M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang Israel ay napasa kamay ng Madian.
6 At ginawa ng (A)mga anak ni Israel yaong masama sa paningin ng Panginoon: at ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng (B)Madian na pitong taon.
2 At ang kamay ng Madian ay nanaig laban sa Israel: at dahil sa Madian ay gumawa ang mga anak ni Israel ng mga kutang nangasa bundok, at ng mga yungib, at ng mga dakong matibay.
3 At ganito ang nangyari, noong ang Israel ay nakapaghasik, na nagsiahon ang mga Madianita, at ang mga (C)Amalecita, (D)at ang mga anak sa silanganan; sila'y nagsiahon laban sa kanila;
4 At sila'y humantong laban sa kanila, at kanilang (E)sinira ang bunga ng lupa, hanggang sa sila'y dumating sa Gaza, at wala silang iniwang anoman sa Israel, maging tupa, o baka man, o asno man.
5 Sapagka't sila'y nagsiahong dala nila ang kanilang kawan at ang kanilang mga tolda; at sila'y nagsipasok na parang balang sa (F)karamihan; sila at ang kanilang mga kamelyo ay walang bilang: at kanilang pinasok ang lupain upang gibain.
6 At ang Israel ay huminang (G)totoo dahil sa Madian; at ang mga anak ni Israel ay dumaing sa Panginoon.
7 At nangyari, nang dumaing sa Panginoon ang mga anak ni Israel, dahil sa Madian.
8 Ay nagsugo ang Panginoon ng isang propeta sa mga anak ni Israel: at kaniyang sinabi sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng Dios ng Israel, Kayo'y aking (H)iniahon mula sa Egipto, at inilabas ko kayo sa bahay ng pagkaalipin;
9 At pinapaging laya ko kayo sa kamay ng mga taga Egipto, at sa kamay ng mga pumipighati sa inyo, at aking pinalayas sila sa harap ninyo, at ibinigay ko sa inyo ang kanilang lupain;
10 At aking sinabi sa inyo, Ako ang Panginoon ninyong Dios; kayo'y (I)huwag matatakot sa mga dios ng mga Amorrheo, na siyang lupaing inyong tinatahanan: nguni't hindi ninyo dininig ang aking tinig.
Si Gedeon ay dinalaw ng anghel ng Panginoon.
11 At ang anghel ng Panginoon ay naparoon at umupo sa ilalim ng encina na nasa Ophra, na kay Joas na (J)Abiezerita: at ang kaniyang anak na si (K)Gedeon ay pumapalo ng trigo sa ubasan, upang itago sa mga Madianita.
12 At napakita ang anghel ng Panginoon sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Ang (L)Panginoo'y sumasaiyo, ikaw lalaking makapangyarihang may tapang.
13 At sinabi ni Gedeon sa kaniya, Oh Panginoon ko, kung ang Panginoon ay sumasaamin, bakit nga ang lahat ng ito ay sumapit sa amin? at (M)saan naroon ang lahat niyang kababalaghang gawa (N)na isinaysay sa amin ng aming mga magulang, na sinasabi, Hindi ba tayo iniahon ng Panginoon mula sa Egipto? nguni't ngayo'y hiniwalayan kami ng Panginoon at ibinigay kami sa kamay ng Madian.
14 At tiningnan siya ng Panginoon, at sinabi, (O)Yumaon ka sa kalakasan mong ito, at iligtas mo ang Israel sa kamay ng Madian: (P)hindi ba kita sinugo?
15 At sinabi niya sa kaniya, Oh Panginoon, paanong ililigtas ko ang Israel? narito, ang (Q)aking angkan ay siyang pinakadukha sa Manases, at ako ang pinakamaliit sa bahay sangbahayan ng aking ama.
16 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, (R)Walang pagsalang ako'y sasaiyo; at iyong sasaktan ang mga Madianita na parang isang lalake.
