M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang Israel ay natalo sa Hai.
7 Nguni't ang mga anak ni Israel ay nakagawa ng pagsalangsang sa itinalagang bagay: sapagka't si Achan na anak ni Carmi, na anak ni Zabdi, na anak ni Zera, sa lipi ni Juda; ay kumuha sa itinalagang bagay, at ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa mga anak ni Israel.
2 At mula sa Jerico ay nagsugo si Josue ng mga lalake sa Hai na nasa siping ng (A)Beth-aven, sa dakong silanganan ng (B)Beth-el, at nagsalita sa kanila, na nagsasabi, Sumampa kayo at tiktikan ninyo ang lupain. At ang mga lalake ay yumaon at tiniktikan ang Hai.
3 At sila'y nagsibalik kay Josue, at sinabi sa kaniya, Huwag sumampa ang buong bayan, kundi sumampa lamang ang dalawa o tatlong libong lalake at sugatan ang Hai; huwag mong pagurin ang buong bayan doon; sapagka't sila'y kakaunti.
4 Sa gayo'y sumampa roon sa bayan ay may tatlong libong lalake: at sila'y (C)tumakas sa harap ng mga lalake sa Hai.
5 At ang mga lalake sa Hai ay sumakit sa kanila ng may tatlong pu't anim na lalake; at hinabol nila sila mula sa harap ng pintuang-bayan hanggang sa Sebarim, at sinaktan sila sa (D)babaan: at ang mga puso ng mga tao ay (E)nanglumo, at naging parang tubig.
6 At (F)hinapak ni Josue ang kaniyang mga suot, at nagpatirapa sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon hanggang sa kinahapunan, siya at ang mga matanda ng Israel; (G)at sila'y nagsipagbuhos ng alabok sa kanilang ulo.
7 At sinabi ni Josue, Ay, Oh Panginoong Dios, bakit mo (H)pinatawid ang bayang ito sa Jordan, upang ibigay kami sa kamay ng mga Amorrheo, na ipalipol kami? nakatigil sana kaming masaya at nakatahan sa dakong yaon ng Jordan!
8 Oh Panginoon, anong aking sasabihin pagkatapos na ang mga anak ng Israel ay makatalikod sa harap ng kanilang mga kaaway!
9 Sapagka't mababalitaan ng mga Cananeo at ng lahat na nananahan sa lupain, at kami ay kukubkubin at (I)ihihiwalay ang aming pangalan sa lupa: at ano ang iyong gagawin sa iyong (J)dakilang pangalan?
10 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Bumangon ka; bakit ka nagpatirapa ng ganito?
11 Ang Israel ay nagkasala; oo, kanilang (K)sinalangsang din ang aking tipan na aking iniutos sa kanila; (L)oo, sila'y kumuha rin sa itinalagang bagay, at nagnakaw rin, at nagbulaan din; at sila'y naglagay rin sa kanilang sariling daladalahan.
12 (M)Kaya't ang mga anak ni Israel ay hindi makatatayo sa harap ng kanilang mga kaaway; sila'y tumalikod sa harap ng kanilang mga kaaway, sapagka't sila'y naging sinumpa: ako'y hindi na sasa inyo pa, maliban sa inyong sirain ang itinalagang bagay sa gitna ninyo.
13 Bumangon ka, papagbanalin mo ang bayan, at sabihin mo, (N)Mangagpakabanal kayo sa kinabukasan: sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, May itinalagang bagay sa gitna mo, Oh Israel: ikaw ay hindi makatatayo sa harap ng iyong mga kaaway, hanggang sa inyong alisin ang itinalagang bagay sa gitna ninyo.
14 Sa kinaumagahan nga ay lalapit kayo ayon sa inyong mga lipi: at mangyayari, na (O)ang lipi na pipiliin ng Panginoon ay lalapit ayon sa mga angkan: at ang angkan na pipiliin ng Panginoon ay lalapit ayon sa mga sangbahayan; at ang sangbahayan na pipiliin ng Panginoon ay lalapit bawa't lalake.
