M’Cheyne Bible Reading Plan
Dinaya ni Dalila si Samson.
16 At naparoon si Samson sa (A)Gaza, at nakakita roon ng isang patutot at sinipingan.
2 At ibinalita sa mga taga Gaza na sinasabi, Si Samson ay naparito. (B)At kanilang kinulong siya, at binakayan siya buong gabi sa pintuang-bayan, at tahimik buong gabi, na sinasabi, Maghintay tayo hanggang magbukang liwayway, saka natin patayin siya.
3 At si Samson ay humiga hanggang hating gabi, at bumangon sa hating gabi at humawak sa mga pinto ng pintuang-bayan, at sa dalawang haligi, at kapuwa binunot, pati ng sikang, at pinasan sa kaniyang mga balikat, at isinampa sa taluktok ng bundok na nasa tapat ng Hebron.
4 At nangyari pagkatapos, na siya'y suminta sa isang babae sa libis ng Sorec, na ang pangala'y Dalila.
5 At inahon ng mga pangulo ng mga Filisteo ang babae, at sinabi sa kaniya: (C)Dayain mo siya, at tingnan mo kung saan naroon ang kaniyang dakilang kalakasan, at sa anong paraan mananaig kami laban sa kaniya upang aming matalian at (D)mapighati siya: at bibigyan ka ng bawa't isa sa amin ng isang libo't isang daang putol na pilak.
6 At sinabi ni Dalila kay Samson, Saysayin mo sa akin, isinasamo ko sa iyo, kung saan naroon ang iyong dakilang kalakasan, at kung paanong matatalian ka upang pighatiin ka.
7 At sinabi ni Samson sa kaniya, Kung tatalian nila ako ng pitong sariwang yantok na kailan man ay hindi natuyo, ay hihina ako, at ako'y (E)magiging gaya ng alinmang tao.
8 Nang magkagayo'y nagdala ang mga pangulo ng mga Filisteo sa kaniya ng pitong sariwang yantok na hindi pa natutuyo, at ipinagtali niya sa kaniya.
9 Ngayo'y may mga bakay na sa silid sa loob. At sinabi niya sa kaniya, Narito na sa iyo ang mga Filisteo, Samson. At kaniyang pinatid ang mga yantok, na tulad sa taling estopa pagka nadidikitan ng apoy. Sa gayo'y hindi naalaman ang kaniyang lakas.
10 At sinabi ni Dalila kay Samson, Narito, pinaglaruan mo ako, at pinagbulaanan mo ako: isinasamo ko ngayon sa iyo na saysayin mo sa akin kung paano matatalian ka.
11 At sinabi niya sa kaniya, Kung tatalian lamang nila ako ng mga bagong (F)lubid na hindi pa nagagamit, ay hihina nga (G)ako at magiging gaya ng alinmang tao.
12 Sa gayo'y kumuha si Dalila ng mga bagong lubid, at itinali sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Narito na sa iyo ang mga Filisteo, Samson. At ang mga bakay ay nangasa silid sa loob. At pawang pinatid niya sa kaniyang mga bisig na parang sinulid.
13 At sinabi ni Dalila kay Samson, Hanggang dito'y pinaglaruan mo ako, at pinagbulaanan mo ako: saysayin mo sa akin kung paanong matatalian ka. At sinabi niya sa kaniya, Kung iyong hahabihin ang pitong tirintas sa aking ulo ng hinabing kayo.
14 At kaniyang (H)pinagtibay ng tulos, at sinabi sa kaniya, Narito na sa iyo ang mga Filisteo, Samson. At siya'y gumising sa kaniyang pagkakatulog, at binunot ang tulos ng panghabi, at ang hinabi.
15 At sinabi niya sa kaniya, (I)Bakit nasasabi mo, na iniibig kita, sa bagay ang iyong puso ay hindi sumasaakin? pinaglaruan mo akong makaitlo, at hindi mo isinaysay sa akin kung saan nagpapahinga ang iyong dakilang kalakasan.
16 At nangyari, nang kaniyang (J)igiit araw araw, at kaniyang ipilit sa kaniya, na ang kaniyang loob ay naligalig sa ikamamatay.
17 At isinaysay niya sa kaniya ang kaniyang buong taglayin sa kaniyang puso, at sinabi sa kaniya, (K)Walang pangahit na nagdaan sa aking ulo; sapagka't ako'y naging Nazareo sa Dios mula sa tiyan ng aking ina: kung ako'y ahitan, hihiwalay nga sa akin ang aking lakas, at ako'y hihina, at magiging gaya ng alinmang tao.
