M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang mana ng mga anak ni Ephraim.
16 At ang kapalaran ng mga anak ni Jose ay nagmula sa Jordan sa Jerico, sa tubig ng Jerico sa dakong silanganan, hanggang sa (A)ilang na pasampa, mula sa Jerico at patuloy sa lupaing maburol hanggang sa Beth-el;
2 At palabas mula sa Beth-el na patungo sa (B)Luz at patuloy sa hangganan ng mga Archita na patungo sa Ataroth;
3 At pababa sa dakong kalunuran sa hangganan ng mga Japhleteo, (C)hanggang sa hangganan ng Beth-horon sa ibaba, hanggang sa Gezer: at ang mga labasan niyaon ay sa dagat.
4 At kinuha ang kanilang mana ng mga anak ni Jose, ng Manases, at ng Ephraim.
5 At ang hangganan ng mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan ay ito: ang hangganan ng kanilang mana na dakong silanganan ay Ataroth-addar, hanggang sa Beth-horon sa itaas:
6 At ang hangganan ay palabas sa dakong kalunuran sa Michmetat, sa hilagaan; at ang hangganan ay paliko sa dakong silanganan hanggang sa Tanath-silo at patuloy sa silanganan ng Janoa:
7 At pababa mula sa Janoa na patungo sa Ataroth at sa Naara, at abot hanggang sa Jerico, at palabas sa Jordan.
8 Mula sa Tappua ay patuloy ang hangganan sa dakong kalunuran sa batis ng Cana: at ang labasan niyaon ay sa dagat. Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan,
9 Pati ng mga (D)bayan na inihiwalay sa mga anak ni Ephraim sa gitna ng mana ng mga anak ni Manases, lahat ng mga bayan na kalakip ng mga nayon ng mga yaon.
10 (E)At hindi nila pinalayas ang mga Cananeo na nananahan sa Gezer: kundi ang mga Cananeo ay nanahan sa gitna ng Ephraim hanggang sa araw na ito, at (F)naging mga alilang tagapagatag.
Ang mana ng mga anak ni Manases.
17 At ito ang kapalaran ng lipi ni Manases; sapagka't siya ang (G)panganay ni Jose. Tungkol kay Machir na panganay ni Manases, na ama ni (H)Galaad, sapagka't siya'y lalaking mangdidigma, ay kaniya ngang tinangkilik ang Galaad at ang Basan.
2 At ang napasa (I)ibang mga anak ni Manases ayon sa kanilang mga angkan, (J)sa mga anak ng Abiezer, at sa mga anak ng Helec, at sa mga anak ng Esriel, at sa mga anak ng Sichem, at sa mga anak ng Hepher, at sa mga anak ng Semida; ang mga ito ang mga anak na lalake ni Manases na anak ni Jose, ayon sa kanilang mga angkan.
3 Nguni't si Salphaad na anak ni Hepher, na anak ni Galaad na anak ni Machir, na anak ni Manases, ay hindi nagkaroon ng mga anak na lalake kundi mga babae: at ito ang mga pangalan ng kaniyang mga anak: Maala, at Noa, Hogla, Milcha, at Tirsa.
4 At sila'y lumapit sa harap ni (K)Eleazar na saserdote at sa harap ni Josue na anak ni Nun, at sa harap ng mga prinsipe, na sinasabi, Iniutos ng (L)Panginoon kay Moises na bigyan kami ng mana sa gitna ng aming mga kapatid: kaya't ayon sa utos ng Panginoon ay binigyan niya sila ng mana sa gitna ng mga kapatid ng kanilang ama.
5 At nahulog ang sangpung bahagi (M)kay Manases, (N)bukod sa lupain ng Galaad at ang Basan, na nasa dako roon ng Jordan;
6 Sapagka't ang mga anak na babae ni Manases ay nagkaroon ng mana sa gitna ng kaniyang mga anak; at ang lupain ng Galaad ay ukol sa nalabi sa mga anak ni Manases.
7 At ang hangganan ng Manases ay mula sa Aser hanggang sa Michmetat, na nasa tapat ng (O)Sichem; at ang hangganan ay patuloy sa kanan, hanggang sa mga taga En-tappua.
