M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang pilay na anak ni Jonathan. Pinatay si Is-boseth.
4 At nang mabalitaan ni Is-boseth, na anak ni Saul, na si Abner ay patay na sa Hebron, (A)ang kaniyang mga kamay ay nanghina, at ang lahat na taga Israel ay nabagabag.
2 At si Is-boseth, na anak ni Saul, ay may dalawang lalake na mga punong kawal sa mga pulutong: ang pangalan ng isa ay Baana, at ang pangalan ng isa ay Rechab, na mga anak ni Rimmon na Beerothita sa mga anak ni Benjamin: ((B)sapagka't ang Beeroth din naman ay ibinilang sa Benjamin:
3 At ang mga Beerothita ay nagsitakas sa (C)Githaim, at nangakipamayan doon hanggang sa araw na ito.)
4 (D)Si Jonathan nga na anak ni Saul, ay may isang anak na pilay sa kaniyang mga paa. Siya'y may limang taon nang dumating ang balita tungkol kay Saul at kay Jonathan na mula sa Jezreel, at kinalong siya ng kaniyang yaya at tumakas: at nangyari, habang siya'y nagmamadali ng pagtakas, na siya'y nabagsak, at naging pilay. At ang kaniyang pangalan ay (E)Mephiboseth.
5 At ang mga anak ni Rimmon na Beerothita, na si Rechab at si Baana, ay nagsiyaon at nagsiparoon ng may kainitan ang araw sa bahay ni Is-boseth, na doon siya nagpahinga sa katanghalian tapat.
6 At sila'y nagsipasok doon sa gitna ng bahay, na parang sila'y kukuha ng trigo; at kanilang sinaktan siya sa (F)tiyan; at si Rechab at si Baana na kaniyang kapatid ay nangagtanan.
7 Sapagka't nang sila nga'y magsipasok sa bahay habang siya'y nahihiga sa kaniyang higaan sa kaniyang silid, kanilang sinaktan siya, at pinatay siya, at pinugutan siya ng ulo, at dinala ang kaniyang ulo at nagpatuloy (G)ng lakad sa Araba buong gabi.
8 At kanilang dinala ang ulo ni Is-boseth kay David sa Hebron, at sinabi nila sa hari, Tingnan mo ang ulo ni Is-boseth na anak ni Saul na iyong kaaway (H)na umuusig ng iyong buhay; at ipinanghiganti ng Panginoon ang aking panginoon na hari sa araw na ito kay Saul, at sa kaniyang binhi.
9 At sinagot ni David si Rechab at si Baana na kaniyang kapatid, na mga anak ni Rimmon na Beerothita, at sinabi sa kanila, Buhay ang Panginoon (I)na siyang tumubos ng aking kaluluwa sa buong kahirapan.
10 Nang saysayin sa akin (J)ng isa, na sinasabi, Narito, si Saul ay namatay, na inakala niyang nagdala siya ng mabuting balita, ay aking hinawakan siya, at pinatay ko siya sa Siclag na siyang kagantihang ibinigay ko sa kaniya dahil sa kaniyang balita.
11 Gaano pa kaya kung pinatay ng masasamang lalake ang isang matuwid na tao sa kaniyang sariling bahay, sa kaniyang higaan, hindi ko ba (K)sisiyasatin ngayon ang kaniyang dugo sa inyong kamay, at aalisin kayo sa lupa?
12 At iniutos ni David sa kaniyang mga bataan, at pinatay nila sila, at pinutol ang kanilang mga kamay at ang kanilang mga paa, at mga ibinitin sa tabi ng tangke sa Hebron. Nguni't kanilang kinuha ang ulo ni Is-boseth, at inilibing sa (L)libingan ni Abner sa Hebron.
Si David ay hari sa Israel at Juda.
5 Nang magkagayo'y (M)naparoon ang lahat ng mga lipi ng Israel kay David sa Hebron, at nagsipagsalita, na nagsisipagsabi, Narito, (N)kami ay iyong buto at iyong laman.
2 Sa panahong nakaraan nang si Saul ay hari sa amin, ikaw (O)ang naglalabas at nagpapasok sa Israel: at sinabi ng Panginoon sa iyo: (P)Ikaw ay magiging pastor ng aking bayang Israel: at ikaw ay magiging prinsipe sa Israel.