18 At nang makita ni Dalila na sinaysay sa kaniya, ang buong taglayin niya sa kaniyang puso, ay nagsugo siya at tinawag ang mga pangulo ng mga Filisteo, na sinasabi, Ahunin pa ninyong minsan, sapagka't sinaysay niya sa akin ang buong taglayin niya sa kaniyang puso. Nang magkagayo'y inahon siya ng mga pangulo ng mga Filisteo, at nagdala ng (L)salapi sa kanilang kamay.
19 At pinatulog niya siya sa kaniyang mga tuhod; at nagpatawag siya ng isang lalake, at inahit ang pitong tirintas sa kaniyang ulo; at pinasimulan niyang (M)pighatiin siya, at ang kaniyang lakas ay nawala.
20 At sinabi niya, Narito na sa iyo ang mga Filisteo, Samson. At siya'y gumising sa kaniyang pagkakatulog, at sinabi, Ako'y lalabas na gaya ng dati, at ako'y magpupumiglas. Nguni't (N)hindi niya talos na ang Panginoo'y humiwalay sa kaniya.
21 At hinuli ng mga Filisteo, at (O)dinukit ang kaniyang mga mata; at inilusong nila sa Gaza, at tinalian (P)siya ng mga pangaw na tanso; at siya'y (Q)gumiling sa bilangguan.
22 Gayon ma'y nagpasimulang tumubo uli ang buhok ng kaniyang ulo, pagkatapos na siya'y maahitan.
Si Samson ay inalipusta at nakapaghiganti sa kaniyang kamatayan.
23 At nagpipisan ang mga pangulo ng mga Filisteo upang maghandog ng isang dakilang hain kay (R)Dagon na kanilang dios, at mangagalak: sapagka't kanilang sinabi, Ibinigay ng ating dios si Samson na ating kaaway sa ating kamay.
24 (S)At nang makita siya ng bayan, ay kanilang pinuri ang kanilang dios: sapagka't kanilang sinabi, Ibinigay ng ating dios sa ating kamay ang ating kaaway, at ang mangwawasak sa ating lupain, na pumatay sa marami sa atin.
25 At nangyari, nang (T)masayahan ang kanilang puso, na kanilang sinabi, Tawagin si Samson, upang siya'y ating mapaglaruan. At tinawag nga si Samson mula sa bilangguan; at siya'y pinaglaruan nila. At kanilang inilagay sa pagitan ng mga haligi:
26 At sinabi ni Samson sa bata na umaakay sa kaniya sa kamay, Ipahipo mo sa akin ang mga haliging pumipigil ng bahay, upang aking mangahiligan.
27 Ang bahay nga ay puno ng mga lalake at babae, at ang lahat ng mga pangulo ng mga Filisteo ay nandoon; at sa bubungan ay may tatlong libong lalake at babae, na nanonood samantalang pinaglalaruan si Samson.
28 At tumawag si Samson sa Panginoon, at sinabi, Oh Panginoong Dios, idinadalangin ko sa iyo na (U)alalahanin mo ako, at idinadalangin ko sa iyong palakasin mo ako, na minsan na lamang, Oh Dios, upang maiganti kong paminsan sa mga Filisteo ang aking dalawang mata.
29 At si Samson ay pumigil sa dalawang gitnang haligi na pumipigil ng bahay, at isinuhay sa mga yaon, ang isa sa kaniyang kanang kamay, at ang isa'y sa kaniyang kaliwa.
30 At sinabi ni Samson, Mamatay nawa akong kasama ng mga Filisteo. At iniubos niya ang kaniyang buong lakas; at ang bahay ay bumagsak sa mga pangulo, at sa buong bayan na nandoon sa loob. Sa gayo'y ang nangamatay na kaniyang pinatay sa kaniyang kamatayan ay higit kay sa pinatay niya sa kaniyang kabuhayan.
31 Nang magkagayo'y lumusong ang kaniyang mga kapatid at ang buong sangbahayan ng kaniyang ama, at kinuha siya, at iniahon siya, at (V)inilibing siya sa pagitan ng Sora at Esthaol sa libingan ni Manoa na kaniyang ama. (W)At siya'y naghukom sa Israel na dalawang pung taon.
