Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Josue 24

Ang tipan ay inulit sa Sichem.

24 At pinisan ni Josue ang lahat ng mga lipi ng Israel sa (A)Sichem, at (B)tinawag ang mga matanda ng Israel at ang kanilang mga pangulo, at ang kanilang mga hukom, at ang kanilang mga (C)pinuno; at sila'y (D)nagsiharap sa Dios.

At sinabi ni Josue sa buong bayan, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (E)Ang inyong mga magulang ay tumahan nang unang panahon sa dako roon ng Ilog, na dili iba't si Thare, na ama ni Abraham at ama ni Nachor: at sila'y naglingkod sa ibang mga dios.

At (F)kinuha ko ang inyong amang si Abraham mula sa dako roon ng Ilog at pinatnubayan ko siya sa buong lupain ng Canaan, at pinarami ko ang kaniyang binhi (G)at ibinigay ko sa kaniya si Isaac.

At ibinigay ko kay Isaac si (H)Jacob at si Esau: at ibinigay ko kay (I)Esau ang bundok ng Seir upang ariin; (J)at si Jacob at ang kaniyang mga anak ay bumabang pumasok sa Egipto.

At (K)aking sinugo si Moises at si Aaron, at (L)sinalot ko ang Egipto, ayon sa aking ginawa sa gitna niyaon: at pagkatapos ay inilabas ko kayo.

At (M)inilabas ko ang inyong mga magulang sa Egipto: at kayo'y (N)naparoon sa dagat; at hinabol (O)ng mga taga Egipto ang inyong mga magulang, ng mga karo at ng mga nangangabayo hanggang sa Dagat na Mapula.

At nang sila'y dumaing sa Panginoon (P)ay nilagyan niya ng kadiliman ang pagitan ninyo at ang mga taga Egipto, (Q)at itinabon ang dagat sa kanila, at tinakpan sila; at nakita ng (R)inyong mga mata kung ano ang aking ginawa sa Egipto at kayo'y tumahan sa ilang na malaon.

At ipinasok ko kayo sa lupain ng mga Amorrheo, na tumatahan sa dako roon ng Jordan, (S)at sila'y nakipagbaka sa inyo; at ibinigay ko sila sa inyong kamay, at inyong inari ang kanilang lupain: at nilipol ko sila sa harap ninyo.

(T)Nang magkagayo'y tumindig si Balac na anak ni Zippor, na hari sa Moab, at dumigma laban sa Israel; at (U)siya'y nagsugo at tinawag si Balaam na anak ni Beor, upang sumpain kayo:

10 Nguni't hindi ko dininig si Balaam; (V)kaya't binasbasan nga niya kayo: gayon iniligtas ko kayo sa kaniyang kamay.

11 (W)At kayo'y tumawid sa Jordan at dumating sa Jerico: at (X)ang mga tao sa Jerico ay nakipaglaban sa inyo, ang Amorrheo, at ang Pherezeo, at ang Cananeo, at ang Hetheo, at ang Gergeseo, ang Heveo, at ang Jebuseo, at ibinigay ko sila sa inyong kamay.

12 At (Y)sinugo ko ang malalaking putakti sa unahan ninyo, na siyang nagtaboy sa kanila sa harap ninyo, sa makatuwid baga'y sa dalawang hari ng mga Amorrheo: (Z)hindi sa pamamagitan ng inyong tabak, ni ng inyong busog.

13 At aking binigyan kayo ng lupain na hindi ninyo binukid, at (AA)ng mga bayang hindi ninyo itinayo, at inyong tinatahanan; at mga ubasan at mga olibohan na hindi ninyo itinanim ay inyong kinakain.

14 Ngayon nga ay matakot kayo sa Panginoon, at paglingkuran ninyo siya sa pagtatapat at sa katotohanan: at inyong (AB)alisin ang mga dios na mga pinaglingkuran ng inyong mga magulang sa dako roon ng Ilog at (AC)sa Egipto; at inyong paglingkuran ang Panginoon.

