M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang tagumpay ni Jonathan sa Michmas.
14 Nangyari nga isang araw, na si Jonathan na anak ni Saul ay nagsabi sa bataan na tagadala ng kaniyang sandata, Halika at tayo'y dumaan sa pulutong ng mga Filisteo, na nasa dakong yaon. Nguni't hindi niya ipinagbigay alam sa kaniyang ama.
2 At tumigil si Saul sa kaduluduluhang bahagi ng (A)Gabaa sa ilalim ng puno ng (B)granada na nasa Migron: at ang bayan na nasa kaniya ay (C)may anim na raang lalake.
3 At si (D)Achias na anak ni Achitob, na (E)kapatid ni Ichabod, na anak ni Phinees, na anak ni Eli, na saserdote ng Panginoon sa Silo, ay (F)nagsusuot ng epod. At hindi nalalaman ng bayan na si Jonathan ay yumaon.
4 At sa pagitan ng mga daanan, na pinagsikapan ni Jonathan na pagdaanan ng pulutong (G)ng mga Filisteo, ay mayroong isang tila tukang bato sa isang dako at isang tila tukang bato sa kabilang dako: at ang pangalan ng isa ay Boses at ang pangalan niyaong isa ay Sene.
5 Ang isang tila tuka ay pataas sa hilagaan sa tapat ng Michmas, at ang isa ay sa timugan sa tapat ng Gabaa.
6 At sinabi ni Jonathan sa bataan na tagadala ng kaniyang sandata: Halika at tayo ay dumaan sa pulutong ng mga (H)hindi tuling ito: marahil ang Panginoon ay tutulong sa atin: sapagka't hindi maliwag sa Panginoon na (I)magligtas sa pamamagitan ng marami o ng kaunti.
7 At sinabi sa kaniya ng tagadala niya ng sandata, Gawin mo ang buong nasa loob mo: lumiko ka, narito, ako'y sumasa iyo ayon sa nasa loob mo.
8 Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan, Narito, tayo'y dumaan sa mga lalaking yaon, at tayo'y pakikilala sa kanila.
9 Kung kanilang sabihing ganito sa atin, Kayo'y maghintay hanggang sa kami ay dumating sa inyo; ay maghihintay nga tayo sa ating dako at hindi natin aahunin sila.
10 Nguni't kung kanilang sabihing ganito, Ahunin ninyo kami; aahon nga tayo: sapagka't ibinigay sila ng (J)Panginoon sa ating kamay: (K)at ito ang magiging tanda sa atin.
11 At kapuwa nga sila napakilala sa pulutong ng mga Filisteo: at sinabi ng mga Filisteo: Narito, ang mga Hebreo na lumabas sa mga hukay na kanilang pinagtaguan.
12 At sumagot ang mga lalake sa pulutong kay Jonathan at sa kaniyang tagadala ng sandata, at sinabi, Ahunin ninyo kami, at pagpapakitaan namin kayo ng isang bagay. At sinabi ni Jonathan sa kaniyang tagadala ng sandata, Umahon ka na kasunod ko: sapagka't ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Israel.
13 At gumapang si Jonathan ng kaniyang mga kamay at ng kaniyang mga paa, at ang kaniyang tagadala ng sandata ay kasunod niya. At sila'y nangabuwal sa harap ni Jonathan; at ang mga yao'y pinagpapatay ng kaniyang tagadala ng sandata na kasunod niya.
14 At yaon ang unang pagpatay na ginawa ni Jonathan at ng kaniyang tagadala ng sandata, sa may dalawang pung lalake, sa may pagitan ng kalahating akre ng lupa.
15 At nagkaroon ng panginginig sa kampamento, sa parang, at sa buong bayan: (L)ang pulutong at ang mga mananamsam ay nagsipanginig din; (M)lumindol; sa gayo'y nagkaroon ng totoong malaking pagkayanig.
Labanan sa Beth-aven.
16 At ang mga bantay ni Saul sa Gabaa ng Benjamin ay tumanaw; at, narito, ang karamihan ay (N)nawawala at sila'y nagparoo't parito.