20 At pagkatapos na mapatigil ang kaguluhan, nang maipatawag na ni Pablo ang mga alagad at sila'y mapangaralan, ay nagpaalam sa kanila, at (A)umalis upang pumaroon sa (B)Macedonia.
2 At nang matahak na niya ang mga dakong yaon, at maaralan na sila ng marami, siya'y napasa Grecia.
3 At nang siya'y makapaggugol na ng tatlong buwan doon, at mapabakayan siya ng mga Judio nang siya'y lalayag na sa (C)Siria, ay pinasiyahan niyang bumalik na magdaan sa Macedonia.
4 At siya'y sinamahan hanggang sa Asia, ni Sopatro na (D)taga Berea, na anak ni Pirro; at ng mga taga (E)Tesalonicang si (F)Aristarco at si Segundo; at ni (G)Gayo na taga (H)Derbe, at ni (I)Timoteo; at ng mga taga Asiang si (J)Tiquico at si (K)Trofimo.
5 Datapuwa't nangauna ang mga ito, at hinintay kami sa (L)Troas.
6 At kami'y nagsilayag mula sa Filipos pagkaraan ng mga kaarawan (M)ng mga tinapay na walang lebadura, at nagsidating kami sa kanila sa Troas sa loob ng limang araw; na doo'y nagsitira kaming pitong araw.
7 At (N)nang unang araw ng sanglinggo, nang kami'y nangagkakapisan (O)upang pagputolputulin ang tinapay, si Pablo ay nangaral sa kanila, na nagaakalang umalis sa kinabukasan; at tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hatinggabi.
8 At may maraming mga ilaw sa silid sa itaas na pangkatipunan namin.
9 At may nakaupo sa durungawan na isang binatang nagngangalang Eutico, na mahimbing sa pagtulog; at samantalang si Pablo ay nangangaral ng mahaba, palibhasa'y natutulog ay nahulog buhat sa ikatlong grado, at siya'y binuhat na patay.
10 At nanaog si Pablo, at (P)dumapa sa ibabaw niya, at siya'y niyakap na sinabi, Huwag kayong magkagulo; sapagka't nasa kaniya ang kaniyang buhay.
11 At nang siya'y makapanhik na, at (Q)mapagputolputol na ang tinapay, at makakain na, at makapagsalita sa kanila ng mahaba, hanggang sa sumikat ang araw, kaya't siya'y umalis.
12 At kanilang dinalang buhay ang binata, at hindi kakaunti ang kanilang pagkaaliw.
13 Datapuwa't kami, na nangauna sa daong, ay nagsilayag na patungong Ason, na doon namin inaakalang ilulan si Pablo: sapagka't gayon ang kaniyang ipinasiya, na ninanasa niyang maglakad.
14 At nang salubungin niya kami sa Ason, siya'y inilulan namin, at nagsiparoon kami sa Mitilene.
15 At pagtulak namin doon, ay sumapit kami nang sumunod na araw sa tapat ng Chio; at nang kinabukasan ay nagsidaong kami sa Samo; at nang kinabukasan ay nagsirating kami sa Mileto.
16 Sapagka't ipinasiya ni Pablo na lampasan ang Efeso, upang huwag na siyang maggugol ng panahon sa Asia; (R)sapagka't siya'y nagmamadali upang kung maaari ay dumating sa Jerusalem sa araw ng Pentecostes.
17 At mula sa Mileto ay nagpasugo siya sa Efeso, at ipinatawag (S)ang mga matanda sa iglesia.
18 At nang sila'y magsidating sa kaniya, ay sinabi niya sa kanila, Nalalaman ninyo, na mula nang unang araw na ako'y tumungtong sa Asia, kung paano ang pakikisama ko sa inyo sa buong panahon,
19 Na ako'y naglilingkod sa Panginoon ng buong pagpapakumbaba ng isip, at ng mga luha, at ng mga pagsubok na dumating sa akin (T)dahil sa mga pagbakay ng mga Judio;
20 Kung paanong hindi ko ikinait na ipahayag sa inyo ang anomang bagay na pakikinabangan, at hayag na itinuro sa inyo, at sa mga bahay-bahay,
21 Na sinasaksihan ko sa mga Judio at gayon din sa mga Griego ang pagsisisi sa Dios, at ang pananampalataya sa ating Panginoong Jesucristo.
