M’Cheyne Bible Reading Plan
Si Tola at si Jair.
10 At pagkamatay ni Abimelech ay (A)bumangon doon, upang magligtas sa Israel, si Tola na anak ni Pua, na anak ni Dodo, na lalake ng Issachar; at siya'y tumahan sa Samir sa lupaing maburol ng Ephraim.
2 At siya'y naghukom sa Israel na dalawang pu't tatlong taon; at namatay, at inilibing sa Samir.
3 At pagkamatay niya'y bumangon si Jair, na Galaadita; at siya'y naghukom sa Israel na dalawang pu't dalawang taon.
4 At siya'y may tatlong pung anak na (B)sumasakay sa tatlong pung asno, at sila'y may tatlong pung bayan (C)na tinatawag na Havot-jair hanggang sa araw na ito, na nangasa lupain ng Galaad.
5 At namatay si Jair, at inilibing sa Camon.
Ang Israel ay muling tumalikod sa Dios.
6 At ginawa uli ng (D)mga anak ni Israel ang kasamaan sa paningin ng Panginoon, at (E)naglingkod sa mga Baal, at kay Astaroth, at sa mga dios sa Siria, at sa mga dios sa (F)Sidon, at sa mga dios sa Moab, at sa mga dios ng mga anak ni Ammon, at sa mga dios ng mga (G)Filisteo; at pinabayaan nila ang Panginoon, at hindi naglingkod sa kaniya.
7 At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, (H)at ipinagbili niya sila sa kamay ng mga Filisteo, at sa kamay ng mga anak ni (I)Ammon.
8 At kanilang pinahirapan at pinighati ang mga anak ni Israel nang taong yaon: labing walong taong pinighati ang lahat ng mga anak ni Israel na nangasa dako roon ng Jordan sa lupain ng mga Amorrheo, na nasa Galaad.
9 At ang mga anak ni Ammon ay tumawid sa Jordan upang lumaban naman sa Juda, at sa Benjamin, at sa sangbahayan ni Ephraim; na ano pa't ang Israel ay totoong pinapaghinagpis.
10 (J)At dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon, na sinasabi, Kami ay nagkasala laban sa iyo, sapagka't aming pinabayaan ang aming Dios, at kami ay naglingkod sa mga Baal.
11 At sinabi ng Panginoon sa mga anak ni Israel, (K)Di ba pinapaging laya ko kayo sa mga taga Egipto, at sa mga (L)Amorrheo, sa mga anak ni (M)Ammon, at sa mga (N)Filisteo?
12 Ang mga Sidonio man, at ang mga (O)Amalecita, at ang mga Maonita ay pumighati rin sa iyo; at kayo'y dumaing sa akin, at pinapaging laya ko kayo sa kanilang mga kamay.
13 Gayon ma'y pinabayaan ninyo ako, at kayo'y naglingkod sa ibang mga dios: kaya't hindi ko na kayo palalayain.
14 Kayo'y yumaon at (P)dumaing sa mga dios na inyong pinili; palayain kayo nila sa panahon ng inyong kapighatian.
15 At sinabi ng mga anak ni Israel sa Panginoon, Kami ay nagkasala: gawin mo sa amin anomang iyong (Q)mabutihin; isinasamo namin sa iyo, na iligtas mo lamang kami sa araw na ito.
16 At kanilang inihiwalay ang (R)mga dios ng iba sa kanila, at naglingkod sa Panginoon: (S)at ang kaniyang kaluluwa ay nagdalamhati dahil sa karalitaan ng Israel.
17 Nang magkagayon ang mga anak ni Ammon ay nagpipisan, at humantong sa Galaad. At ang mga anak ni Israel ay nagpipisan, at humantong sa (T)Mizpa.
18 At ang bayan, at ang mga prinsipe sa Galaad, ay nagsangusapan, Sinong tao ang magpapasimulang lumaban sa mga anak ni Ammon? (U)siya'y magiging pangulo ng lahat na taga Galaad.
Si Jephte ay ginawang pinuno.
11 Si (V)Jephte nga na Galaadita ay (W)lalaking makapangyarihang may tapang, at siya'y anak ng isang patutot: at si Jephte ay naging anak ni Galaad.
