M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang pangalawang pagsalakay sa Hai.
8 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Huwag kang (A)matakot, ni manglumo: ipagsama mo ang buong bayang pangdigma, at bumangon ka, na sumampa ka sa Hai: tingnan mo, aking (B)ibinigay sa iyong kamay ang hari sa Hai, at ang kaniyang bayan, at ang kaniyang siyudad, at ang kaniyang lupain;
2 At iyong gagawin sa Hai at sa kaniyang hari ang gaya ng iyong ginawa sa (C)Jerico at sa kaniyang hari: (D)ang samsam lamang doon, at ang mga hayop niyaon, ang iyong kukunin na pinakasamsam ninyo: lagyan mo ng mga bakay ang bayan sa likuran.
3 Sa gayo'y bumangon si Josue, at ang buong bayang pangdigma, upang sumampa sa Hai: at pumili si Josue ng tatlong pung libong lalake, na mga makapangyarihang lalaking matapang, at sinugo ng kinagabihan.
4 At iniutos niya sa kanila, na sinasabi, Narito, (E)kayo'y babakay laban sa bayan, sa likuran ng bayan: huwag kayong lumayong totoo sa bayan kundi humanda kayo;
5 At ako, at ang buong bayan na kasama ko ay lalapit sa bayan. At mangyayari, na pagka sila'y lumabas laban sa amin gaya ng una, ay (F)tatakas kami sa harap nila;
6 At sila'y lalabas na susunod sa amin, hanggang sa aming mailayo sila sa bayan, sapagka't kanilang sasabihin, Sila'y tumatakas sa harap natin, na gaya ng una; gayon kami tatakas sa harap nila:
7 At kayo'y babangon sa pagbakay, at inyong aariin ang bayan: sapagka't ibibigay ng Panginoon ninyong Dios sa inyong kamay.
8 At mangyayari, na pagka inyong nasakop ang bayan, ay inyong sisilaban ng apoy ang bayan; ayon sa salita ng Panginoon ay inyong gagawin: (G)narito, aking iniutos sa inyo.
9 At pinapagpaalam sila ni Josue: at sila'y yumaon sa pagbakay, at lumagay sa pagitan ng Beth-el at ng Hai, sa dakong (H)kalunuran ng Hai: nguni't si Josue ay tumigil ng gabing yaon sa gitna ng bayan.
10 At si Josue ay bumangong maaga sa kinaumagahan, at binilang ang bayan, at sumampa siya at ang mga matanda ng Israel, sa unahan ng bayan, sa Hai.
11 At ang buong bayan, sa makatuwid baga'y ang mga taong pangdigma na kinasama niya, ay sumampa, at lumapit, at naparoon sa harap ng bayan, at humantong sa dakong hilagaan ng Hai: mayroon ngang isang libis sa pagitan niya at ng Hai.
12 At siya'y kumuha ng may limang libong lalake at inilagay niya silang bakay sa pagitan ng Beth-el at ng Hai sa dakong kalunuran ng bayan.
13 Gayon inilagay nila ang bayan, ang buong hukbo na nasa hilagaan ng bayan, at ang kanilang mga bakay na nasa kalunuran ng bayan; at si Josue ay naparoon ng gabing yaon sa gitna ng libis.
14 At nangyari, nang makita ng hari sa Hai, na sila'y nagmadali at bumangong maaga, at ang mga lalake sa bayan ay lumabas laban sa Israel upang makipagbaka, siya at ang kaniyang buong bayan, (I)sa kapanahunang takda, sa harap ng Araba, nguni't hindi niya talastas na may bakay laban sa kaniya sa likuran ng bayan.
15 At (J)ginawa ni Josue at ng buong Israel na parang sila'y nadaig sa harap nila, at tumakas sa daan na ilang.
16 At ang lahat ng mga tao na nasa bayan ay pinisan upang humabol sa kanila: at kanilang hinabol si Josue, at (K)nangalayo sa bayan.
17 At walang lalake na naiwan sa Hai o sa Beth-el, na hindi humabol sa Israel: at kanilang iniwang bukas ang bayan, at hinabol ang Israel.