22 At ngayon, narito, ako na natatali sa espiritu ay pasasa Jerusalem, na hindi nalalaman ang mga bagay na mangyayari sa akin doon:
23 Maliban na pinatotohanan sa akin (U)ng Espiritu Santo sa bawa't bayan, (V)na sinasabing ang mga tanikala at ang mga kapighatian ay nagsisipagantay sa akin.
24 Datapuwa't (W)hindi ko minamahal ang aking buhay na waring sa akin ay mahalaga, maganap ko lamang ang aking katungkulan, (X)at ang ministeriong tinanggap ko sa Panginoong Jesus, na magpatotoo ng evangelio ng biyaya ng Dios.
25 At ngayon, narito, nalalaman ko na kayong lahat, na aking nilibot na pinangaralan ng kaharian, ay hindi na ninyo muling makikita pa ang aking mukha.
26 Kaya nga pinatotohanan ko sa inyo sa araw na ito, na ako'y (Y)malinis sa dugo ng lahat ng mga tao.
27 Sapagka't hindi ko ikinait ang pagsasaysay sa inyo ng buong kapasiyahan ng Dios.
28 (Z)Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong (AA)kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga (AB)obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon (AC)na binili niya ng kaniyang sariling dugo.
29 Aking talastas na pagalis ko (AD)ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan;
30 At magsisilitaw (AE)sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan.
31 Kaya nga kayo'y mangagpuyat, (AF)na alalahaning sa loob ng tatlong taon ay hindi ako naglikat sa gabi at araw ng paalaala sa bawa't isa na may pagluha.
32 At ngayo'y ipinagtatagubilin ko kayo sa Dios, at (AG)sa salita ng kaniyang biyaya, na (AH)makapagpapatibay, at (AI)makapagbibigay sa inyo ng mana sa kasamahan ng lahat na mga pinapaging banal.
33 Hindi ko inimbot ang pilak ninoman, (AJ)o ang ginto, o ang pananamit.
34 Nalalaman din ninyo na (AK)ang mga kamay na ito ay nangaglilingkod sa mga kinakailangan ko, at (AL)sa aking mga kasamahan.
35 Nagbigay halimbawa ako sa inyo sa lahat ng mga bagay, (AM)na sa ganitong pagpapagal ay dapat kayong magsisaklolo sa mahihina, at alalahanin ang mga salita ng Panginoong Jesus, na siya rin ang may sabi, Lalo pang mapalad ang magbigay kay sa tumanggap.
36 At nang makapagsalita na siya ng gayon, ay nanikluhod siya at nanalanging kasama silang lahat.
37 At silang lahat ay nagsipanangis nang di kawasa, at nangagsiyakap sa leeg ni Pablo at siya'y hinagkan nila.
38 Na ikinahahapis ng lalo sa lahat ang salitang (AN)sinabi niya, na hindi na nila makikitang muli pa ang kaniyang mukha. At kanilang inihatid siya sa kaniyang paglalakbay hanggang sa daong.
Pinayuhan na mamanatag ang mga nadalang bihag.
29 Ito nga ang mga salita ng sulat na ipinadala ni Jeremias na propeta mula sa Jerusalem sa nalabi sa (A)mga matanda sa pagkabihag, at sa (B)mga saserdote, at sa mga propeta, at sa buong bayan, na dinalang bihag ni Nabucodonosor sa Babilonia mula sa Jerusalem:
2 (Pagkatapos na makaalis sa Jerusalem si (C)Jechonias na hari, at ang ina ng hari, at ang mga bating, at ang mga (D)prinsipe sa Juda at sa Jerusalem, at ang mga manggagawa at ang mga mangbabakal;)
3 Sa pamamagitan ng kamay ni Elasa na anak ni (E)Saphan, at ni Gemarias na anak ni (F)Hilcias, (na siyang sinugo sa Babilonia ni Sedechias na hari sa Juda kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia,) na nagsasabi,
4 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, sa lahat ng bihag na aking ipinadalang bihag sa Babilonia mula sa Jerusalem,
5 Kayo'y mangagtayo ng mga bahay, (G)at inyong tahanan; at kayo'y maghalamanan, at kanin ninyo ang bunga ng mga yaon.
6 Magsipagasawa kayo, at kayo'y mangagkaanak ng mga lalake at mga babae; at ikuha ninyo ng mga asawa ang inyong mga anak na lalake, at inyong ibigay na asawa ang inyong mga anak na babae, upang sila'y mangagkaanak ng mga lalake at mga babae: at kayo'y magsidami roon, at huwag kayong magpakaunti.