17 At sinabi niya sa kaniya, Kung ngayo'y (S)nakasumpong (T)ako ng biyaya sa iyong paningin, ay bigyan mo nga ako ng isang tanda, na ikaw ang nakikipagusap sa akin.
18 (U)Isinasamo ko sa iyo na huwag kang umalis dito, hanggang sa ako'y parito sa iyo, at ilabas ko ang aking handog, at ilapag ko sa harap mo. At kaniyang sinabi, Ako'y maghihintay hanggang sa ikaw ay bumalik.
19 (V)At si Gedeon ay pumasok, at naglutong madali ng isang anak ng kambing, at ng isang efa ng harina, ng mga munting tinapay na walang lebadura: inilagay ang karne sa isang buslo, at kaniyang inilagay ang sabaw sa isang palyok, at inilabas sa kaniya sa ilalim ng encina, at inihain.
20 At sinabi ng anghel ng Dios sa kaniya, Kunin mo ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura (W)at ipatong mo sa batong ito at (X)ibuhos mo ang sabaw. At kaniyang ginawang gayon.
21 Nang magkagayo'y iniunat ng anghel ng Panginoon ang dulo ng tungkod, na nasa kaniyang kamay, at sinalang ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura; at (Y)napailanglang ang apoy sa bato, at pinugnaw ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura; at ang anghel ng Panginoon ay nawala sa kaniyang paningin.
22 At (Z)nakita ni Gedeon na siya ang anghel ng Panginoon; at sinabi ni Gedeon, Aba, Oh Panginoon Dios! (AA)sapagka't aking nakita ang anghel ng Panginoon na mukhaan.
23 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, (AB)Kapayapaan ang sumaiyo; huwag kang matakot: hindi ka mamamatay.
24 Nang magkagayo'y nagtayo roon si Gedeon ng isang dambana sa Panginoon, at tinawag na Jehova-salom: hanggang sa araw na ito ay nasa sa (AC)Ophra pa ng mga Abiezerita.
Iginiba ni Gedeon ang Altar ni Baal.
25 At nangyari nang gabi ring yaon, na sinabi ng Panginoon sa kaniya, Kunin mo ang toro ng iyong ama, ang ikalawang toro na may pitong taong katandaan, at iwasak mo ang dambana ni Baal na tinatangkilik ng iyong ama, at putulin mo ang (AD)Asera na nasa siping niyaon.
26 At ipagtayo mo, sa isang paraang maayos ng isang dambana ang Panginoon mong Dios sa taluktok nitong matibay na dako; at kunin mo ang ikalawang toro, at maghandog ka ng isang handog na susunugin sangpu ng kahoy ng Asera na iyong puputulin.
27 Nang magkagayo'y kumuha si Gedeon ng sangpung lalake sa kaniyang mga bataan, at ginawa ang ayon sa sinalita ng Panginoon sa kaniya: at nangyari, na sapagka't siya'y natakot sa sangbahayan ng kaniyang ama at sa mga lalake sa bayan, kaya't hindi niya nagawa sa araw ay kaniyang ginawa sa gabi.
28 At nang bumangong maaga ang mga lalake sa bayan ng kinaumagahan narito, ang dambana ni Baal ay wasak, at ang Asera na nasa siping niyaon ay putol, at ang ikalawang toro ay inihandog sa dambana na itinayo.
29 At sila'y nangagsalitaan, Sino ang gumawa ng bagay na ito? At nang kanilang usisain at itanong ay kanilang sinabi, Ginawa ni Gedeon na anak ni Joas ang bagay na ito.
30 Nang magkagayo'y sinabi kay Joas ng mga lalake sa bayan, Ilabas mo ang iyong anak upang siya'y mamatay: sapagka't kaniyang iniwasak ang dambana ni Baal, at sapagka't kaniyang pinutol ang Asera na nasa siping niyaon.