3 Sa gayo'y (Q)nagsiparoon ang lahat ng mga matanda sa Israel sa hari sa (R)Hebron: (S)at ang haring si David ay nakipagtipan sa kanila sa Hebron (T)sa harap ng Panginoon: at kanilang pinahiran ng langis si David na maging hari sa Israel.
4 Si David ay may tatlong pung taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y nagharing apat na pung taon.
5 Sa Hebron ay naghari siya sa Juda na (U)pitong taon at anim na buwan: at sa Jerusalem ay naghari siya na tatlong pu at tatlong taon sa buong Israel at Juda.
Ang Sion ay kinuha.
6 At ang hari at ang kaniyang mga lalake ay nagsiparoon sa (V)Jerusalem laban sa mga (W)Jebuseo na nagsisitahan sa lupain, na nangagsalita kay David, na nangagsasabi, Maliban na iyong alisin ang bulag at ang pilay, hindi ka papasok dito: na iniisip, na si David ay hindi makapapasok doon.
7 Gayon ma'y sinakop ni David ang katibayan sa Sion; (X)na siyang bayan ni David.
8 At sinabi ni David nang araw na yaon, Sino mang sumakit (Y)sa mga Jebuseo, ay pumaroon siya sa inaagusan ng tubig, at saktan ang pilay at ang bulag, na kinapopootan ng kaluluwa ni David. Kaya't kanilang sinasabi, Mayroong bulag at pilay; hindi siya makapapasok sa bahay.
9 At tumahan si David sa katibayan at tinawag na bayan ni David. At itinayo ni David ang kuta sa palibot mula sa (Z)Millo, at sa loob.
10 At si David ay dumakila ng dumakila; sapagka't ang Panginoon na Dios ng mga hukbo, ay sumasa kaniya.
11 (AA)At si (AB)Hiram na hari sa Tiro ay nagpadala kay David ng mga sugo, at ng mga puno ng sedro, at mga anluwagi, at mangdadaras sa bato; at kanilang ipinagtayo si David ng isang bahay.
12 At nahalata ni David, na itinalaga siya ng Panginoon na maging hari sa Israel, at kaniyang itinaas ang kaniyang kaharian dahil sa kaniyang bayang Israel.
13 At (AC)kumuha (AD)pa si David ng mga babae at mga asawa sa Jerusalem, panggagaling niya sa Hebron: at may mga ipinanganak pa na lalake at babae kay David.
14 At ito ang mga pangalan niyaong mga ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem; si Sammua, at si Sobab, at si Nathan, at si Salomon,
15 At si Ibhar, at si Elisua; at si Nephegh at si Japhia;
16 At si Elisama, at si Eliada, at si Eliphelet.
Nanagumpay laban sa Filisteo.
17 At nang mabalitaan ng mga Filisteo na kanilang inihalal si David na hari sa Israel, ang lahat ng Filisteo ay nagsiahon upang usigin si David; at nabalitaan ni David, at (AE)lumusong sa katibayan.
18 Ang mga Filisteo nga ay nagsidating at nagsikalat sa (AF)libis ng Rephaim.
19 (AG)At nagusisa si David sa Panginoon, na nagsasabi, Aahon ba ako laban sa mga Filisteo? ibibigay mo ba sila sa aking kamay? At sinabi ng Panginoon kay David, Umahon ka: sapagka't tunay na aking ibibigay ang mga Filisteo sa iyong kamay.
20 At naparoon si David sa Baal-perasim at sila'y sinaktan doon ni David; at kaniyang sinabi, Pinanambulat ng Panginoon ang aking mga kaaway sa harap ko, na gaya ng pilansik ng tubig. Kaya't kaniyang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na (AH)Baal-perasim.
21 At kanilang iniwan doon ang kanilang mga larawan, at mga (AI)inalis ni David at ng kaniyang mga lalake.
22 At nagsiahon pa uli ang mga Filisteo, at nagsikalat sa libis ng Rephaim.
23 At nang isangguni ni David sa Panginoon, kaniyang sinabi, Huwag kang aahon: liligid ka sa likuran nila, at ikaw ay sasagupa sa kanila sa mga puno ng morales.
24 At mangyayari, pagka iyong (AJ)narinig ang hugong ng lakad sa mga dulo ng mga puno ng morales, na ikaw nga ay magmamadali: sapagka't (AK)lumabas na ang Panginoon sa harap mo upang saktan ang hukbo ng mga Filisteo.
