M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang kabuoan ng pananagumpay ni Josue, at ang mga haring kaniyang tinalo.
12 Ang mga ito nga ang mga hari sa lupain na sinaktan ng mga anak ni Israel, at inari ang kanilang lupain sa dako roon ng Jordan na dakong sinisikatan ng araw mula sa (A)libis ng Arnon hanggang sa bundok ng (B)Hermon, at ng buong Araba na dakong silanganan:
2 (C)Si Sehon na hari ng mga Amorrheo, na nanahan sa Hesbon at nagpuno mula sa (D)Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon at ang bayan na nasa gitna ng libis, at ang kalahati ng Galaad, hanggang sa ilog (E)Jaboc, na hangganan ng mga anak ni Ammon;
3 At (F)ang Araba hanggang sa dagat ng Cinneroth, na dakong silanganan, at hanggang sa dagat ng Araba, Dagat na Alat, na dakong silanganan, na daang patungo sa (G)Beth-jesimoth; at sa timugan sa ilalim ng mga tagudtod ng Pisga:
4 At ang hangganan ni (H)Og na hari sa Basan, sa nalabi ng mga Rephaim na nanahan sa (I)Astaroth at sa Edrei,
5 At nagpuno sa (J)bundok ng Hermon, at sa (K)Salca, at sa buong Basan, (L)hanggang sa hangganan ng mga Gessureo at ng mga Maachateo, at ng kalahati ng Galaad, na hangganan ni Sehon na hari sa Hesbon.
6 (M)Sinaktan sila ni Moises na (N)lingkod ng Panginoon at ng mga anak ni Israel: at ibinigay ni Moises na lingkod ng Panginoon na pinakaari sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases.
7 At ang mga ito'y ang mga hari ng lupain na (O)sinaktan ni Josue at ng mga anak ni Israel sa dako roon ng Jordan na dakong kalunuran, mula sa Baal-gad na libis ng Libano hanggang sa bundok ng Halac, na pasampa sa Seir (at ibinigay ni Josue na pinakaari sa mga lipi ng Israel (P)ayon sa kanilang pagkakabahagi;
8 (Q)Sa lupaing maburol, at sa mababang lupain, at sa Araba, at sa mga tagudtod, at sa ilang, at sa Timugan; ang Hatheo, ang Amorrheo, at ang Cananeo, ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo);
9 Ang (R)hari sa Jerico, isa; ang (S)hari sa Hai na nasa tabi ng Beth-el, isa;
10 Ang (T)hari sa Jerusalem, isa; ang hari sa Hebron, isa.
11 Ang hari sa Jarmuth, isa; ang hari sa Lachis, isa;
12 Ang hari sa Eglon, isa; ang hari sa (U)Gezer, isa;
13 Ang hari sa Debir, isa; ang hari sa Geder, isa;
14 Ang hari sa Horma, isa; ang hari sa Arad, isa;
15 Ang (V)hari sa Libna, isa; ang (W)hari sa Adullam, isa;
16 Ang hari sa Maceda, isa; ang (X)hari sa Beth-el, isa;
17 Ang hari sa Tappua, isa; ang (Y)hari sa Hepher, isa;
18 Ang hari sa Aphec, isa; ang (Z)hari sa Lasaron, isa;
19 Ang hari sa Madon, isa; ang hari sa Hasor, isa;
20 Ang hari sa Simron-meron, isa; ang hari sa Achsaph, isa;
21 Ang hari sa Taanach, isa; ang (AA)hari sa Megiddo, isa;
22 Ang hari sa Chedes, isa; ang hari sa Jocneam sa Carmel, isa;
23 Ang hari sa Dor sa kaitaasan ng Dor, isa; ang (AB)hari ng mga bansa sa Gilgal, isa;
24 Ang (AC)hari sa Tirsa, isa; lahat ng hari ay tatlong pu't isa;
Mga lupang dapat pang mapasa Israel.
13 Si Josue (AD)nga'y matanda at puspos ng mga taon; at sinabi ng Panginoon sa kaniya, Ikaw ay matanda at puspos ng mga taon, at may nalalabi pang totoong maraming lupain na aariin.
