Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Hukom 17

Si Michas at ang kaniyang mga larawan.

17 At may isang lalake sa lupaing (A)maburol ng Ephraim, na ang pangala'y Michas.

At sinabi niya sa kaniyang ina, Ang isang libo at isang daang putol na pilak na kinuha sa iyo, na siyang ikinapagtungayaw mo, at sinalita mo rin sa aking mga pakinig, narito, ang pilak ay nasa akin; aking kinuha. At sinabi ng kaniyang ina, Pagpalain nawa ng (B)Panginoon ang aking anak.

At isinauli niya ang isang libo at isang daang putol na pilak sa kaniyang ina, at sinabi ng kaniyang ina, Aking tunay na itinalaga ng aking kamay ang pilak na ito sa Panginoon, na ukol sa aking anak, (C)upang igawa ng isang larawang inanyuan at ng isang larawang binubo: kaya ngayo'y isasauli ko sa iyo.

At nang kaniyang isauli ang salapi sa kaniyang ina, ay (D)kinuha ng kaniyang ina ang dalawang daang putol na pilak na ibinigay sa mga mangbububo, na siyang gumawa ng isang larawang inanyuan at ng isang larawang binubo: at nasa bahay ni Michas.

At ang lalaking si Michas ay nagkaroon ng isang bahay ng mga dios, at siya'y gumawa ng isang (E)epod at mga (F)terap at itinalaga ang isa ng kaniyang mga anak, na maging kaniyang saserdote.

(G)Nang mga araw na yaon ay walang hari sa Israel: (H)bawa't tao'y gumagawa ng minamatuwid niya sa kaniyang sariling mga mata.

At may isa namang may kabataan sa Beth-lehem-juda, sa angkan ni Juda; na isang Levita; at siya'y nakikipamayan doon.

At ang lalake ay umalis sa bayan, sa (I)Beth-lehem-juda, upang makipamayan kung saan siya makakasumpong ng matutuluyan: at siya'y naparoon sa lupaing maburol ng Ephraim, sa bahay ni Michas habang siya'y naglalakbay.

At sinabi ni Michas sa kaniya, Saan ka nanggaling? At sinabi niya sa kaniya, Ako'y Levita sa Beth-lehem-juda, at ako'y yayaong makikipamayan kung saan ako makasumpong ng matutuluyan.

10 At sinabi ni Michas sa kaniya, (J)Tumahan ka sa akin, at ikaw ay maging sa akin ay isang (K)ama at isang saserdote, at bibigyan kita ng sangpung putol na pilak isang taon, at ng bihisan, at ng iyong pagkain. Sa gayo'y ang Levita ay pumasok.

11 At ang Levita ay nakipagkasundong tumahang kasama ng lalake: at ang binata sa kaniya'y parang isa sa kaniyang mga anak.

12 At (L)itinalaga ni Michas ang Levita, at ang binata ay naging kaniyang (M)saserdote, at nasa bahay ni Michas.

13 Nang magkagayo'y sinabi ni Michas, Ngayo'y talastas ko, na gagawan ako ng mabuti ng Panginoon, yamang ako'y may isang Levita na pinakasaserdote ko.

Mga Gawa 21

21 At nang mangyaring kami'y mangakahiwalay na sa kanila at mangaglayag, ay tuloytuloy na pinunta namin ang Coos, at nang kinabukasa'y ang Rodas, at buhat doo'y ang Patara:

At nang aming masumpungan ang isang daong na dumaraang patungo sa Fenicia, ay nagsilulan kami, at nagsipaglayag.

At nang matanaw namin ang Chipre, na maiiwan namin sa dakong kaliwa ay nagsilayag kaming hanggang sa (A)Siria, at nagsidaong sa Tiro; sapagka't ilulunsad doon ng daong ang kaniyang lulan.

At nang masumpungan ang mga alagad, ay nangatira kami doong pitong araw: at sinabi ng mga ito kay Pablo na (B)sa pamamagitan ng Espiritu, na huwag siyang tutungtong sa Jerusalem.