8 Ang lupain ng Tappua ay ukol sa Manases: nguni't ang Tappua sa hangganan ng Manases ay ukol sa mga anak ni Ephraim.
9 At ang hangganan ay pababa hanggang sa batis ng Cana, na dakong timugan ng batis: ang mga (P)bayang ito ay ukol sa Ephraim sa gitna ng mga bayan ng Manases: at ang hangganan ng Manases ay nasa dakong hilagaan ng batis, at ang labasan niyaon ay sa dagat;
10 Ang dakong timugan ay ang sa Ephraim, at ang dakong hilagaan ay ang sa Manases, at ang dagat ay hangganan niyaon; at abot sa Aser sa hilagaan at sa Issachar sa silanganan.
11 At tinatangkilik ng (Q)Manases sa Issachar at sa Aser ang (R)Beth-san at ang mga nayon niyaon, at ang Ibleam at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga Dor, at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga (S)Endor at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga Taanach at ang mga nayon niyaon, at ang mga taga (T)Megiddo, at ang mga nayon niyaon, ang tatlong kaitaasan.
12 (U)Gayon ma'y hindi napalayas ng mga anak ni Manases ang mga taga-roon sa mga bayang yaon; kundi ang mga Cananeo ay nanahan sa lupaing yaon.
13 At nangyari, nang ang mga anak ni Israel ay lumakas, na kanilang inilagay ang mga Cananeo sa (V)pagaatag, at hindi nila lubos na pinalayas.
Dalawang bahagi ng mga anak ni Jose.
14 (W)At ang mga anak ni Jose ay nagsalita kay Josue, na sinasabi, Bakit ang ibinigay mo sa akin ay (X)isang kapalaran at isang bahagi lamang na pinakamana, (Y)dangang malaking bayan ako, sapagka't pinagpala ako hanggang ngayon ng Panginoon?
15 At sinabi ni Josue sa kanila, Kung ikaw ay malaking bayan, sumampa ka sa gubat, at iyong malalawag doon sa iyong sarili ang lupain ng mga Pherezeo at ng mga (Z)Rephaim; yamang ang lupaing maburol ng (AA)Ephraim ay totoong makipot sa ganang iyo.
16 At sinabi ng mga anak ni Jose, Ang lupaing maburol ay hindi sukat sa amin; at ang lahat ng mga Cananeo na tumatahan sa lupain ng libis ay (AB)may mga karong bakal, sila na tumatahan sa Beth-san at sa mga nayon niyaon, at gayon din sila na nasa (AC)libis ng Jezreel.
17 At si Josue ay nagsalita sa sangbahayan ni Jose, ni Ephraim at ni Manases, na sinasabi, Ikaw ay malaking bayan, at may dakilang kapangyarihan: hindi marapat sa iyo ang isang kapalaran lamang:
18 Kundi ang lupaing maburol ay magiging iyo; sapagka't bagaman isang gubat ay iyong malalawag, at ang labasan niyaon ay magiging iyo, sapagka't iyong palalayasin ang mga Cananeo, (AD)bagaman sila'y may mga karong bakal, at bagaman sila'y matibay.
Ang buong nilalang ay pinapagpupuri sa Panginoon.
148 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit:
Purihin ninyo siya sa mga kaitaasan.
2 (A)Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel:
Purihin ninyo siya, buo niyang hukbo.
3 Purihin ninyo siya, araw at buwan:
Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag.
4 Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit,
(B)At ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit.
5 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon:
Sapagka't (C)siya'y nagutos, at sila'y nangalikha.
6 (D)Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man:
Siya'y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi.
7 Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa,
Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman:
8 Apoy at granizo, nieve at singaw;
Unos na hangin, na (E)gumaganap ng kaniyang salita:
9 (F)Mga bundok at lahat ng mga gulod;
Mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro:
10 Mga hayop at buong kawan;
Nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad:
11 Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan;
Mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa:
12 Mga binata at gayon din ng mga dalaga;
Mga matanda at mga bata:
13 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon;
Sapagka't ang kaniyang pangalang magisa ay nabunyi:
Ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit.