17 Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa bayan na kasama niya, Magbilang kayo ngayon at inyong tingnan kung sino ang umalis sa atin. At nang sila'y magbilang, narito, si Jonathan at ang kaniyang tagadala ng sandata ay wala roon.
18 At sinabi ni Saul kay Achias, Dalhin ninyo rito ang kaban ng Dios. Sapagka't ang kaban ng Dios ay nandoon nang panahong yaon sa mga anak ni Israel.
19 At nangyari, samantalang (O)nagsasalita si Saul sa saserdote, na ang kaingay na nasa kampamento ng mga Filisteo ay lumala ng lumala: at sinabi ni Saul sa saserdote, Iurong mo ang iyong kamay.
20 At nagpipisan si Saul at ang buong bayan na nasa kaniya at naparoon sa pakikibaka: (P)at, narito, ang tabak ng bawa't isa ay laban sa kaniyang kasama, at nagkaroon ng malaking (Q)pagkalito.
21 Ang mga (R)Hebreo nga na napasa mga Filisteo nang una, na umahong kasama nila sa kampamento mula sa palibot ng lupain, ay nagsibalik pa rin na nakipisan sa mga Israelita na kasama ni Saul at ni Jonathan.
22 Gayon din ang mga lalake sa Israel (S)na nagsikubli sa (T)lupaing maburol ng Ephraim, na nang kanilang mabalitaan na ang mga Filisteo ay tumakas, ay nakihabol pati sila sa kanila sa pakikipagbaka.
23 (U)Gayon iniligtas ng Panginoon ang Israel nang araw na yaon: at ang pagbabaka ay napalipat sa (V)Beth-aven.
Ang sumpa ni Saul.
24 At ang mga lalake sa Israel ay namanglaw nang araw na yaon: sapagka't (W)ibinilin ni Saul sa bayan, na sinasabi, Sumpain ang lalake na kumain ng anomang pagkain hanggang sa kinahapunan, at ako'y nakaganti sa aking mga kaaway. Sa gayo'y wala sinoman sa bayan na lumasap ng pagkain.
25 At ang buong bayan ay naparoon sa gubat; at (X)may pulot sa ibabaw ng lupa.
26 At nang dumating ang bayan sa gubat, narito, ang pulot ay tumutulo nguni't walang tao na naglagay ng kaniyang kamay sa kaniyang bibig; sapagka't ang bayan ay natakot sa sumpa.
27 Nguni't hindi narinig ni Jonathan, nang ibilin ng kaniyang ama sa bayan na may sumpa: kaya't kaniyang iniunat ang dulo ng tungkod na nasa kaniyang kamay at isinagi sa (Y)pulot, at inilagay ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig, at ang kaniyang mga mata ay lumiwanag.
28 Nang magkagayo'y sumagot ang isa sa bayan, at nagsabi, Ibiniling mahigpit ng iyong ama sa bayan na may sumpa, na sinasabi, Sumpain ang tao na kumain ng pagkain sa araw na ito. At ang bayan ay (Z)pata.
29 Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan, Binagabag ng aking ama ang lupain: tingnan ninyo, isinasamo ko sa inyo, kung paanong ang aking mga mata ay lumiwanag, sapagka't ako'y lumasa ng kaunti sa pulot na ito.
30 Gaano pa kaya kung ang bayan ay kumaing may kalayaan ngayon sa samsam sa kanilang mga kaaway na kanilang nasumpungan? sapagka't hindi nagkaroon ng malaking patayan ngayon sa gitna ng mga Filisteo.
31 At kanilang sinaktan ang mga Filisteo nang araw na yaon mula sa (AA)Michmas hanggang sa (AB)Ajalon: at ang bayan ay totoong pata.
32 (AC)At ang bayan ay dumaluhong sa samsam, at kumuha ng mga tupa, at mga baka, at mga guyang baka, at mga pinatay sa lupa: at kinain ng bayan (AD)pati ng dugo.