At nang mangyari na maganap namin ang mga araw na yaon, ay nagsialis kami at nangagpatuloy sa aming paglalakbay: at silang lahat, pati ng mga asawa at mga anak, (C)ay humatid sa amin sa aming paglalakad hanggang sa labas ng bayan: at sa paninikluhod namin sa baybayin, kami'y nagsipanalangin, at nangagpaalaman sa isa't isa;

At nagsilulan kami sa daong, datapuwa't sila'y muling nagsiuwi sa bahay.

At nang aming matapos ang paglalayag buhat sa Tiro, ay nagsidating kami sa Tolemaida; at kami'y nagsibati sa mga kapatid, at kami'y nagsitahan sa kanilang isang araw.

At nang kinabukasan ay nagsialis kami, at nagsidating sa (D)Cesarea: at sa pagpasok namin sa bahay ni (E)Felipe na evangelista, na isa sa pito, ay nagsitahan kaming kasama niya.

Ang tao ngang ito'y may apat na anak na binibini, (F)na nagsisipanghula.

10 At sa pagtira namin doong ilang araw, ay dumating na galing sa Judea ang isang propeta, na nagngangalang (G)Agabo.

11 At paglapit sa amin, at pagkakuha ng (H)pamigkis ni Pablo, ay ginapos niya ang kaniyang sariling mga paa't kamay, at sinabi, Ganito ang sabi ng Espiritu Santo, (I)Ganitong gagapusin ng mga Judio sa Jerusalem ang lalaking may-ari ng pamigkis na ito, at siya'y kanilang ibibigay sa mga kamay ng mga Gentil.

12 At nang marinig namin ang mga bagay na ito, kami at gayon din ang nangaroroon doon ay nagsipamanhik sa kaniya na huwag ng umahon sa Jerusalem.

13 Nang magkagayo'y sumagot si Pablo, (J)Anong ginagawa ninyo, na nagsisitangis at dinudurog ang aking puso? sapagka't ako'y nahahanda na hindi lamang gapusin, kundi mamatay rin naman sa Jerusalem dahil sa pangalan ng Panginoong Jesus.

14 At nang hindi siya pahikayat ay nagsitigil kami, na nagsisipagsabi, Mangyari ang kalooban ng Panginoon.

15 At pagkatapos ng mga araw na ito ay binuhat namin ang aming daladalahan at nagsiahon kami sa Jerusalem.

16 At nagsisama naman sa aming mula sa Cesarea ang ilan sa mga alagad, at kanilang isinama ang isang Mnason, na taga Chipre, isa sa mga kaunaunahang alagad, na sa kaniya kami magsisipanuluyan.

17 At nang magsidating kami sa Jerusalem, ay tinanggap kami ng mga kapatid na may kagalakan.

18 At nang sumunod na araw ay pumaroon si Pablo na kasama kami kay (K)Santiago; at ang lahat (L)ng mga matanda ay nangaroroon.

19 At nang sila'y mangabati na niya, (M)ay isaisang isinaysay niya sa kanila ang mga bagay na ginawa ng Dios sa mga Gentil sa pamamagitan ng kaniyang ministerio.

20 At sila, nang kanilang marinig yaon, (N)ay niluwalhati ang Dios; at sa kaniya'y sinabi nila, Nakikita mo na, kapatid, kung ilang libo-libo ang mga Judio na nagsisisampalataya; at silang lahat ay pawang (O)masisikap sa kautusan.

21 At nabalitaan nila tungkol sa iyo, na itinuturo mo sa lahat ng mga Judio na nangasa mga Gentil na magsihiwalay kay Moises, na sinasabi mo sa kanila na huwag tuliin ang kanilang mga anak ni mangagsilakad ng ayon sa mga (P)kaugalian.

22 Ano nga baga ito? tunay na kanilang mababalitaang dumating ka.

23 Gawin mo nga itong sinasabi namin sa iyo: Mayroon kaming apat katao na may panata sa kanilang sarili;

24 Isama mo sila, (Q)maglinis kang kasama nila, at pagbayaran mo ang kanilang magugugol, upang (R)sila'y mangagpaahit ng kanilang mga ulo: at maalaman ng lahat na walang katotohanan ang mga bagay na kanilang nabalitaan tungkol sa iyo; kundi ikaw rin naman ay lumalakad ng maayos na tumutupad ng kautusan.

25 Nguni't tungkol sa mga Gentil na nagsisisampalataya, ay sinulatan namin, (S)na pinagpayuhang sila'y magsiilag sa mga inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa binigti, at sa pakikiapid.