2 At ang asawa ni Galaad ay nagkaanak sa kaniya ng mga lalake; at nang magsilaki ang mga anak ng kaniyang asawa ay kanilang pinalayas si Jephte, at sinabi nila sa kaniya, Ikaw ay hindi magmamana sa sangbahayan ng aming ama; sapagka't ikaw ay anak ng ibang babae.
3 Nang magkagayo'y tumakas si Jephte sa harap ng kaniyang mga kapatid, at tumahan sa lupain ng (X)Tob: (Y)at doo'y nakipisan kay Jephte ang mga lalaking walang kabuluhan, at nagsilabas na kasama niya.
4 At nangyari pagkaraan ng ilang panahon, na ang mga anak ni Ammon ay nakipagdigma sa Israel.
5 At nangyari, nang lumaban ang mga anak ni Ammon sa Israel, na ang mga (Z)matanda sa Galaad ay naparoon upang sunduin si Jephte mula sa lupain ng Tob:
6 At kanilang sinabi kay Jephte, Halika't ikaw ay maging aming pinuno, upang kami ay makalaban sa mga anak ni Ammon.
7 At sinabi ni Jephte sa mga matanda sa Galaad, (AA)Di ba kayo'y napoot sa akin at pinalayas ninyo ako sa bahay ng aking ama? at bakit kayo'y naparirito sa akin ngayon, pagka kayo'y nasa paghihinagpis?
8 At sinabi ng mga matanda sa Galaad kay Jephte, Kaya't kami ay bumabalik sa iyo ngayon, upang ikaw ay makasama namin, at makipaglaban sa mga anak ni Ammon, at ikaw ay magiging pangulo naming lahat na taga Galaad.
9 At sinabi ni Jephte sa mga matanda sa Galaad, Kung pauuwiin ninyo ako upang makipaglaban sa mga anak ni Ammon, at ibigay ng Panginoon sila sa harap ko, magiging pangulo ba ninyo ako?
10 At sinabi ng mga matanda sa Galaad kay Jephte, Ang (AB)Panginoon ang maging saksi natin: tunay na ayon sa iyong salita ay siya naming gagawin.
11 Nang magkagayo'y si Jephte ay yumaong kasama ng mga matanda sa Galaad, at ginawa nila siyang (AC)pangulo at pinuno: at sinalita ni Jephte sa (AD)Mizpa ang lahat ng kaniyang salita sa (AE)harap ng Panginoon.
14 At nangyari sa (A)Iconio na sila'y magkasamang nagsipasok (B)sa sinagoga ng mga Judio, at nangagsalita ng gayon na lamang na ano pa't nagsisampalataya ang lubhang marami sa mga Judio at sa mga Griego.
2 Datapuwa't (C)inudyukan ng mga Judiong suwail ang mga kaluluwa ng mga Gentil, at pinasama sila laban sa mga kapatid.
3 Nagsitira nga sila doon ng mahabang panahon na nagsisipagsalita ng buong katapangan sa Panginoon, na nagpapatotoo sa (D)salita ng kaniyang biyaya, na ipinagkakaloob na gawin ng kanilang mga kamay ang mga tanda at mga kababalaghan.
4 Datapuwa't nagkabahabahagi ang karamihan sa bayan; at ang isang bahagi'y nakisama sa mga Judio, at ang ibang bahagi'y nakisama sa mga (E)apostol.
5 At nang gawin ang pagdaluhong ng mga Gentil at ng mga Judio naman na kasama ang kanilang mga pinuno, upang sila'y halayin at batuhin,
6 At sa pagkaalam nila nito, ay (F)nagsitakas na patungo sa mga bayan ng Licaonia, (G)Listra at Derbe, at sa palibotlibot ng lupain:
7 At doon nila ipinangaral ang evangelio.
8 At sa Listra ay may isang lalaking nakaupo, na sa mga paa'y (H)walang lakas, pilay mula pa sa tiyan ng kaniyang ina, na kailan ma'y hindi nakalakad.
9 Narinig nitong nagsasalita si Pablo: na, nang titigan siya ni Pablo, at makitang may pananampalataya (I)upang mapagaling,
10 Ay nagsabi ng malakas na tinig, Magtindig kang matuwid sa iyong mga paa. (J)At siya'y lumukso at lumakad.
11 At nang makita ng karamihan ang ginawa ni Pablo, ay nagsigawan sila, na sinasabi sa wikang Licaonia, (K)Ang mga dios ay nagsibaba sa atin sa anyo ng mga tao.