14 At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan,
Ang papuri ng lahat niyang mga banal;
Sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, (G)na bayang malapit sa kaniya.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang pagsuway ng Juda.
8 Sa panahong yaon, sabi ng Panginoon, ay ilalabas nila ang mga buto ng mga hari sa Juda, at ang mga buto ng kaniyang mga prinsipe, at ang mga buto ng mga saserdote, at ang mga buto ng mga propeta, at ang mga buto ng mga nananahan sa Jerusalem, mula sa kanilang mga libingan;
2 At kanilang ikakalat (A)sa liwanag ng araw, at ng buwan, at ng lahat na natatanaw sa langit na kanilang inibig, at kanilang pinaglingkuran, at siya nilang sinundan, at siyang kanilang hinanap, at (B)siyang kanilang sinamba: (C)hindi mangapipisan, (D)o mangalilibing man, sila'y magiging pinakasukal sa ibabaw ng lupa.
3 At ang kamatayan ay (E)pipiliin na higit kay sa kabuhayan ng lahat ng naiwang nalabi rito sa masamang angkan, na nalabi sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
4 Bukod dito'y sasabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon. Mangabubuwal baga ang mga tao, at hindi magsisibangon uli? maliligaw baga ang isa, at hindi babalik?
5 Bakit nga ang bayang ito na Jerusalem ay (F)tumatalikod ng walang hanggang pagtalikod? sila'y nagsisihawak na mahigpit ng karayaan, sila'y nagsisitangging bumalik.
6 Aking pinakinggan at narinig ko, nguni't hindi sila nagsalita ng matuwid: walang (G)nagsisisi ng kaniyang kasamaan, na nagsasabi, Anong aking ginawa? bawa't isa'y lumilihis sa kaniyang lakad, gaya ng kabayo na dumadaluhong sa pagbabaka.
7 Oo, nalalaman ng ciguena (H)sa himpapawid ang kaniyang mga takdang kapanahunan; at ang bato bato at ang langaylangayan at ang tagak ay nangagmamalas ng panahon ng pagdating ng mga yaon; nguni't hindi nalalaman ng (I)aking bayan ang alituntunin ng Panginoon.
8 Paano ninyo sinasabi, Kami ay pantas, (J)at ang kautusan ng Panginoon ay sumasaamin? Nguni't, narito, ang sinungaling na pangsulat ng mga escriba ay sumulat na may kasinungalingan.
9 Ang mga pantas ay nangapapahiya, sila'y nanganglulupaypay at nangahuhuli: narito, kanilang itinakuwil ang salita ng Panginoon: at anong uri ng karunungan ang nasa kanila?
10 Kaya't (K)ibibigay ko ang kanilang mga asawa sa mga iba, at ang kanilang mga parang sa mga magaari sa mga yaon: sapagka't bawa't isa mula sa kaliitliitan hanggang sa kalakilakihan, ay ibinigay sa kasakiman; mula sa propeta hanggang sa saserdote bawa't isa'y gumagawang may kasinungalingan.
11 At kanilang pinagaling ng kaunti ang sugat ng anak na babae ng aking bayan, na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan.
12 Nangahiya baga sila nang sila'y gumawa ng kasuklamsuklam? (L)hindi, hindi sila nangahiya sa anoman, ni nangamula man sila: kaya't sila'y mangabubuwal sa gitna niyaong nangabubuwal; sa panahon ng pagdalaw sa kanila ay mahahagis sila, sabi ng Panginoon.
13 Aking lubos na lilipulin sila, sabi ng Panginoon: (M)hindi magkakaroon ng mga ubas sa puno ng ubas, o ng mga higos man sa mga puno ng higos, at ang dahon ay malalanta; at ang mga bagay na aking naibigay sa kanila ay mapapawi sa kanila.
Ang manghihiganti ay malapit.
14 Bakit tayo'y nagsisitigil na nakaupo? (N)kayo'y magkatipon, at tayo'y magsipasok sa mga bayang nakukutaan, at tayo'y magsitahimik doon; sapagka't tayo'y pinatahimik ng Panginoon nating Dios, at (O)binigyan tayo ng inuming mapait upang inumin, sapagka't tayo'y nangagkasala laban sa Panginoon.