33 Nang magkagayo'y kanilang isinaysay kay Saul, na sinasabi, Narito, ang bayan ay nagkakasala laban sa Panginoon, sa kanilang pagkain ng dugo. At kaniyang sinabi, Kayo'y gumawang may paglililo: inyong igulong ang isang malaking bato sa akin sa araw na ito.
34 At sinabi ni Saul, Magsikalat kayo sa bayan at inyong sabihin sa kanila, Dalhin sa akin dito ng bawa't tao ang kaniyang baka, at ng bawa't tao ang kaniyang tupa, at patayin dito, at kanin; at huwag nang magkasala laban sa Panginoon sa pagkain ng dugo. At dinala ng buong bayan, bawa't tao ang kaniyang baka nang gabing yaon at pinatay roon.
35 (AE)At nagtayo si Saul ng isang dambana sa Panginoon: yaon ang unang dambana na itinayo niya sa Panginoon.
36 At sinabi ni Saul, Ating lusungin na sundan ang mga Filisteo sa kinagabihan, at atin silang samsaman hanggang sa pagliliwanag sa umaga, at huwag tayong maglabi ng isang tao sa kanila. At kanilang sinabi, Gawin mo ang inaakala mong mabuti sa iyo. Nang magkagayo'y sinabi ng (AF)saserdote, Tayo'y lumapit dito sa Dios.
37 At si Saul ay humingi ng payo sa Dios: Lulusungin ko ba na susundan ang mga Filisteo? ibibigay mo ba sila sa kamay ng Israel? (AG)Nguni't hindi siya sinagot nang araw na yaon.
38 At sinabi ni Saul, (AH)Lumapit kayo rito, kayong lahat na (AI)puno ng bayan: at maalaman at makita kung saan nanggaling ang kasalanang ito sa araw na ito.
39 Sapagka't (AJ)buhay nga ang Panginoon na nagliligtas sa Israel, na kahit si Jonathan na aking anak, ay walang pagsalang mamatay. Nguni't walang tao sa buong bayan na sumagot sa kaniya.
40 Nang magkagayo'y sinabi niya sa buong Israel, Lumagay kayo sa isang dako, at ako at si Jonathan na aking anak ay lalagay sa kabilang dako. At sinabi ng bayan kay Saul, Gawin mo ang inaakala mong mabuti sa iyo.
41 Kaya sinabi ni Saul sa Panginoon, sa Dios ng Israel, Ituro mo ang matuwid. At si Jonathan at si Saul ay (AK)napili: nguni't ang bayan ay nakatanan.
42 At sinabi ni Saul, Pagsapalaran ninyo ako at si Jonathan na aking anak: at si Jonatan ay napili.
43 Nang magkagayo'y sinabi ni Saul kay Jonathan, (AL)Saysayin mo sa akin kung ano ang iyong ginawa. (AM)At isinaysay ni Jonathan sa kaniya, at sinabi, Tunay na ako'y lumasa ng kaunting pulot sa dulo ng tungkod na nasa aking kamay: at, narito, ako'y marapat mamatay.
44 At sinabi ni Saul, (AN)Gawing gayon ng Dios at lalo na: (AO)sapagka't ikaw ay walang pagsalang mamamatay, Jonathan.
45 At sinabi ng bayan kay Saul, Mamamatay ba si Jonathan, na gumawa nitong dakilang kaligtasan sa Israel? Malayo nawa: (AP)buhay ang Panginoon, (AQ)hindi malalaglag ang isang buhok ng kaniyang ulo sa lupa; sapagka't siya'y gumawa na kasama ng Dios sa araw na ito. Sa gayo'y iniligtas ng bayan si Jonathan, na anopa't siya'y hindi namatay.
46 Nang magkagayo'y umahon si Saul na mula sa pagsunod sa mga Filisteo: at ang mga Filisteo ay naparoon sa kanilang sariling dako.
Mga digma ni Saul at ang kaniyang sangbahayan.
47 Nang masakop nga ni Saul ang kaharian sa Israel, ay bumaka siya laban sa lahat niyang mga kaaway sa bawa't dako, laban sa Moab, at laban sa mga anak ni (AR)Ammon, at laban sa Edom, at laban sa mga hari sa (AS)Soba, at laban sa mga Filisteo: at saan man siya pumihit ay kaniyang binabagabag sila.