12 At tinawag nilang Jupiter, si Bernabe; at Mercurio, si Pablo, sapagka't siya ang pangulong tagapagsalita.
13 At ang saserdote ni Jupiter na ang kaniyang templo ay nasa harap ng bayan, ay nagdala ng mga baka't mga putong na bulaklak sa mga pintuang-daan, at ibig maghaing kasama ng mga karamihan.
14 Datapuwa't nang marinig ito (L)ng mga apostol, na si Bernabe at si Pablo, ay (M)hinapak nila ang kanilang mga damit, at nagsipanakbo sa gitna ng karamihan, na nagsisigaw
15 At nagsisipagsabi, Mga ginoo, (N)bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? Kami'y mga tao ring may mga karamdamang gaya ninyo, at nangagdadala ng mabubuting balita sa inyo, upang mula sa mga bagay na itong (O)walang kabuluhan ay magsibalik kayo (P)sa Dios na buhay, (Q)na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nasa mga yaon:
16 Na nang mga panahong nakaraan (R)ay pinabayaan niya ang lahat ng mga bansa ay magsilakad sa kanilang mga sariling daan.
17 At gayon man ay (S)hindi nagpabayang di nagbigay patotoo, tungkol sa kaniyang sarili, na gumawa ng mabuti (T)at nagbigay sa inyo ng ulang galing sa langit at ng mga panahong sagana, na pinupuno ang inyong mga puso ng (U)pagkain at ng katuwaan.
18 At sa mga pananalitang ito ay bahagya na nilang napigil ang karamihan sa paghahain sa kanila.
19 Datapuwa't (V)nagsirating ang mga Judiong buhat sa (W)Antioquia at (X)Iconio: at nang mahikayat nila ang mga karamihan, (Y)ay kanilang pinagbabato si Pablo, at kinaladkad nila siya sa labas ng bayan, na inaakalang siya'y patay na.
20 Datapuwa't samantalang ang mga alagad ay nangakatayo sa paligid niya, ay nagtindig siya, at pumasok sa bayan: at nang kinabukasa'y umalis siya na kasama ni Bernabe napasa (Z)Derbe.
21 At nang maipangaral na nila ang evangelio sa bayang yaon, at makahikayat ng maraming mga alagad, ay nagsibalik sila sa Listra at sa Iconio, at sa Antioquia,
22 Na (AA)pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian (AB)ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios.
23 At nang makapaglagay na sa kanila ng (AC)mga matanda sa bawa't iglesia, at nang makapanalanging may pagaayuno, ay ipinagtagubilin sila sa Panginoong kanilang sinampalatayanan.
24 At kanilang tinahak ang (AD)Pisidia, at nagsiparoon sa Pamfilia.
25 At nang masalita na nila ang salita sa Perga, ay nagsilusong sila sa Atalia;
26 At buhat doo'y nagsilayag sila sa (AE)Antioquia, na doo'y ipinagtagubilin sila sa (AF)biyaya ng Dios dahil sa gawang kanilang natapos na.
27 At nang sila'y magsidating, at matipon na ang iglesia, ay isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa kanila, (AG)at kung paanong binuksan niya sa mga Gentil ang pintuan ng pananampalataya.
28 At nangatira silang hindi kakaunting panahon na kasama ng mga alagad.
Ang masamang pastor at ang matuwid na sanga.
23 Sa aba ng mga pastor (A)na nangagpapahamak at nangagpapangalat sa mga tupa sa aking pastulan! sabi ng Panginoon.
2 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, laban sa mga pastor na nangagpastol ng aking bayan, Inyong pinangalat ang aking kawan, at inyong iniligaw sila, at hindi ninyo sila dinalaw; narito, dadalawin ko sa inyo ang kasamaan ng inyong mga gawa, sabi ng Panginoon.
3 At (B)aking pipisanin ang nalabi sa aking kawan mula sa lahat na lupain na aking pinagtabuyan sa kanila, at aking dadalhin sila uli sa kanilang mga kulungan; at sila'y magiging palaanak at magsisidami.
4 At ako'y maglalagay ng mga (C)pastor sa kanila na kakandili sa kanila; at hindi na sila matatakot, o manglulupaypay pa, o kukulangin ang sinoman sa kanila, sabi ng Panginoon.