31 At sinabi ni Joas sa lahat na nakatayong laban sa kaniya, Ipagsasanggalang ba ninyo si Baal? o ililigtas ba ninyo siya? yaong magsasanggalang sa kaniya ay papatayin samantalang umaga pa; kung siya'y dios ay magsanggalang siya sa kaniyang sarili, sapagka't may nagwasak ng kaniyang dambana.
32 Kaya't nang araw na yaon ay (AE)tinawag siyang Jerobaal, na sinasabi, Magsanggalang si Baal laban sa kaniya, sapagka't iniwasak niya ang kaniyang dambana.
33 Nang magkagayo'y lahat ng mga (AF)Madianita, at mga Amalecita at mga anak sa silanganan ay nagpulong; at sila'y nagtuloy at humantong sa (AG)libis ng Jezreel.
34 (AH)Nguni't ang Espiritu ng Panginoon ay suma kay Gedeon; at (AI)humihip siya ng isang pakakak; at ang mga Abiezerita ay nangagkapisan sa kaniya.
35 At nagsugo ng mga sugo sa buong Manases; at sila man ay nangakipisan sa kaniya: at siya'y nagsugo ng mga sugo sa Aser, at sa Zabulon, at sa Nephtali, at sila'y umahong sumalubong sa kanila.
Ang tanda ng balat na lana.
36 At sinabi ni Gedeon sa Dios, Kung iyong ililigtas ang Israel sa pamamagitan ng aking kamay, gaya ng iyong sinalita.
37 (AJ)Narito, aking ilalagay ang isang balat na lana sa giikan; kung dumoon lamang sa balat ang hamog, at maging tuyo ang buong lupa, ay malalaman ko nga na iyong ililigtas ang Israel sa pamamagitan ng aking kamay, gaya ng iyong sinalita.
38 At nagkagayon: sapagka't siya'y bumangong maaga ng kinaumagahan, at hinigpit ang buong balat, at piniga ang hamog sa balat, na isang tasang malaki ng tubig.
39 At sinabi ni Gedeon sa Dios, (AK)Huwag magalab ang iyong galit laban sa akin, at magsasalita na lamang ako ng minsan pa: isinasamo ko sa iyo na ipasubok mo pa sa aking minsan sa pamamagitan ng balat: tuyuin mo ngayon ang balat lamang, at sa buong lupa ay magkaroon ng hamog.
40 At ginawang gayon ng Dios nang gabing yaon: sapagka't natuyo ang balat lamang, at nagkaroon ng hamog sa buong lupa.
10 At may isang lalake nga sa Cesarea, na nagngangalang Cornelio, senturion ng pulutong na tinatawag na pulutong Italiano.
2 Isang taong masipag sa kabanalan (A)at matatakutin sa Dios siya at ang buong sangbahayan at naglimos ng marami sa mga tao, at laging nananalangin sa Dios.
3 Nakita niyang maliwanag, sa isang pangitain, nang may oras na ikasiyam ng araw, na pumapasok na patungo sa kaniya ang (B)isang anghel ng Dios, at nagsasabi sa kaniya, Cornelio.
4 At siya, sa pagtitig niya sa kaniya, at sa (C)pagkatakot niya, ay nagsabi, Ano ito, Panginoon? At sinabi niya sa kaniya, Ang mga panalangin mo at ang iyong mga (D)paglilimos ay nangapailanglang na isang alaala sa harapan ng Dios.