15 At kung inaakala ninyong masama na maglingkod sa Panginoon, ay (AD)piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran; kung ang mga dios ng inyong mga magulang na pinaglingkuran sa dako roon ng Ilog, o ang (AE)dios ng mga Amorrheo na ang lupain nila ay inyong tinatahanan: (AF)nguni't sa ganang akin at ng aking sangbahayan ay maglilingkod kami sa Panginoon.

16 At ang bayan ay sumagot at nagsabi, Malayo nawa sa amin na aming pabayaan ang Panginoon sa paglilingkod sa ibang mga dios:

17 Sapagka't ang Panginoon nating Dios ay siyang nagsampa sa atin at sa ating mga magulang mula sa lupain ng Egipto, mula sa bahay ng pagkaalipin, at siyang gumawa ng mga dakilang tandang yaon sa ating paningin, at iningatan tayo sa lahat ng daan na ating pinaroonan, at sa gitna ng lahat ng mga bayan na ating dinaanan:

18 At itinaboy ng Panginoon sa harap natin ang lahat ng mga bayan, ang mga Amorrheo na tumahan sa lupain: kaya't kami ay maglilingkod din sa Panginoon; sapagka't siya'y ating Dios.

19 At sinabi ni Josue sa bayan, (AG)Kayo'y hindi makapaglilingkod sa Panginoon; sapagka't (AH)siya'y isang banal na Dios; siya'y (AI)mapanibughuing Dios; hindi niya ipatatawad ang inyong pagsalangsang ni ang inyong mga kasalanan.

20 Kung inyong pabayaan ang Panginoon, at maglingkod sa ibang mga dios: ay hihiwalay nga siya at gagawan kayo ng kasamaan at lilipulin kayo pagkatapos na kaniyang nagawan kayo ng mabuti.

21 At sinabi ng bayan kay Josue, Hindi: kundi kami ay maglilingkod sa Panginoon.

22 At sinabi ni Josue sa bayan, Kayo'y mga saksi laban sa inyong sarili (AJ)na inyong pinili sa inyo ang Panginoon, upang paglingkuran siya. At sinabi nila, Kami ay mga saksi.

23 (AK)Ngayon nga'y alisin ninyo, sabi niya, ang ibang mga dios na nasa gitna ninyo at ikiling ninyo ang inyong puso sa Panginoon, na Dios ng Israel.

24 At sinabi ng bayan kay Josue, Ang Panginoon nating Dios ay aming paglilingkuran, at ang kaniyang tinig ay aming didinggin.

25 Sa gayo'y nakipagtipan si (AL)Josue sa bayan nang araw na yaon, at nilagdaan niya sila ng palatuntunan at ng ayos sa Sichem.

26 At (AM)sinulat ni Josue ang mga salitang ito sa aklat ng kautusan ng Dios; at siya'y kumuha ng malaking bato, (AN)at inilagay (AO)sa lilim ng encina na nasa tabi ng santuario ng Panginoon.

27 At sinabi ni Josue sa buong bayan, Narito, ang (AP)batong ito ay magiging saksi laban sa atin, sapagka't (AQ)narinig nito ang lahat ng mga salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita sa atin: ito nga'y magiging saksi laban sa inyo, baka ninyo itakuwil ang inyong Dios.

28 Sa gayo'y (AR)pinapagpaalam ni Josue ang bayan, bawa't isa sa kaniyang mana.

Ang kamatayan ni Josue.

29 At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na si Josue, na anak ni Nun na lingkod ng Panginoon, ay namatay na may isang daan at sangpung taon ang gulang.

30 At inilibing nila siya sa hangganan ng kaniyang mana sa (AS)Timnathsera, na nasa lupaing maburol ng Ephraim sa hilagaan ng bundok ng Gaas.

31 At naglingkod ang Israel sa Panginoon sa (AT)lahat ng mga araw ni Josue, at sa lahat ng mga araw ng mga matandang natirang nabuhay kay Josue at (AU)nakilala ang lahat na gawa ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa Israel.

Ibinaon ang butó ni Jose; kamatayan ni Eleazar.

