M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang nagdaramdam na talumpati ni Samuel.
12 At sinabi ni Samuel sa buong Israel, Narito, (A)aking dininig ang inyong tinig sa lahat na inyong sinabi sa akin, (B)at naghalal ako ng isang hari sa inyo.
2 At ngayo'y narito, ang hari ay lumalakad sa unahan ninyo; at (C)ako'y matanda na at mauban; at, narito, ang aking mga anak ay kasama ninyo: at ako'y lumakad sa unahan ninyo mula sa aking kabataan hanggang sa araw na ito.
3 Narito ako: sumaksi kayo laban sa akin (D)sa harap ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang pinahiran ng langis: (E)kung kaninong baka ang kinuha ko? kung kaninong asno ang kinuha ko? o kung sino ang aking dinaya? kung sino ang aking pinighati? o kung kaninong kamay ako kumuha ng suhol upang bulagin ang (F)aking mga mata niyaon? at aking isasauli sa inyo.
4 At kanilang sinabi, Hindi ka nagdaya sa amin, ni pumighati man sa amin, ni tumanggap man ng anoman sa kamay ng sinoman.
5 At sinabi niya sa kanila, Ang Panginoon ay saksi laban sa inyo at ang kaniyang pinahiran ng langis ay saksi sa araw na ito na hindi kayo nakasumpong ng anoman sa aking kamay. At kanilang sinabi, Siya'y saksi.
6 At sinabi ni Samuel sa bayan, Ang Panginoon ang siyang naghalal kay Moises at kay Aaron, at siyang nagahon sa inyong mga magulang mula sa lupain ng Egipto.
7 Ngayon nga'y tumayo kayo, upang aking maisaysay sa inyo sa harap ng Panginoon ang tungkol sa lahat na matuwid na gawa ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa inyo at sa inyong mga magulang.
8 Nang si Jacob ay makapasok sa Egipto, at ang inyong mga magulang ay (G)dumaing sa Panginoon, sinugo nga ng Panginoon si Moises at si Aaron, na siyang nagsipaglabas sa inyong mga magulang mula sa Egipto, at pinatira sila sa dakong ito.
9 Nguni't (H)nilimot nila ang Panginoon nilang Dios; at ipinagbili niya (I)sila sa kamay ng Sisara, na kapitan ng hukbo ni Azor, at sa kamay ng mga (J)Filisteo, at sa kamay ng hari sa (K)Moab; at sila'y nakipaglaban sa kanila.
10 At sila'y dumaing sa Panginoon at nagsabi, (L)Kami ay nagkasala, sapagka't pinabayaan namin ang Panginoon at (M)naglingkod kami sa mga Baal at sa mga Astaroth: nguni't ngayo'y palayain mo kami sa kamay ng aming mga kaaway, at kami ay maglilingkod sa iyo.
11 At sinugo ng Panginoon si (N)Jerobaal, at si Bedan, at si (O)Jephte, at si Samuel, at pinapaging laya ko sa kamay ng inyong mga kaaway sa bawa't dako, at kayo'y tumahang tiwasay.
12 At nang makita ninyo na si (P)Naas na hari ng mga anak ni Ammon ay naparito laban sa inyo, (Q)ay inyong sinabi sa akin, Hindi, kundi isang hari ang maghahari sa amin; (R)dangang ang Panginoon ninyong Dios ay siya ninyong hari.
13 Ngayon nga'y masdan ninyo ang hari (S)na inyong pinili, at siya ninyong hiningi: at, narito, nilagyan kayo ng Panginoon ng isang hari sa inyo.
14 Kung kayo'y matatakot sa Panginoon, at maglilingkod sa kaniya, at makikinig sa kaniyang tinig, at hindi manghihimagsik laban sa utos ng Panginoon, at kayo at gayon din ang hari na naghahari sa inyo ay maging masunurin sa Panginoon ninyong Dios, ay mabuti:
15 Nguni't kung hindi ninyo didinggin ang tinig ng Panginoon, kundi manghihimagsik kayo laban sa utos ng Panginoon, ay magiging laban nga sa inyo ang (T)kamay ng Panginoon (U)gaya sa inyong mga magulang.