5 At ngayo'y magsugo ka ng mga tao sa (E)Joppe, at ipagsama mo yaong Simon, na may pamagat na Pedro;
6 Siya'y nanunuluyan sa isa na (F)Simong mangluluto ng balat, na ang kaniyang bahay ay nasa tabi ng dagat.
7 At nang umalis ang anghel na sa kaniya'y nagsalita, ay tumawag siya ng dalawa sa kaniyang mga alila, at ng isang kawal na masipag sa kabanalan sa mga nagsisipaglingkod sa kaniyang parati;
8 At nang maisaysay na sa kanila ang lahat ng mga bagay, sila'y sinugo niya sa Joppe.
9 Nang kinabukasan nga samantalang sila'y patuloy sa kanilang paglalakad, at nang malapit na sa bayan, si (G)Pedro ay umakyat sa ibabaw ng bahay upang manalangin, nang may oras na ikaanim;
10 At siya'y nagutom at nagnais kumain: datapuwa't samantalang nangaghahanda sila, ay (H)nawalan siya ng diwa;
11 At nakita niyang bukas ang langit, at may isang sisidlang bumababa, gaya ng isang malapad na kumot, na nakabitin sa apat na panulok na bumababa sa lupa:
12 Na doo'y naroroon ang lahat ng uri ng mga hayop na may apat na paa at ang mga nagsisigapang sa lupa at ang mga ibon sa langit.
13 At dumating sa kaniya ang isang tinig, Magtindig ka, Pedro; magpatay ka at kumain.
14 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Hindi maaari, Panginoon; (I)sapagka't kailan ma'y hindi ako kumain ng anomang bagay na marumi at karumaldumal.
15 At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ikalawa, (J)Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi.
16 At ito'y nangyaring makaitlo: at pagdaka'y binatak sa langit ang sisidlan.
17 Samantalang natitilihang totoo si Pedro sa kaniyang sarili, kung ano ang kahulugan ng pangitaing kaniyang nakita, narito, ang mga taong sinugo ni Cornelio, nang maipagtanong ang bahay ni Simon, ay nangagsitayo sa harapan ng pintuan.
18 At nangagsitawag at nangagtanong kung si Simon, na pinamagatang Pedro, ay nanunuluyan doon.
19 At samantalang iniisip ni Pedro ang tungkol sa pangitain, ay sinabi sa kaniya ng Espiritu, Narito, hinahanap ka ng (K)tatlong tao.
20 Datapuwa't magtindig ka, at manaog ka, at sumama ka sa kanila, na huwag kang magalinlangan ng anoman: sapagka't sila'y aking sinugo.
21 At pinanaog ni Pedro ang mga tao, at sinabi, Narito, ako ang hinahanap ninyo: ano baga ang dahil ng inyong ipinarito?
22 At sinabi nila, Ang senturiong si Cornelio, na taong matuwid at matatakutin sa Dios, at may mabuting patotoo ng buong bansa ng mga Judio, ay pinagpaunawaan ng Dios sa pamamagitan ng isang banal na anghel na ikaw ay paparoonin sa kaniyang bahay, at upang makarinig sa iyo ng mga salita.
23 Kaya't sila'y pinapasok at pinatuloy sila.
At nang kinabukasa'y nagbangon siya at umalis na kasama nila, (L)at siya'y sinamahan ng ilang kapatid na mula sa Joppe.
24 At nang kinabukasa'y nagsipasok sila sa (M)Cesarea. At sila'y hinihintay ni Cornelio, na tinipon nito ang kaniyang kamaganakan at ang kaniyang mga kaibigang minamahal.
25 At nangyari, na pagpasok ni Pedro, ay sinalubong siya ni Cornelio, at (N)nagpatirapa sa kanyang paanan, at siya'y sinamba.
26 Datapuwa't itinindig siya ni Pedro, na sinasabi, Magtindig ka; (O)ako man ay tao rin.
27 At sa pakikipagsalitaan niya sa kaniya, ay pumasok siya, at kaniyang naratnan ang (P)maraming nangagkakatipon:
28 At sinabi niya sa kanila, Nalalaman ninyo na hindi matuwid sa isang taong Judio na (Q)makisama lumapit sa isang taga ibang bansa; at gayon ma'y ipinakilala (R)sa akin ng Dios, na sinomang tao'y huwag kong tawaging marumi o karumaldumal:
29 Dahil din dito'y naparito akong hindi tumutol ng anoman, nang ako'y ipasundo. Itinatanong ko nga kung sa anong kadahilanan ipinasundo ninyo ako.