32 At ang mga butó ni Jose, na isinampa ng mga anak ni Israel mula sa Egipto ay (AV)inilibing nila sa Sichem, sa putol ng lupa (AW)na binili ni Jacob sa mga anak ni Hemor na ama ni Sichem ng isang daang putol na salapi: at mga naging mana ng mga anak ni Jose.

33 At namatay si Eleazar na anak ni Aaron; at inilibing nila siya sa burol ni (AX)Phinees na kaniyang anak na nabigay sa kaniya sa (AY)lupaing maburol ng Ephraim.

Mga Gawa 4

At nang sila'y nangagsasalita pa sa bayan, ay nagsilapit sa kanila ang mga saserdote, at ang (A)puno sa templo, at ang mga Saduceo,

Palibhasa'y totoong nangabagabag sapagka't tinuruan nila (B)ang bayan, at ibinalita sa pangalan ni Jesus ang (C)pagkabuhay na maguli sa mga patay.

At sila'y kanilang sinunggaban at kanilang ibinilanggo hanggang sa kinabukasan: sapagka't noon nga'y gabi na.

Datapuwa't marami sa nangakarinig ng salita ay nagsisampalataya; at (D)ang bilang ng mga lalake ay umabot sa mga limang libo.

At nangyari nang kinabukasan, na nangagkatipon sa Jerusalem ang kanilang mga pinuno at mga matanda at mga eskriba;

At si Anas, na (E)dakilang saserdote, at (F)si Caifas, at si Juan, at si Alejandro, at ang lahat ng kalipian ng dakilang saserdote.

At nang kanilang mailagay na sila sa gitna nila, ay sila'y tinanong, Sa anong kapangyarihan, o sa anong pangalan ginawa ninyo ito?

Nang magkagayo'y si Pedro, na (G)puspos ng Espiritu Santo, ay nagsabi sa kanila, Kayong mga pinuno sa bayan, at matatanda,

Kung kami sa araw na ito'y sinisiyasat tungkol sa mabuting gawa na ginawa sa isang taong may-sakit, na kung sa anong paraan gumaling ito;

10 Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, (H)na sa pangalan ni Jesucristong taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, (I)na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit.

11 Siya ang bato na itinakuwil (J)ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok.

12 At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.

13 Nang makita nga nila ang katapangan ni Pedro at ni Juan, at (K)pagkatalastas na sila'y mga taong walang pinagaralan at mga (L)mangmang, ay nangagtaka sila; at nangapagkilala nila, na sila'y nangakasama ni Jesus.

14 At nang mangakita nila ang taong pinagaling (M)na nakatayong kasama nila, ay wala silang maitutol.

15 Datapuwa't nang sila'y mangautusan na nilang magsilabas sa pulong, ay nangagsangusapan,

16 Na nangagsasabi, (N)Anong gagawin natin sa mga taong ito? sapagka't tunay na ginawa sa pamamagitan nila (O)ang himalang hayag sa lahat ng nangananahan sa Jerusalem; at hindi natin maikakaila.

17 Gayon ma'y upang huwag nang lalong kumalat sa bayan, atin silang balaan, na buhat ngayo'y huwag na silang mangagsalita pa sa sinomang tao sa pangalang ito.

18 At sila'y tinawag nila, at binalaan (P)sila, na sa anomang paraan ay huwag silang magsipagsalita ni magsipagturo tungkol sa pangalan ni Jesus.

19 Datapuwa't si Pedro at si Juan ay (Q)nagsisagot at nagsipagsabi sa kanila, Kung katuwiran sa paningin ng Dios na makinig muna sa inyo kay sa Dios, inyong hatulan:

20 Sapagka't hindi mangyayaring di namin salitain ang mga bagay na aming nangakita at nangarinig.

21 At sila, nang mapagbalaan na nila, ay pinakawalan, palibhasa'y hindi nangakasumpong ng anomang bagay upang sila'y kanilang mangaparusahan, (R)dahil sa bayan; sapagka't niluluwalhati ng lahat ng mga tao ang Dios dahil sa bagay na (S)ginawa.