48 At kaniyang ginawang may katapangan, at sinaktan ang mga (AT)Amalecita, at iniligtas ang Israel sa mga kamay ng mga sumamsam sa kanila.
49 (AU)Ang mga anak nga ni Saul ay si Jonathan, at si Isui, at si Melchi-sua: at ang pangalan ng kaniyang dalawang anak na babae ay ito; ang pangalan ng panganay ay (AV)Merab, at ang pangalan ng bata ay (AW)Michal:
50 At ang pangalan ng asawa ni Saul ay Ahinoam, na anak ni Aimaas: at ang pangalan ng kaniyang kapitan sa hukbo ay Abner na anak ni Ner, amain ni Saul.
51 At si (AX)Cis ay ama ni Saul; at si Ner na ama ni Abner ay anak ni Abiel.
52 At nagkaroon ng mahigpit na pagbabaka laban sa mga Filisteo sa lahat ng mga araw ni Saul: at sa tuwing nakakakita si Saul ng sinomang makapangyarihang lalake, o ng sinomang matapang na lalake ay kaniyang ipinagsasama.
12 Kaya nga, mga kapatid, (A)ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na (B)inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buháy, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.
2 At (C)huwag kayong magsiayon (D)sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo (E)sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo (F)kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.
3 Sapagka't sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay, sa bawa't tao sa inyo, na (G)huwag magisip sa kaniyang sarili ng totoong matayog kay sa nararapat niyang isipin; kundi magisip na may kahinahunan, (H)ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawa't isa.
4 Sapagka't (I)kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain:
5 Ay gayon din tayo, na (J)marami, ay iisang katawan kay Cristo, at (K)mga sangkap na samasama sa isa't isa.
6 (L)At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin, kung (M)hula, ay manganghula tayo ayon sa kasukatan ng ating pananampalataya;
7 O kung ministerio, ay gamitin natin ang ating sarili sa ating ministerio; o ang nagtuturo, ay sa kaniyang pagtuturo;
8 O ang umaaral, ay sa kaniyang pagaral: ang namimigay, ay magbigay na may magandang-loob; ang nagpupuno, ay magsikap; ang nahahabag ay magsaya.
9 Ang pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw. Kapootan ninyo ang masama; makisanib kayo sa mabuti.
10 Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa ang iba;
11 Huwag mga tamad sa pagsusumikap; maningas sa espiritu; mapaglingkod sa Panginoon;
12 Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; (N)magmatiyagain sa pananalangin;
13 (O)Mapagdamay sa mga kailangan ng mga banal; maging mapagpatuloy.
14 Pagpalain ninyo (P)ang mga sa inyo'y nagsisiusig; pagpalain ninyo, at huwag ninyong sumpain.
15 Makigalak kayo sa (Q)nangagagalak; makiiyak kayo sa nagsisiiyak.
16 (R)Mangagkaisa kayo ng pagiisip. (S)Huwag ninyong ilagak ang inyong pagiisip sa mga bagay na kapalaluan, kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan. (T)Huwag kayong mga pantas sa inyong sariling mga haka.
17 (U)Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. (V)Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao.
18 Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay (W)magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao.
19 Huwag kayong (X)mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, (Y)Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.
20 Kaya't (Z)kung ang iyong kaaway ay magutom, pakanin mo; kung siya'y mauhaw, painumin mo: sapagka't sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kaniyang ulo.
21 Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama.
Ang hatol ng Panginoon sa Babilonia.
51 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magbabangon laban sa Babilonia, at laban sa nagsisitahan sa Lebcamai, ng manggigibang (A)hangin.
2 At ako'y magsusugo sa Babilonia (B)ng mga taga ibang lupa na papalisin siya; at kanilang wawalaan ang kaniyang lupain: sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay magiging laban sila sa kaniya sa palibot.
3 Laban sa kaniya na umaakma ay iakma ng mangbubusog ang kaniyang busog, at sa kaniya na nagmamataas sa kaniyang (C)sapyaw: at huwag ninyong patawarin ang kaniyang mga binata; inyong lipuling lubos ang buo niyang hukbo.