Ang pagsakop sa Hai.
18 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Iunat mo ang sibat na nasa iyong kamay sa dakong Hai; sapagka't aking ibibigay sa iyong kamay. At iniunat ni Josue ang sibat na nasa kaniyang kamay sa dakong bayan.
19 At ang bakay ay bumangong bigla sa kanilang dako, at sila'y tumakbo pagkaunat niya ng kaniyang kamay, at pumasok sa bayan at sinakop at sila'y nagmadali at sinilaban ang bayan.
20 At nang lumingon ang mga lalake sa Hai sa likuran nila, ay kanilang nakita, at, narito, ang usok ng bayan ay napaiilanglang sa langit, at wala silang kapangyarihan na makatakas sa daang ito o sa daang yaon: at ang bayan na tumakas sa ilang ay pumihit sa mga manghahabol.
21 At nang makita ni Josue at ng buong Israel na nasakop ng bakay ang bayan at ang usok ng bayan ay napaiilanglang, ay nagsibalik nga uli sila at pinatay ang mga lalake sa Hai.
22 At ang iba'y lumabas sa bayan laban sa kanila, na anopa't sila'y nasa gitna ng Israel, na ang iba'y sa dakong ito, at ang iba'y sa dakong yaon: at sinaktan nila sila, na anopa't (L)wala silang iniwan sa kanila na nalabi o nakatanan.
23 At ang hari sa Hai ay hinuli nilang buháy, at dinala nila siya kay Josue.
24 At nangyari, nang matapos ng Israel na mapatay sa parang ang lahat ng mga taga Hai, sa ilang na kanilang pinaghabulan sa kanila, at mangabuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, hanggang sa nalipol nila sila, ay bumalik ang buong Israel sa Hai, at sinugatan ng talim ng tabak.
25 At ang lahat na nabuwal ng araw na yaon, lalake at gayon din ang babae ay labing dalawang libo, lahat ng mga tao sa Hai.
26 Sapagka't hindi iniurong ni Josue ang kaniyang kamay na kaniyang ipinag-unat ng sibat hanggang sa kaniyang nalipol na lubos ang lahat ng mga taga Hai.
27 (M)Ang hayop lamang at ang samsam sa bayan na yaon ang kinuha ng Israel na pinakasamsam, ayon sa salita ng Panginoon (N)na kaniyang iniutos kay Josue.
28 Gayon sinunog ni Josue ang Hai, at pinapaging isang (O)bunton magpakailan man na isang kagibaan, hanggang sa araw na ito.
29 At ibinitin niya ang (P)hari sa Hai sa isang punong kahoy hanggang sa kinahapunan: at sa paglubog ng (Q)araw ay iniutos ni Josue, at ibinaba nila ang kaniyang bangkay sa punong kahoy at inihagis sa pasukan ng pintuan ng bayan, at (R)binuntunan ng malaking bunton ng mga bato, hanggang sa araw na ito.
Ang kautusan ay sinulat at binasa sa bundok ng Ebal.
30 Nang magkagayo'y ipinagtayo ni Josue ng isang dambana ang Panginoon, ang Dios ng Israel, sa (S)bundok ng Ebal,
31 Gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon, sa mga anak ni Israel, gaya ng nakasulat sa (T)aklat ng kautusan ni Moises, na isang dambana na hindi hinitsurahang mga bato, na hindi pinagbuhatan ng sinomang tao ng bakal: at kanilang (U)pinaghandugan sa Panginoon ng mga handog na susunugin, at pinaghainan ng mga handog tungkol sa kapayapaan.
32 At siya'y (V)sumulat doon sa mga bato ng isang salin ng kautusan ni Moises na kaniyang sinulat, sa harap ng mga anak ni Israel.
33 At ang buong Israel, at ang kanilang mga matanda at mga (W)pinuno at ang kanilang mga hukom, ay tumayo sa dakong ito ng kaban at sa dakong yaon sa harap ng mga saserdote na mga Levita, (X)na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon ang mga (Y)taga ibang lupa na gaya rin ng mga tagaroon; kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Gerizim at kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Ebal; gaya ng iniutos ni (Z)Moises na lingkod ng Panginoon, na kanilang basbasan muna ang bayan ng Israel.