2 (AE)Ito ang lupain na nalalabi pa: ang lahat na lupain ng mga Filisteo, at ang lahat na Gessureo:
3 (AF)Mula sa Sihor na nasa tapat ng Egipto, hanggang sa hangganan ng Accaron na dakong hilagaan, na nabilang sa mga Cananeo: ang (AG)limang pangulo ng mga Filisteo, ang mga Gazeo, ang mga Asdodeo, ang mga Ascaloneo, ang mga Getheo, ang mga Accaronneo; gayon din ang mga Heveo,
4 Sa dakong timugan: ang lahat na lupain ng mga Cananeo, at ang Mehara, na nauukol sa mga Sidonio hanggang sa Aphec, na hangganan ng mga Amorrheo;
5 At ang lupain ng mga Gebalita at ang buong Libano, sa dakong sinisikatan ng araw, (AH)mula sa Baal-gad, sa ibaba ng bundok Hermon hanggang sa (AI)pasukan sa Hamat:
6 Ang lahat ng taga lupaing maburol mula sa Libano hanggang sa Misrephoth-maim, sa makatuwid baga'y lahat ng mga Sidonio; sila'y aking itataboy mula sa harap ng mga anak ni Israel: iyo lamang (AJ)bahagihin sa Israel na pinakamana, gaya ng iniutos ko sa iyo.
7 Iyo ngang bahagihin ang lupaing ito na pinakamana sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi ni Manases.
8 Sa kaniya'y tinanggap ng mga Rubenita at ng mga Gadita, ang kanilang mana, (AK)na ibinigay sa kanila ni Moises, sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan gaya ng ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon;
9 (AL)Mula sa Aroer na nasa tabi ng libis ng Arnon, at ang bayan na nasa gitna ng libis, at ng buong (AM)kapatagan ng Medeba hanggang sa Dibon:
10 At ang (AN)lahat na bayan ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, na naghahari sa Hesbon hanggang sa hangganan ng mga anak ni Ammon;
11 At ang (AO)Galaad, at ang hangganan ng mga Gessureo at ng mga Maachateo at ang buong (AP)bundok ng Hermon, at ang buong Basan hanggang sa Salca;
12 Ang buong kaharian ni Og sa Basan, na naghari sa (AQ)Astaroth at sa Edrei (na siyang naiwang labi sa mga Rephaim); sapagka't sinaktan ang mga ito ni Moises at mga itinaboy.
13 Gayon ma'y hindi itinaboy ng mga anak ni Israel ang mga Gessureo, ni ang mga Maachateo; kundi ang Gessureo at ang Maachateo ay tumahan sa gitna ng Israel hanggang sa araw na ito.
14 (AR)Ang lipi lamang ni Levi ang hindi niya binigyan ng mana; ang mga handog sa Panginoon, sa Dios ng Israel na pinaraan sa apoy ay siyang kaniyang mana, (AS)gaya ng sinalita niya sa kaniya.
15 At nagbigay si Moises sa lipi ng mga anak ni Ruben ng ayon sa kanilang mga angkan.
16 At ang kanilang hangganan ay (AT)mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon, at ang bayang nasa gitna ng libis, at ang buong kapatagan sa tabi ng Medeba;
17 Ang Hesbon at ang lahat ng mga bayan niyaon na nasa kapatagan; ang Dibon at ang Bamoth-baal, at ang Beth-baal-meon;
18 At ang Jaas, at ang Ced-demoth, at ang Mephaath;
19 At ang Chiriataim, at ang Sibma, at ang Zereth-shahar, sa bundok ng libis;
20 At ang (AU)Beth-peor, at ang mga tagudtod ng Pisga, at ng Beth-jesimoth;
21 (AV)At ang lahat ng mga bayan sa kapatagan at ang buong kaharian ni Sehon na hari ng mga Amorrheo na naghari sa Hesbon, na siyang (AW)sinaktan ni Moises na gayon din ang mga (AX)pinuno sa Madian, si Hevi, si Recem, at si Sur, at si Hur, at si Reba, na mga prinsipe ni Sehon, na tumahan sa lupain.
22 Si (AY)Balaam man na anak ni Beor na manghuhula, ay pinatay ng mga anak ni Israel ng tabak sa gitna ng nalabi sa kanilang nangapatay.
