Add parallel Print Page Options

16 Datapuwa't magbangon ka, at ikaw ay tumindig sa iyong mga paa: sapagka't dahil dito'y napakita ako sa iyo, upang ihalal kitang ministro at saksi din naman ng mga bagay na nakita mo sa akin, at ng mga bagay na pagpapakitaan ko sa iyo;

17 Na ililigtas kita sa bayan, at sa mga Gentil, (A)na sa kanila'y sinusugo kita,

18 Upang (B)idilat mo ang kanilang mga mata, (C)upang sila'y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios, upang sila'y magsitanggap ng (D)kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga (E)mana sa kasamahan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin.

Read full chapter

Si Pablo, na Apostol ((A)hindi mula sa mga tao, ni sa pamamagitan man ng tao, kundi (B)sa pamamagitan ni Jesucristo, at ng Dios Ama, (C)na siyang sa kaniya'y muling bumuhay),

Read full chapter

(A)Nguni't sa kaniyang mga panahon ay ipinahayag ang kaniyang salita sa pangangaral, na sa akin ay ipinagkatiwala (B)ayon sa utos ng Dios na (C)ating Tagapagligtas;

Read full chapter