4 At sila'y mangabubuwal na patay sa lupain ng mga Caldeo, at napalagpasan sa kaniyang mga lansangan.
5 Sapagka't ang (D)Israel ay hindi pinababayaan, o ang Juda man, ng kaniyang Dios, ng Panginoon ng mga hukbo; bagaman ang kanilang lupain ay puno ng sala laban sa Banal ng Israel.
6 Tumakas ka na (E)mula sa gitna ng Babilonia, at iligtas ng bawa't tao ang kaniyang buhay; huwag kayong mangahiwalay ng dahil sa kaniyang kasamaan: sapagka't (F)panahon ng panghihiganti ng Panginoon; (G)siya'y maglalapat sa kaniya ng kagantihan.
7 Ang Babilonia ay naging gintong (H)tasa sa kamay ng Panginoon, na lumango sa buong lupa: ang mga bansa ay nagsiinom (I)ng kaniyang alak; kaya't ang mga bansa ay (J)nangaulol.
8 Ang Babilonia ay biglang nabuwal at napahamak: (K)inyong tangisan siya, (L)ikuha ninyo ng balsamo ang kaniyang sakit, baka sakaling siya'y mapagaling.
9 Ibig sana nating mapagaling ang Babilonia, nguni't siya'y hindi napagaling: pabayaan siya, at yumaon bawa't isa sa atin sa kanikaniyang sariling lupain; (M)sapagka't ang kaniyang kahatulan ay umaabot hanggang sa langit, at nataas hanggang sa mga alapaap.
10 (N)Inilabas ng Panginoon ang ating katuwiran: magsiparito kayo, at (O)ating ipahayag sa Sion, ang gawa ng Panginoon nating Dios.
11 Inyong patalasin ang mga pana, inyong hawakang mahigpit ang mga kalasag; pinukaw ng (P)Panginoon ang kalooban ng mga hari ng mga (Q)Medo; sapagka't ang kaniyang lalang ay laban sa Babilonia, (R)upang sirain: sapagka't siyang panghihiganti ng Panginoon, panghihiganti ng kaniyang templo.
12 Mangagtaas kayo ng (S)watawat laban sa mga kuta ng Babilonia, inyong patibayin ang bantayan, inyong lagyan ng mga bantay, kayo'y mangaghanda ng mga pangbakay: sapagka't ang Panginoon ay nagpanukala at gumawa rin naman ng kaniyang sinalita tungkol sa mga nananahan sa Babilonia.
13 Oh ikaw na tumatahan sa ibabaw ng maraming tubig, sagana sa mga kayamanan, ang iyong wakas ay dumating, ang sukat ng iyong kasakiman.
14 Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa sa pamamagitan ng kaniyang sarili, na sinasabi, Tunay na pupunuin kita ng mga tao, na parang balang; at sila'y mangaglalakas ng (T)hiyaw laban sa iyo.
15 (U)Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay iniladlad niya ang langit.
16 Paglalakas niya ng kaniyang tinig, nagkaroon ng kagulo ng tubig sa langit, at kaniyang pinailanglang ang mga singaw mula sa mga wakas ng lupa: kaniyang iginawa ng mga kidlat ang ulan, at inilabas ang hangin mula sa kaniyang mga imbakan.
17 Bawa't tao ay naging tampalasan at walang kaalaman; bawa't panday ginto ay nalagay sa kahihiyan dahil sa kaniyang larawang inanyuan; sapagka't ang kaniyang larawang binubo ay kasinungalingan, at walang hinga sa mga yaon.
18 Ang mga yaon ay walang kabuluhan, isang gawa ng karayaan: sa panahon ng pagdalaw sa mga yaon ay mangalilipol.
19 Ang bahagi ng Jacob ay hindi gaya ng mga ito; sapagka't siya ang naganyo sa lahat ng bagay; at ang Israel ay lipi ng kaniyang mana: ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan.