5 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David (D)ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng (E)hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng (F)kahatulan at kaganapan sa lupain.
6 Sa kaniyang mga kaarawan ay (G)maliligtas ang Juda, at ang Israel ay tatahang tiwasay; at ito ang kaniyang pangalan na itatawag sa kaniya, Ang Panginoon ay ating (H)katuwiran.
7 Kaya't narito, ang mga araw ay (I)dumarating, sabi ng Panginoon, na hindi na nila sasabihin, Buháy ang Panginoon, na nagahon ng mga anak ni Israel mula sa lupain ng Egipto;
8 Kundi, Buháy ang Panginoon, na nagahon at pumatnubay sa angkan ng binhi ng Israel mula sa hilagaang lupain, at mula sa lahat ng lupain na aking pinagtabuyan sa kanila. At sila'y magsisitahan sa kanilang sariling lupain.
Ang mga bulaang propeta sa Juda at Samaria ay inusig.
9 Tungkol sa mga propeta. Ang puso ko sa loob ko ay bagbag, (J)lahat kong buto ay nanginginig; ako'y parang langong tao, at parang taong dinaig ng alak, dahil sa Panginoon, at dahil sa kaniyang mga banal na salita.
10 Sapagka't (K)ang lupain ay puno ng mga mangangalunya; sapagka't (L)dahil sa sumpa ay tumatangis ang lupain; ang mga pastulan sa ilang ay natuyo. At ang kanilang lakad ay masama, at ang kanilang lakas ay hindi matuwid.
11 Sapagka't (M)ang propeta ay gayon din ang saserdote ay marumi; oo, (N)sa aking bahay ay nasumpungan ko ang kanilang kasamaan, sabi ng Panginoon.
12 Kaya't ang kanilang daan ay magiging sa kanila'y parang mga madulas na dako sa kadiliman: sila'y isusudlong, at mangabubuwal doon; sapagka't (O)ako'y magpaparating ng kasamaan sa kanila, sa makatuwid baga'y sa taon ng pagdalaw sa kanila, sabi ng Panginoon.
13 At nakita ko ang kamangmangan sa mga propeta ng (P)Samaria; (Q)sila'y nanganghuhula sa pamamagitan ni Baal, at inililigaw ang aking bayang Israel.
14 Sa mga propeta ng Jerusalem naman ay nakita ko ang kakilakilabot na bagay: (R)sila'y nangangalunya, at nagsisilakad sa mga kasinungalingan; at (S)kanilang pinalalakas ang mga kamay ng mga manggagawa ng kasamaan, na anopa't walang humihiwalay sa kaniyang kasamaan: silang lahat ay naging (T)parang Sodoma sa akin, at ang mga nananahan dito ay parang Gomorra.
15 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa mga propeta, Narito, aking pakakanin sila ng ajenjo, at paiinumin ko sila ng inuming mapait, sapagka't mula sa mga propeta ng Jerusalem ay lumabas ang pagdudumi sa buong lupain.
16 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Huwag ninyong dinggin ang mga salita ng mga propeta na nanganghuhula sa inyo: sila'y nangagtuturo sa inyo ng walang kabuluhan; (U)sila'y nangagsasalita ng pangitain ng kanilang sariling puso, at hindi mula sa bibig ng Panginoon.
17 Kanilang sinasabing lagi sa kanila na nagsisihamak sa akin, Sabi ng Panginoon, (V)Kayo'y mangagkakaroon ng kapayapaan; at sa bawa't isa na lumalakad sa katigasan ng kaniyang sariling puso ay sinasabi nila, (W)Walang kasamaang darating sa inyo.
18 Sapagka't (X)sinong tumayo sa payo ng Panginoon, upang makamalas at makarinig ng kaniyang salita? sinong nakinig ng aking salita, at nakarinig?
19 Narito, ang bagyo ng Panginoon, ang kaniyang kapusukan, ay lumabas, oo, ipoipong bagyo: babagsak sa ulo ng masama.
20 Ang galit ng Panginoon ay (Y)hindi mapaparam, hanggang sa kaniyang magawa, at hanggang sa kaniyang maisagawa ang haka ng kaniyang puso: sa mga huling araw ay lubos ninyong mauunawa.