7 At inyong hanapin ang kapayapaan sa bayan na aking pinagdalhan sa inyong bihag, (H)at inyong idalangin sa Panginoon: sapagka't sa kapayapaan niyaon ay magkakaroon naman kayo ng kapayapaan.
8 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Huwag kayong dayain ng mga propeta na nangasa gitna ninyo, at ng (I)inyong mga manghuhula, o mangakinig man kayo sa inyong mga panaginip na inyong napapanaginip.
9 Sapagka't sila'y nanganghuhulang may kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan: hindi ko sinugo sila, sabi ng Panginoon.
10 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, (J)Pagkatapos na maganap ang pitong pung taon sa Babilonia, aking dadalawin kayo, (K)at aking tutuparin ang aking mabuting salita sa inyo, sa pagpapabalik sa inyo sa dakong ito.
11 Sapagka't nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, (L)upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas.
12 At kayo'y magsisitawag sa akin, at kayo'y magsisiyaon at magsisidalangin sa akin, at aking didinggin kayo.
13 At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso.
14 At (M)ako'y masusumpungan sa inyo, sabi ng Panginoon, at aking ibabalik uli kayo na mula sa inyong pagkabihag, at aking pipisanin (N)kayo mula sa lahat ng bansa, at mula sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa inyo, sabi ng Panginoon; at aking ibabalik kayo uli sa dakong mula sa aking pinagdalhang bihag sa inyo.
15 Sapagka't inyong sinabi, Ang Panginoon ay nagbangon sa amin ng mga propeta sa Babilonia.
16 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa hari na (O)nauupo sa luklukan ni David, at tungkol sa buong bayan na tumatahan sa bayang ito, sa inyo ngang mga kapatid na hindi nagsilabas na kasama ninyo sa pagkabihag;
17 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking susuguin sa kanila ang (P)tabak, ang kagutom at ang salot, at gagawin ko silang parang (Q)masamang igos, na hindi makakain, dahil sa nangapakasama.
18 At aking hahabulin sila ng tabak, at kagutom, at ng salot, at (R)aking ibibigay sila sa kakutyaan na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa, (S)upang maging kasumpaan, at katigilan, at kasutsutan, at katuyaan, sa gitna ng lahat na bansa na aking pinagtabuyan sa kanila;
19 Sapagka't hindi sila nangakinig sa aking mga salita, sabi ng Panginoon, na aking mga ipinasugo sa aking mga propeta, na ako'y bumangong maaga at sinugo ko sila; nguni't hindi ninyo dininig sila, sabi ng Panginoon.
20 Inyo ngang dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong lahat na nasa pagkabihag, (T)na aking itinaboy sa Babilonia mula sa Jerusalem.
Ang mga bulaang propeta ay tinutulan ni Jeremias.
21 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, tungkol kay Achab na anak ni Colias, at tungkol kay Sedechias na anak ni Maasias na nanghuhula ng kasinungalingan (U)sa inyo sa aking pangalan, Narito, aking ibibigay sila sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at papatayin niya sila sa harap ng inyong mga mata;
22 At sa kanila kukuha ng (V)kasumpaan sa lahat ng bihag (W)sa Juda na nangasa Babilonia, na magsasabi, Gawin ka ng Panginoon na gaya ni Sedechias at gaya ni Achab, na (X)iniihaw sa apoy ng hari sa Babilonia.
23 Sapagka't sila'y gumawang may kamangmangan sa Israel, at nangalunya sa mga asawa ng kanilang mga kapuwa, at nangagsalita ng mga salita sa aking pangalan na may kasinungalingan, na hindi ko iniutos sa kanila; at ako ang siyang nakakakilala, at (Y)ako'y saksi, sabi ng Panginoon.
24 At tungkol kay Semaias na Nehelamita ay iyong sasalitain, na sasabihin,
25 Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na sinasabi, Sapagka't ikaw ay nagpadala ng mga sulat sa iyong sariling pangalan sa buong bayan na nasa Jerusalem, at (Z)kay Sophonias na anak ni (AA)Maasias na saserdote, at sa lahat na saserdote, na iyong sinasabi,
26 Ginawa kang saserdote ng Panginoon na kahalili ni Joiada na saserdote, upang kayo'y (AB)maging mga lingkod sa bahay ng Panginoon, sa bawa't tao na (AC)ulol, at (AD)nagpapanggap na propeta, upang iyong mailagay sa pangawan at (AE)sa mga tanikala.