30 At sinabi ni Cornelio, (S)May apat nang araw, hanggang sa oras na ito, na aking ginaganap ang pananalangin sa oras na (T)ikasiyam sa bahay ko; at narito, tumindig sa harapan ko ang (U)isang lalake na may pananamit na nagniningning,
31 At sinabi, Cornelio, dininig ang dalangin mo, at ang iyong mga paglilimos ay inaalaala sa paningin ng Dios.
32 Magsugo ka nga sa Joppe, at ipatawag mo si Simon, na pinamagatang Pedro; siya'y nanunuluyan sa bahay ni Simong mangluluto ng balat, na nasa tabi ng dagat.
33 Pagdaka nga'y nagsugo ako sa iyo; at mabuti ang ginawa mo't naparito ka. Ngayon nga'y kaming lahat ay nangaririto sa paningin ng Dios, upang dinggin ang lahat ng mga bagay na sa iyo'y ipinagutos ng Panginoon.
34 At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi,
Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao:
35 Kundi (V)sa bawa't bansa siya na may takot sa kaniya, at gumagawa ng katuwiran, ay kalugodlugod sa kaniya.
36 Ang salita na kaniyang ipinadala sa mga anak ni Israel, (W)na ipinangangaral ang evangelio ng kapayapaan sa pamamagitan ni Jesucristo (X)(siya'y Panginoon ng lahat)—
37 Talastas ninyo ang salitang ito na nahayag sa buong Judea, (Y)magbuhat sa Galilea, pagkatapos ng bautismo na ipinangaral ni Juan;
38 Sa makatuwid baga'y si (Z)Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya'y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; (AA)sapagka't sumasa kaniya ang Dios.
39 At mga saksi (AB)kami sa lahat ng mga bagay na ginawa niya sa lupain ng mga Judio, at sa Jerusalem; na siya nama'y kanilang pinatay, na siya'y ibinitin sa isang punong kahoy.
40 Siya'y muling binuhay ng Dios (AC)nang ikatlong araw, at siya'y itinalagang mahayag.
41 (AD)Hindi sa buong bayan, kundi sa mga (AE)saksi na hinirang ng Dios nang una, sa makatuwid baga'y sa amin, na (AF)nagsikain at nagsiinom na kasalo niya, pagkatapos na siya'y muling mabuhay sa mga patay.
42 At (AG)sa ami'y ipinagbilin niya na magsipangaral kami sa bayan, at saksihan (AH)na siya ang itinalaga ng Dios na maging Hukom ng mga buhay at ng mga patay.
43 Siya ang pinatotohanan ng (AI)lahat ng mga propeta, na ang bawa't sumasampalataya sa kaniya ay magkakamit ng (AJ)kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.
44 Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito, ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nangakikinig ng salita.
45 At silang sa pagtutuli na nagsisampalataya ay (AK)nangamanghang lahat na nagsiparoong kasama ni Pedro, sapagka't ibinuhos din naman sa mga Gentil ang kaloob na Espiritu Santo.
46 Sapagka't nangarinig nilang (AL)nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios. Nang magkagayo'y sumagot si Pedro,
47 Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig, upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin?
48 At inutusan niya (AM)sila na magsipagbautismo (AN)sa pangalan ni Jesucristo. Nang magkagayo'y kanilang ipinamanhik sa kaniya na matirang mga ilang araw.
Ang pagkagiba ng Jerusalem ay itinulad sa basag na palyok.
