Add parallel Print Page Options

Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan;
(A)Magmadali ka sa akin, Oh Dios:
Ikaw ay aking katulong at aking tagapagligtas;
Oh Panginoon, huwag kang magluwat.

Read full chapter

13 Kalugdan[a] mo nawa, Oh Panginoon, na iligtas ako:
Ikaw ay (A)magmadaling tulungan mo ako, Oh Panginoon.
14 (B)Sila'y mangapahiya nawa at mangatulig na magkakasama
Na nagsisiusig ng aking kaluluwa upang ipahamak:
Sila nawa'y mangapaurong at mangadala sa kasiraang puri
Na nangalulugod sa aking kapahamakan.
15 Mangapahamak nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan
Na nangagsasabi sa akin, Aha, (C)Aha.
16 Mangagalak at mangatuwa nawa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo:
Yaong nangagiibig ng iyong kaligtasan ay (D)mangagsabi nawang palagi,
(E)Ang Panginoon ay dakilain.
17 (F)Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan;
Gayon ma'y inalaala ako (G)ng Panginoon:
Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas;
Huwag kang magluwat, Oh Dios ko.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Awit 40:13 Awit 70:1-5.