23 At ang hangganan ng mga anak ni Ruben ay ang Jordan, at ang hangganan niyaon. Ito ang mana ng mga anak ni Ruben ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan at ang mga nayon niyaon.
24 At si Moises ay nagbigay sa lipi ni Gad, sa mga anak ni Gad, ng ayon sa kanilang mga angkan.
25 At (AZ)ang kanilang hangganan ay ang Jacer, at ang lahat na bayan ng Galaad, at (BA)ang kalahati ng lupain ng mga anak ni Ammon hanggang sa Aroer na nasa tapat ng Rabba;
26 At mula sa Hesbon hanggang sa Ramath-mizpe, at sa Betonim; at mula sa (BB)Mahanaim hanggang sa hangganan ng Debir.
27 At sa libis, ang Bet-haram, at ang Beth-nimra, at ang Sucoth, at ang Saphon, na labis ng kaharian ni Sehon na hari sa Hesbon, ang Jordan at ang hangganan niyaon, hanggang sa kaduluduluhang bahagi (BC)ng dagat ng Cinnereth, sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan.
28 Ito ang mana ng mga anak ni Gad ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan at ang mga nayon niyaon.
29 At si Moises ay nagbigay ng mana sa kalahating lipi ni Manases: at yao'y sa kalahating lipi ng mga anak ni Manases ayon sa kanilang mga angkan.
30 At ang kanilang hangganan ay mula sa Mahanaim, ang buong Basan, ang buong kaharian ni Og na hari sa Basan at ang (BD)lahat ng mga bayan ng Jair na nasa Basan, anim na pung bayan.
31 At ang kalahati ng Galaad at ang Astaroth at ang Edrei, ang mga bayan ng kaharian ni Og sa Basan, ay sa mga anak ni Machir na anak ni Manases, sa makatuwid baga'y sa kalahati ng (BE)mga anak ni Machir ayon sa kanilang mga angkan.
32 Ito ang mga mana na binahagi ni Moises sa mga (BF)kapatagan ng Moab, sa dako roon ng Jordan sa Jerico, na dakong silanganan.
33 (BG)Nguni't sa lipi ni Levi ay walang ibinigay si Moises na mana: ang Panginoon, ang Dios ng Israel ay siyang kanilang mana, (BH)gaya ng kaniyang sinalita sa kanila.
Ang Panginoon ay pinarangalan sa kaniyang kagalingan at kapangyarihan. (A)Awit na pagpuri; ni David.
145 Ibubunyi kita, Dios ko, Oh Hari;
At aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
2 Araw-araw ay pupurihin kita;
At aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
3 (B)Dakila ang Panginoon, at marapat na purihin;
At ang (C)kaniyang kadakilaan ay hindi masayod.
4 (D)Ang isang lahi ay pupuri ng iyong mga gawa sa isa.
At ipahahayag ang iyong mga makapangyarihang gawa.
5 Sa maluwalhating kamahalan ng iyong karangalan,
At sa iyong mga kagilagilalas na mga gawa, magbubulay ako.
6 At ang mga tao ay mangagsasalita ng kapangyarihan ng iyong kakilakilabot na mga gawa;
At aking ipahahayag ang iyong kadakilaan.
7 Kanilang sasambitin ang alaala sa iyong dakilang kabutihan,
At aawitin nila ang iyong katuwiran.
8 (E)Ang Panginoon ay mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan;
Banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob.
9 (F)Ang Panginoon ay mabuti sa lahat;
At ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa.
10 (G)Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon;
(H)At pupurihin ka ng iyong mga banal.
11 Sila'y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian,
At mangungusap ng iyong kapangyarihan;
12 (I)Upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang kaniyang mga makapangyarihang gawa,
At ang kaluwalhatian ng kamahalan ng kaniyang kaharian.
13 (J)Ang kaharian mo'y walang hanggang kaharian,
At ang kapangyarihan mo'y sa lahat ng sali't saling lahi.
14 (K)Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal,
At itinatayo yaong nangasusubasob.
15 (L)Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo;
At iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon.