22 Sapagka't may mahigit nang apat na pung taong gulang ang tao, na ginawan nitong himala ng pagpapagaling.

23 At nang sila'y mangapakawalan na, ay nagsiparoon sa kanilang mga kasamahan, at iniulat ang lahat ng sa kanila'y sinabi ng mga pangulong saserdote at ng matatanda.

24 At sila, nang kanilang marinig ito, ay (T)nangagkaisang itaas nila ang kanilang tinig sa Dios, at nangagsabi, Oh Panginoon, ikaw na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nangasa mga yaon:

25 Na sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ng aming amang si David, na iyong lingkod, ay sinabi mo,

(U)Bakit nangagalit ang mga Gentil,
At nagsipaghaka ang mga tao ng mga bagay na walang kabuluhan?
26 Nagsitayong handa ang mga hari sa lupa,
At ang mga pinuno ay nangagpisanpisan,
Laban sa Panginoon, at laban sa kaniyang Pinahiran.

27 Sapagka't sa katotohanan sa bayang ito'y (V)laban sa iyong banal na Lingkod na si Jesus, (W)na siya mong pinahiran, ang dalawa ni (X)Herodes at ni (Y)Poncio Pilato, kasama (Z)ng mga Gentil at ng (AA)mga bayan ng Israel, ay nangagpisanpisan,

28 Upang gawin ang anomang naitakda na ng iyong kamay (AB)at ng iyong pasiya upang mangyari.

29 At ngayon, Panginoon, tingnan mo ang kanilang mga bala: at ipagkaloob mo sa iyong mga alipin na salitain ang iyong salita ng buong katapangan,

30 Samantalang iyong iniuunat ang iyong kamay upang magpagaling; at upang mangyari nawa ang mga tanda at mga kababalaghan (AC)sa pangalan ng iyong banal na si Jesus.

31 At nang sila'y makapanalangin na, ay nayanig (AD)ang dakong pinagkakatipunan nila; at nangapuspos silang lahat (AE)ng Espiritu Santo, at kanilang sinalita na may katapangan ang salita ng Dios.

32 At ang karamihan ng mga nagsisampalataya ay nangagkakaisa ang puso at kaluluwa: at sinoma'y walang nagsabing kaniyang sarili ang anoman sa mga bagay na kaniyang inaari: (AF)kundi lahat nilang pagaari ay sa kalahatan.

33 At (AG)pinatotohanan ng mga apostol na may dakilang kapangyarihan, (AH)ang pagkabuhay na maguli ng Panginoong Jesus: at dakilang biyaya ang sumasa kanilang lahat.

34 Sapagka't walang sinomang nasasalat sa kanila: (AI)palibhasa'y ipinagbili ng lahat ng may mga lupa o mga bahay ang mga ito, at dinala ang mga halaga ng mga bagay na ipinagbili,

35 At ang mga ito'y inilagay sa mga paanan ng mga apostol: (AJ)at ipinamamahagi sa bawa't isa, ayon sa kinakailangan ng sinoman.

36 At si Jose, na pinamagatang (AK)Bernabe ng mga apostol (na kung liliwanagin ay Anak ng pangangaral), isang Levita, tubo sa Chipre,

37 Na may isang bukid, ay ipinagbili ito, at dinala ang salapi at inilagay sa mga paanan ng mga apostol.

Jeremias 13

Ang tanda ng bulok na pamigkis.

13 Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon at bumili ka ng isang (A)pamigkis na lino, at ibigkis mo sa iyong mga bayawang at huwag mong ilubog sa tubig.

(B)Sa gayo'y bumili ako ng pamigkis ayon sa salita ng Panginoon, at inilagay ko sa aking mga bayawang.

At ang salita ng Panginoon, ay dumating sa akin na ikalawa, na nagsabi,

Kunin mo ang pamigkis na iyong binili, na nasa iyong mga bayawang, at ikaw ay bumangon, yumaon ka sa Eufrates, at ikubli mo roon sa isang bitak ng malaking bato.

Sa gayo'y yumaon ako, at ikinubli ko sa tabi ng Eufrates ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon.