15 (P)At mangyayari, na ang makunan ng itinalagang bagay ay susunugin sa apoy, siya at ang lahat niyang tinatangkilik: sapagka't kaniyang sinalangsang ang tipan ng Panginoon, at sapagka't siya'y gumawa ng kaululan sa Israel.
16 Sa gayo'y bumangong maaga si Josue sa kinaumagahan, at inilapit ang Israel ayon sa kanilang mga lipi: at ang lipi ni Juda ay napili:
17 At kaniyang inilapit ang angkan ni Juda; at napili ang angkan ng (Q)mga Zeraita: at kaniyang inilapit ang angkan ng mga Zeraita na bawa't lalake; at si Zabdi ay napili:
18 At kaniyang inilapit ang kaniyang sangbahayan bawa't lalake: at si (R)Achan, na anak ni Carmi, na anak ni Zabdi, na anak ni Zera, sa lipi ni Juda, ay (S)napili.
19 At sinabi ni Josue kay Achan, Anak ko, isinasamo ko sa iyo, na iyong (T)luwalhatiin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, at magpahayag ka sa kaniya; at (U)ipahayag mo sa akin ngayon kung ano ang iyong ginawa; huwag kang maglihim sa akin.
20 At sumagot si Achan kay Josue, at sinabi, Sa katotohanan ay nagkasala ako laban sa Panginoon, sa Dios ng Israel, at ganito't ganito ang aking ginawa:
21 Nang aking makita sa samsam ang mainam na balabal na yaring Babilonia, at ang dalawang daang siklong pilak, at ang isang dila na ginto, na limang pung siklo ang timbang, ay akin ngang inimbot, at aking kinuha; at, narito, nangakukubli sa lupa sa gitna ng aking tolda, at ang pilak ay nasa ilalim niyaon.
Ang kasalanan ni Achan.
22 Sa gayo'y nagsugo si Josue ng mga sugo at kanilang tinakbo ang tolda; at, narito, nakakubli sa kaniyang tolda, at ang pilak ay nasa ilalim niyaon.
23 At kanilang kinuha sa gitna ng tolda, at dinala kay Josue, at sa lahat ng mga anak ni Israel; at kanilang inilapag sa harap ng Panginoon.
24 At kinuha ni Josue, at ng buong Israel na kasama niya, si Achan na anak ni Zera at ang pilak, at ang balabal, at ang dila na ginto, at ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang kaniyang mga baka, at ang kaniyang mga asno, at ang kaniyang mga tupa, at ang kaniyang tolda, at ang lahat niyang tinatangkilik: at kanilang isinampa sa (V)libis ng Achor.
25 At sinabi ni Josue, Bakit mo (W)kami binagabag? babagabagin ka sa araw na ito ng Panginoon. (X)At binato siya ng mga bato ng buong Israel; at sinunog nila sila sa apoy, at binato sila ng mga bato.
26 At (Y)kanilang binuntunan siya ng malaking bunton na mga bato, hanggang sa araw na ito; at ang (Z)Panginoon ay nagpigil ng kabangisan ng kaniyang galit. Kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na, Ang libis (AA)ng Achor,[a] hanggang sa araw na ito.
Mga kalungkutan ng mga bihag sa Babilonia.
137 Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia,
Doo'y nangaupo tayo, oo, nagiyak tayo,
Nang ating maalaala ang Sion.
2 Sa mga punong sauce sa gitna niyaon
Ating ibinitin ang ating mga alpa.
3 Sapagka't doo'y silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit,
At silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa atin ng kasayahan, na nangagsasabi:
Awitin ninyo sa amin ang sa mga awit ng Sion.
4 (A)Paanong aawitin namin ang awit sa Panginoon
Sa ibang lupain?