20 Ikaw ay aking pangbakang palakol (V)at mga almas na pangdigma: at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang mga bansa; at sa pamamagitan mo ay sisira ako ng mga kaharian;
21 At sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang kabayo at ang kaniyang sakay;
22 At sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang karo at ang nakasakay roon; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang lalake at ang babae; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang matanda at ang bata: at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang binata at ang dalaga;
23 At sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang pastor at ang kaniyang kawan; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang mangbubukid at ang kaniyang tuwang na mga baka; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang mga tagapamahala at ang mga kinatawan.
24 At aking ilalapat sa Babilonia (W)at sa lahat na nananahan sa Caldea ang buo nilang kasamaan na kanilang ginawa sa Sion sa inyong paningin, sabi ng Panginoon.
25 Narito, ako'y laban sa iyo, (X)Oh mapangpahamak na bundok, sabi ng Panginoon, na gumigiba ng buong lupa; at aking iuunat ang aking kamay sa iyo, at pagugulungin kita mula sa malaking bato, (Y)at gagawin kitang bundok na sunog.
26 At hindi ka nila kukunan ng bato na panulok, (Z)o ng bato man na mga patibayan; kundi ikaw ay magiging sira magpakailan man, sabi ng Panginoon.
27 Mangagtaas kayo ng watawat sa lupain, (AA)inyong hipan ang pakakak sa gitna ng mga bansa, magsihanda ang mga bansa laban sa kaniya, pisanin laban sa kaniya ang mga (AB)kaharian ng Ararat, ng Minmi, at ng Aschenaz: mangaghalal ng puno (AC)laban sa kaniya; pasampahin ang mga kabayo ng parang mga uod.
28 Magsihanda laban sa kaniya ang mga bansa, ang mga hari ng mga Medo, ang mga gobernador niyaon, at ang lahat na kinatawan niyaon, at ang buong lupain na kaniyang sakop.
29 At ang lupain ay manginginig at nasa paghihirap; sapagka't (AD)ang mga pasiya ng Panginoon laban sa Babilonia ay nananayo, (AE)upang sirain ang lupain ng Babilonia, na nawalan ng mananahan.
30 Ang mga makapangyarihan ng Babilonia ay nagsisiurong sa pakikipaglaban, sila'y nanatili sa kanilang mga katibayan; ang kanilang kapangyarihan ay nanglulupaypay; sila'y naging parang mga babae: ang kaniyang mga tahanang dako ay sinilaban; ang kaniyang mga halang ay (AF)nabali.
31 (AG)Ang isang utusan ay tatakbo upang sumalubong sa iba, at isang sugo upang sumalubong sa iba, upang ibalita sa hari sa Babilonia, na ang kaniyang bayan ay (AH)nasakop sa lahat ng sulok:
32 At (AI)ang mga tawiran ay nangasapol, at ang mga tambo ay nangasunog ng apoy, at ang mga lalaking mangdidigma ay nangatakot.
33 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Ang anak na babae ng Babilonia ay parang giikan ng panahong yaon ng niyayapakan; (AJ)sangdali na lamang, at ang panahon ng pagaani ay darating sa kaniya.
34 Nilamon ako ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, kaniyang pinisa ako, kaniyang ginawa akong sisidlan na walang laman, ako'y sinakmal niyang parang buwaya, kaniyang binusog ang kaniyang tiyan ng aking mga masarap na pagkain; (AK)kaniyang itinakuwil ako.
35 Ang karahasang ginawa sa akin at sa aking laman ay mahulog nawa sa Babilonia, sasabihin ng taga Sion; at, Ang dugo ko ay mahulog nawa sa mga nananahan sa Caldea, sasabihin ng Jerusalem.
36 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, (AL)aking ipakikipaglaban ang iyong usap, at igaganti kita; at aking tutuyuin ang kaniyang dagat, at gagawin ko siyang bukal na tuyo.
37 At ang Babilonia ay magiging (AM)mga bunton, tahanang dako sa mga chakal, (AN)katigilan, at kasutsutan, na mawawalan ng mananahan.
38 (AO)Sila'y magsisiangal na magkakasama na parang mga batang leon; sila'y magsisiangal na parang mga anak ng (AP)leon.