16 Ngayon nga'y tumahimik kayo (V)at tingnan ninyo itong dakilang bagay na gagawin ng Panginoon sa harap ng inyong mga mata.
17 Hindi ba (W)pagaani ng trigo sa araw na ito? Ako'y tatawag sa Panginoon, na siya'y magpapasapit ng kulog at ulan; at inyong malalaman at makikita na (X)ang inyong kasamaan ay dakila, na inyong ginawa sa paningin ng Panginoon sa paghingi ninyo ng isang hari.
18 Sa gayo'y tumawag si Samuel sa Panginoon; at ang Panginoon ay nagpasapit ng kulog at ulan ng araw na yaon: at ang (Y)buong bayan ay natakot na mainam sa Panginoon at kay Samuel.
19 At sinabi ng buong bayan kay Samuel, (Z)Ipanalangin mo ang iyong mga lingkod sa Panginoon mong Dios, upang huwag kaming mamatay; sapagka't aming idinagdag sa lahat ng aming mga kasalanan ang kasamaang ito, na humingi kami para sa amin ng isang hari.
20 At sinabi ni Samuel sa bayan, Huwag kayong matakot: tunay na inyong ginawa ang buong kasamaang ito; gayon ma'y huwag kayong lumihis ng pagsunod sa Panginoon, kundi kayo'y maglingkod ng buong puso sa Panginoon.
21 At huwag kayong lumiko; sapagka't kung gayo'y (AA)susunod kayo sa mga walang kabuluhang bagay na hindi ninyo mapapakinabangan o makapagpapalaya man, sapagka't mga walang kabuluhan.
22 (AB)Sapagka't hindi pababayaan ng Panginoon ang kaniyang bayan (AC)dahil sa kaniyang dakilang pangalan, (AD)sapagka't kinalulugdan ng Panginoon na gawin kayong bayan niya.
23 Saka sa ganang akin, malayo nawang sa akin na ako'y magkasala laban sa Panginoon sa paglilikat ng (AE)pananalangin dahil sa inyo: kundi ituturo ko sa inyo ang mabuti at matuwid na (AF)daan.
24 Matakot lamang kayo sa Panginoon, at maglingkod kayo sa kaniya sa katotohanan ng inyong buong puso; (AG)dilidilihin nga ninyo kung gaanong dakilang mga bagay ang kaniyang ginawa sa inyo.
25 Nguni't kung kayo'y mamamalaging gagawa ng kasamaan, kayo'y malilipol, kayo at gayon din ang inyong hari.
10 Mga kapatid, (A)ang nais ng aking puso at ang aking panalangin sa Dios ay patungkol sa kanila, upang sila'y mangaligtas.
2 Sapagka't sila'y pinatotohanan ko (B)na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa't hindi ayon sa pagkakilala.
3 Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, (C)ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.
4 Sapagka't si (D)Cristo ang kinauuwian ng kautusan sa ikatutuwid ng bawa't sumasampalataya.
5 Sapagka't isinulat ni Moises na (E)ang tao na gumagawa ng katuwirang ayon sa kautusan ay mabubuhay dahil dito.
6 Datapuwa't sinasabi ng katuwiran ayon sa pananampalataya ang ganito, (F)Huwag mong sabihin sa iyong puso, Sino ang aakyat sa langit? (sa makatuwid baga'y (G)upang ibaba si Cristo:)
7 O, Sino ang mananaog sa kalalimlaliman? (sa makatuwid baga'y upang iakyat si Cristo mula sa mga patay.)
8 Datapuwa't ano ang sinasabi nito? Ang salita ay (H)malapit sa iyo, sa iyong bibig, at sa iyong puso: sa makatuwid baga'y ang salita ng pananampalataya na aming ipinangangaral:
9 Sapagka't (I)kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka:
10 Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.