27 Ngayon nga, bakit hindi mo sinaway si (AF)Jeremias na taga Anathoth, na nagpapanggap na propeta sa inyo,
28 Yamang siya'y nagsugo sa Babilonia, na nagsasabi, Ang pagkabihag ay malaon: (AG)kayo'y mangagtayo ng mga bahay at inyong tahanan; at kayo'y mangaghalaman, at inyong kanin ang bunga ng mga yaon?
29 At binasa ni Sophonia na saserdote ang sulat na ito sa mga pakinig ni Jeremias na propeta.
30 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, na nagsasabi,
31 Ikaw ay magsugo sa kanilang lahat na nasa pagkabihag, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Semaias na Nehelamita. Yamang nanghula si Semaias sa inyo, (AH)at hindi ko sinugo siya, at kaniyang pinatiwala kayo sa kasinungalingan.
32 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking parurusahan si Semaias na Nehelamita, at ang kaniyang binhi; siya'y hindi magkakaroon ng lalake na tatahan sa gitna ng bayang ito, (AI)o mamamasdan man niya ang mabuti na gagawin ko sa aking bayan, sabi ng Panginoon, sapagka't siya'y nagsalita ng panghihimagsik laban sa Panginoon.
15 At pagdaka, (A)pagkaumaga ay nangagsangusapan ang mga pangulong saserdote pati ng matatanda at mga eskriba, at ang buong Sanedrin, at (B)ginapos si Jesus, at inilabas siya, at ibinigay siya kay Pilato.
2 At itinanong sa kaniya ni Pilato, (C)Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At pagsagot niya ay sinabi sa kaniya, Ikaw ang nagsasabi.
3 At isinakdal siya sa maraming bagay ng mga pangulong saserdote.
4 At muling tinanong siya ni Pilato, na sinasabi, Hindi ka sumasagot ng anoman? tingnan mo kung gaano karaming bagay ang kanilang isinasakdal laban sa iyo.
5 Datapuwa't si Jesus ay hindi na sumagot ng anoman; ano pa't nanggilalas si Pilato.
6 (D)Sa kapistahan nga ay pinagkaugalian niya na pawalan sa kanila ang isang bilanggo, na kanilang hingin sa kaniya.
7 At mayroong isa na kung tawagin ay Barrabas, na nagagapos na kasama ng nangaghimagsik, mga taong nagsipatay ng mga tao sa panghihimagsik.
8 At nagsipanhik ang karamihan at nangagpasimulang hingin sa kaniya na sa kanila'y gawin ang gaya ng sa kanila'y laging ginagawa.
9 At sinagot sila ni Pilato, na sinasabi, Ibig baga ninyo na pawalan ko sa inyo ang Hari ng mga Judio?
10 Sapagka't natatalastas niya na sa kapanaghilian ay ibinigay siya ng mga pangulong saserdote.
11 Datapuwa't inudyukan ng mga pangulong saserdote ang karamihan, na si Barrabas na muna ang siya niyang pawalan sa kanila.
12 At sumagot na muli si Pilato at sa kanila'y sinabi, Ano nga ang aking gagawin sa inyong tinatawag na Hari ng mga Judio?
13 At sila'y muling nagsigawan, Ipako siya sa krus.
14 At sinabi sa kanila ni Pilato, Bakit, anong masama ang kaniyang ginawa? Datapuwa't sila'y lalong nagsigawan, Ipako siya sa krus.
15 At sa pagkaibig ni Pilato na magbigay-loob sa karamihan, ay pinawalan sa kanila si Barrabas, at ibinigay si Jesus, pagkatapos na siya'y mahampas niya, upang siya'y ipako sa krus.
16 At dinala (E)siya ng mga kawal sa (F)looban, na siyang (G)Pretorio; at kanilang tinipon ang buong pulutong.
17 At siya'y kanilang dinamtan ng kulay-ube, at nang makapagkamakama ng isang putong na tinik, ay ipinutong nila sa kaniya.
18 At nagpasimula silang siya'y batiin, Aba, Hari ng mga Judio!
19 At sinaktan nila ang kaniyang ulo ng isang tambo, at siya'y niluluraan, at pagkaluhod nila, siya'y sinamba.
20 At nang siya'y kanilang malibak na, ay inalis nila sa kaniya ang kulay-ube, at isinuot sa kaniya ang kanyang mga damit. At siya'y kanilang inilabas upang ipako siya sa krus.