21 Hindi ko sinugo (Z)ang mga propetang ito, gayon ma'y nagsitakbo sila: ako'y hindi nagsalita sa kanila, gayon ma'y nanghula sila.
22 Nguni't kung sila'y nanayo sana sa aking payo, kanila ngang naiparinig ang aking mga salita sa aking bayan, at kanilang (AA)naihiwalay sa kanilang masamang lakad, at sa kasamaan ng kanilang mga gawa.
Ang mangaalipusta sa tunay na propeta ay pinagwikaan.
23 Ako baga'y Dios lamang sa malapit, sabi ng Panginoon, at (AB)hindi Dios sa malayo?
24 May makapagkukubli bagang sinoman sa mga lihim na dako na hindi ko makikita siya? (AC)sabi ng Panginoon, (AD)Hindi baga pinupuno ko ang langit at ang lupa? sabi ng Panginoon.
25 Aking narinig kung ano ang sinabi ng mga propeta, (AE)na nanganghuhula ng mga kasinungalingan sa aking pangalan, na nangagsasabi, Ako'y nanaginip, ako'y nanaginip.
26 Hanggang kailan masusumpungan ito sa puso ng mga propeta na nanganghuhula ng mga kasinungalingan; sa makatuwid baga'y ng mga propeta na nanganghuhula ng daya ng kanilang sariling puso?
27 Na nagaakalang magpalimot sa aking bayan ng aking pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga panaginip na sinasaysay ng bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, gaya ng kanilang mga magulang (AF)na nakalimot ng aking pangalan dahil kay Baal.
28 Ang propeta na nanaginip, ay magsaysay siya ng isang panaginip; at siyang nagtamo ng aking salita, salitain niya ang aking salita na may pagtatapat. Ano ang dayami sa trigo? sabi ng Panginoon.
29 Hindi baga ang aking salita ay parang apoy? sabi ng Panginoon; at parang pamukpok na dumudurog ng bato?
30 Kaya't narito, ako'y (AG)laban sa mga propeta, sabi ng Panginoon, na ninanakaw ng bawa't isa ang aking mga salita sa kaniyang kapuwa.
31 Narito, ako'y laban sa mga propeta, sabi ng Panginoon, na nagsisipagsalita, at nangagsasabi, Kaniyang sinasabi.
32 Narito, ako'y laban sa kanila na nanghuhula ng mga sinungaling na panaginip, sabi ng Panginoon, at sinasaysay, at (AH)inililigaw ang aking bayan sa pamamagitan ng kanilang mga kasinungalingan, at (AI)sa pamamagitan ng kanilang walang kabuluhang kahambugan: gayon man ay hindi ko sinugo sila, o inutusan ko man sila; at hindi man pinakikinabangan nila ang bayang ito sa anomang paraan, sabi ng Panginoon.
Ang mangaalipusta sa tunay na propeta ay pinagwikaan.
33 At pagka ang bayang ito, o ang propeta, o ang saserdote ay magtatanong sa iyo, na magsasabi, Ano ang hula na mula sa Panginoon? (AJ)iyo ngang sasabihin sa kanila, Anong hula! Aking itatakuwil kayo, sabi ng Panginoon.
34 At tungkol sa propeta, at sa saserdote, at sa bayan, na magsasabi, Ang hula na mula sa Panginoon, ay akin ngang parurusahan ang lalaking yaon at ang kaniyang sangbahayan.
35 Ganito ang sasabihin ng bawa't isa sa inyo sa kaniyang kapuwa, at ng bawa't isa sa kaniyang kapatid, Ano ang isinagot ng Panginoon? at, Ano ang sinalita ng Panginoon?
36 At ang hula na mula sa Panginoon ay hindi na ninyo babanggitin pa: sapagka't bawa't sariling salita ng tao ay magiging kaniyang hula; sapagka't inyong binago ang mga salita ng buhay na (AK)Dios, ng Panginoon ng mga hukbo na ating Dios.
