Add parallel Print Page Options

14 At (A)pagdating nila sa karamihan, ay lumapit sa kaniya ang isang lalake, na sa kaniya'y lumuhod, at nagsasabi,

15 Panginoon, mahabag ka sa aking anak na lalake: sapagka't siya'y (B)himatayin, at lubhang naghihirap; sapagka't madalas na siya'y nagsusugba sa apoy, at madalas sa tubig.

16 At siya'y dinala ko sa iyong mga alagad, at hindi nila siya mapagaling.

17 At sumagot si Jesus at sinabi, Oh lahing walang pananampalataya at (C)taksil, hanggang kailan titiisin ko kayo? dalhin ninyo siya rito sa akin.

18 At pinagwikaan siya ni Jesus; at ang demonio ay lumabas sa kaniya: at ang bata'y gumaling mula nang oras ding yaon.

19 Nang magkagayo'y nagsilapit na (D)bukod ang mga alagad kay Jesus, at nangagsabi, Bakit baga hindi namin napalabas yaon?

20 At sinabi niya sa kanila, Dahil sa kakauntian ng inyong pananampalataya: (E)sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung magkaroon kayo ng pananampalataya na kasinglaki (F)ng butil ng binhi ng mostasa, ay masasabi ninyo sa bundok na (G)ito, Lumipat ka mula rito hanggang doon; at ito'y lilipat; at sa inyo'y hindi may pangyayari.[a] (H)(I)

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 17:20 Sa mga ibang Kasulatan ay nakalagay ang talatang ito: 21 Datapuwa't ang ganito'y hindi lumalabas kundi sa pamamagitan ng panalangin at ayuno.

37 At nangyari nang kinabukasan, (A)nang pagbaba nila mula sa (B)bundok, ay sinalubong siya ng lubhang maraming tao.

38 At narito, isang lalake sa karamihan, ay sumigaw na nagsasabi, Guro, ipinamamanhik ko sa iyo na iyong tingnan ang aking anak na lalake; sapagka't siya'y aking (C)bugtong na anak;

39 At narito, inaalihan siya ng isang espiritu, at siya'y biglang nagsisigaw; at siya'y (D)nililiglig, na pinabubula ang bibig, at bahagya nang siya'y hiwalayan, na siya'y totoong pinasasakitan.

40 At ipinamanhik ko sa iyong mga alagad na palabasin siya; at hindi nila magawa.

41 At sumagot si Jesus at nagsabi, Oh lahing walang pananampalataya at taksil, hanggang kailan makikisama ako sa inyo at magtitiis sa inyo? dalhin mo rito ang anak mo.

42 At samantalang siya'y lumalapit, ay ibinuwal siya ng demonio, at pinapangatal na mainam. Datapuwa't pinagwikaan ni Jesus ang karumaldumal na espiritu, at pinagaling ang bata, at isinauli siya sa kaniyang ama.

Read full chapter