34 At pagkatapos ay kaniyang (AA)binasa ang lahat ng mga salita ng kautusan, ang (AB)pagpapala at ang (AC)sumpa, ayon sa lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan.
35 Walang salita sa lahat na iniutos ni Moises na hindi binasa ni Josue sa harap ng buong kapulungan ng Israel at ng mga (AD)babae, at ng mga bata, at ng mga (AE)taga ibang lupa na nakikipamayan sa kanila.
Ang Panginoon ay sumasa lahat at nakaaalam ng lahat. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
139 Oh Panginoon, (A)iyong siniyasat ako, at nakilala ako.
2 (B)Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig,
(C)Iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo.
3 Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan,
At iyong kilala ang lahat kong mga lakad.
4 Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila,
Nguni't, narito, Oh Panginoon, (D)natatalastas mo nang buo.
5 (E)Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan,
At inilapag mo ang iyong kamay sa akin.
6 Ang ganyang kaalaman (F)ay totoong kagilagilalas sa akin;
Ito'y mataas, hindi ko maabot.
7 (G)Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu?
O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan?
8 (H)Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka:
(I)Kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon.
9 Kung aking kunin ang mga (J)pakpak ng umaga,
At tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat;
10 Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay,
At ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin.
11 Kung aking sabihin, (K)Tunay na tatakpan ako ng kadiliman,
At ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi;
12 (L)Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo,
Kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw:
Ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo
13 (M)Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob:
(N)Iyo akong tinakpan sa bahaybata ng aking ina.
14 Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas:
Kagilagilalas ang iyong mga gawa;
At nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.
15 Ang katawan ko'y (O)hindi nakubli sa iyo,
Nang ako'y gawin sa lihim,
At yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.
16 Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal,
At sa iyong aklat ay pawang nangasulat,
Kahit na ang mga araw na itinakda sa akin,
Nang wala pang anoman sa kanila,
17 (P)Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios!
Pagka dakila ng kabuoan nila!
18 Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin:
Pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako.
19 Walang pagsalang iyong (Q)papatayin ang masama, Oh Dios:
Hiwalayan nga ninyo ako, Oh mga mabagsik na tao.
20 Sapagka't sila'y nangagsasalita laban sa iyo ng kasamaan,
At (R)ginagamit ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan sa walang kabuluhan.
21 (S)Hindi ko ba ipinagtatanim sila, Oh Panginoon, na nagtatanim sa iyo?
At hindi ba kinapapanglawan ko ang mga yaon na nagsisibangon laban sa iyo?
22 Aking ipinagtatanim sila ng lubos na kapootan:
Sila'y naging mga kaaway ko.
23 (T)Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso;
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:
24 At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin,
At (U)patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.
Ang kagandahang-loob noong una at ang pagkawalang kabuluhan ngayon.
2 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2 Ikaw ay yumaon, at humiyaw sa mga pakinig ng Jerusalem, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Inaalaala ko sa ikabubuti mo ang kagandahang-loob ng (A)iyong kabataan, (B)ang pagibig sa iyong mga pagaasawa; kung paanong ikaw ay sumunod sa akin sa ilang, (C)sa lupain na hindi hinasikan.
3 Ang Israel ay (D)kabanalan sa Panginoon, na mga (E)pangunang bunga ng kaniyang halaman: lahat na nagsisisakmal sa kaniya ay aariing salarin; kasamaan ay darating sa kanila, sabi ng Panginoon.
4 Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh sangbahayan ni Jacob, at lahat na angkan ng sangbahayan ng Israel:
5 Ganito ang sabi ng Panginoon, (F)Anong kalikuan ang nasumpungan ng inyong mga magulang sa akin, na sila'y nagsilayo sa akin, at nagsisunod sa walang kabuluhan, at naging walang kabuluhan?