26 Nang magkagayo'y isinama ni Pablo ang mga tao, at nang sumunod na araw nang makapaglinis na siyang kasama nila (T)ay pumasok sa templo, na isinasaysay ang katuparan ng mga araw ng paglilinis, hanggang sa ihain ang (U)haing patungkol sa bawa't isa sa kanila.

27 At nang halos tapos na (V)ang pitong araw, (W)ang mga Judiong taga Asia, nang siya'y makita nila sa templo, ay kanilang ginulo ang buong karamihan at (X)siya'y kanilang dinakip,

28 Na nangagsisigawan, Mga lalaking taga Israel, magsitulong kayo: Ito ang tao na nagtuturo sa mga tao sa lahat ng dako laban sa bayan, at (Y)sa kautusan, at sa dakong ito; at bukod pa sa rito'y nagdala rin siya ng mga Griego sa templo, at (Z)dinungisan itong dakong banal.

29 Sapagka't nakita muna nila na kasama niya sa bayan si (AA)Trofimo taga Efeso, na sinapantaha nilang ipinasok ni Pablo sa templo.

30 At ang buong bayan ay napakilos, at ang mga tao'y samasamang nagsipanakbuhan; at (AB)kanilang sinunggaban si Pablo, at siya'y kinaladkad na inilabas sa templo: at pagdaka'y inilapat ang mga pinto.

31 At samantalang pinagpipilitan nilang siya'y patayin, ay dumating ang balita sa pangulong kapitan ng pulutong, na ang buong Jerusalem ay nasa kaguluhan.

32 At pagdaka'y (AC)kumuha siya ng mga kawal at mga senturion, at sumagasa sa kanila: at sila, nang kanilang makita ang pangulong kapitan at ang mga kawal ay nagsitigil ng paghampas kay Pablo.

33 Nang magkagayo'y lumapit ang pangulong kapitan, at tinangnan siya, at (AD)siya'y ipinagapos ng (AE)dalawang tanikala; at itinanong kung sino siya, at kung ano ang ginawa niya.

34 At iba'y sumisigaw ng isang bagay, ang iba'y iba naman, sa gitna ng karamihan: at nang hindi niya maunawa ang katotohanan dahil sa kaguluhan, ay ipinadala siya sa (AF)kuta.

35 At nang siya'y dumating sa hagdanan ay nangyari na siya'y binuhat ng mga kawal dahil sa pagagaw ng karamihan;

36 Sapagka't siya'y sinusundan ng karamihan ng mga tao, na nangagsisigawan, (AG)Alisin siya.

37 At nang ipapasok na si Pablo sa kuta, ay kaniyang sinabi sa pangulong kapitan, Mangyayari bagang magsabi ako sa iyo ng anoman? At sinabi niya, Marunong ka baga ng Griego?

38 Hindi nga baga ikaw (AH)yaong Egipcio, na nang mga nakaraang araw ay nanghihikayat sa kaguluhan at nagdala sa ilang ng apat na libong katao na mga Mamamatay-tao?

39 Datapuwa't sinabi ni Pablo, Ako'y Judio, na (AI)taga Tarso sa Cilicia, isang mamamayan ng bayang hindi kakaunti ang kahalagahan: at ipinamamanhik ko sa iyo, na ipahintulot mo sa aking magsalita sa bayan.

40 At nang siya'y mapahintulutan na niya, si Pablo, na nakatayo sa hagdanan, inihudyat ang kamay sa bayan; at nang tumahimik nang totoo, siya'y nagsalita sa kanila (AJ)sa wikang Hebreo, na sinasabi,

Jeremias 30-31

Pagliligtas mula sa pagkabihag ay ipinangako.

30 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi,

Ganito ang sinasalita ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, (A)Iyong isulat sa isang aklat ang lahat ng mga salita na aking sinalita sa iyo.

Sapagka't, narito, ang mga araw ay (B)dumarating, sabi ng Panginoon na (C)aking ibabalik na mula sa pagkabihag ang aking bayang (D)Israel at Juda, sabi ng Panginoon, (E)at aking pababalikin sila sa lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang, at kanilang aariin.

At ang mga ito ang mga salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Israel at tungkol sa Juda.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon; Kami ay nangakarinig ng tinig ng panginginig, ng takot, at hindi ng kapayapaan.