19 Ganito ang sabi ng Panginoon, Ikaw ay yumaon, at bumili ka ng isang (A)sisidlang lupa ng magpapalyok, at magsama ka ng mga matanda sa bayan, at (B)ng mga matanda sa mga saserdote;
2 At ikaw ay lumabas (C)sa libis ng anak ni Hinnom, na nasa tabi ng pasukan ng pintuang-bayan ng Harsit, at itanyag mo roon ang mga salita na aking sasaysayin sa iyo:
3 At iyong sabihin, Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, (D)Oh mga hari sa Juda, at mga nananahan sa Jerusalem: Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, ako'y magpaparating ng kasamaan sa dakong ito, (E)na sinomang makarinig ay magpapanting ang mga pakinig.
4 Sapagka't kanilang pinabayaan (F)ako, at kanilang pinapaging iba ang dakong ito, at nangagsunog sila ng kamangyan dito sa ibang mga dios, na hindi nila nakilala, nila at ng kanilang mga magulang at ng mga hari sa Juda, at pinuno ang dakong ito ng dugo ng mga walang sala,
5 At (G)itinayo ang mga mataas na dako ni Baal, (H)upang sunugin ang kanilang mga anak sa apoy na mga pinakahandog na susunugin kay Baal; (I)na hindi ko iniutos, o sinalita man, o pumasok man sa aking pagiisip:
6 Kaya't narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ang dakong ito ay hindi na tatawaging (J)Topheth, ni (K)Ang libis ng anak ni Hinnom, kundi Ang libis ng Patayan.
7 At aking sasayangin ang payo ng Juda at ng Jerusalem sa dakong ito; at aking ibubuwal sila sa pamamagitan ng tabak sa harap ng kanilang mga kaaway, at sa pamamagitan ng kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay: (L)at ang kanilang mga bangkay ay mangabibigay na pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa.
8 At (M)gagawin ko ang bayang ito na katigilan, at kasutsutan; bawa't isa na mangagdadaan doon ay mangatitigilan at magsisisutsot dahil sa lahat na salot niyaon.
9 At (N)pakakanin ko sila ng laman ng kanilang mga anak na lalake at ang laman ng kanilang mga anak na babae; at kakain bawa't isa sa kanila ng laman ng kaniyang kaibigan, sa pagkakulong at sa kagipitan, na igigipit sa kanila ng kanilang mga kaaway, at ng nagsisiusig ng kanilang buhay.
10 Kung magkagayo'y (O)babasagin mo ang sisidlang lupa sa paningin ng mga lalake na nagsisiyaong kasama mo, at iyong sasabihin sa kanila,
11 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ganito ko babasagin ang mga taong ito at ang bayang ito, gaya ng pagbasag ng isang sisidlan ng magpapalyok, na hindi mabubuo uli; at sila'y mangaglilibing (P)sa Topheth hanggang sa mawalan ng dakong mapaglilibingan.
12 Ganito ang gagawin ko sa dakong ito, sabi ng Panginoon, at sa mga nananahan dito, sa makatuwid baga'y gagawin ang bayang ito na (Q)gaya ng Topheth:
13 At ang mga bahay ng Jerusalem, at ang mga bahay ng mga hari sa Juda, na nangahawa ay magiging gaya ng dako ng Topheth, lahat ng bahay (R)na ang mga bubungan ay pinagsunugan ng kamangyan sa lahat ng natatanaw sa langit, at (S)pinagbuhusan ng mga handog na inumin sa ibang mga dios.
14 Nang magkagayo'y nagbalik si Jeremias mula sa Topheth, na pinagsuguan sa kaniya ng Panginoon upang manghula; at siya'y tumayo sa (T)looban ng bahay ng Panginoon, at nagsabi sa buong bayan,
15 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, ako'y magdadala sa bayang ito, at sa kaniyang lahat na bayan ng lahat na kasamaan na aking sinalita laban doon; sapagka't kanilang pinapagmatigas ang kanilang leeg, upang huwag nilang marinig ang aking salita.