6 Hindi man nila sinabi, Saan nandoon ang Panginoon na nagahon sa atin mula sa lupain ng Egipto, na pumatnubay sa atin sa ilang, sa mga lupaing ilang at bakobako, sa lupaing may pagkakatuyo at lilim ng kamatayan, sa lupain na walang dumaraan at walang taong tumatahan?
7 At dinala ko kayo sa saganang lupain, upang kumain ng bunga niyaon at ng kabutihan niyaon; nguni't nang kayo'y pumasok ay inyong hinawahan ang aking lupain, at (G)ginawa ninyong kasuklamsuklam ang aking mana.
8 Hindi sinabi ng mga saserdote, Saan nandoon ang Panginoon? at silang nagsisihawak (H)ng kautusan ay hindi nakakilala sa akin: ang mga (I)pinuno naman ay nagsisalansang laban sa akin, at ang mga (J)propeta ay nanganghula sa pamamagitan ni Baal, at nagsilakad na sumunod sa mga bagay na hindi pinakikinabangan.
9 Kaya't (K)ako'y makikipagtalo pa sa inyo, sabi ng Panginoon, at sa mga anak ng inyong mga anak ay makikipagtalo ako.
10 (L)Sapagka't mangagdaan kayo sa mga pulo ng (M)Chittim, at tingnan, at kayo'y mangagsugo sa (N)Cedar, at mangagbulay na maingat; at inyong tingnan kung may nangyaring ganiyang bagay.
11 (O)Ipinagpalit baga ng isang bansa ang kanilang mga dios, na (P)hindi mga dios? nguni't ipinagpalit ng aking bayan ang kanilang kaluwalhatian sa hindi pinakikinabangan.
12 Mangagtaka kayo Oh kayong mga langit, sa bagay na ito, at mangatakot ng kakilakilabot, mangatuyo kang lubha, sabi ng Panginoon.
13 Sapagka't ang bayan ko ay nagkamit ng dalawang kasamaan; (Q)kanilang iniwan ako na (R)bukal ng buhay na tubig, at nagsigawa sa ganang kanila ng mga balon na mga sirang balon na hindi malalamnan ng tubig.
Ang kanilang pagpapabaya ay huwag tularan.
14 Ang Israel baga'y alipin? siya baga'y aliping ipinanganak sa bahay? bakit siya'y naging samsam.
15 Ang mga batang (S)leon ay nagsiungal sa kaniya, at nagsihiyaw: at sinira nila ang kaniyang lupain; ang kaniyang mga bayan ay nangasunog, na walang mananahan.
16 Binasag naman ng mga anak ng Memfis at ng Taphnes ang bao ng iyong ulo.
17 Hindi mo baga pinapangyari ito sa iyong sarili, dahil sa iyong pagpapabaya sa Panginoon mong Dios, nang kaniyang patnubayan ka sa daan?
18 At ngayo'y anong ipakikialam mo (T)sa daan na patungo sa Egipto, upang uminom ng tubig sa Sikor? o anong ipakikialam mo sa daang patungo sa Asiria, upang uminom ng tubig (U)sa ilog?
19 Sasawayin ka ng iyong sariling kasamaan, at sasawayin ka ng iyong mga pagtalikod: talastasin mo nga at iyong tingnan na masamang bagay at kapanglawpanglaw, na iyong pinabayaan ang Panginoon mong Dios: at ang takot sa akin ay wala sa iyo, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.
Ang pagasa sa sarili ay walang kabuluhan.
20 Sapagka't nang unang panahon ay inalis ko ang iyong pamatok, at nilagot ko ang iyong mga tali; at iyong sinabi: Hindi ako maglilingkod; sapagka't (V)sa bawa't mataas na burol, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy ay yumuko ka, na (W)nagpatutot.
21 Gayon ma'y (X)tinamnan kita ng mahal na puno ng ubas, na pawang mabuting binhi: bakit ka nga naging bansot na ibang puno ng ubas sa akin?
22 Sapagka't bagaman maghugas ka ng lihiya, at magbunton ka ng maraming sabon, gayon ma'y natatala sa harap ko ang iyong kasamaan, sabi ng Panginoong Dios.