Kayo'y magtanong ngayon, at inyong tingnan kung ang lalake ay nagdaramdam ng panganganak: bakit aking nakikita ang lahat na lalake na ang mga kamay ay nangasa kaniyang mga balakang na parang babae sa pagdaramdam, at (F)ang lahat na mukha ay naging maputla?

(G)Ay! sapagka't ang araw na yaon ay dakila, na anopa't walang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob; nguni't siya'y maliligtas doon.

At mangyayari (H)sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo na aking aalisin ang kaniyang pamatok sa iyo, at (I)aking papatirin ang iyong mga tali at hindi na siya maglilingkod pa sa mga (J)taga ibang lupa:

Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong (K)kanilang Dios, at si David na kanilang hari, na aking ibabangon sa kanila.

10 Kaya't huwag kang masindak, Oh (L)Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon; huwag ka mang manglupaypay, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong binhi mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya.

11 Sapagka't ako'y sumasaiyo sabi ng Panginoon upang iligtas kita: sapagka't (M)gagawa ako ng lubos na kawakasan sa lahat na bansa na aking pinapangalatan sa iyo, nguni't hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan (N)sa iyo; kundi sasawayin kita (O)ng kahatulan, at walang pagsalang hindi kita iiwan na walang parusa.

12 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang iyong sakit ay (P)walang kagamutan, at ang iyong sugat ay mabigat.

13 Walang makipaglaban ng iyong usapin upang ikaw ay mapagaling: ikaw ay walang mga panggamot na nakagagaling.

14 (Q)Nilimot ka ng lahat na mangingibig sa iyo; hindi ka nila hinahanap: sapagka't sinugatan kita ng sugat (R)ng kaaway, ng parusa ng mabagsik; dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan, sapagka't ang iyong mga kasalanan ay dumami.

15 Bakit ka humihiyaw ng dahil sa iyong sakit? ang iyong hirap ay walang kagamutan: dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan, sapagka't ang iyong mga kasalanan ay dumami, aking ginawa ang mga bagay na ito sa iyo.

16 Kaya't silang lahat na nagsisilamon sa iyo ay (S)mangalalamon; at lahat ng iyong kaaway, bawa't isa sa kanila'y magsisipasok sa pagkabihag; at silang nagsisisamsam sa iyo ay magiging samsam, at lahat ng nagsisihuli sa iyo ay aking ibibigay na huli.

17 Sapagka't (T)pagiginhawahin kita, at pagagalingin kita sa iyong mga sugat, sabi ng Panginoon; kanilang tinawag ka na (U)tapon, na sinasabi, Ito ang Sion, na hindi hinahanap ng sinoman.

18 Ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, (V)aking ibabalik uli mula sa pagkabihag ang mga tolda ng Jacob, at pakukundanganan ko ang (W)kaniyang mga tahanang dako; at ang bayan ay matatayo sa kaniyang sariling bunton, at ang bahay-hari ay tatahanan ng ayon sa ayos niyaon.

19 At mula sa kanila (X)magmumula ang pagpapasalamat, at ang tinig ng nangagsasaya: (Y)at aking pararamihin sila, at sila'y hindi magiging kaunti; akin ding luluwalhatiin sila, at sila'y hindi magiging maliit.

20 Ang kanilang mga anak naman ay magiging (Z)gaya nang una, at ang kanilang kapisanan ay matatatag sa harap ko, at aking parurusahan yaong lahat na nagsisipighati sa kanila.

21 At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang (AA)puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.

22 At kayo'y (AB)magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios.

23 Narito, ang unos ng Panginoon, ang kaniyang kapusukan, ay bumulalas na parang buhawi: hahampas sa ulo ng masama.

24 Ang mabangis na galit ng Panginoon ay (AC)hindi mapaparam hanggang sa maisagawa, at hanggang sa kaniyang maisagawa ang haka ng kaniyang puso; (AD)sa mga huling araw ay iyong mauunawa.

Ang mapagligtas na pagibig ng Panginoon at ang muling pagkakatayo ng Israel.

31 Sa panahong yaon, (AE)sabi ng Panginoon, (AF)magiging Dios ako ng lahat na angkan ni Israel, at sila'y magiging aking bayan.

Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang bayan na naiwan ng tabak ay nakasumpong ng biyaya sa ilang; oo, ang Israel, (AG)nang aking papagpahingahin.

Ang Panginoon ay napakita nang una sa akin, na nagsasabi, Oo, inibig (AH)kita (AI)ng walang hanggang pagibig: kaya't ako'y lumapit (AJ)sa iyo na may kagandahang-loob.

(AK)Muling itatayo kita, at ikaw ay matatayo, Oh dalaga ng Israel: muli na ikaw ay magagayakan ng iyong mga pandereta, at lalabas ka sa mga sayawan nila na nasasayahan.

Muli kang magtatanim ng mga ubasan (AL)sa mga bundok ng Samaria: ang mga manananim ay mangagtatanim, at mangagagalak sa bunga niyaon.

Sapagka't magkakaroon ng araw, na ang mga bantay sa mga burol ng Ephraim ay magsisihiyaw. (AM)Kayo'y magsibangon, at tayo'y magsisampa sa Sion na pumaroon sa Panginoon nating Dios.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y magsiawit ng kasayahan dahil sa Jacob, at magsihiyaw kayo dahil sa puno ng mga bansa: mangagtanyag kayo, magsipuri kayo, at mangagsabi, Oh Panginoon, iligtas mo ang iyong bayan, ang nalabi sa Israel.

Narito, aking dadalhin sila (AN)mula sa lupaing hilagaan, at pipisanin ko sila mula sa mga kahulihulihang bahagi ng lupa, at kasama nila (AO)ang bulag at ang pilay, at ang buntis at ang nagdadamdam na magkakasama: malaking pulutong na magsisibalik sila rito.

Sila'y magsisiparitong (AP)may iyakan, at may mga pamanhik na aking papatnubayan sila; akin silang palalakarin sa (AQ)tabi ng mga ilog ng tubig, sa matuwid na daan na hindi nila katitisuran; sapagka't ako'y (AR)pinakaama sa Israel, at ang (AS)Ephraim ang aking (AT)panganay.

10 Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh ninyong mga bansa, at inyong ipahayag sa mga pulo sa malayo; at inyong sabihin, Ang nagpangalat sa Israel, (AU)siyang magpipisan sa kaniya, at magiingat sa kaniya, gaya ng ginagawa ng pastor sa kaniyang kawan.

11 Sapagka't tinubos ng (AV)Panginoon ang Jacob, at tinubos niya siya sa kamay ng lalong malakas kay sa kaniya.

12 At sila'y magsisiparito at magsisiawit (AW)sa kaitaasan ng Sion, at magsisihugos na magkakasama (AX)sa kabutihan ng Panginoon, sa trigo, at sa alak, at sa langis, at sa guya ng kawan at ng bakahan: at ang kanilang kaluluwa ay magiging (AY)parang dinilig na halamanan; (AZ)at hindi na sila mangamamanglaw pa sa anoman.

13 Kung magkagayo'y magagalak ang dalaga sa sayawan, at ang mga binata, at ang matanda na magkakasama: sapagka't aking gagawing kagalakan ang kanilang pagluluksa, at aking aaliwin sila at aking pagagalakin sila sa kanilang kapanglawan.

14 At (BA)aking sisiyahin ang loob ng mga saserdote sa kaginhawahan, at ang aking bayan ay masisiyahan sa aking kabutihan, sabi ng Panginoon.

Inaliw si Raquel.

15 Ganito ang sabi ng Panginoon, (BB)Isang tinig ay narinig sa (BC)Rama, panaghoy, at kalagimlagim na iyak, iniiyakan ni Raquel ang kaniyang mga anak; siya'y tumatangging maaliw dahil sa kaniyang mga anak, sapagka't sila'y wala na.

16 Ganito ang sabi ng Panginoon, Iyong pigilin ang iyong tinig sa pagiyak, at ang iyong mga mata sa mga luha: sapagka't gagantihin ang iyong mga gawa, sabi ng Panginoon; at (BD)sila'y magsisibalik na mula sa lupain ng kaaway.

17 At may pagasa sa iyong huling wakas, sabi ng Panginoon; (BE)at ang iyong mga anak ay magsisiparoon uli sa kanilang sariling hangganan.

