin, na katibayan ng Egipto; at aking ihihiwalay ang karamihan ng mga taga No.
16 At ako'y magsusulsol ng apoy sa Egipto: ang Sin ay malalagay sa malaking kadalamhatian, at ang No ay magigiba: at ang Memphis ay magkakaroon ng mga kaaway sa kaarawan.
17 Ang mga binata sa Aven at sa Pi-beseth ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; at ang mga ito ay magsisipasok sa pagkabihag.
18 (N)Sa Tafnes nama'y magdidilim ang araw, pagka aking inalis roon ang mga atang ng Egipto, at ang kapalaluan ng kaniyang kapangyarihan ay maglilikat doon: tungkol sa kaniya, ay tatakpan siya ng alapaap, at ang kaniyang mga anak na babae ay magsisipasok sa pagkabihag.
19 Ganito maglalapat ako ng mga kahatulan sa Egipto; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
20 At nangyari nang ikalabing isang taon nang unang buwan, nang ikapitong araw ng buwan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
21 Anak ng tao, (O)aking binali ang kamay ni Faraon na hari sa Egipto; at, narito, hindi natalian, upang lapatan ng mga gamot, na lagyan ng isang tapal upang talian, upang humawak na matibay ng tabak.
22 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban kay Faraon na hari sa Egipto, at aking babaliin ang kaniyang mga bisig, ang malakas na bisig, at yaon na nabali; at aking palalagpakin ang tabak mula sa kaniyang kamay.
23 At aking pangangalatin ang mga taga Egipto (P)sa gitna ng mga bansa, at pananabugin ko sila sa mga lupain.
24 (Q)At aking palalakasin ang mga bisig ng hari sa Babilonia, at ilalagay ko ang aking tabak sa kaniyang kamay; nguni't aking babaliin ang mga bisig ni Faraon, at siya'y dadaing sa harap niyaon ng mga daing ng taong nasugatan ng ikamamatay.
25 At aking aalalayan ang mga bisig ng hari sa Babilonia; at ang mga bisig ni Faraon ay bababa; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking ilalagay ang aking tabak sa kamay ng hari sa Babilonia, at kaniyang iuunat sa lupain ng Egipto.
26 At aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa, at pananabugin ko sila sa mga lupain; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
38 (A)Nguni't siya, palibhasa'y puspos ng kaawaan, ay pinatawad ang kanilang kasamaan at hindi sila nilipol:
Oo, madalas na inihiwalay ang kaniyang galit,
At hindi pinukaw ang buo niyang poot.
39 (B)At naalaala niyang (C)sila'y laman lamang;
Hanging dumadaan, at hindi bumabalik.
40 Kay dalas na nanghimagsik nila laban sa kaniya sa ilang,
At pinapanglaw nila (D)siya sa ilang!
41 At sila'y nagsibalik uli, at tinukso ang Dios,
At minungkahi ang Banal ng Israel.
42 Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay,
Ni ang araw man nang kaniyang tubusin sila sa kaaway.
43 (E)Kung paanong kaniyang inilagay ang kaniyang mga tanda sa Egipto,
At ang kaniyang mga kababalaghan sa parang ng Zoan;
44 (F)At pinapaging dugo ang kanilang mga ilog,
At ang kanilang mga bukal, na anopa't hindi sila makainom.
45 (G)Nagsugo rin siya sa gitna nila ng mga pulutong ng mga bangaw na lumamon sa kanila;
At mga (H)palaka, na nagsigiba sa kanila.
46 Ibinigay rin niya ang kanilang bunga sa tipaklong,
At ang kanilang pakinabang sa (I)balang.
47 Sinira niya ang (J)kanilang ubasan ng granizo,
At ang mga puno nila ng sikomoro ng escarcha.
48 (K)Ibinigay rin naman niya ang kanilang mga hayop sa granizo,
At sa mga lintik ang kanilang mga kawan.
49 Ibinugso niya sa kanila ang kabangisan ng kaniyang galit,
Poot at galit, at kabagabagan,
Pulutong ng mga anghel ng kasamaan.
50 Kaniyang iginawa ng landas ang kaniyang galit;
Hindi niya pinigil ang kanilang buhay sa kamatayan,
Kundi ibinigay ang kanilang buhay sa pagkapuksa;
51 (L)At sinaktan ang lahat na panganay sa Egipto,
Ang panguna ng kanilang kalakasan sa mga tolda ni (M)Cham:
52 Nguni't kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na (N)parang mga tupa,
At pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan.
53 At inihatid niya silang tiwasay, na anopa't hindi sila nangatakot:
Nguni't (O)tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway.
54 At dinala niya sila sa hangganan ng kaniyang (P)santuario,
Sa bundok na ito na binili ng kaniyang kanang kamay.
55 Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila,
At (Q)binahagi sa kanila na pinakamana (R)sa pamamagitan ng pising panukat,
At pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda.
56 Gayon ma'y nanukso at nanghimagsik sila laban sa Kataastaasang Dios,
At hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo;
57 Kundi nagsitalikod, at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang:
Sila'y nagsilisyang (S)parang magdarayang busog.
58 Sapagka't minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga (T)mataas na dako,
At kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan.
59 Nang marinig ito ng Dios, ay napoot,
At kinayamutang lubha ang Israel:
60 (U)Sa gayo'y kaniyang pinabayaan ang tabernakulo ng (V)Silo,
Ang tolda na kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao;
61 At ibinigay ang kaniyang (W)kalakasan sa pagkabihag,
At ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway.
62 (X)Ibinigay rin niya ang kaniyang bayan sa tabak;
At napoot sa kaniyang mana.
63 Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata;
At (Y)ang mga dalaga nila'y hindi nagkaroon ng awit ng pagaasawa.
64 (Z)Ang mga saserdote nila'y nabuwal sa pamamagitan ng tabak;
At (AA)ang mga bao nila'y hindi nanganaghoy.
65 Nang magkagayo'y gumising ang Panginoon na gaya (AB)ng mula sa pagkakatulog,
Gaya ng malakas na tao na humihiyaw dahil sa alak.
66 At (AC)sinaktan niya sa likod ang kaniyang mga kaaway:
Inilagay niya sila sa laging kadustaan.
67 Bukod dito'y tinanggihan niya ang tolda ng Jose,
At hindi pinili ang lipi ni Ephraim;
68 Kundi pinili ang lipi ni Juda,
Ang bundok ng Zion (AD)na kaniyang inibig.
69 At itinayo niya ang kaniyang santuario na parang mga kataasan,
Parang lupa na kaniyang itinatag magpakailan man.
70 (AE)Pinili naman niya si David na kaniyang lingkod,
At kinuha niya siya mula sa kulungan ng mga tupa:
71 (AF)Dinala niya siya na mula sa pagsunod sa mga tupa ng nagpapasuso,
Upang maging pastor ng Jacob na kaniyang bayan, at ang Israel na kaniyang mana.
72 Sa gayo'y siya ang kanilang pastor ayon sa (AG)pagtatapat ng kaniyang puso;
At pinatnubayan niya sila sa pamamagitan ng kabihasahan ng kaniyang mga kamay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978