23 Paanong masasabi mo, Hindi ako nagpakahawa, hindi ako yumaong sumunod sa mga Baal? tingnan mo ang iyong daan (Y)sa libis, talastasin mo kung ano ang iyong ginawa: ikaw na maliksing dromedario na dumadamba sa paglakad;
24 Isang asnong babaeng mailap na sanay sa ilang na sumisingasing sa kaniyang nais; sa kaniyang pagkakataon, sinong makapagliligaw sa kaniya? silang lahat na nagsisihanap sa kaniya ay hindi mapapagod: sa kaniyang kabuwanan ay masusumpungan siya.
25 Ingatan mo ang iyong paa sa paglakad na walang suot, at ang iyong lalamunan sa pagkauhaw. Nguni't iyong sinabi, Walang kabuluhan; hindi, sapagka't ako'y umibig sa mga taga ibang lupa, at sa kanila'y susunod ako.
26 Kung paanong ang magnanakaw ay napapahiya pagka siya'y nahuhuli, gayon napapahiya ang sangbahayan ni Israel; sila, ang kanilang mga hari, ang kanilang mga prinsipe, at ang kanilang mga saserdote, at ang kanilang mga propeta,
27 Na nangagsasabi (Z)sa kahoy, Ikaw ay aking ama; at sa bato, Iyong ipinanganak ako: sapagka't kanilang ipinihit ang kanilang likod sa akin, at hindi ang kanilang mukha: nguni't sa panahon (AA)ng kanilang kabagabagan ay sasabihin nila, Ikaw ay bumangon, at iligtas mo kami.
28 Nguni't saan nandoon ang iyong mga dios na iyong ginawa para sa iyo? magsibangon sila, (AB)kung sila'y makapagliligtas sa iyo sa panahon ng iyong kabagabagan: (AC)sapagka't ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios, Oh Juda.
Ang pagtitiis ng Panginoon sa kanilang kasalanan.
29 Bakit kayo nangakikipagpunyagi sa akin? kayong lahat ay nagsisalangsang laban sa akin, sabi ng Panginoon.
30 Sa walang kabuluhan sinaktan ko ang (AD)inyong mga anak; sila'y hindi nagsitanggap ng saway; nilamon ng inyong sariling (AE)tabak ang inyong mga propeta, na parang manglilipol na leon.
31 Oh lahi, tingnan ninyo ang salita ng Panginoon. Naging ilang baga ako sa Israel? o lupain ng salimuot na kadiliman? bakit nga sinasabi ng aking bayan, Kami ay nangakalaya; hindi na kami paroroon pa sa iyo?
32 Malilimutan baga ng dalaga ang kaniyang mga hiyas, o ng kasintahang babae ang kaniyang kagayakan? gayon ma'y nilimot ako ng bayan ko sa mga araw na walang bilang.
33 Anong pagpapaganda mo ng iyong lakad upang humanap ng pagibig! kaya't gayon din ang mga patutot ay iyong tinuruan ng iyong mga lakad.
34 Gayon din sa mga laylayan mo ay nakasumpong (AF)ng dugo ng mga kaluluwa ng dukhang walang sala: hindi mo nasumpungan sa dako ng pagbubukas; kundi dahil sa lahat ng mga ito.
35 Gayon ma'y sinabi mo: Ako'y walang sala; tunay na ang kaniyang galit ay humiwalay sa akin. Narito, (AG)hahatulan kita, sapagka't iyong sinabi, Hindi ako nagkasala.
36 Bakit ka lumalaboy upang papanibaguhin mo ang iyong lakad? ikahihiya mo rin naman ang Egipto na gaya ng iyong pagkahiya sa Asiria.
37 Mula doon ay lalabas ka rin, na ang iyong mga kamay ay (AH)nakapatong sa iyong ulo: sapagka't itinakuwil ng Panginoon ang iyong mga pinagkakatiwalaan, at hindi ka giginhawa sa kanila.
16 At nagsilapit (A)ang mga Fariseo at mga Saduceo, na tinutukso siya na sa kaniya'y nagsisihiling na sila'y pagpakitaan ng isang tanda na mula sa langit.
