Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
2 Samuel 12

Ang talinghaga ni Nathan.

12 At sinugo ng Panginoon si Nathan[a] kay David. At siya'y naparoon sa kaniya, at nagsabi sa kaniya, (A)May dalawang lalake sa isang bayan; ang isa ay mayaman at ang isa ay mahirap.

Ang mayaman ay mayroon totoong maraming kawan at bakahan:

Nguni't ang mahirap ay walang anomang bagay, liban sa isang munting korderong babae, na kaniyang binili at inalagaan: at lumaki sa kaniya, at sa kaniyang mga anak; kumakain ng kaniyang sariling pagkain at umiinom ng kaniyang sariling inumin, at humihiga sa kaniyang sinapupunan, at sa kaniya'y parang isang anak.

At naparoon ang isang maglalakbay sa mayaman, at ipinagkait niya ang kaniyang sariling kawan at ang kaniyang sariling bakahan, na ihanda sa naglalakbay na dumating sa kaniya, kundi kinuha ang kordero ng mahirap na lalake, at inihanda sa lalake na dumating sa kaniya.

At ang galit ni David ay nagalab na mainam laban sa lalake; at kaniyang sinabi kay Nathan, Buhay ang Panginoon, (B)ang lalake na gumawa nito ay karapatdapat na mamatay:

At isinauli ang kordero na may dagdag na (C)apat, sapagka't kaniyang ginawa ang bagay na ito, at sapagka't siya'y hindi naawa.

Ang pagtuligsa kay David.

At sinabi ni Nathan kay David, Ikaw ang lalaking yaon. Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (D)Pinahiran kita ng langis na maging hari sa Israel, at aking iniligtas ka sa kamay ni Saul;

At ibinigay ko sa iyo ang bahay ng iyong panginoon, at ang mga (E)asawa ng iyong panginoon sa iyong sinapupunan, at ibinigay ko sa iyo ang sangbahayan ng Israel at ng Juda; at kung totoong kakaunti pa ito, ay dadagdagan pa kita ng gayong bagay.

Bakit nga iyong (F)niwalang kabuluhan ang salita ng Panginoon, na iyong ginawa ang masama sa kaniyang paningin? iyong sinugatan ng tabak si Uria na (G)Hetheo, at iyong kinuha ang kaniyang asawa upang maging iyong asawa, at iyong pinatay siya ng tabak ng mga anak ni Ammon.

10 Ngayon nga'y ang tabak ay hindi hihiwalay kailan man sa iyong sangbahayan; sapagka't iyong niwalan ng kabuluhan ako, at iyong kinuha ang asawa ni Uria na Hetheo upang maging iyong asawa.

11 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magtitindig ng kasamaan laban sa iyo na mula sa iyong sariling sangbahayan, (H)at aking kukunin ang iyong mga asawa sa harap ng iyong mga mata, at aking ipagbibigay sa iyong kapuwa, at kaniyang sisipingan ang iyong mga asawa sa sikat ng araw na ito.

12 Sapagka't iyong ginawa na lihim: (I)nguni't aking gagawin ang bagay na ito sa harap ng buong Israel, at sa harap ng araw.

13 (J)At sinabi ni David kay Nathan, (K)Ako'y nagkasala laban sa Panginoon. At sinabi ni Nathan kay David, (L)Inalis din ng Panginoon ang iyong kasalanan; hindi ka mamamatay.

14 Gayon ma'y sapagka't sa gawang ito'y iyong binigyan ng malaking pagkakataon ang mga kaaway ng Panginoon (M)upang magsipanungayaw, ang bata naman na ipinanganak sa iyo ay walang pagsalang mamamatay.

Ang kamatayan ng anak ni David.

15 At si Nathan ay umuwi sa kaniyang bahay. At sinaktan ng Panginoon ang bata na ipinanganak ng asawa ni Uria kay David, at totoong malubha.

16 Ipinanalangin nga ni David sa Dios ang bata; at si David ay nagaayuno, at pumapasok, (N)at humihiga buong gabi sa lupa.

17 At bumabangon ang mga matanda sa kaniyang bahay, at tumatayo sa siping niya, upang itindig siya sa lupa; nguni't siya'y ayaw kahit kumain ng tinapay na kasalo nila.