At nangyari, pagkaraan ng maraming araw, na sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay bumangon, yumaon ka sa Eufrates, at kunin mo ang pamigkis mula roon, na iniutos ko sa iyong ikubli mo roon.

Nang magkagayo'y yumaon ako sa Eufrates, at hinukay ko, at kinuha ko ang pamigkis mula sa dakong aking pinagkublihan; at, narito, ang pamigkis ay bulok, hindi mapapakinabangan sa anoman.

Nang magkagayo'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi.

Ganito ang sabi ng Panginoon, Ayon sa paraang ito ay (C)aking sasayangin ang kapalaluan ng Juda, at ang malaking kapalaluan ng Jerusalem.

10 Ang masamang bayang ito, na ayaw makinig ng mga salita ko, na lumalakad ayon sa katigasan ng kanilang puso, at yumaong sumunod sa ibang mga Dios upang paglingkuran, at upang sambahin, ay magiging gaya ng pamigkis na ito, na hindi mapapakinabangan sa anoman.

11 Sapagka't kung paanong ang pamigkis ay kumakapit sa mga balakang ng lalake, gayon pinakapit ko sa akin ang buong sangbahayan ni Israel at ang buong sangbahayan ni Juda, sabi ng Panginoon; upang sila'y (D)maging pinakabayan sa akin, at pinakapangalan, at pinakapuri, at pinakaluwalhati: nguni't hindi nila dininig.

Ang tanda ng sisidlang balat na mapupuno.

12 Kaya't sasalitain mo sa kanila ang salitang ito. Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Bawa't sisidlang balat ay (E)mapupuno ng alak: at kanilang sasabihin sa iyo, Hindi baga namin nalalaman na ang bawa't sisidlang balat ay mapupuno ng alak?

13 Kung magkagayo'y sasabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking pupunuin (F)ng pagkalango ang lahat na mananahan sa lupaing ito, (G)ang mga hari na nakaupo sa luklukan ni David, at ang mga saserdote at ang mga propeta, at ang lahat na nananahan sa Jerusalem.

14 At aking itutulak ang isa laban sa isa, sa makatuwid baga'y ang mga magulang at ang mga anak na magkakasama, sabi ng Panginoon: hindi ako magpapatawad, o maaawa man, o mahahabag man, na sila'y lilipulin ko.

Ibinabala ang pagkabihag.

15 Inyong dinggin, at kayo'y mangakinig; Huwag kayong mangagpalalo; sapagka't sinalita ng Panginoon.

16 Luwalhatiin ninyo ang Panginoon ninyong Dios, bago (H)siya magpadilim, at bago matisod ang inyong mga paa sa mga madilim na bundok, at, habang kayo'y nangaghihintay ng liwanag, ay kaniyang gagawing (I)lilim ng kamatayan, at papagsasalimuutin niya ang (J)kadiliman.

17 Nguni't kung hindi ninyo didinggin, ako'y iiyak, na lihim dahil sa inyong kapalaluan; at ang mata ko ay iiyak na mainam, at dadaluyan ng mga luha, sapagka't ang kawan ng Panginoon ay nabihag.

18 Iyong sabihin (K)sa hari at sa ina ng hari, Kayo'y mangagpapakababa, magsiupo kayo; sapagka't ang inyong mga kagayakan ng ulo ay nalagpak, ang putong ng inyong kaluwalhatian.

19 Ang mga bayan ng Timugan ay nasarhan, at walang mangagbukas: ang buong Juda ay nadalang bihag; buong nadalang bihag.

20 Inyong itanaw ang inyong mga mata, at inyong masdan sila (L)na nanganggagaling sa hilagaan: saan nandoon ang kawan na nabigay sa iyo, ang iyong magandang kawan?

21 Ano ang iyong sasabihin pagka kaniyang inilagay ang iyong mga kaibigan na pinakapangulo mo, na wari iyong tinuruan sila laban sa iyo? (M)hindi baga mamamanglaw ka, ng parang isang babae na nagdaramdam?

22 At kung iyong sabihin sa puso, (N)Bakit ang mga bagay na ito ay dumating sa akin? dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan ay (O)nalilis ang iyong mga laylayan, at iyong mga sakong ay nagtiis ng karahasan.