2 Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, (B)Sa kinahapunan, ay sinasabi ninyo, Bubuti ang panahon: sapagka't ang langit ay mapula.
3 At sa umaga, Ngayo'y uunos: sapagka't mapula at makulimlim ang langit. Kayo'y marurunong magsikilala ng anyo ng langit; datapuwa't hindi ninyo mangakilala ang mga tanda ng mga panahon.
4 Ang isang lahing masama at (C)mapangalunya ay humahanap ng tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda, kundi ng tanda ni Jonas. At sila'y iniwan niya, at yumaon.
5 At nagsidating ang mga alagad sa kabilang ibayo at nangakalimot na mangagdala ng tinapay.
6 At sinabi sa kanila ni Jesus, Kayo'y mangagingat at magsipangilag sa (D)lebadura ng mga Fariseo at mga Saduceo.
7 At sila'y nangagkatuwiranan sa kanilang sarili, na nagsasabi, Hindi tayo nangakapagbaon ng tinapay.
8 At nang matalastas ni Jesus ay sinabi, Oh kayong kakaunti ang pananampalataya, bakit kayo'y nangagbubulaybulay sa inyong sarili, sapagka't wala kayong tinapay?
9 Hindi pa baga ninyo natatalastas, (E)at hindi ninyo naaalaala ang limang tinapay sa limang libong lalake, at kung ilang bakol ang inyong nailigpit?
10 Ni yaong pitong tinapay (F)sa apat na libong lalake, at kung ilang bakol ang inyong nailigpit?
11 Ano't hindi ninyo napaguunawa na hindi ang sinabi ko sa inyo'y tungkol sa tinapay? Datapuwa't kayo'y mangagingat sa lebadura ng mga Fariseo at ng mga Saduceo.
12 Nang magkagayo'y kanilang natalastas na sa kanila'y hindi ipinagutos na sila'y magsipagingat sa lebadura ng tinapay, kundi sa mga aral ng mga Fariseo at ng mga Saduceo.
13 Nang dumating nga si Jesus sa mga sakop ng Cesarea ni Filipo, ay itinanong niya sa kaniyang mga alagad, na sinasabi, (G)Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ang Anak ng tao?
14 At kanilang sinabi, (H)Anang ilan, Si Juan Bautista; ang ilan, Si Elias; at ang mga iba, Si Jeremias, o isa sa mga propeta.
15 Kaniyang sinabi sa kanila, Datapuwa't, ano ang sabi ninyo kung sino ako?
16 At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, (I)Ang anak ng (J)Dios na buhay.
17 At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Mapalad ka, (K)Simon Bar-Jonas: sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng (L)laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit.
18 At sinasabi ko naman sa iyo, na (M)ikaw ay Pedro, at (N)sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at (O)ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
19 Ibibigay ko sa iyo (P)ang mga susi ng kaharian ng langit: (Q)at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.
20 Nang magkagayo'y ipinagbilin niya (R)sa mga alagad na huwag sabihin kanino man na siya ang Cristo.
21 Mula ng panahong yao'y nagpasimulang (S)ipinakilala ni Jesus sa kaniyang mga alagad, na kinakailangang (T)siya'y pumaroon sa Jerusalem, at magbata ng maraming bagay sa matatanda at sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba, at siya'y patayin, at (U)muling ibangon sa ikatlong araw.
22 At isinama siya ni Pedro, at nagpasimulang siya'y pinagwikaan, na nagsasabi, Panginoon, malayo ito sa iyo: kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo.
23 Datapuwa't lumingon siya, at sinabi kay Pedro, Lumagay ka sa likuran ko, Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka't hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios, kundi ang mga bagay ng tao.
24 Nang magkagayo'y (V)sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.
25 Sapagka't (W)ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon.
26 Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?
27 Sapagka't (X)ang Anak ng tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel; at kung magkagayo'y bibigyan ang bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa.
28 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayo rito, na hindi (Y)matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, (Z)hanggang sa kanilang makita ang Anak ng tao na pumaparito sa kaniyang kaharian.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978