37 Ganito ang iyong sasabihin sa propeta, Ano ang isinagot sa iyo ng Panginoon? at, Ano ang sinalita ng Panginoon?
38 Nguni't kung inyong sabihin, Ang hula na mula sa Panginoon; ganito nga ang sabi ng Panginoon: Sapagka't inyong sinasabi ang salitang ito, Ang hula na mula sa Panginoon, at ako'y nagsugo sa inyo, na sinabi ko, Huwag ninyong sasabihin, Ang hula na mula sa Panginoon;
39 Kaya't, narito, aking lubos na kalilimutan (AL)kayo, at aking itatakuwil kayo, at ang bayang ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga magulang, mula sa aking harapan:
40 At ako'y magpaparating ng walang hanggang kakutyaan sa inyo, at walang hanggang kahihiyan, na hindi malilimutan.
9 At sinabi niya sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayong ito, na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, hanggang sa makita nila ang kaharian ng Dios na dumarating na (A)may kapangyarihan.
2 At pagkaraan ng anim na araw, ay (B)isinama ni Jesus si Pedro, at si Santiago, at si Juan, at sila'y dinalang bukod sa isang mataas na bundok: at siya'y nagbagong-anyo sa harap nila;
3 At ang kaniyang mga damit ay nangagningning, na nagsiputing maigi, na ano pa't sinomang magpapaputi sa lupa ay hindi makapagpapaputi ng gayon.
4 At doo'y napakita sa kanila si Elias na kasama si Moises: at sila'y nakikipagusap kay Jesus.
5 At sumagot si Pedro at sinabi kay Jesus, Rabi, mabuti sa atin ang tayo'y dumito: at magsigawa kami ng tatlong tabernakulo; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at isa ang kay Elias.
6 (C)Sapagka't hindi niya nalalaman kung ano ang isasagot; sapagka't sila'y lubhang nangatakot.
7 At dumating ang isang alapaap na sa kanila'y lumilim: at may isang tinig na nanggaling sa alapaap, Ito ang sinisinta kong Anak; siya ang inyong pakinggan.
8 At karakaraka'y sa biglang paglingap nila sa palibotlibot, ay wala silang nakitang sinoman, kundi si Jesus lamang na kasama nila.
9 (D)At habang nagsisibaba sila sa bundok, ay ipinagbilin niya sa kanila na sa kanino man ay huwag nilang sabihin ang kanilang nakita, maliban na pagka ang Anak ng tao ay magbangong maguli sa mga patay.
10 At kanilang iningatan ang pananalitang ito, na nangagtatanungan sila-sila kung ano ang kahulugan ng pagbabangong maguli sa mga patay.
11 At tinanong nila siya, na sinasabi, Bakit sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias?
12 At sinabi niya sa kanila, Katotohanang si Elias ay pariritong mauna, at isasauli sa dati ang lahat ng mga bagay: at paanong (E)nasusulat ang tungkol sa Anak ng tao, na siya'y maghihirap ng maraming bagay at pawalang halaga?
13 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na naparito na si Elias, at ginawa din naman nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig, ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya.
14 (F)At pagdating nila sa mga alagad, ay nakita nilang nasa kanilang palibotlibot ang lubhang maraming mga tao, at ang mga eskriba ay nangakikipagtalo sa kanila.
15 At pagdaka'y ang buong karamihan, pagkakita nila sa kaniya, ay nangagtakang mainam, at tinakbo siya na siya'y binati.
16 At tinanong niya sila, Ano ang ipinakikipagtalo ninyo sa kanila?
17 At isa sa karamihan ay sumagot sa kaniya, Guro, dinala ko sa iyo ang aking anak na lalake na may isang espiritung pipi;
18 At saan man siya alihan nito, ay ibinubuwal siya: at nagbububula ang kaniyang bibig, at nagngangalit ang mga ngipin, at untiunting natutuyo: at sinabi ko sa iyong mga alagad na siya'y palabasin; at hindi nila magawa.
19 At sumagot siya sa kanila at nagsabi, Oh lahing walang pananampalataya, hanggang kailan makikisama ako sa inyo? hanggang kailan titiisin ko kayo? dalhin ninyo siya rito sa akin.
20 At dinala nila siya sa kaniya: at (G)pagkakita niya sa kaniya, ay pagdaka'y pinapangatal siyang lubha ng espiritu; at siya'y nalugmok sa lupa, at nagpagulonggulong na bumubula ang kaniyang bibig.
21 At tinanong niya ang kaniyang ama, Kailan pang panahon nangyayari sa kaniya ito? At sinabi niya, Mula sa pagkabata.
22 At madalas na siya'y inihahagis sa apoy at sa tubig, upang siya'y patayin: datapuwa't kung mayroon kang magagawang anomang bagay, ay maawa ka sa amin, at tulungan mo kami.