39 Pagka sila'y nag-init, aking gagawin ang kanilang kapistahan, at akin silang lalanguhin, upang sila'y mangagalak, at patutulugin ng walang hanggang pagtulog, at huwag mangagising, sabi ng Panginoon.
40 Aking ibababa sila na parang mga kordero sa patayan, mga lalaking tupa na kasama ng mga (AQ)kambing na lalake.
41 Ano't nasakop ang (AR)Sesach! at ang (AS)kapurihan ng buong lupa ay nagitla! ano't ang Babilonia ay naging kagibaan sa gitna ng mga bansa!
42 Ang dagat ay umapaw sa Babilonia; siya'y natakpan ng karamihan ng mga alon niyaon.
43 Ang kaniyang mga bayan ay nasira, tuyong lupain at ilang, lupain na walang taong tumatahan, o dinaraanan man ng sinomang anak ng tao.
44 At ako'y maglalapat ng kahatulan kay Bel (AT)sa Babilonia, at aking ilalabas sa kaniyang bibig (AU)ang kaniyang nasakmal; at ang mga bansa ay hindi na bubugsong magkakasama pa sa kaniya: oo, ang kuta ng Babilonia ay mababagsak.
45 Bayan ko, magsilabas kayo sa kaniya, at lumigtas bawa't isa sa mabangis na galit ng Panginoon.
46 At huwag manganglupaypay ang inyong puso, o mangatakot man kayo sa balita na maririnig sa lupain; sapagka't ang balita ay darating na isang taon, at pagkatapos niyaon ay darating sa ibang taon ang isang balita, at ang pangdadahas sa lupain, pinuno laban sa pinuno.
47 Kaya't narito, ang mga araw ay dumarating, na (AV)ako'y maglalapat ng kahatulan sa mga larawang inanyuan sa Babilonia; at ang kaniyang buong lupain ay mapapahiya; at ang lahat ng mapapatay sa kaniya ay mangabubulagta sa gitna niya.
48 Kung magkagayo'y (AW)ang langit at ang lupa, at lahat na nandoon, magsisiawit dahil sa Babilonia sa kagalakan; (AX)sapagka't ang mga manglilipol ay darating sa kaniya mula sa hilagaan, sabi ng Panginoon.
49 Kung paanong ibinuwal ng Babilonia ang namatay sa Israel, gayon mabubuwal sa Babilonia ang namatay sa buong lupain.
50 Kayong nangakatanan sa tabak, magsiyaon kayo, huwag kayong magsitigil; inyong alalahanin ang Panginoon sa malayo, at pasukin ang inyong pagiisip ng Jerusalem.
51 (AY)Kami ay nangapahiya, sapagka't kami ay nangakarinig ng kakutyaan; kalituhan ay tumakip sa aming mga mukha: (AZ)sapagka't ang mga taga ibang lupa ay pumasok sa mga santuario ng bahay ng Panginoon.
52 Kaya't narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y maglalapat ng kahatulan sa kaniyang mga larawang inanyuan; at sa buong lupain niya ay dadaing ang nasugatan.
53 Bagaman ang Babilonia ay umilanglang (BA)hanggang sa langit, at bagaman kaniyang patibayin ang kataasan ng kaniyang kalakasan, gayon ma'y darating sa kaniya ang mga manglilipol na mula sa akin, sabi ng Panginoon.
54 Ang ingay ng hiyaw na (BB)mula sa Babilonia, at ng malaking paglipol na mula sa lupain ng mga Caldeo!
55 Sapagka't ang Panginoon ay nananamsam sa Babilonia, at nanglilipol doon ang dakilang tinig; at ang mga alon ng mga yaon ay nagsisihugong na parang maraming tubig; ang hugong ng kanilang kaingay ay lumabas:
56 Sapagka't ang manglilipol ay dumating doon, sa Babilonia, at ang mga makapangyarihang lalake niyaon ay nangahuli, ang kanilang mga busog ay nagkaputolputol: (BC)sapagka't ang Panginoon ay Dios ng mga kagantihan, siya'y tunay na magbabayad.