18 Tunay na aking narinig ang Ephraim na nananaghoy sa kaniyang sarili ng ganito, Inyong pinarusahan ako, at ako'y naparusahan na parang guya na hindi hirati sa pamatok: (BF)papanumbalikin mo ako, at ako'y manunumbalik sa iyo; sapagka't ikaw ang Panginoon kong Dios.

19 Tunay na (BG)pagkapanumbalik ko sa iyo ay nagsisi ako; at pagkatapos na ako'y maturuan ay (BH)nagsugat ako ng hita: ako'y napahiya, oo, lito, sapagka't aking dinala ang kakutyaan (BI)ng aking kabataan.

20 Ang Ephraim baga'y aking minamahal na anak? siya baga'y iniibig na anak? sapagka't kung gaano kadalas nagsasalita ako laban sa kaniya, ay gayon ko inaalaala siya ng di kawasa: (BJ)kaya't nananabik ang aking puso sa kaniya; ako'y tunay na maaawa sa kaniya, sabi ng Panginoon.

Ang darating na pananagana ng Israel.

21 Maglagay ka ng mga patotoo, gumawa ka ng mga haliging tanda: (BK)ilagak mo ang iyong puso sa dakong lansangan, sa daan na iyong pinaroonan: ikaw ay magbalik uli, Oh dalaga ng Israel, ikaw ay bumalik uli rito sa mga bayang ito.

22 Hanggang kailan (BL)magpaparoo't parito ka, Oh ikaw na tumatalikod na anak na babae? sapagka't ang Panginoon ay lumikha ng bagong bagay sa lupa, Ang babae ay siyang mananaig (BM)sa lalake.

23 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Kanilang gagamitin uli ang pananalitang ito sa lupain ng Juda at sa mga bayan niyaon, pagka aking dadalhin uli mula sa kanilang pagkabihag: (BN)Pagpalain ka ng Panginoon. Oh tahanan ng (BO)kaganapan, Oh bundok ng kabanalan.

24 At ang Juda at ang (BP)lahat na bayan niya ay tatahan doon na magkakasama; ang mga mangbubukid at ang mga lumilibot na may mga kawan.

25 Sapagka't aking bibigyang kasiyahan ang pagod na tao, at lahat na mapanglaw na tao ay aking pinasasaya.

26 Dito'y nagising ako, at ako'y lumingap; at ang aking pagkakatulog ay masarap.

27 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na (BQ)aking hahasikan ang sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni Juda ng (BR)binhi ng tao at ng binhi ng hayop.

28 At mangyayari, na kung paanong (BS)binantayan ko sila upang alisin, at upang ibuwal, at upang madaig at upang ipahamak, at upang pagdalamhatiin, gayon babantayan ko sila upang itayo at upang itatag sabi ng Panginoon.

29 Sa mga (BT)araw na yaon ay hindi na sila mangagsasabi. Ang mga magulang ay nagsikain ng mga maasim na ubas, at ang mga ngipin ng mga bata ay nagsisipangilo.

30 Nguni't bawa't isa ay mamamatay ng dahil sa kaniyang sariling kasamaan: lahat na nagsisikain ng mga maasim na ubas ay magsisipangilo ang mga ngipin.

Ang bagong tipan ay gagawin.

31 Narito, (BU)ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda:

32 Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na (BV)aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman (BW)ako'y asawa nila, sabi ng Panginoon.

33 (BX)Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, (BY)Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan;

34 At hindi na magtuturo bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at bawa't tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; sapagka't makikilala nilang (BZ)lahat ako, (CA)mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon: sapagka't (CB)aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin.

35 Ganito ang sabi ng Panginoon, na nagbibigay (CC)ng araw na sumisikat na pinakaliwanag sa araw, at ng (CD)mga ayos ng buwan at ng mga bituin na pinakaliwanag sa gabi, (CE)na nagpapakilos sa dagat, na humugong ang mga alon niyaon; ang (CF)Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan:

36 Kung ang mga ayos na ito ay humiwalay (CG)sa harap ko, sabi ng Panginoon, ang binhi nga ng Israel ay maglilikat sa pagkabansa sa harap ko magpakailan man.

