Add parallel Print Page Options

42 At sila'y nagsipanatiling matibay (A)sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa (B)pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin.

Read full chapter

46 At araw-araw sila'y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa (A)sa templo, (B)at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may (C)galak at may katapatan ng puso.

Read full chapter

16 Ang saro ng pagpapala (A)na ating pinagpapala, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng dugo ni Cristo? Ang tinapay na ating pinagpuputolputol, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng katawan ni Cristo?

Read full chapter

20 Kung kayo nga ay nangagkakatipon, ay hindi kayo maaaring magsikain ng hapunan ng Panginoon;

21 Sapagka't sa inyong pagkain, ang bawa't isa'y kumukuha ng kanikaniyang sariling hapunan na nagpapauna sa iba; at ang isa ay gutom, at (A)ang iba'y lasing.

22 Ano, wala baga kayong mga bahay na inyong makakanan at maiinuman? o niwawalang halaga ninyo (B)ang iglesia ng Dios, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman? Ano ang aking sasabihin sa inyo? Kayo baga'y aking pupurihin? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri.

23 Sapagka't (C)tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na (D)ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay;

24 At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.

Read full chapter