18 At nangyari, nang ikapitong araw, na ang bata ay namatay. At nangatakot ang mga lingkod ni David na saysayin sa kaniya na ang bata ay patay na: sapagka't kanilang sinabi, Narito, samantalang ang bata ay buháy pa, tayo ay nakipagsalitaan sa kaniya, at hindi siya nakinig sa ating tinig: gaano ngang ikababagabag niya kung ating sasabihin sa kaniya na ang bata ay patay na?

19 Nguni't nang makita ni David na ang kaniyang mga lingkod ay nagbubulong-bulungan, nahalata ni David na ang bata ay patay na: at sinabi ni David sa kaniyang mga lingkod, Patay na ba ang bata? At kanilang sinabi, Siya'y patay na.

20 Nang magkagayo'y bumangon si David sa lupa at naligo, at nagpahid ng langis, at nagbihis ng kaniyang suot; at siya'y naparoon sa bahay ng Panginoon, (O)at sumamba: saka naparoon siya sa kaniyang sariling bahay; at nang siya'y humingi, hinainan nila ng tinapay siya sa harap, at siya'y kumain.

21 Nang magkagayo'y sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya, Anong bagay ito na iyong ginawa? ikaw ay nagaayuno at umiiyak dahil sa bata, samantalang siya'y buháy; ngunit nang mamatay ang bata, ikaw ay bumangon at kumain ng tinapay.

22 At kaniyang sinabi, Samantalang ang bata'y buháy pa, ako'y nagaayuno at umiiyak: sapagka't aking (P)sinabi, Sino ang nakakaalam kung maaawa sa akin ang Panginoon, na anopa't ang bata'y mabuhay?

23 Nguni't ngayo'y patay na siya; bakit pa ako magaayuno? Maibabalik ko pa ba siya? Ako'y paroroon sa kaniya, (Q)nguni't siya'y hindi babalik sa akin.

Ang kapanganakan ni Salomon.

24 At inaliw ni David si Bath-sheba na kaniyang asawa, at lumapit sa kaniya, at sumiping sa kaniya: (R)At siya'y nanganak ng isang lalake, (S)at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Salomon. At minahal siya ng Panginoon.

25 At nagsugo siya sa pamamagitan ng kamay ni Nathan na propeta, at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Jedidiah[b] alang-alang sa Panginoon.

Si David ay pumunta sa Rabba.

26 Nakipaglaban nga si (T)Joab, sa (U)Rabba sa mga anak ni Ammon, at sinakop ang bayang hari.

27 At nagsugo si Joab ng mga sugo kay David, at nagsabi, Ako'y nakipaglaban sa Rabba, oo, aking sinakop ang bayan ng mga bukal ng tubig.

28 Ngayon nga'y pisanin mo ang nalabi sa bayan, at humantong ka laban sa bayan, at sakupin mo: baka aking sakupin ang bayan, at tawagin ayon sa aking pangalan.

29 At pinisan ni David ang buong bayan, at naparoon sa Rabba, at bumaka laban doon, at sinakop.

30 (V)At inalis ang putong ng kanilang hari sa kaniyang ulo: at ang bigat niyaon ay isang talentong ginto, at may mga mahalagang bato; at ipinutong sa ulo ni David. At siya'y naglabas ng samsam sa bayan na totoong marami.

31 At kaniyang inilabas ang bayan na nandoon, at inilagay sa ilalim ng mga lagari, at ng mga suyod na bakal, at ng mga palakol na bakal, at mga pinaraan sa mga lutuan ng laryo: at gayon ang ginawa niya sa lahat ng mga bayan ng mga anak ni Ammon. At si David at ang buong bayan ay bumalik sa Jerusalem.

2 Corinto 5

Sapagka't nalalaman namin na kung masira (A)ang aming bahay na tabernakulong ukol sa lupa, ay mayroong kaming isang gusaling mula sa Dios, bahay na (B)hindi gawa ng mga kamay, walang hanggan, sa sangkalangitan.

Sapagka't tunay na sa ganito (C)kami ay nagsisihibik, na nangagnanasang mabihisan kami ng aming tahanang mula sa langit:

Na kung (D)mabihisan nga kami niyaon ay hindi kami mangasusumpungang hubad.

Sapagka't tunay na kaming nangasa tabernakulong ito ay nagsisihibik, na nangabibigatan; hindi sa ninanasa naming maging hubad, kundi ninanasa naming kami'y (E)bihisan, upang ang may kamatayan ay lamunin ng buhay.

Ngayon ang gumawa sa amin ng bagay ding ito ay ang Dios, na nagbigay (F)sa amin ng patotoo ng Espiritu.