25 At ginawang gayon ni David; gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya; at sinaktan niya ang mga Filisteo mula sa (AL)Geba hanggang sa dumating sa (AM)Gezer.
15 Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, (A)ang evangelio (B)na sa inyo'y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, (C)na siya naman ninyong pinananatilihan,
2 Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo (D)kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, (E)maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.
3 Sapagka't ibinigay ko (F)sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay (G)dahil sa ating mga kasalanan, (H)ayon sa mga kasulatan,
4 At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw (I)ayon sa mga kasulatan;
5 At siya'y (J)napakita kay (K)Cefas, (L)at saka sa labingdalawa;
6 Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan, na ang karamihan sa mga ito'y nangabubuhay hangga ngayon, datapuwa't ang mga iba'y (M)nangatulog na;
7 Saka napakita kay Santiago; at saka (N)sa lahat ng mga apostol;
8 At sa kahulihulihan, tulad sa isang ipinanganak sa di kapanahunan, ay napakita naman siya (O)sa akin.
9 (P)Ako nga ang pinakamaliit sa mga apostol, at hindi ako karapatdapat na tawaging apostol, sapagka't (Q)pinagusig ko ang iglesia ng Dios.
10 Datapuwa't sa pamamagitan ng biyaya ng (R)Dios, ako nga'y ako; at ang kaniyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan; bagkus (S)ako'y malabis na nagpagal kay sa kanilang lahat: (T)bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Dios na sumasa akin.
11 Maging ako nga o sila, ay gayon ang aming ipinangangaral, at gayon ang inyong sinampalatayanan.
12 Kung si Cristo nga'y ipinangangaral na siya'y muling binuhay sa mga patay, (U)bakit ang ilan sa inyo ay nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli ng mga patay?
13 Datapuwa't kung walang pagkabuhay na maguli ng mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo:
14 At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral, wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya.
15 Oo, at kami ay nasusumpungang mga saksing bulaan tungkol sa Dios; sapagka't (V)aming sinasaksihan tungkol sa Dios, na kaniyang muling binuhay si Cristo; na hindi siyang muling nabuhay, kung tunay nga ang mga patay ay hindi muling binubuhay.
16 Sapagka't kung hindi muling binubuhay ang mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo:
17 At kung si Cristo ay hindi muling binuhay, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan kayo'y (W)nasa inyong mga kasalanan pa.
18 Kung gayon nga, ang mga (X)nangatutulog din naman kay Cristo ay pawang nangapahamak.
19 Kung sa buhay lamang na ito tayo nagsisiasa kay Cristo, ay tayo sa lahat ng mga tao ang lalong kahabaghabag.
20 Datapuwa't si (Y)Cristo nga'y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging (Z)pangunahing bunga ng nangatutulog.
21 Sapagka't (AA)yamang sa pamamagitan ng tao'y dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din naman ng tao'y dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay.
22 Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.
23 Datapuwa't ang bawa't isa'y sa kaniyang sariling katayuan; si Cristo ang pangunahing bunga; (AB)pagkatapos ay ang mga kay Cristo, sa kaniyang pagparito.
24 Kung magkagayo'y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya (AC)ang kaharian sa Dios, sa makatuwid baga'y sa Ama; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan.
25 Sapagka't kinakailangang siya'y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan (AD)ang lahat niyang mga kaaway.
26 Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay (AE)ang kamatayan.
27 Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi, (AF)ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya.
28 At kung ang lahat ng mga bagay ay (AG)mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak (AH)rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.
29 Sa ibang paraan, anong gagawin ng mga binabautismuhan dahil sa mga patay? Kung ang mga patay ay tunay na hindi muling binubuhay, bakit nga sila'y binabautismuhan dahil sa kanila?
30 Bakit baga naman tayo'y nanganganib bawa't oras?
31 (AI)Ipinahahayag ko alangalang sa ikaluluwalhati ninyo, mga kapatid, na taglay ko kay Cristo Jesus na Panginoon natin na (AJ)araw-araw ay nasa panganib ng kamatayan ako.
32 Kung ako'y (AK)nakipagbaka sa (AL)Efeso laban sa mga ganid, (AM)ayon sa kaugalian ng tao, ano ang pakikinabangin ko? Kung ang mga patay ay hindi muling binubuhay, (AN)magsikain at magsiinom tayo yamang bukas tayo'y mangamamatay.