5 Kung kalimutan kita, Oh Jerusalem,
Kalimutan nawa ng aking kanan ang kaniyang kasanayan.
6 Dumikit nawa ang (B)aking dila sa ngalangala ng aking bibig,
Kung hindi kita alalahanin;
Kung hindi ko piliin ang Jerusalem
Ng higit sa aking pinakapangulong kagalakan.
7 Alalahanin mo Oh Panginoon, laban (C)sa mga anak ni Edom
Ang kaarawan ng Jerusalem;
Na nagsabi, Sirain, sirain,
Pati ng patibayan niyaon.
8 Oh anak na babae ng Babilonia, na (D)sira;
Magiging mapalad siya, (E)na gumaganti sa iyo
Na gaya ng iyong ginawa sa amin.
9 Magiging mapalad siya, na kukuha at maghahagis sa iyong mga bata
Sa malaking bato.
Pagpapasalamat sa pagkatig ng Panginoon. Awit ni David.
138 Ako'y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso:
(F)Sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
2 Ako'y sasamba sa dako ng iyong banal na templo,
At (G)magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan:
Sapagka't iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan.
3 Nang araw na ako'y tumawag ay sinagot mo ako,
Iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa.
4 Lahat ng mga hari sa lupa (H)ay mangagpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon,
Sapagka't kanilang narinig ang mga salita ng iyong bibig.
5 Oo, sila'y magsisiawit tungkol sa mga daan ng Panginoon;
Sapagka't dakila ang kaluwalhatian ng Panginoon.
6 (I)Sapagka't bagaman ang Panginoon ay mataas, (J)gumagalang din sa mababa:
Nguni't ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo.
7 (K)Bagaman ako'y lumakad sa gitna ng kabagabagan, iyong bubuhayin ako;
Iyong iuunat ang iyong kamay laban sa poot ng aking mga kaaway,
At ililigtas ako ng iyong kanan.
8 (L)Pasasakdalin ng Panginoon ang tungkol sa akin:
Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay magpakailan man;
(M)Huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong sariling mga kamay.
Ang pagkatawag at pagkasugo kay Jeremias.
1 Ang mga salita ni (A)Jeremias na anak ni Hilcias, isa sa mga saserdote na (B)nasa Anathoth sa lupain ng Benjamin:
2 Na dinatnan ng salita ng Panginoon nang mga kaarawan ni (C)Josias na anak ni Amon, na hari sa Juda, (D)nang ikalabing tatlong taon ng kaniyang paghahari.
3 Dumating din nang kaarawan ni (E)Joacim na anak ni Josias, hari sa Juda, nang katapusan nang ikalabing isang taon ni (F)Sedechias, na anak ni Josias, hari sa Juda, (G)hanggang sa pagkabihag ng Jerusalem nang ikalimang buwan.
4 Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
5 Bago (H)kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta (I)sa mga bansa.
6 Nang magkagayo'y sinabi ko, (J)Ah, Panginoong Dios! narito, hindi ako marunong magsalita: sapagka't ako'y bata.
7 Nguni't sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong sabihin, Ako'y bata: sapagka't saan man kita susuguin ay paroroon ka, at anomang iutos ko sa iyo ay (K)sasalitain mo.
8 Huwag kang matakot dahil sa kanila; sapagka't ako'y sumasaiyo upang iligtas kita, sabi ng Panginoon.
9 (L)Nang magkagayo'y iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, at (M)hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig:
10 Tingnan mo, aking pinapagpupuno ka sa araw na ito sa mga bansa at sa mga kaharian, upang magalis at magbagsak at upang magsira at magwasak, upang magtayo at magtatag.
Ang tungkod na almendro at ang palyok ay nakita sa pangitain.
11 Bukod dito ay dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi, Jeremias, anong nakikita mo? At aking sinabi, Ako'y nakakakita ng isang tungkod na almendro.
12 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Iyong nakitang mabuti: sapagka't aking iniingatan ang aking salita upang isagawa.