Kaya nga kami'y laging malakas ang loob, at nalalaman namin na, samantalang kami ay nangasa tahanan sa katawan, ay wala kami sa harapan ng Panginoon.

(Sapagka't nagsisilakad kami sa pamamagitan (G)ng pananampalataya, (H)hindi sa pamamagitan ng paningin);

Na malakas ang loob namin, ang sabi ko, at (I)ibig pa nga namin ang mawala sa katawan, at mapasa tahanan na kasama ng Panginoon.

Kaya't ang amin namang pinagsisikapan, maging sa tahanan man o di man, ay maging kalugodlugod kami sa kaniya.

10 Sapagka't tayong (J)lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa't isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama.

11 Yamang nalalaman nga (K)ang pagkatakot sa Panginoon, ay aming hinihikayat ang mga tao, nguni't kami ay nangahahayag (L)sa Dios; at inaasahan ko na kami ay nangahayag din naman sa inyong mga budhi.

12 Hindi namin ipinagkakapuring (M)muli ang aming sarili sa inyo, kundi binibigyan namin kayo ng dahilan (N)na ikaluluwalhati ninyo dahil sa amin, upang kayo'y mangagkaroon ng maisasagot sa mga nagpapaluwalhati sa anyo, at hindi sa puso.

13 Sapagka't (O)kung kami ay maging mga ulol, ay para sa Dios; o maging kami ay mahinahon ang pagiisip, ay para sa inyo.

14 Sapagka't ang pagibig ni Cristo ay pumipilit sa amin; sapagka't ipinasisiya namin ang ganito, na (P)kung ang isa ay namatay dahil sa lahat, kung gayo'y lahat ay nangamatay;

15 At siya'y namatay dahil sa lahat, (Q)upang ang nangabubuhay ay huwag nang mabuhay pa sa kanilang sarili, kundi doon sa namatay dahil sa kanila at muling nabuhay.

16 Kaya nga mula ngayon ay hindi namin nakikilala (R)ang sinoman (S)ayon sa laman: bagama't nakilala namin si Cristo ayon sa laman, nguni't sa ngayo'y hindi na namin nakikilala siyang gayon.

17 Kaya't kung ang sinoman ay na (T)kay Cristo, (U)siya'y bagong nilalang: (V)ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago.

18 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, (W)na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay sa amin ang ministerio sa (X)pagkakasundo;

19 Sa makatuwid baga'y, na ang (Y)Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo.

20 (Z)Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Cristo, (AA)na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Dios.

21 Yaong hindi nakakilala ng kasalanan (AB)ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y (AC)katuwiran ng Dios.

Ezekiel 19

Ang hari ng Israel ay tulad sa nakukulong na leon.

19 Bukod dito'y (A)magbadya ka ng isang taghoy na ukol sa mga prinsipe sa Israel.

At iyong sabihin, naging ano baga ang iyong ina? Isang leona: siya'y humiga sa gitna ng mga leon, sa gitna ng mga batang leon, pinakain niya ang kaniyang mga anak.

At pinalaki niya ang isa sa kaniyang mga anak: yao'y (B)naging isang batang leon, at yao'y natuto na manghuli at lumamon ng mga tao.

Narinig naman yaon ng mga bansa; yao'y nahuli sa kanilang hukay; at dinala nila yaon na natatanikalaan sa lupain (C)ng Egipto.

Nang makita nga niya na siya'y naghintay, at ang kaniyang pagasa ay nawala, (D)kumuha nga siya ng iba sa kaniyang mga anak, at ginawang batang leon.

At yao'y nagpanhik manaog (E)sa gitna ng mga leon, yao'y naging batang leon; at yao'y natuto na manghuli, at lumamon ng mga tao.

At naalaman niya ang kanilang mga palacio, at sinira ang kanilang mga bayan; at ang lupain ay nagiba, at ang lahat na nangandoon, dahil sa hugong ng kaniyang angal.

Nang magkagayo'y (F)nagsilagay ang mga bansa laban sa kaniya sa bawa't dako na mula sa mga lalawigan; at ipinaglagay nila siya ng panilo; nahuli siya sa kanilang hukay.

At (G)may tanikalang inilagay siya nila sa isang kulungan, at dinala nila siya sa hari sa Babilonia; ipinasok nila siya sa katibayan, upang ang kaniyang tinig ay huwag nang marinig sa mga bundok ng Israel.