33 Huwag kayong padaya: (AO)Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali.
34 Gumising kayo ng ayon sa katuwiran, (AP)at huwag mangagkasala; (AQ)sapagka't may mga ibang walang pagkakilala sa Dios: sinasabi ko ito upang kayo'y kilusin (AR)sa kahihiyan.
35 Datapuwa't sasabihin ng iba, Paanong muling bubuhayin ang mga patay? at anong anyo ng katawan ang iparirito nila?
36 Ikaw na mangmang, (AS)ang inyong inihahasik ay hindi binubuhay maliban na kung mamatay:
37 At ang iyong inihahasik ay hindi mo inihahasik ang katawang lilitaw, kundi ang butil lamang, na marahil ay trigo, o ibang bagay;
38 Datapuwa't ang Dios ay nagbibigay ng katawan dito ayon sa kaniyang minagaling, at sa bawa't binhi ay ang sariling katawan.
39 Hindi ang lahat ng laman ay magkasing-isang laman: kundi may laman sa mga tao, at ibang laman sa mga hayop, at ibang laman sa mga ibon, at ibang laman sa mga isda.
40 Mayroon namang mga katawang ukol sa langit, at mga katawang ukol sa lupa: datapuwa't iba ang kaluwalhatian ng ukol sa langit, at iba ang ukol sa lupa.
41 Iba ang kaluwalhatian ng araw, at iba ang kaluwalhatian ng buwan, at iba ang kaluwalhatian ng mga bituin; sapagka't ang isang bituin ay naiiba sa ibang bituin sa kaluwalhatian.
42 Gayon din naman ang pagkabuhay na maguli ng mga patay. Itinatanim na (AT)may kasiraan; binubuhay na maguli na (AU)walang kasiraan;
43 Itinatanim na (AV)may pagkasiphayo; binubuhay na maguli na may kaluwalhatian: itinatanim na may kahinaan; binubuhay na maguli na may kapangyarihan:
44 Itinatanim na may katawang ukol sa lupa; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu. Kung may (AW)katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman.
45 Gayon din naman nasusulat, Ang unang taong si (AX)Adam ay naging kaluluwang buhay. (AY)Ang huling Adam ay naging (AZ)espiritung nagbibigay buhay.
46 Bagaman ang ukol sa espiritu ay hindi siyang una, kundi ang ukol sa lupa: pagkatapos ang ukol sa espiritu.
47 Ang unang tao (BA)ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang tao ay taga langit.
48 Kung ano ang ukol sa lupa, ay gayon din naman silang mga taga lupa: (BB)at kung ano ang ukol sa langit ay gayon din naman silang taga langit.
49 At kung paanong tinaglay natin ang larawang ukol sa lupa, ay (BC)tataglayin din naman natin ang larawang ukol sa langit.
50 Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na (BD)ang laman at ang dugo ay (BE)hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni (BF)ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan.
51 Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi (BG)tayong lahat ay mangatutulog, (BH)nguni't tayong lahat ay babaguhin,
52 Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, (BI)sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin.
53 Sapagka't kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at (BJ)itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.
54 Datapuwa't pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, (BK)Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.
55 Saan naroon, (BL)Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong tibo?
56 Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan; at (BM)ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan:
57 Datapuwa't salamat sa Dios, (BN)na nagbibigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo.
58 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal, kayo'y magsitatag, huwag makilos, na laging sumasagana sa (BO)gawa ng Panginoon, yamang nalalaman ninyo (BP)na hindi walang kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon.
Kinamuhian ang mga bulaang propeta dahil sa pangangako ng kapayapaan.
13 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2 Anak ng tao, manghula ka laban sa mga propeta ng Israel na nanganghuhula, at sabihin mo sa kanila na nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso, Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon:
3 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sa aba ng mga hangal na mga propeta, na nagsisisunod sa kanilang sariling diwa, at walang nakitang anoman!
4 Oh Israel, ang iyong mga propeta ay naging parang mga zorra sa mga gibang dako.
5 Kayo'y hindi sumampa (A)sa mga sira, o iginawa man ninyo ng kuta ang sangbahayan ni Israel, upang siya'y makatayo sa pakikipagbaka sa kaarawan ng Panginoon.