15 Tayo'y nangaghihintay ng kapayapaan, (P)nguni't walang dumating na mabuti; at ng panahon ng kagalingan, at narito panglulupaypay!
16 Ang singasing ng kaniyang mga kabayo (Q)ay naririnig mula sa Dan: sa tinig ng halinghing ng kaniyang mga malakas ay nayayanig ang buong lupain; sapagka't sila'y nagsidating, at nilamon ang lupain at lahat ng naroon; ang bayan at yaong mga nagsisitahan doon.
17 Sapagka't, narito, ako'y magsusugo ng mga ahas, ng mga ulupong sa gitna ninyo, (R)na hindi maeenkanto, at kakagatin nila kayo, sabi ng Panginoon.
Ang panaghoy sa Sion.
18 Oh kung ako'y makapagaaliw laban sa kapanglawan! ang puso ko ay nanglulupaypay.
19 Narito, ang tinig ng hiyaw ng anak na babae ng aking bayan na (S)mula sa lupain na totoong malayo: Hindi baga ang Panginoon ay nasa Sion? hindi baga ang kaniyang Hari ay nandoon? Bakit minungkahi nila ako sa galit ng kanilang mga larawang inanyuan, at ng mga walang kabuluhan ng iba?
20 Ang pagaani ay nakaraan, ang taginit ay lipas na, at tayo'y hindi ligtas.
21 (T)Dahil sa sugat ng anak na babae ng aking bayan ay nasasakitan ako; (U)ako'y luksa; ako'y natigilan.
22 Wala bagang balsamo sa Galaad? (V)wala bagang manggagamot doon? bakit nga hindi gumaling ang anak na babae ng aking bayan?
22 At sumagot si Jesus at muling pinagsalitaan (A)sila sa mga talinghaga, na sinasabi,
2 Tulad ang kaharian ng langit sa isang hari na naghanda ng (B)piging ng kasalan ng kaniyang anak na lalake,
3 At sinugo ang kaniyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan sa piging ng kasalan: at sila'y ayaw magsidalo.
4 Muling nagsugo siya sa ibang mga alipin, na sinasabi, Sabihin ninyo sa mga inanyayahan, Narito, inihanda ko na ang aking piging; pinatay ko ang aking mga baka at mga hayop na matataba, at ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na: magsiparito kayo sa piging ng kasalan.
5 Datapuwa't hindi nila pinansin, at sila'y nagsiyaon sa kanilang lakad, ang isa'y sa kaniyang sariling bukid, ang isa'y sa kaniyang mga kalakal;
6 At hinawakan ng mga iba ang kaniyang mga alipin, at sila'y dinuwahagi, at pinagpapatay.
7 Datapuwa't ang hari ay nagalit; at sinugo ang kaniyang mga hukbo, at pinuksa ang mga mamamataytaong yaon, at sinunog ang kanilang bayan.
8 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alipin, Nahahanda ang kasalan, nguni't hindi (C)karapatdapat ang mga inanyayahan.
9 Magsiparoon nga kayo sa mga likuang lansangan, at anyayahan ninyo sa piging ng kasalan ang lahat ninyong mangasumpungan.
10 At nagsilabas ang mga aliping yaon sa mga lansangan, at kanilang tinipon ang lahat nilang nangasumpungan, (D)masasama at mabubuti: at napuno ng mga panauhin ang kasalan.
11 Datapuwa't pagpasok ng hari upang tingnan ang mga panauhin, ay doo'y nakita niya ang isang tao na (E)hindi nararamtan ng damit-kasalan:
12 At sinabi niya sa kaniya, Kaibigan, ano't pumasok ka rito na walang damit-kasalan? At siya'y naumid.
13 Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa mga naglilingkod, Gapusin ninyo ang mga paa at mga kamay niya, at itapon ninyo siya sa kadiliman sa labas; (F)diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.