21 At kanilang pinilit ang isang nagdaraan, si Simon na taga Cirene, na ama ni Alejandro at ni Rufo, na nanggagaling sa bukid, upang sumama sa kanila, upang pasanin niya ang kaniyang krus.
22 (H)At siya'y kanilang dinala (I)sa dako ng Golgota, na kung liliwanagin ay, Ang dako ng bungo.
23 At siya'y dinulutan nila ng alak na hinaluan ng mirra: datapuwa't hindi niya tinanggap.
24 At siya'y kanilang ipinako sa krus, at kanilang pinaghatihatian ang kaniyang mga damit, na kanilang pinagsapalaran, kung alin ang dadalhin ng bawa't isa.
25 At ikatlo na ang oras, (J)at siya'y kanilang ipinako sa krus.
26 At ang pamagat ng pagkasakdal sa kaniya ay isinulat sa ulunan, ANG HARI NG MGA JUDIO.
27 At ipinako sa krus na kasama niya ang dalawang tulisan; isa sa kaniyang kanan, at isa sa kaniyang kaliwa.[a](K)
29 At siya'y inalipusta ng nagsisipagdaan na pinatatangotango ang kanilang mga ulo, at sinasabi, Ah! ikaw na iginigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong itinatayo,
30 Iyong iligtas ang sarili mo, at bumaba ka sa krus.
31 Gayon din naman ang mga pangulong saserdote pati ng mga eskriba, siya'y minumura na nangagsasalitaan sila-sila na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas.
32 Bumaba ngayon mula sa krus ang Cristo, ang Hari ng Israel, upang aming makita at sampalatayanan. At minumura siya ng mga kasama niyang nangapapako.
33 At nang dumating ang ikaanim na oras, ay nagdilim sa buong lupa hanggang sa oras na ikasiyam.
34 At nang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig: Eloi, Eloi, lama sabacthani? na kung liliwanagin ay, (L)Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?
35 At nang marinig ng ilang nangaroon, ay sinabi nila, Narito, tinatawag niya si Elias.
36 At tumakbo ang isa, at binasa ng suka ang isang espongha, saka inilagay sa isang tambo, at ipinainom sa kaniya, na sinasabi, Pabayaan ninyo; tingnan natin kung paririto si Elias upang siya'y ibaba.
37 At si Jesus ay sumigaw ng malakas na tinig, at nalagot ang hininga.
38 At ang tabing ng templo ay nahapak na nagkadalawa mula sa itaas hanggang sa ibaba.
39 At (M)ang senturiong nakatayo sa tapat niya, nang makitang malagot ang hininga niya, ay kaniyang sinabi, Katotohanang ang taong ito ay Anak ng Dios.
40 At mayroon din namang mga babae na nagsisitanaw mula sa malayo: na sa mga yao'y nangaroroon kapuwa si Maria Magdalena, at si Mariang ina ni Santiago na bata at ni Jose, at (N)si Salome;
41 Na, nang siya'y nasa Galilea, ay nagsisunod sila sa kaniya, at siya'y pinaglilingkuran nila; at mga iba pang maraming babae na nagsiahong kasama niya sa Jerusalem.
42 At (O)nang kinahapunan, sapagka't noo'y (P)Paghahanda, sa makatuwid baga'y ang araw na nauuna sa sabbath,
43 Dumating si Jose na taga Arimatea, isang (Q)kasangguni na may marangal na kalagayan, na (R)naghihintay rin naman ng kaharian ng Dios; at pinangahasan niyang pinasok si Pilato, at hiningi ang bangkay ni Jesus.
44 At nanggilalas si Pilato kung siya'y patay na: at nang mapalapit niya sa kaniya ang (S)senturion, ay itinanong niya sa kaniya kung malaon nang patay.
45 At nang matanto niya sa senturion, ay ipinagkaloob niya ang bangkay kay Jose.
46 At binili niya ang isang kayong lino, at pagkababa sa kaniya sa krus, ay binalot siya ng kayong lino at inilagay siya sa isang libingan na hinukay sa isang bato; at iginulong niya ang isang bato hanggang sa pintuan ng libingan.
47 At (T)tinitingnan ni Maria Magdalena at ni Mariang ina ni Jose kung saan siya nalagay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978