16 Iyong binubuksan ang iyong kamay,
At sinasapatan mo ang nasa ng bawa't bagay na may buhay.
17 (M)Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan,
At mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa.
18 (N)Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya,
Sa lahat na nagsisitawag sa kaniya (O)sa katotohanan.
19 Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya;
Kaniya ring didinggin ang kanilang daing, at ililigtas sila.
20 (P)Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya;
Nguni't lahat ng masama ay lilipulin niya.
21 Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon;
(Q)At purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man.
Ang nagbabalang pagkulong sa Jerusalem.
6 Kayo'y magsitakas para maligtas, kayong mga anak ni Benjamin, mula sa gitna ng Jerusalem, (A)at kayo'y magsihihip ng pakakak sa Tecoa, at mangagtaas ng tanda sa (B)Beth-hacherem; sapagka't ang kasamaan ay natatanaw sa (C)hilagaan, at isang malaking paglipol.
2 Ang maganda at maayos na babae, ang anak na babae ng Sion, ihihiwalay ko.
3 Mga pastor na kasama ng kanilang mga kawan ay magsisiparoon sa kaniya; kanilang itatayo ang kanilang mga tolda laban sa kaniya sa palibot; sila'y mangagpapasabsab bawa't isa sa kanikaniyang dako.
4 Mangaghanda kayo ng digma laban sa kaniya; (D)kayo'y magsibangon, at (E)tayo'y magsisampa sa katanghaliang tapat. Sa aba natin! sapagka't ang araw ay kumikiling, sapagka't ang mga dilim ng gabi ay nangangalat.
5 Magsibangon, at tayo'y magsisampa sa gabi, at ating gibain ang kaniyang mga palacio.
6 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kayo'y magsiputol ng mga punong kahoy, at mangagtayo kayo ng bunton laban sa Jerusalem: ito ang bayang dadalawin; siya'y lubos na kapighatian sa gitna niya.
7 Kung paanong ang isang bukal ay nilalabasan ng kaniyang tubig, (F)gayon siya nilalabasan ng kaniyang kasamaan: (G)pangdadahas at pagkagiba ay naririnig sa kaniya; sa harap ko ay palaging hirap at mga sugat.
8 Maturuan ka, Oh Jerusalem, (H)baka ang aking kaluluwa ay mahiwalay sa iyo; baka ikaw ay gawin kong sira, lupaing hindi tinatahanan.
Ang paglagpak ng Jerusalem ay dadating dahil sa kaniyang kasamaan.
9 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (I)Kanilang lubos na sisimutin ang (J)nalabi sa Israel na parang puno ng ubas: idukot mo uli ang iyong kamay sa mga buslo na gaya ng mamimitas ng ubas.
10 Kanino ako magsasalita at magpapatotoo, upang kanilang marinig? narito, ang kanilang (K)pakinig ay paking, (L)at hindi mangakarinig: narito, ang salita ng Panginoon ay naging kadustaan sa kanila; sila'y walang kaluguran sa kaniya.
11 Kaya't ako'y puspus ng kapusukan ng Panginoon; ako'y pagod na ng pagpipigil ko: ibuhos sa mga bata sa lansangan, at sa kapulungan ng mga binata na magkakasama: sapagka't gayon din ang lalake sangpu ng asawa ay mahuhuli, ang matanda sangpu niya na puspus ng mga kaarawan.
12 At ang (M)kanilang mga bahay ay malilipat sa mga iba, (N)ang kanilang mga parang at ang kanilang mga asawa na magkakasama: sapagka't iuunat ko ang aking kamay sa mga mananahan sa lupain, sabi ng Panginoon.
13 Sapagka't (O)mula sa kaliitliitan nila hanggang sa kalakilakihan nila, bawa't isa ay ibinigay sa kasakiman; at (P)mula sa propeta hanggang sa saserdote bawa't isa'y gumagawang may kasinungalingan.
14 (Q)Kanilang pinagaling din naman ng kaunti ang sugat ng aking bayan, na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan.
15 Nangahiya baga sila nang sila'y gumawa ng kasuklamsuklam? hindi, hindi sila nangahiya sa anoman, o sila man ay nangamula: kaya't sila'y mangabubuwal sa gitna niyaong nangabubuwal; sa panahon na aking dadalawin sila ay nangabubulagta sila, sabi ng Panginoon.