14 Sapagka't (G)marami ang mga tinawag, datapuwa't kakaunti ang mga nahirang.
15 Nang magkagayo'y nagsialis ang mga Fariseo, (H)at nangagsanggunian sila kung paano kayang mahuhuli nila siya sa kaniyang pananalita.
16 At sinugo nila sa kaniya ang kanilang mga alagad, na kasama ng mga (I)Herodiano, na nagsisipagsabi, Guro, nalalaman naming ikaw ay totoo, at itinuturo mong may katotohanan ang daan ng Dios, at hindi ka nangingimi kanino man: sapagka't hindi ka nagtatangi ng tao.
17 Sabihin mo nga sa amin, Ano sa akala mo? Matuwid bagang bumuwis (J)kay Cesar, o hindi?
18 Datapuwa't napagkikilala ni Jesus ang kanilang kasamaan, at sinabi sa kanila, Bakit ninyo ako tinutukso, kayong mga mapagpaimbabaw?
19 Ipakita ninyo sa akin ang salaping pangbuwis. At dinala nila sa kaniya ang isang denario.
20 At sinabi niya sa kanila, Kanino ang larawang ito at ang nasusulat?
21 Sinabi nila sa kaniya, Kay Cesar. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Kaya't (K)ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar; at sa Dios ang sa Dios.
22 At pagkarinig nila nito ay nagsipanggilalas sila, at siya'y iniwan, at nagsiyaon.
23 Nang araw na yaon ay nagsilapit sa kaniya ang mga (L)Saduceo, na nangagsasabing walang pagkabuhay na maguli: at siya'y kanilang tinanong,
24 Na sinasabi, Guro, sinabi ni Moises, (M)Kung mamatay na walang mga anak ang isang lalake, ay magasawa ang kaniyang kapatid na lalake sa asawa niya, at magkakaanak sa kaniyang kapatid na lalake.
25 Nagkaroon nga sa amin ng pitong magkakapatid na lalake: at nagasawa ang panganay at namatay, at sapagka't hindi siya nagkaanak ay iniwan niya ang kaniyang asawa sa kaniyang kapatid na lalake;
26 Gayon din naman ang nangyari sa pangalawa, at sa pangatlo, hanggang sa ikapito.
27 At sa kahulihulihan nilang lahat, ay namatay ang babae.
28 Sa pagkabuhay ngang maguli sino kaya doon sa pito ang magiging asawa? sapagka't siya'y naging asawa nilang lahat.
29 Nguni't sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Nangagkakamali kayo, (N)sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ni ng kapangyarihan man ng Dios.
30 Sapagka't sa pagkabuhay na maguli ay hindi na mangagaasawa, ni mga papagaasawahin pa, kundi (O)gaya ng mga anghel sa langit.
31 Datapuwa't tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay, hindi baga ninyo nabasa ang sinalita sa inyo ng Dios, na nagsasabi,
32 Ako ang Dios ni Abraham, (P)at ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob? Ang Dios ay hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay.
33 At nang marinig ito ng karamihan ay (Q)nangagtaka sa kaniyang aral.
34 Datapuwa't nang marinig ng mga Fariseo na kaniyang napatahimik ang mga Saduceo, ay nangagkatipon sila.
35 At isa sa kanila, na (R)tagapagtanggol ng kautusan, ay tinanong siya ng isang tanong, upang siya'y tuksuhin:
36 Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan?
37 At sinabi sa kaniya, (S)Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo.
38 Ito ang dakila at pangunang utos.
39 At ang pangalawang katulad ay ito, (T)Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
40 Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.
41 Habang nangagkakatipon nga ang mga Fariseo, ay tinanong sila ni (U)Jesus ng isang tanong,
42 Na sinasabi, Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya? Sinabi nila sa kaniya, (V)kay David.
43 Sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y bakit tinatawag siya ni David na Panginoon, sa espiritu, na nagsasabi,
44 Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
(W)Maupo ka sa aking kanan,
Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa?
45 Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya'y kaniyang anak?
46 At wala sinomang nakasagot sa kaniya ng isang salita, (X)ni wala sinomang nangahas buhat sa araw na yaon na tumanong pa sa kaniya ng anomang mga tanong.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978