37 Ganito ang sabi ng Panginoon, (CH)Kung ang langit sa itaas ay masusukat, at ang mga patibayan ng lupa ay masisiyasat sa ilalim, akin ngang ihahagis ang buong lahi ng Israel dahil sa lahat nilang nagawa, sabi ng Panginoon.

38 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ang bayan ay matatayo sa Panginoon (CI)mula sa moog ni Hananeel hanggang sa (CJ)pintuang-bayan sa sulok.

39 At ang panukat na pisi ay magpapatuloy (CK)na matuwid sa burol ng Gareb, at pipihit hanggang sa Goa.

40 At (CL)ang buong libis ng mga katawang patay, at ng mga abo, at ang lahat na parang hanggang sa batis ng Cedron, (CM)hanggang sa sulok ng pintuang-bayan ng kabayo sa dakong silanganan, (CN)magiging banal sa Panginoon; hindi mabubunot o mahahagis ang sinoman magpakailan pa man.

Marcos 16

16 At (A)nang makaraan ang sabbath, (B)si Maria Magdalena, at si Mariang ina ni Santiago, at (C)si Salome, (D)ay nagsibili ng mga pabango, upang sila'y magsiparoon at siya'y pahiran.

At pagkaumagang-umaga nang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon sila sa libingan nang sikat na ang araw.

At kanilang pinaguusapan, Sino kaya ang ating mapagpapagulong ng bato mula sa pintuan ng libingan?

At pagkatingin, ay nakita nilang naigulong na (E)ang bato: sapagka't yao'y totoong malaki.

At pagkapasok sa libingan, ay (F)kanilang nakita ang isang binata na nakaupo sa dakong kanan, na nararamtan ng isang damit na maputi; at sila'y nangagitla.

At sinabi niya sa kanila, Huwag kayong mangagitla: hinahanap ninyo si Jesus, ang Nazareno, na ipinako sa krus: siya'y nagbangon; wala siya rito: tingnan ninyo ang dakong pinaglagyan nila sa kaniya!

Datapuwa't magsiyaon kayo, sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad at kay (G)Pedro, Siya'y nangunguna sa inyo sa Galilea: doon siya makikita, (H)ayon sa sinabi niya sa inyo.

At sila'y nagsilabas, at nagsitakas mula sa libingan; sapagka't sila'y nagsipangilabot at nangagitla: (I)at hindi sila nangagsasabi ng anoman sa kanino man; sapagka't sila'y nangatatakot.

Nang siya nga'y magbangon nang unang araw ng sanglinggo, ay napakita muna siya kay Maria Magdalena, na sa kaniya'y pitong demonio (J)ang pinalabas niya.

10 Siya'y yumaon at (K)ipinagbigay alam sa mga naging kasamahan ni Jesus, samantalang sila'y nangahahapis at nagsisitangis.

11 At sila, nang kanilang mabalitaan na siya'y nabuhay, at nakita ni Magdalena, ay (L)hindi sila nagsipaniwala.

12 At pagkatapos ng mga bagay na ito ay napakita siya sa ibang anyo (M)sa dalawa sa kanila, nang sila'y nangaglalakad na patungo sa bukid.

13 At sila'y nagsiyaon at ipinagbigay-alam ito sa mga iba: at (N)kahit sa kanila'y hindi rin sila nagsipaniwala.

14 At pagkatapos (O)siya'y napakita sa labingisa samantalang sila'y nangakaupong nagsisikain; at pinagwikaan sila sa kawalan nila ng pananampalataya at katigasan ng puso, (P)sapagka't hindi sila nagsipaniwala sa nangakakita sa kaniya pagkatapos na siya'y magbangon.

15 At sinabi niya sa kanila, (Q)Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.

16 (R)Ang sumasampalataya at (S)mabautismuhan ay maliligtas; (T)datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.

17 At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio (U)sa aking pangalan; (V)mangagsasalita sila ng mga bagong wika;

18 (W)Sila'y magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila; (X)ipapatong nila ang kanilang mga kamay (Y)sa mga may-sakit, at sila'y magsisigaling.

19 Ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na sila'y mangakausap niya, ay (Z)tinanggap sa itaas ng langit, at (AA)lumuklok sa kanan ng Dios.

20 At nagsialis sila, at nagsipangaral sa lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatototohanan ang salita sa pamamagitan ng mga (AB)tandang kalakip. Siya nawa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978