11 Sapagka't sinasabi ng kasulatan, (J)Ang lahat na sa kaniya'y nagsisisampalataya ay hindi mapapahiya.
12 Sapagka't (K)walang pagkakaiba ang Judio at ang Griego: sapagka't ang Panginoon din ay (L)siyang Panginoon ng lahat, at mayaman siya sa lahat ng sa kaniya'y nagsisitawag:
13 Sapagka't, Ang (M)lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.
14 Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan? at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?
15 At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila mga (N)sinugo? gaya nga ng nasusulat, (O)Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti!
16 Datapuwa't hindi silang lahat ay nakinig ng masasayang balita. Sapagka't sinasabi ni Isaias, (P)Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita?
17 Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.
18 Datapuwa't sinasabi ko, Hindi baga sila'y nangakinig? (Q)Oo, tunay nga,
Ang tinig nila ay kumalat sa buong lupa,
At ang kanilang mga salita'y hanggang sa mga dulo ng sanglibutan.
19 Datapuwa't sinasabi ko, Hindi baga nalalaman ng Israel? Unauna'y sinasabi ni Moises,
(R)Ipamumungkahi ko kayo sa paninibugho sa pamamagitan niyaong hindi bansa,
Sa pamamagitan ng (S)isang bansang mangmang ay gagalitin ko kayo.
20 At si Isaias ay buong tapang na nagsasabi,
(T)Ako'y nasumpungan nilang mga hindi nagsisihanap sa akin;
Nahayag ako sa kanilang mga hindi nagsisipagtanong tungkol sa akin.
21 Datapuwa't tungkol sa Israel ay sinasabi niya,
(U)Sa buong araw ay iniunat ko ang aking mga kamay sa isang bayang suwail at matutol.
Ang salita ng Panginoon tungkol sa Ammon.
49 (A)Tungkol sa mga anak ni Ammon. Ganito ang sabi ng Panginoon. Wala bagang mga anak ang Israel? wala ba siyang tagapagmana? bakit nga minamana ni Malcam ang Gad, at tumatahan ang kaniyang bayan sa mga bayan niyaon?
2 Kaya't, narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking iparirinig ang kaingay ng digmaan laban sa (B)Rabba ng mga anak ng Ammon; at magiging isang gibang bunton, at ang kaniyang mga anak na babae ay masusunog ng apoy: kung magkagayo'y mga aariin ng Israel ang nagari sa kaniya, sabi ng Panginoon.
3 Tumangis ka, Oh Hesbon, sapagka't ang Hai ay nasamsaman; magsiiyak kayo, kayong mga anak na babae ng Rabba, kayo'y mangagbigkis ng kayong magaspang: kayo'y magsitaghoy, at magsitakbong paroo't parito sa gitna ng mga bakuran; sapagka't si Malcam ay papasok sa pagkabihag, (C)ang kaniyang mga saserdote at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasama.
4 Bakit ka nagpapakaluwalhati sa mga libis, ikaw na mainam na libis, Oh tumatalikod na anak na babae? na tumiwala sa kaniyang mga kayamanan, (D)na kaniyang sinasabi, Sinong paririto sa akin?
5 Narito, sisidlan kita ng takot, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, mula sa lahat na nangasa buong palibot mo; at kayo'y mangatataboy bawa't isa na patuloy, at walang magiipon sa kanila na nagsisitakas.
6 Nguni't (E)pagkatapos ay aking ibabalik na muli ang mga anak ni Ammon mula sa pagkabihag, sabi ng Panginoon.
Ang salita ng Panginoon tungkol sa Edom.
7 (F)Tungkol sa Edom. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: (G)Wala na baga ang karunungan sa Teman? nawala baga ang payo sa mabait? nawala baga ang kanilang karunungan?