16 Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo, at ipagtanong ninyo (R)ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo roon, at (S)kayo'y mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa: nguni't kanilang sinabi, Hindi kami magsisilakad doon.
17 At ako'y naglagay ng mga bantay (T)sa inyo, na aking sinasabi, Inyong pakinggan ang tunog ng pakakak, nguni't kanilang sinabi, Hindi kami makikinig.
18 Kaya't inyong pakinggan, ninyong mga bansa, at inyong talastasin, Oh kapulungan, kung ano ang nasa gitna nila.
19 (U)Iyong pakinggan, Oh lupa: (V)narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa bayang ito, (W)na bunga ng kanilang mga pagiisip, sapagka't sila'y hindi nangakinig sa aking mga salita; at tungkol sa aking kautusan ay kanilang itinakuwil.
20 (X)Sa anong panukala nangagdadala kayo sa akin (Y)ng kamangyan na mula sa Seba, at ng mabangong kalamo na mula sa malayong lupain? (Z)ang inyong mga handog na susunugin ay hindi nakalulugod, ni ang inyo mang mga hain ay nakalulugod sa akin.
21 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, (AA)Narito, ako'y maglalagay ng katitisuran sa harap ng bayang ito: at ang mga magulang at ang mga anak ay magkakasamang mangatitisod doon; ang kalapit bahay at ang kaniyang kaibigan ay mamamatay.
22 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, (AB)ang isang bayan ay nagmumula (AC)sa hilagaang lupain; at isang dakilang bansa (AD)ay pupukawin mula sa mga kaduluduluhang bahagi ng lupa.
23 Sila'y nagsisihawak ng busog at ng sibat; sila'y mabagsik at walang habag; ang kanilang tinig ay humuhugong na parang dagat, at sila'y nagsisisakay sa mga kabayo, bawa't isa ay humahanay, na parang isang lalake sa pakikipagbaka, laban sa iyo Oh anak na babae ng Sion.
24 Aming narinig ang balita niyaon; ang aming mga kamay ay nanganghihina: kahirapan ay (AE)humawak sa amin, at hirap na gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.
25 Huwag kang lumabas sa parang, o lumakad man sa daan; sapagka't may tabak ng kaaway, at kakilabutan sa bawa't dako.
26 Oh anak na babae ng aking bayan, magbigkis ka (AF)ng kayong magaspang, at gumumon ka sa abo: manangis ka, gaya ng sa bugtong na anak, ng kalagimlagim na panaghoy; sapagka't ang manglilipol ay biglang darating sa akin.
27 Iginawa kita (AG)ng isang moog at ng kuta sa gitna ng aking bayan: upang iyong maalaman at (AH)masubok ang kanilang lakad.
28 Silang lahat ay lubhang mapanghimagsik na (AI)nanganinirang puri; (AJ)sila'y tanso at bakal: silang lahat ay nagsisigawang may kabulukan.
29 Ang panghihip ay humihihip na malakas; ang tingga ay natutunaw sa apoy: sa walang kabuluhan nagdadalisay sila; sapagka't ang (AK)masasama ay hindi nangaalis.
30 Tatawagin silang pilak na itinakuwil, (AL)sapagka't itinakuwil sila ng Panginoon.
20 (A)Sapagka't ang kaharian ng langit ay tulad sa isang tao na puno ng sangbahayan, na lumabas pagkaumagang-umaga, upang umupa ng manggagawa sa kaniyang ubasan.
2 At nang makipagkasundo na siya sa mga manggagawa sa isang denario sa bawa't araw, ay isinugo niya sila sa kaniyang ubasan.
3 At siya'y lumabas nang malapit na ang ikatlong oras, at nakita ang mga iba sa pamilihan na nangakatayong walang ginagawa;
4 At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon din naman kayo sa ubasan, at bibigyan ko kayo ng nasa katuwiran. At nagsiyaon ng kanilang lakad sa ubasan.