6 (B)Sila'y nangakakita ng walang kabuluhan, at sinungaling na panghuhula, na nagsasabi, Sabi ng Panginoon; (C)at hindi sila sinugo ng Panginoon: at kanilang pinaasa ang mga tao na ang salita ay magiging totoo.
7 Hindi baga kayo nakakita ng walang kabuluhang pangitain, at hindi baga kayo nagsalita ng kasinungalingang panghuhula, sa inyong pagsasabi, Sabi ng Panginoon; yamang hindi ko sinalita?
8 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't kayo'y nangagsasalita ng walang kabuluhan, at nangakakita ng mga kasinungalingan, kaya't, narito, ako'y laban sa inyo, sabi ng Panginoong Dios.
9 At ang aking kamay ay magiging laban sa mga propeta na nangakakakita ng walang kabuluhan, at nanganghuhula ng mga kasinungalingan: sila'y hindi mapapasa kapulungan ng aking bayan, (D)o masusulat man sa pasulatan ng sangbahayan ni Israel, o sila man ay magsisipasok sa lupain ng Israel; at inyong malalaman na ako ang Panginoong Dios.
10 Sapagka't, sa makatuwid baga'y sapagka't kanilang hinikayat ang aking bayan, na nangagsabi, (E)Kapayapaan; at walang kapayapaan; at pagka ang isa ay nagtatayo ng isang kuta, narito, (F)kanilang tinatapalan ng masamang argamasa:
11 Sabihin mo sa kanila na nangagtatapal ng masamang argamasa, na yao'y mababagsak: magkakaroon ng bugso ng ulan; at kayo. Oh malalaking granizo, ay babagsak; at isang unos na hangin ay titibag niyaon.
12 Narito, pagka ang kuta ay nabagsak, hindi baga sasabihin sa inyo: Saan nandoon ang tapal na inyong itinapal?
13 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Akin ngang titibagin ng unos na hangin sa aking kapusukan; at magkakaroon ng bugso ng ulan sa aking pagkagalit, at malalaking mga granizo sa kapusukan upang tunawin.
14 Gayon ko ibabagsak ang kuta na inyong tinapalan ng masamang argamasa, at aking ilalagpak sa lupa, na anopa't ang pinagsasaligan niyaon ay malilitaw: at mababagsak, at kayo'y malilipol sa gitna niyaon; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
15 Ganito ko wawakasan ang aking kapusukan sa kuta, at sa nangagtapal ng masamang argamasa; at sasabihin ko sa iyo, Ang kuta ay wala na, o ang nangagtatapal man;
16 Sa makatuwid baga'y ang mga propeta ng Israel, na nanganghuhula tungkol sa Jerusalem, at nangakakakita ng pangitaing kapayapaan para sa bayan, at walang kapayapaan, sabi ng Panginoong Dios.
Sa aba ng mga propetang bulaan.
17 At ikaw, anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha laban sa mga anak na babae ng iyong bayan, na nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso; at manghula ka laban sa kanila,
18 At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sa aba ng mga babae na nangananahi ng mga unan sa lahat ng siko, at nagsisigawa ng mga lambong na ukol sa ulo ng iba't ibang sukat upang manghuli ng mga kaluluwa! Hahanapin baga ninyo ang mga kaluluwa ng aking bayan, at mangagliligtas na buhay ng mga kaluluwa sa ganang inyong sarili?
19 At inyong nilapastangan ako sa gitna ng aking bayan dahil sa mga dakot na cebada, at (G)dahil sa mga putol ng tinapay, upang ipahamak ang mga kaluluwa na hindi marapat mamatay, at upang iligtas na buháy ang mga kaluluwa na hindi marapat mabuhay, sa pamamagitan ng inyong pagbubulaan sa aking bayan na nakikinig sa mga kasinungalingan.
20 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa inyong mga unan, na inyong ipinanghahanap ng mga kaluluwa, na paliparin sila, at aking mga lalabnutin sa inyong mga kamay; at aking pawawalan ang mga kaluluwa, sa makatuwid baga'y ang mga kaluluwa na inyong hinahanap upang paliparin.