8 Magsitakas kayo, magsibalik kayo, kayo'y magsitahan sa kalaliman, Oh mga nananahan sa (H)Dedan; sapagka't aking dadalhin ang kapahamakan ng Esau sa kaniya, sa panahon na aking dadalawin siya.
9 Kung ang mga mangaani ng ubas ay magsidating (I)sa iyo, hindi baga sila mangagiiwan ng mapupulot na mga ubas? kung mga magnanakaw sa gabi, hindi baga sila magsisigiba ng hanggang magkaroon ng kahustuhan?
10 Nguni't (J)aking hinubdan ang Esau, aking inilitaw ang kaniyang mga kublihan, at siya'y hindi makapagkukubli: ang kaniyang mga binhi ay nasira, at ang kaniyang mga kapatid, at ang kaniyang mga kalapit, at siya'y wala na rin.
11 Iwan mo ang iyong mga ulilang anak, aking iingatan silang buhay: at magsitiwala sa akin ang iyong mga babaing bao.
12 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, (K)silang hindi nangauukol magsiinom sa saro ay walang pagsalang magsisiinom; at ikaw baga'y yayaong lubos na walang parusa? ikaw ay hindi yayaon na walang parusa, kundi walang pagsalang iinom ka.
13 Sapagka't ako'y sumumpa sa pamamagitan (L)ng aking sarili, sabi ng Panginoon, na ang (M)Bosra ay magiging katigilan, kakutyaan, kasiraan, at kasumpaan; at ang lahat ng mga bayan niyaon ay magiging walang hanggang pagkasira.
14 Ako'y nakarinig (N)ng mga balita na mula sa Panginoon, at isang sugo ay sinugo sa gitna ng mga bansa, na sinasabi, Kayo'y magpipisan, at magsiparoon laban sa kaniya, at magsibangon sa pakikipagbaka.
15 Sapagka't, narito, ginawa kitang maliit sa gitna ng mga bansa, at hinamak kita sa gitna ng mga tao.
16 Tungkol sa iyong mga kakilabutan, dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso, Oh ikaw na tumatahan sa mga bitak ng bato, na humahawak sa kaitaasan ng burol: bagaman (O)iyong pataasin ang iyong pugad na kasingtaas ng aguila, aking ibababa ka (P)mula roon, sabi ng Panginoon.
17 At ang Edom ay magiging (Q)katigilan: bawa't nagdaraan ay matitigilan, at susutsot dahil sa lahat ng salot doon.
18 Kung paano ang (R)nangyari sa Sodoma at Gomorra, at sa mga kalapit bayan niyaon, sabi ng Panginoon, gayon walang lalake na tatahan doon, ni sinomang anak ng tao ay mangingibang bayan doon.
19 Narito, siya'y sasampa na (S)parang leon mula sa (T)kapalaluan ng Jordan laban sa matibay na tahanan: sapagka't bigla kong patatakbuhin siya mula roon; at ang mapili siya kong ihahalal sa kaniya: sapagka't sino ang gaya ko? at sinong nagtatakda sa akin ng panahon? at sino ang pastor na makatatayo sa harap ko?
20 Kaya't inyong dinggin ang payo ng Panginoon, na kaniyang ipinasiya laban sa Edom; at ang kaniyang mga panukala na kaniyang pinanukala laban sa mga nananahan sa (U)Teman: Tunay na itataboy sila, sa makatuwid baga'y ang mga maliit ng kawan; tunay na kaniyang ipapahamak ang kanilang tahanan kalakip nila.
21 Ang lupa ay nayayanig sa (V)hugong ng kanilang pagkabuwal; may hiyawan, na ang ingay ay naririnig sa Dagat na Mapula.
22 Narito, (W)siya'y sasampa at parang aguila na lilipad, at magbubuka ng kaniyang mga pakpak laban sa (X)Bosra: at ang puso ng mga makapangyarihang lalake ng Edom sa araw na yaon ay magiging parang puso ng babae sa kaniyang pagdaramdam.