10 Ang inyong ina ay parang (H)puno ng ubas sa iyong dugo, na natanim sa tabi ng tubig: siya'y mabunga at puno ng mga sanga, dahil sa maraming tubig.

11 At siya'y nagkaroon ng mga matibay na tutungkurin na magagawang mga cetro nila na nagpupuno, at ang kanilang taas ay (I)nataas sa mga masinsing sanga, at nangakita sa kanilang taas dahil sa karamihan ng kanilang mga sanga.

12 Nguni't siya'y nabunot sa pag-aalab ng loob, siya'y nahagis sa lupa, at tinuyo ng (J)hanging silanganan ang bunga niya: ang kaniyang mga matibay na tutungkurin ay nangabali at nagsidupok; pinagsupok sa apoy.

13 At ngayo'y natanim siya (K)sa ilang, sa isang tuyo at uhaw na lupain.

14 At lumabas ang apoy sa mga tutungkurin ng kaniyang mga sanga, sinupok ang kaniyang bunga, na anopa't nawalan ng matibay na tutungkurin na magiging cetro upang ipagpuno. (L)Ito ay panaghoy, at magiging pinakapanaghoy.

Mga Awit 64-65

Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

64 Dinggin mo ang tinig ko. Oh Dios, sa aking hibik:
Ingatan mo ang buhay ko sa pagkatakot sa kaaway.
Ikubli mo ako sa lihim na payo ng mga manggagawa ng kasamaan;
Sa panggugulo ng mga manggagawa ng kasamaan:
(A)Na siyang nangaghasa ng kanilang dila na parang tabak,
At pinahilagpos ang kanilang mga (B)palaso, sa makatuwid baga'y ang masasakit na salita:
Upang kanilang maihilagpos sa sakdal sa mga lihim na dako:
Biglang inihihilagpos nila sa kaniya at hindi natatakot.
Sila'y nagpapakatapang sa masamang akala;
Sila'y nagsasangusapan ng paglalagay ng lihim na silo;
Sinasabi nila, (C)Sinong makakakita?
Sila'y nagsisipagsiyasat ng mga kasamaan;
Aming naganap, sabi nila, ang masikap na pagsiyasat;
At ang pagiisip sa loob ng bawa't isa, at ang puso ay malalim.
(D)Nguni't pahihilagpusan sila ng Dios;
Sila'y masusugatang bigla ng isang palaso.
Sa gayo'y sila'y (E)matitisod palibhasa't ang kanilang sariling dila ay laban sa kanila:
Ang lahat na makakita sa kanila ay (F)mangaguuga ng ulo.
At lahat ng mga tao ay (G)mangatatakot;
At kanilang ipahahayag ang salita ng Dios,
At may karunungang kanilang bubuhayin ang kanilang gawa.
10 Ang matuwid ay (H)matutuwa sa Panginoon, at manganganlong sa kaniya;
At lahat ng mga matuwid sa puso ay magsisiluwalhati.

Sa Pangulong Manunugtog. Salmo. Awit ni David.

65 Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo, Oh Dios, sa Sion:
At sa iyo'y maisasagawa ang panata.
Oh ikaw na dumidinig ng dalangin,
(I)Sa iyo'y paroroon ang lahat ng laman.
Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin:
Tungkol sa aming pagsalangsang, ay (J)lilinisin mo.
(K)Mapalad ang tao na (L)iyong pinipili, at pinalalapit mo sa iyo,
(M)Upang siya'y makatahan sa iyong mga looban:
(N)Kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay,
Ng iyong banal na templo.
Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay,
Oh Dios ng aming kaligtasan;
Ikaw na katiwalaan ng (O)lahat na wakas ng lupa,
At nila na malayo sa dagat:
Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan;
Palibhasa't nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan:
(P)Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat,
Ng hugong ng kanilang mga alon,
(Q)At ng kaingay ng mga bayan.
Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda:
Ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim.
(R)Iyong dinadalaw ang lupa, at (S)dinidilig mo,
Iyong pinayayamang mainam;
(T)Ang ilog ng Dios ay puno ng tubig:
Iyong pinagtataanan sila ng trigo, pagka't inihanda mo ang lupa.
10 Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana;
Iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal;
Iyong mga pinalalambot ng ambon;
Iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon.
11 Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan;
At ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan.
12 Nagsisipatak sa mga (U)pastulan sa ilang;
At ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan.
13 Ang mga[a] pastulan ay nangabihisan ng mga kawan;
Ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo;
Sila'y magsisihiyaw sa kagalakan, sila naman ay nagsisiawit.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978