21 Ang inyo namang mga lambong ay aking lalabnutin, at ililigtas ko ang aking bayan sa inyong kamay, at hindi na sila mangapapasa inyong kamay na mahanap; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
22 Sapagka't sa pamamagitan ng kasinungalingan ay (H)inyong pinighati ang puso ng matuwid, na hindi ko pinalungkot, at inyong pinalakas ang kamay ng masama, upang huwag humiwalay sa kaniyang masamang lakad, at maligtas na buhay;
23 Kaya't (I)hindi na kayo mangakakakita ng walang kabuluhang pangitain o manganghuhula man ng mga panghuhula: at aking ililigtas ang aking bayan mula sa inyong kamay; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
Sa Pangulong Manunugtog. Masquil ni David; nang dumating at magsaysay kay Saul si (A)Doeg na Idomeo, at magsabi sa kaniya, Si David ay naparoon sa bahay ni Ahimelech.
52 Bakit ka naghahambog sa kasamaan, Oh (B)makapangyarihang tao?
Ang kagandahang-loob ng Dios ay palagi.
2 (C)Ang dila mo'y kumakatha ng totoong masama;
Gaya ng matalas na (D)pangahit, na gumagawang may karayaan.
3 Iniibig mo ang kasamaan ng higit kay sa kabutihan;
(E)At ang pagsisinungaling kay sa pagsasalita ng katuwiran. (Selah)
4 Iniibig mo ang lahat na mananakmal na salita,
Oh ikaw na magdarayang dila.
5 Ilulugmok ka ring gayon ng Dios magpakailan man,
Itataas ka niya, at ilalabas ka sa iyong tolda,
At (F)bubunutin ka niya sa (G)lupain ng may buhay. (Selah)
6 (H)Makikita naman ng matuwid, at matatakot,
(I)At tatawa sa kaniya, na magsasabi,
7 Narito, ito ang tao na hindi ginawang kaniyang katibayan, ang Dios;
Kundi (J)tumiwala sa kasaganaan ng kaniyang mga kayamanan,
At nagpakalakas sa kaniyang kasamaan.
8 Nguni't tungkol sa akin, (K)ay gaya ako ng sariwang punong kahoy ng olibo sa bahay ng Dios:
Tumitiwala ako sa kagandahangloob ng Dios magpakailan-kailan man.
9 Ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man, sapagka't iyong ginawa:
At ako'y maghihintay sa iyong pangalan (L)sapagka't mabuti, sa harapan ng (M)iyong mga banal.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Mahalath. Masquil ni David.
53 (N)Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya, Walang Dios.
Nangapahamak sila, at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan;
(O)Walang gumawa ng mabuti.
2 Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
Upang tignan kung may sinomang nakakaunawa,
Na humanap sa Dios.
3 Bawa't isa sa kanila ay (P)tumalikod: sila'y magkakasamang naging mahahalay;
Walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
4 Wala bang kaalaman ang mga manggagawa ng kasamaan?
(Q)Na siyang kumakain ng aking bayan na tila kumakain ng tinapay,
At hindi nagsisitawag sa Dios.
5 Doo'y nangapasa malaking katakutan sila (R)na hindi kinaroroonan ng takot:
Sapagka't (S)pinangalat ng Dios ang mga (T)buto niya na humahantong laban sa iyo;
Iyong inilagay sila sa kahihiyan, sapagka't itinakuwil sila ng Dios.
6 Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay lumabas sa Sion.
(U)Pagka ibabalik ng Dios ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob at matutuwa ang Israel.
Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Masquil ni David: nang ang mga (V)Zipheo ay dumating at magsabi kay Saul, Hindi ba nagtatago si David doon sa amin?
54 Iligtas mo ako, Oh Dios, sa pamamagitan ng iyong pangalan.
At hatulan mo ako sa iyong kapangyarihan.
2 Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios;
Pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig.
3 Sapagka't (W)ang mga tagaibang lupa ay nagsibangon laban sa akin,
At ang mga mangdadahas na tao ay nagsisiusig ng aking kaluluwa:
Hindi nila inilagay ang Dios sa harap nila. (Selah)
4 Narito, ang Dios ay aking katulong:
(X)Ang Panginoon ay sa kanila na nagsisialalay ng aking kaluluwa.
5 Kaniyang ibabalik ang kasamaan sa aking mga kaaway:
(Y)Gibain mo sila sa iyong katotohanan.
6 (Z)Ako'y maghahain sa iyo ng kusang handog:
Ako'y magpapasalamat sa iyong pangalan, Oh Panginoon, (AA)sapagka't mabuti.
7 Sapagka't iniligtas niya ako sa lahat ng kabagabagan;
(AB)At nakita ng aking mata ang aking nasa sa aking mga kaaway.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978