Ang salita ng Panginoon tungkol sa Damasco.
23 Tungkol sa Damasco. Ang Hamath ay (Y)napahiya, at ang Arphad; sapagka't sila'y nangakarinig ng mga masamang balita, sila'y nanganglulupaypay: may kapanglawan sa dagat; hindi maaaring tumahimik.
24 Ang Damasco ay humihina, siya'y tumatalikod upang tumakas, at panginginig ay humahawak sa kaniya: kalungkutan at mga kapanglawan ay sumapit sa kaniya na gaya sa babae sa pagdaramdam.
25 Ano't hindi pinabayaan ang bayan (Z)na kapurihan, ang bayan na aking kagalakan?
26 Kaya't ang kaniyang mga binata ay mangabubuwal sa kaniyang mga lansangan, at lahat ng lalake na mangdidigma ay mangadadala sa katahimikan sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
27 At ako'y magsusulsol ng (AA)apoy sa kuta ng Damasco, at pupugnawin niyaon ang mga palacio ni (AB)Benhadad.
Ang salita ng Panginoon tungkol sa Cedar at Hasor.
28 Tungkol sa Cedar, (AC)at sa mga kaharian ng Hasor na sinaktan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia.
Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsibangon kayo, magsisampa kayo sa Cedar, at inyong lipulin ang mga anak ng silanganan.
29 Ang kanilang mga tolda (AD)at ang kanilang mga kawan ay kanilang kukunin; kanilang kukunin para sa kanilang sarili ang kanilang mga tabing, at lahat nilang sisidlan, at ang kanilang mga kamelyo: at hihiyawan nila sila: (AE)Kakilabutan sa lahat ng dako!
30 Magsitakas kayo, (AF)gumala kayo ng malayo, magsitahan kayo sa kalaliman, Oh kayong mga nananahan sa Hasor, sabi ng Panginoon; sapagka't kumuhang payo si Nabucodonosor na hari sa Babilonia laban sa inyo, at may ipinasiya laban sa inyo.
31 Magsibangon kayo, inyong sampahin ang bansang tiwasay, na tumatahang walang bahala, sabi ng Panginoon; na wala kahit pintuangbayan o mga halang man, na (AG)tumatahang magisa.
32 At ang kanilang mga kamelyo ay magiging samsam, at ang karamihan ng kanilang kawan ay samsam: at (AH)aking pangangalatin sa lahat ng hangin ang mga may gupit sa dulo ng kanilang buhok; at aking dadalhin ang kanilang kasakunaan na mula sa lahat nilang dako, sabi ng Panginoon.
33 At ang Hasor (AI)ay magiging tahanang dako ng mga chakal, sira magpakailan man: walang taong tatahan doon, ni sinomang anak ng tao ay mangingibang bayan doon.
Ang salita ng Panginoon tungkol sa Elam.
34 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias na propeta tungkol sa (AJ)Elam sa pagpapasimula ng paghahari ni Sedechias na hari sa Juda, na nagsasabi,
35 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking babaliin (AK)ang busog ng Elam, ang pinakapangulo ng kaniyang kapangyarihan.
36 At sa Elam ay dadalhin ko ang apat na hangin na mula sa apat na sulok ng langit, at aking pangangalatin sila sa lahat ng hanging yaon; at walang bansang hindi kararatingan ng mga tapon na mula sa Elam.
37 At aking panglulupaypayin ang Elam sa harap ng kanilang mga kaaway, at sa harap ng nagsisiusig ng kanilang buhay; at ako'y magdadala ng kasamaan sa kanila, sa makatuwid baga'y ang aking mabangis na galit, sabi ng Panginoon; (AL)at aking ipahahabol sila sa tabak, hanggang sa malipol ko sila.