23 Makapagbabago baga ang Etiope ng kaniyang balat, o ang leopardo ng kaniyang batik? (P)kung magkagayo'y mangakagagawa naman kayo ng mabuti, na mga bihasang gumawa ng masama.

24 Kaya't aking pangangalatin sila, (Q)gaya ng dayami na dumaraan, sa pamamagitan ng hangin sa ilang.

25 Ito ang iyong kapalaran, ang bahaging sukat sa iyo na mula sa akin, sabi ng Panginoon; sapagka't iyong nilimot ako, at tumiwala ka sa kabulaanan.

26 Kaya't akin namang ililihis ang iyong mga laylayan sa harap ng iyong mukha, at ang (R)iyong kahihiyan ay malilitaw.

27 Aking nakita ang iyong mga kasuklamsuklam na gawa, sa makatuwid baga'y ang iyong mga pangangalunya, at (S)ang iyong mga paghalinghing, ang kahalayan ng iyong pakikiapid, (T)sa mga burol sa parang. Sa aba mo, Oh Jerusalem! (U)ikaw ay hindi malilinis; hanggang kailan pa magkakaganyan?

Mateo 27

27 Pagka umaga nga, ang lahat ng mga pangulong saserdote at ang matatanda sa bayan ay (A)nangagsanggunian laban kay Jesus upang siya'y ipapatay:

(B)At siya'y ginapos nila, at siya'y inilabas, at kanilang ibinigay siya kay (C)Pilato na gobernador.

Nang magkagayo'y si Judas, (D)na nagkanulo sa kaniya, pagkakitang siya'y nahatulan na, ay nagsisi, at isinauli ang tatlongpung putol na pilak sa mga pangulong saserdote at sa matatanda,

Na sinasabi, Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan. Datapuwa't kanilang sinabi, Ano sa amin? ikaw ang bahala niyan.

At kaniyang ibinulaksak sa santuario ang mga putol na pilak, at (E)umalis; at siya'y yumaon at nagbigti.

At kinuha ng mga pangulong saserdote ang mga putol na pilak, at sinabi, Hindi matuwid na ilagay ang pilak na iyan sa kabang-yaman, sapagka't halaga ng dugo.

At sila'y nangagsanggunian, at ibinili nila ang mga yaon ng bukid ng magpapalyok, upang paglibingan ng mga taga ibang bayan.

Dahil dito'y tinawag ang bukid na yaon, ang (F)bukid ng dugo, (G)hanggang ngayon.

Nang magkagayo'y natupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias, na nagsasabi, (H)At kinuha nila ang tatlongpung putol na pilak, halaga noong hinalagahan, na inihalaga ng mga anak ng Israel;

10 At kanilang ibinigay ang mga yaon na pinakabayad sa bukid ng magpapalyok, ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon.

11 Si Jesus nga ay nakatayo sa harap ng gobernador: (I)at tinanong siya ng gobernador, na nagsasabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At sinabi sa kaniya ni Jesus, Ikaw ang nagsasabi.

12 At nang siya'y isakdal ng mga pangulong saserdote at ng matatanda, ay hindi siya sumagot ng (J)anoman.

13 Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Pilato, Hindi mo baga naririnig kung gaano karaming bagay ang kanilang sinasaksihang laban sa iyo?

14 At hindi siya sinagot niya, ng kahit isang salita man lamang: ano pa't nanggilalas na mainam ang gobernador.

15 (K)Sa kapistahan nga ay pinagkaugalian ng gobernador na pawalan sa karamihan ang isang bilanggo, na sinoman ang kanilang ibigin.

16 At noo'y sila'y may isang bilanggong bantog, na tinatawag na Barrabas.

17 Nang sila'y mangagkatipon nga, ay sinabi sa kanila ni Pilato, Sino ang ibig ninyong sa inyo'y aking pawalan? si Barrabas, o si Jesus na tinatawag na Cristo?