57 At aking lalanguhin ang kaniyang mga prinsipe (BD)at ang kaniyang mga pantas, ang kaniyang mga gobernador at ang kaniyang mga kinatawan, at ang kaniyang mga makapangyarihan; at siya'y matutulog ng walang hanggang pagtulog, at hindi magigising, sabi ng Hari, na ang pangalan ay ang Panginoon ng mga hukbo.
58 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang makapal na kuta ng Babilonia ay lubos na magigiba, at ang kaniyang mga mataas na pintuang-bayan ay masusunog ng apoy; (BE)at ang mga tao ay magpapagal sa walang kabuluhan, at ang mga bansa sa apoy; at sila'y mangapapagod.
Ang aklat ng salita ng Panginoon ay itatapon sa Eufrates.
59 Ang salita na iniutos ni Jeremias na propeta kay Seraias na anak ni Nerias, na anak ni Maasias, ng siya'y pumaroon sa Babilonia na kasama ni Sedechias na hari sa Juda, nang ikaapat na taon ng kaniyang paghahari. Si Seraias nga ay punong bating.
60 At sinulat ni Jeremias sa isang aklat ang lahat na kasamaan na darating sa Babilonia, (BF)ang lahat na salitang ito na nasusulat tungkol sa Babilonia.
61 At sinabi ni Jeremias kay Seraias, Pagdating mo sa Babilonia, iyo ngang tingnan na iyong basahin ang lahat na mga salitang ito,
62 At iyong sabihin, Oh Panginoon, ikaw ay nagsalita tungkol sa dakong ito, upang iyong ihiwalay, upang walang tumahan doon, maging tao o hayop man, kundi masisira magpakailan man.
63 At mangyayari, pagkatapos mong bumasa ng aklat na ito, na iyong tatalian ng bato, at ihahagis mo sa gitna ng Eufrates:
64 At iyong sasabihin, Ganito lulubog ang Babilonia, at hindi lilitaw uli dahil sa kasamaan na aking dadalhin sa kaniya; at sila'y mapapagod. (BG)Hanggang dito ang mga salita ni Jeremias.
Salmo; Awit sa Pagtatalaga ng Bahay: Awit ni David.
30 Dadakilain kita, Oh (A)Panginoon; sapagka't itinindig mo ako,
At hindi mo (B)pinagalak sa akin ang aking mga kaaway.
2 Oh Panginoon kong Dios,
Dumaing ako sa iyo, at (C)ako'y pinagaling mo.
3 Oh Panginoon, (D)iyong isinampa ang aking kaluluwa mula sa Sheol:
Iyong iningatan akong buháy, upang huwag akong (E)bumaba sa hukay.
4 (F)Magsiawit kayo ng pagpuri sa Panginoon, Oh kayong mga banal niya,
At mangagpasalamat kayo sa kaniyang banal na pangalan.
5 Sapagka't ang kaniyang galit ay (G)sangdali lamang;
(H)Ang kaniyang paglingap ay habang buhay:
(I)Pagiyak ay magtatagal ng magdamag,
Nguni't kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan.
6 Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking kaginhawahan:
Hindi ako makikilos kailan man.
7 Ikaw, Panginoon, sa iyong paglingap ay pinatayo mong matibay ang aking bundok:
(J)Iyong ikinubli ang iyong mukha; ako'y nabagabag.
8 Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon;
At sa Panginoon ay gumawa ako ng pamanhik:
9 Anong pakinabang magkakaroon sa aking dugo, pagka ako'y mababa sa hukay?
(K)Pupuri ba sa iyo ang alabok? magsasaysay ba ito ng iyong katotohanan?
10 Iyong dinggin, Oh Panginoon, at maawa ka sa akin:
Panginoon, maging saklolo nawa kita.
11 (L)Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis;
Iyong kinalag ang aking kayong magaspang, at binigkisan mo ako ng kasayahan:
12 Upang ang pagluwalhati ko ay umawit na (M)pagpupuri sa iyo at huwag maging tahimik:
Oh Panginoon kong Dios, ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978