5 At nagsidating sila sa kabilang ibayo ng dagat sa lupain ng mga (A)Gadareno.
2 At paglunsad niya sa daong, pagdaka'y sinalubong siya na galing sa mga libingan ng (B)isang lalake na may isang karumaldumal na espiritu,
3 Na tumatahan sa mga libingan: at sinoma'y hindi siya magapos, kahit ng tanikala;
4 Sapagka't madalas na siya'y ginapos ng mga damal at mga tanikala, at pinagpatidpatid niya ang mga tanikala, at pinagbabalibali ang mga damal: at walang taong may lakas na makasupil sa kaniya.
5 At palaging sa gabi't araw, ay nagsisisigaw sa mga libingan at sa mga kabundukan, at sinusugatan ang sarili ng mga bato.
6 At pagkatanaw niya sa malayo kay Jesus, ay tumakbo at siya'y kaniyang sinamba;
7 At nagsisisigaw ng malakas na tinig, na kaniyang sinabi, Ano ang pakialam ko sa iyo, Jesus, ikaw na Anak ng Dios na Kataastaasan? kita'y pinamamanhikan alangalang sa Dios, na huwag mo akong pahirapan.
8 Sapagka't sinabi niya sa kaniya, Lumabas ka sa taong ito, ikaw na karumaldumal na espiritu.
9 At tinanong niya siya, Ano ang pangalan mo? At sinabi niya sa kaniya, (C)Pulutong ang pangalan ko; sapagka't marami kami.
10 At ipinamamanhik na mainam sa kaniya na huwag silang palayasin sa lupaing yaon.
11 At sa libis ng bundok na yaon ay may isang malaking kawan ng mga baboy na nagsisipanginain.
12 At nangamanhik sila sa kaniya, na nagsisipagsabi, Paparoonin mo kami sa mga baboy, upang kami ay magsipasok sa kanila.
13 At ipinahintulot niya sa kanila. At ang mga karumaldumal na espiritu ay nangagsilabas, at nangagsipasok sa mga baboy: at ang kawan ay napadaluhong sa bangin hanggang sa dagat, na sila'y may mga dalawang libo; at sila'y nangalunod sa dagat.
14 At nagsitakas ang mga tagapagalaga ng mga yaon, at ibinalita sa bayan, at sa mga bukid. (D)At nagsiparoon ang mga tao upang makita kung ano ang nangyari.
15 At nagsiparoon sila kay Jesus, at nakita nila ang inalihan ng mga demonio na nakaupo, (E)nakapanamit at matino ang kaniyang pagiisip, sa makatuwid baga'y siyang nagkaroon ng isang pulutong: at sila'y nangatakot.
16 At sinabi sa kanila ng nangakakita kung paanong pagkapangyari sa inalihan ng mga demonio, at tungkol sa mga baboy.
17 At sila'y nangagpasimulang magsipamanhik sa kaniya na siya'y umalis sa kanilang mga hangganan.
18 At habang lumululan siya sa daong, ay ipinamamanhik sa kaniya (F)ng inalihan ng mga demonio na siya'y ipagsama niya.
19 At hindi niya itinulot sa kaniya, kundi sa kaniya'y sinabi, Umuwi ka sa iyong bahay sa iyong mga kaibigan, at sabihin mo sa kanila kung gaano kadakilang mga bagay ang ginawa sa iyo ng Panginoon, at kung paanong kinaawaan ka niya.
20 At siya'y yumaon ng kaniyang lakad, at nagpasimulang ihayag sa (G)Decapolis kung gaanong kadakilang mga bagay ang sa kaniya'y ginawa ni Jesus: at nangagtaka ang lahat ng mga tao.
21 At nang si (H)Jesus ay muling makatawid sa daong sa kabilang ibayo, ay nakipisan sa kaniya ang lubhang maraming tao; at siya'y nasa tabi ng dagat.