13 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na ikalawa, na nagsasabi, Ano ang iyong nakikita? At aking sinabi, Ako'y nakakakita ng (N)isang palyok na pinagpapakuluan; at paharap sa hilagaan.
14 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, (O)Mula sa hilagaan ay lalabasin ng kasamaan ang lahat na nananahan sa lupain.
15 Sapagka't, narito, aking tatawagin ang lahat na angkan ng mga kaharian sa hilagaan, sabi ng Panginoon; at sila'y magsisiparoon, at sila'y (P)maglalagay bawa't isa ng kanikaniyang luklukan sa pasukan ng mga pintuang-bayan ng Jerusalem, at laban sa lahat na kuta niyaon sa palibot, at laban sa lahat na bayan ng Juda.
16 At aking sasalitain ang aking mga kahatulan laban sa kanila (Q)tungkol sa lahat nilang kasamaan, sa kanilang nangagpabaya sa akin, at nangagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios, at nagsisamba sa mga gawa ng kanilang sariling mga kamay.
17 Ikaw nga'y (R)magbigkis ng iyong mga balakang, at ikaw ay bumangon, at salitain mo sa kanila ang lahat na iniuutos ko sa iyo: (S)huwag kang manglupaypay sa kanila, baka ikaw ay panglupaypayin ko sa harap nila.
18 Sapagka't, narito, ginawa kita sa araw na ito, na nakukutaang bayan, at pinakahaliging bakal, at pinaka kutang tanso, laban sa buong lupain, laban sa mga hari sa Juda, laban sa mga prinsipe niyaon, laban sa mga saserdote niyaon, at laban sa bayan ng lupain.
19 At sila'y magsisilaban sa iyo; nguni't hindi sila mangananaig laban sa iyo: sapagka't ako'y sumasa iyo, sabi ng Panginoon, upang iligtas ka.
15 Nang magkagayo'y (A)nagsilapit kay Jesus na mula sa Jerusalem ang mga Fariseo at ang mga eskriba, na nagsisipagsabi,
2 Bakit ang iyong mga alagad ay nagsisilabag sa sali't-saling sabi ng matatanda? sapagka't hindi sila nangaghuhugas ng kanilang mga kamay pagka nagsisikain sila ng tinapay.
3 At siya'y sumagot at sinabi sa kanila, Bakit naman kayo'y nagsisilabag sa utos ng Dios dahil sa inyong sali't-saling sabi?
4 Sapagka't sinabi ng Dios, (B)Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: at, (C)Ang manungayaw sa ama at sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala.
5 Datapuwa't sinasabi ninyo, Sinomang magsabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay hain ko na sa Dios:
6 Ay hindi niya igagalang ang kaniyang ama. At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Dios dahil sa inyong sali't-saling sabi.
7 Kayong mga mapagpaimbabaw, mabuti ang pagkahula sa inyo ni Isaias, na nagsasabi,
8 Ang bayang ito'y iginagalang ako (D)ng kanilang mga labi;
Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin.
9 Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin,
Na nagtuturo ng kanilang (E)pinakaaral ang mga utos ng mga tao.
10 At pinalapit niya sa kaniya ang karamihan, at sa kanila'y sinabi, Pakinggan ninyo, at unawain.
11 Hindi ang pumapasok sa bibig ang siyang (F)nakakahawa sa tao; kundi ang lumalabas sa bibig, ito ang nakakahawa sa tao.
12 Nang magkagayo'y nagsilapit ang mga alagad, at sa kaniya'y sinabi, Nalalaman mo bagang nangagdamdam ang mga Fariseo, pagkarinig nila ng pananalitang ito?
13 Datapuwa't sumagot siya at sinabi, (G)Ang bawa't halamang hindi itinanim ng aking Ama na nasa kalangitan, ay bubunutin.