18 Sapagka't natatalastas niya na dahil sa kapanaghilian ay ibinigay siya nila sa kaniya.

19 At samantalang nakaupo siya sa (L)luklukan ng pagkahukom, ay nagsugo sa kaniya ang kaniyang asawa, na nagsasabi, Huwag kang makialam sa matuwid na taong iyan; sapagka't ngayong araw na ito'y naghirap ako ng maraming bagay sa panaginip dahil sa kaniya.

20 Inudyukan (M)ng mga pangulong saserdote at ng matatanda ang mga karamihan na hingin nila si Barrabas, at puksain si Jesus.

21 Datapuwa't sumagot ang gobernador at sa kanila'y sinabi, Alin sa dalawa ang ibig ninyong sa inyo'y aking pawalan? At sinabi nila, Si Barrabas.

22 Sinabi sa kanila ni Pilato, Ano ang gagawin kay Jesus na tinatawag na Cristo? Sinabi nilang lahat, Mapako siya sa krus.

23 At sinabi niya, Bakit, anong kasamaan ang kaniyang ginawa? Datapuwa't sila'y lalong nangagsigawan, na nangagsasabi, Mapako siya sa krus.

24 Kaya't nang makita ni Pilato na wala siyang magawa, kundi bagkus pa ngang lumalala ang kaguluhan, siya'y (N)kumuha ng tubig, at naghugas ng kaniyang mga kamay sa harap ng karamihan, na sinasabi, Wala akong kasalanan sa dugo nitong matuwid na tao; kayo ang bahala niyan.

25 At sumagot ang buong bayan at nagsabi, (O)Mapasa amin ang kaniyang dugo, at sa aming mga anak.

26 Nang magkagayo'y pinawalan niya sa kanila si Barrabas; nguni't si Jesus ay (P)hinampas at ibinigay upang ipako sa krus.

27 Nang magkagayo'y dinala si Jesus (Q)ng mga kawal ng gobernador sa Pretorio, at nagkatipon sa kaniya ang buong pulutong.

28 At siya'y kanilang hinubdan, at dinamtan (R)siya ng isang balabal na kulay-ube.

29 At sila'y nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at inilagay sa kanang kamay niya ang isang tambo; at sila'y nagsiluhod sa harap niya at siya'y kanilang nilibak, na nagsisipagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio!

30 At siya'y (S)kanilang niluluraan, at kinuha nila ang tambo at sinaktan siya sa ulo.

31 At nang siya'y kanilang malibak, ay hinubdan nila siya ng balabal, at isinuot sa kaniya ang kaniyang mga damit, at kanilang inilabas siya upang ipako sa krus.

32 (T)At paglabas nila'y kanilang nasalubong ang isang taong (U)taga Cirene, na ang pangala'y Simon: ito'y kanilang pinilit na sumama sa kanila, upang pasanin niya ang kaniyang krus.

33 (V)At nang sila'y magsirating sa isang dakong tinatawag na Golgota, (W)sa makatuwid baga'y, Ang dako ng bungo,

34 Ay pinainom nila siya ng (X)alak na may kahalong apdo: at nang kaniyang matikman, ay ayaw niyang inumin.

35 At nang siya'y kanilang maipako sa krus ay (Y)kanilang binahagi ang kaniyang mga damit, na kanilang pinagsapalaran;

36 At sila'y nangagsiupo at binantayan siya roon.

37 (Z)At inilagay nila sa kaniyang ulunan ang pamagat sa kaniya, na nasusulat: ITO'Y SI JESUS, ANG HARI NG MGA JUDIO.

38 Nang magkagayo'y ipinakong kasama niya ang (AA)dalawang tulisan, isa sa kanan at isa sa kaliwa.

39 At siya'y nililibak (AB)ng nangagdaraan, na iginagalaw ang kanilang mga ulo,

40 At nangagsasabi, Ikaw (AC)na igigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong itatayo, iyong iligtas ang sarili mo: kung ikaw ay Anak ng Dios, ay bumaba ka sa krus.