38 At aking ilalagay ang aking luklukan sa Elam, (AM)at aking lilipulin mula roon ang hari at mga prinsipe, sabi ng Panginoon.
39 At mangyayari sa mga huling araw, (AN)na aking ibabalik ang pagkabihag ng Elam, sabi ng Panginoon.
Ang panalangin sa pagtangkakal. Awit ni David.
26 Iyong hatulan ako (A)Oh Panginoon, sapagka't ako'y lumakad (B)sa aking pagtatapat:
Ako naman ay (C)tumiwala sa Panginoon, na walang bulay-bulay.
2 (D)Siyasatin mo ako, Oh Panginoon, at iyong subukin ako;
Subukin mo ang aking puso at ang aking isip.
3 Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay nasa harap ng aking mga mata:
At ako'y lumakad sa iyong katotohanan.
4 (E)Hindi ako naupo na kasama ng mga walang kabuluhang tao;
Ni papasok man ako na kasama ng mga mapagpakunwari.
5 Aking pinagtataniman ang kapisanan ng mga manggagawa ng kasamaan,
At hindi ako uupo na kaumpok ng masama.
6 (F)Aking huhugasan ang aking mga kamay sa pagkawalang sala;
Sa gayo'y aking lilibirin ang iyong dambana, Oh Panginoon:
7 Upang aking maiparinig ang tinig ng pagpapasalamat,
At maisaysay ang lahat na iyong (G)kagilagilalas na gawa.
8 Panginoon, aking iniibig ang tahanan ng iyong bahay,
At ang dako na tinatahanan ng iyong kaluwalhatian.
9 Huwag mong isama ang aking kaluluwa sa mga makasalanan,
Ni ang aking buhay man sa mga mabagsik na tao:
10 Na ang mga kamay ay kinaroroonan ng kasamaan,
At ang kanilang kanan ay puno ng mga suhol.
11 Nguni't tungkol sa akin ay lalakad ako sa aking pagtatapat:
Iyong tubusin ako, at mahabag ka sa akin.
12 Ang aking paa ay nakatayo sa isang panatag na dako:
(H)Sa mga kapisanan ay pupurihin ko ang Panginoon.
Awit ng walang takot na pagtitiwala sa Panginoon. Awit ni David.
27 Ang Panginoon (I)ay aking liwanag, at (J)aking kaligtasan: kanino ako matatakot?
Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak?
2 Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman,
Ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y nangatisod at nangarapa.
3 (K)Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin,
Hindi matatakot ang aking puso:
Bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin,
Gayon ma'y titiwala rin ako.
4 (L)Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin;
Na ako'y makatahan (M)sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay,
Upang malasin (N)ang kagandahan ng Panginoon,
At magusisa sa kaniyang templo.
5 (O)Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong:
Sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako;
Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato.
6 At ngayo'y matataas ang (P)aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko;
At ako'y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan;
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon.
7 Dinggin mo, Oh Panginoon, pagka ako'y sumisigaw ng aking tinig:
Maawa ka rin sa akin, at sagutin mo ako.
8 Nang iyong sabihin, (Q)Hanapin ninyo ang aking mukha; ang aking puso ay nagsabi sa iyo,
Ang iyong mukha, Panginoon, ay hahanapin ko.
9 (R)Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit:
Ikaw ay naging aking saklolo;
Huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, (S)Oh Dios ng aking kaligtasan.
10 (T)Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina,
Gayon ma'y dadamputin ako ng Panginoon.
11 (U)Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon:
At patnubayan mo ako sa patag na landas,
Dahil sa aking mga kaaway.
12 Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway:
Sapagka't mga sinungaling na saksi ay (V)nagsibangon laban sa akin,
At ang (W)nagsisihinga ng kabagsikan.
13 Ako sana'y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon.
(X)Sa lupain ng may buhay.
14 (Y)Magantay ka sa Panginoon:
Ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso;
Oo, umasa ka sa Panginoon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978