14 Pabayaan ninyo sila: (H)sila'y mga bulag na tagaakay. At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay.
15 At sumagot si Pedro, at sinabi (I)sa kaniya, Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga.
16 At sinabi niya, Kayo baga nama'y wala pa ring pagiisip?
17 Hindi pa baga ninyo nalalaman, na ang anomang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan, at inilalabas sa daanan ng dumi?
18 Datapuwa't (J)ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay sa puso nanggagaling; at siyang nangakakahawa sa tao.
19 Sapagka't sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagsaksi sa di katotohanan, mga pamumusong:
20 Ito ang mga bagay na nangakakahawa sa tao; datapuwa't ang kumaing hindi maghugas (K)ng mga kamay ay hindi makakahawa sa tao.
21 At umalis doon si Jesus, at lumigpit sa mga sakop ng (L)Tiro at Sidon.
22 At narito, ang isang babaing Cananea na lumabas sa mga hangganang yaon, at nagsisigaw, na nagsasabi, Kahabagan mo ako, Oh Panginoon, ikaw na (M)Anak ni David; ang aking anak na babae ay pinahihirapang lubha ng isang demonio.
23 Datapuwa't siya'y hindi sumagot ng anomang salita sa kaniya. At nilapitan siya ng kaniyang mga alagad at siya'y pinamanhikan, na nangagsasabi, (N)Paalisin mo siya; sapagka't nagsisisigaw siya sa ating hulihan.
24 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi, (O)Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel.
25 Datapuwa't lumapit siya at (P)siya'y sinamba niya, na nagsasabi, Panginoon, saklolohan mo ako.
26 At siya'y sumagot at sinabi, Hindi marapat na kunin ang tinapay sa mga anak at itapon sa mga (Q)aso.
27 Datapuwa't sinabi niya, Oo, Panginoon: sapagka't ang mga aso man ay nagsisikain ng mga mumo na nangalalaglag mula sa dulang ng kanilang mga panginoon.
28 Nang magkagayo'y sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Oh babae, (R)malaki ang pananampalataya mo: mangyari sa iyo ayon sa ibig mo. At gumaling ang kaniyang anak mula sa oras na yaon.
29 At umalis si Jesus doon, at (S)naparoon sa tabi ng dagat ng Galilea; at umahon sa bundok, at naupo doon.
30 At lumapit sa kaniya ang lubhang maraming tao, na may mga pilay, mga bulag, mga pipi, mga pingkaw, at iba pang marami, at sila'y kanilang inilagay sa kaniyang mga paanan; at sila'y pinagaling niya:
31 Ano pa't nangagtaka ang karamihan, nang mangakita nilang nangagsasalita ang mga pipi, nagsisigaling ang mga pingkaw, at nagsisilakad ang mga pilay, at nangakakakita ang mga bulag: at kanilang niluwalhati ang Dios ng Israel.
32 At pinalapit ni (T)Jesus sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi, (U)Nahahabag ako sa karamihan, sapagka't tatlong araw nang sila'y nagsisipanatili sa akin at wala silang makain: at di ko ibig na sila'y paalising nangagaayuno, baka sila'y manganglupaypay sa daan.
33 At sa kaniya'y sinabi ng mga alagad, Saan tayo mangakakakuha rito sa ilang ng sapat na daming tinapay na makabubusog sa ganyang lubhang napakaraming tao?
34 At sinabi ni Jesus sa kanila, Ilang tinapay mayroon kayo? At sinabi nila, Pito, at ilang maliliit na isda.
35 At iniutos niya sa karamihan na magsiupo sa lupa;
36 At kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda; (V)at siya'y nagpasalamat at pinagputolputol, at ibinigay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan.
37 At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at pinulot nila ang lumabis sa mga pinagputolputol, na pitong bakol na puno.
38 At silang nagsikain ay apat na libong lalake, bukod ang mga babae at mga bata.
39 At (W)pinayaon niya ang mga karamihan at lumulan sa daong, at napasa mga hangganan ng (X)Magdala.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978