41 Gayon din naman ang paglibak sa kaniya ng mga pangulong saserdote, pati ng mga eskriba at ng matatanda, na nagsipagsabi,

42 Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas. Siya ang Hari ng Israel; bumaba siya ngayon sa krus, at tayo'y magsisisampalataya sa kaniya.

43 Nananalig siya sa Dios; (AD)iligtas niya siya ngayon, kung siya'y iniibig: sapagka't sinabi niya, Ako'y Anak ng Dios.

44 At minumura din naman siya ng mga tulisang kasama niyang nangapapako sa krus.

45 (AE)Mula nga nang oras na ikaanim ay nagdilim sa ibabaw ng buong sangkalupaan hanggang sa oras na ikasiyam.

46 At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, (AF)Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?

47 At nang marinig ito ng ilan sa nangakatayo roon, ay sinabi, Tinatawag ng taong ito si Elias.

48 At pagkaraka'y tumakbo ang isa sa kanila, at kumuha ng isang espongha, at binasa ng suka, saka inilagay sa isang (AG)tambo, at ipinainom sa kaniya.

49 (AH)At sinabi ng mga iba, Pabayaan ninyo; tingnan natin kung paririto si Elias upang siya'y iligtas.

50 At muling sumigaw si (AI)Jesus ng malakas na tinig, at nalagot ang kaniyang hininga.

51 At narito, (AJ)ang tabing ng templo'y nahapak na nagkadalawa buhat sa itaas hanggang sa ibaba; at nayanig (AK)ang lupa; at nangabaak ang mga bato;

52 At nangabuksan ang mga libingan; at maraming katawan ng mga banal na nangakatulog ay nangagbangon;

53 At paglabas sa mga libingan pagkatapos na siya'y mabuhay na maguli ay nagsipasok sila sa bayang banal at nangapakita sa marami.

54 (AL)Ang senturion nga, at ang mga kasamahan niya sa pagbabantay kay Jesus, nang mangakita nila ang lindol, at ang mga bagay na nangyari, ay lubhang nangatakot, na nangagsasabi, Tunay na ito ang Anak ng Dios.

55 At nangaroroon ang (AM)maraming babae na nagsisipanood buhat sa malayo, (AN)na nagsisunod kay Jesus buhat sa Galilea, na siya'y kanilang pinaglilingkuran:

56 Na sa mga yaon ay si Maria Magdalena, at si (AO)Maria na ina ni Santiago at ni Jose, at ang (AP)ina ng mga anak ni Zebedeo.

57 (AQ)At nang hapon na ay dumating ang isang mayamang mula sa Arimatea, na nagngangalang Jose, na ito'y naging alagad din naman ni Jesus;

58 Ang taong ito'y naparoon kay Pilato, at hiningi ang bangkay ni Jesus. Nang magkagayo'y ipinagutos ni (AR)Pilato na ibigay yaon.

59 At kinuha ni Jose ang bangkay at binalot niya ng isang malinis na kayong lino,

60 At (AS)inilagay sa kaniyang sariling bagong libingan, na kaniyang hinukay sa bato: at iginulong niya ang isang malaking bato sa pintuan ng libingan, at umalis.

61 At nangaroon si Maria Magdalena, at (AT)ang isang Maria, at nangakaupo sa tapat ng libingan.

62 Nang kinabukasan nga, na siyang araw pagkatapos (AU)ng Paghahanda, ay nangagkatipon kay Pilato ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo,

63 Na nagsisipagsabi, Ginoo, naaalaala namin na sinabi ng magdarayang yaon nang nabubuhay pa, (AV)Pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon akong muli.

64 Ipagutos mo nga na ingatan ang libingan hanggang sa ikatlong araw, baka sakaling magsiparoon ang kaniyang mga alagad at siya'y nakawin, at sabihin sa bayan, Siya'y nagbangon sa gitna ng mga patay: at lalong sasama ang huling kamalian.

65 Sinabi sa kanila ni Pilato, Mayroon kayong (AW)bantay: magsiparoon kayo, inyong ingatan ayon sa inyong makakaya.

66 Kaya't sila'y nagsiparoon, at iningatan nila ang libingan, tinatakan ang bato, na kasama nila ang bantay.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978