22 (I)At lumapit ang isa sa mga pinuno sa sinagoga, na nagngangalang Jairo; at pagkakita sa kaniya, ay nagpatirapa siya sa kaniyang paanan,
23 At ipinamamanhik na mainam sa kaniya, na sinasabi, Ang aking munting anak na babae ay naghihingalo: ipinamamanhik ko sa iyo, na ikaw ay pumaroon at ipatong mo ang iyong mga kamay sa kaniya, upang siya'y gumaling, at mabuhay.
24 At siya'y sumama sa kaniya; at sinundan siya ng lubhang maraming tao; at siya'y sinisiksik nila.
25 At isang babae (J)na may labingdalawang taon nang inaagasan,
26 At siya'y napahirapan na ng maraming bagay ng mga manggagamot, at nagugol na niya ang lahat niyang tinatangkilik, at hindi gumaling ng kaunti man, kundi bagkus pang lumulubha siya,
27 Na pagkarinig niya ng mga bagay tungkol kay Jesus, ay lumapit siya sa karamihan, sa likuran niya, at hinipo ang kaniyang damit.
28 Sapagka't sinasabi niya, Kung mahipo ko man lamang ang kaniyang damit, ay gagaling ako.
29 At pagdaka'y naampat ang kaniyang agas; at kaniyang naramdaman sa kaniyang katawan na magaling na siya sa salot niya.
30 At si Jesus, sa pagkatalastas niya agad sa kaniyang sarili na may umalis na (K)bisa sa kaniya, ay pagdaka'y pumihit sa karamihan at nagsabi, Sino ang humipo ng aking mga damit?
31 At sinabi sa kaniya ng kaniyang mga alagad, Nakikita mong sinisiksik ka ng karamihan, at sasabihin mo, Sino ang humipo sa akin?
32 At lumingap siya sa palibotlibot upang makita siya na gumawa ng bagay na ito.
33 Nguni't ang babae na natatakot at nangangatal, palibhasa'y nalalaman ang sa kaniya'y nangyari, lumapit at nagpatirapa sa harap niya, at sinabi sa kaniya ang buong katotohanan.
34 At sinabi niya sa kaniya, Anak, pinagaling ka ng pananampalataya mo; yumaon kang payapa, at gumaling ka sa salot mo.
35 Samantalang nagsasalita pa siya, ay may nagsidating na galing sa bahay ng pinuno sa sinagoga, na nagsasabi, Patay na ang anak mong babae: bakit mo pa binabagabag ang Guro?
36 Datapuwa't hindi pinansin ni Jesus ang kanilang sinasalita, at nagsabi sa pinuno ng sinagoga, Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang.
37 At hindi niya ipinahintulot na sinoma'y makasunod sa kaniya, liban kay (L)Pedro, at kay Santiago, at kay Juan na kapatid ni Santiago.
38 At nagsidating sila sa bahay ng pinuno sa sinagoga; at napanood niya ang pagkakagulo, at ang nagsisitangis, at nangagbubuntong-hininga ng labis.
39 At pagkapasok niya, ay kaniyang sinabi sa kanila, Bakit kayo'y nangagkakagulo at nagsisitangis? hindi patay ang bata, kundi natutulog.
40 At tinatawanan nila siya na nililibak. Datapuwa't, nang mapalabas na niya ang lahat, ay isinama niya ang ama ng bata at ang ina nito, at (M)ang kaniyang mga kasamahan, at pumasok sa kinaroroonan ng bata.
41 At pagkahawak niya sa kamay ng bata, ay sinabi niya sa kaniya, (N)Talitha cumi; na kung liliwanagin ay, Dalaga, sinasabi ko sa iyo, Magbangon ka.
42 At pagdaka'y nagbangon ang dalaga, at lumakad: sapagka't siya'y may labingdalawang taon na. At pagdaka'y nangagtaka silang lubha.
43 At ipinagbilin niya (O)sa kanilang mahigpit, na sinoman ay huwag makaalam nito: at kaniyang ipinagutos na siya'y bigyan ng pagkain.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978