23 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung kaya mo! Ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa kaniya na nananampalataya.
24 Pagdaka'y sumigaw ang ama ng bata, at sinabi, Nananampalataya ako; (H)tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya.
25 At nang makita ni Jesus na dumaragsang tumatakbo ang karamihan, ay pinagwikaan niya ang karumaldumal na espiritu, na sinasabi sa kaniya, Ikaw bingi at piping espiritu, iniuutos ko sa iyo na lumabas ka sa kaniya, at huwag ka nang pumasok na muli sa kaniya.
26 At nang makapagsisisigaw, at nang siya'y mapangatal na mainam, ay lumabas siya: at ang bata'y naging anyong patay; ano pa't marami ang nagsabi, Siya'y patay.
27 Datapuwa't hinawakan siya ni Jesus sa kamay, at siya'y ibinangon; at siya'y nagtindig.
28 At nang (I)pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas?
29 At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin.
30 At nagsialis sila roon, at (J)nangagdaan sa Galilea; at ayaw siyang sinomang tao'y makaalam niyaon.
31 Sapagka't tinuruan niya ang kaniyang mga alagad, at sa kanila'y sinabi, Ibibigay ang Anak ng tao sa mga kamay ng mga tao, at siya'y papatayin nila; at pagkapatay sa kaniya, ay siyang magbabangong muli pagkaraan ng ikatlong araw.
32 Nguni't hindi nila naunawa ang sabing ito, at nangatakot silang magsipagtanong sa kaniya.
33 (K)At sila'y nagsidating sa Capernaum: at nang siya'y nasa bahay na ay tinanong niya sila, Ano ang pinagkakatuwiranan ninyo sa daan?
34 Datapuwa't hindi sila nagsiimik: sapagka't sila-sila (L)ay nangagtalo sa daan, kung sino ang pinakadakila.
35 At siya'y naupo, at tinawag ang labingdalawa; at sa kanila'y sinabi niya, (M)Kung sinoman ang ibig na maging una, ay siyang mahuhuli sa lahat, at lingkod ng lahat.
36 At (N)kinuha niya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila: at siya'y kaniyang kinalong, na sa kanila'y sinabi niya,
37 Ang sinomang tumanggap sa isa sa mga ganitong maliliit na bata sa aking pangalan, ay ako ang tinatanggap: at ang (O)sinomang tumanggap sa akin, ay hindi ako ang tinatanggap, kundi yaong sa aki'y nagsugo.
38 (P)Sinabi sa kaniya ni Juan, Guro, nakita namin ang isa na sa pangalan mo'y nagpapalabas ng mga demonio; at pinagbawalan namin siya, sapagka't hindi sumusunod sa atin.
39 Datapuwa't sinabi ni Jesus, Huwag ninyong pagbawalan siya: sapagka't walang taong gumagawa ng makapangyarihang gawa sa pangalan ko, na pagdaka'y makapagsasalita ng masama tungkol sa akin.
40 Sapagka't (Q)ang hindi laban sa atin ay sumasa atin.
41 (R)Sapagka't ang sinomang magpainom sa inyo ng isang sarong tubig, dahil sa kayo'y kay Cristo, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na hindi mawawala sa anomang paraan ang ganti sa kaniya.
42 At ang (S)sinomang magbigay ng ikatitisod sa maliliit na ito na sumasampalataya sa akin, ay mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang malaking gilingang bato, at siya'y ibulid sa dagat.
43 At (T)kung ang kamay mo ay makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw, kay sa may dalawang kamay kang mapasa impierno, sa apoy na hindi mapapatay.[a](U)
45 At (V)kung ang paa mo'y makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok kang pilay sa buhay kay sa may dalawang paa kang mabulid sa impierno.[b]
47 (W)At kung ang mata mo'y makapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa kaharian ng Dios na may isang mata, kay sa may dalawang mata kang mabulid sa impierno;
48 Na doo'y hindi namamatay (X)ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy.
49 Sapagka't bawa't isa'y aasnan sa pamamagitan ng (Y)apoy.
50 Mabuti ang asin: (Z)datapuwa't kung tumabang ang asin, ay ano ang inyong ipagpapaalat? (AA)Taglayin ninyo sa inyong sarili ang asin, at kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa isa't isa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978