5 Lumabas siyang muli nang malapit na ang mga oras na ikaanim at ikasiyam, at gayon din ang ginawa.
6 At lumabas siya nang malapit na ang ikalabingisang oras at nakasumpong siya ng mga iba na nangakatayo; at sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangakatayo rito sa buong maghapon na walang ginagawa?
7 At sinabi nila sa kaniya, Sapagka't sinoma'y walang umupa sa amin. Sinabi niya sa kanila, Magsiparito din naman kayo sa ubasan.
8 At (B)nang dumating ang hapon, sinabi ng panginoon ng ubasan sa kaniyang katiwala, Tawagin mo ang mga manggagawa, at bayaran mo sila ng kaupahan sa kanila, na mula sa mga huli hanggang sa mga una.
9 At paglapit ng mga inupahan nang malapit na ang ikalabingisang oras ay tumanggap bawa't tao ng isang denario.
10 At nang magsilapit ang mga nauna, ang isip nila'y magsisitanggap sila ng higit; at sila'y nagsitanggap din bawa't tao ng isang denario.
11 At nang kanilang tanggapin ay nangagbulongbulong laban sa puno ng sangbahayan,
12 Na nangagsasabi, Isa lamang oras ang ginugol nitong mga huli, sila'y ipinantay mo sa amin, na aming binata ang hirap sa maghapon at ang init na nakasusunog.
13 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi sa isa sa kanila, Kaibigan, hindi kita iniiring: hindi baga nakipagkayari ka sa akin sa isang denario?
14 Kunin mo ang ganang iyo, at humayo ka sa iyong lakad; ibig kong bigyan itong huli, nang gaya rin sa iyo.
15 Hindi baga matuwid sa aking (C)gawin ang ibig ko sa aking pagaari? o (D)masama ang mata mo, sapagka't ako'y mabuti?
16 Kaya't (E)ang mga una'y mangahuhuli, at ang mga huli ay mangauuna.
17 Samantalang (F)umaahon si Jesus, ay bukod niyang isinama ang labingdalawang alagad, at sa daa'y sinabi niya sa kanila,
18 Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at kanilang hahatulang siya'y patayin,
19 At ibibigay siya (G)sa mga Gentil upang siya'y kanilang (H)alimurahin, at hampasin, at ipako sa krus: at (I)sa ikatlong araw siya'y ibabangon.
20 Nang magkagayo'y (J)lumapit sa kaniya ang ina ng mga anak na lalake ni (K)Zebedeo, na kasama ang kaniyang mga anak na lalake na siya'y sinamba, at may hinihinging isang bagay sa kaniya.
21 At sinabi niya sa kaniya, Ano ang ibig mo? Sinabi niya sa kaniya, Ipagutos mo na itong aking dalawang anak ay magsiupo, (L)ang isa sa iyong kanan, at ang isa (M)sa iyong kaliwa, sa iyong kaharian.
22 Nguni't sumagot si Jesus at sinabi, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangyayari bagang inuman ninyo (N)ang sarong malapit nang aking iinuman? Sa kaniya'y sinabi nila, Mangyayari.
23 Sinabi niya sa kanila, (O)Katotohanang iinuman ninyo ang aking saro: datapuwa't ang maupo sa aking kanan, at sa aking kaliwa, ay hindi sa akin ang pagbibigay; datapuwa't yaon ay para sa kanila na mga pinaghandaan ng aking Ama.
24 At nang marinig ito ng sangpu, ay nangagalit laban sa dalawang magkapatid.
25 Datapuwa't sila'y pinalapit ni Jesus sa kaniya, at sinabi, (P)Nalaman ninyo na ang mga pinuno ng mga Gentil ay nangapapapanginoon sa kanila, at ang kanilang mga dakila ay nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila.
26 Sa inyo'y hindi magkakagayon: kundi (Q)ang sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo;
27 At sinomang magibig na maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo:
28 Gayon din naman (R)ang Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at (S)ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa (T)marami.
29 At nang (U)sila'y magsialis sa Jerico, ay sumunod sa kaniya ang lubhang maraming tao.
30 At narito, ang (V)dalawang lalaking bulag na nangakaupo sa tabi ng daan, pagkarinig nilang nagdaraan si Jesus, ay nangagsisigaw, na nagsisipagsabi, Panginoon, mahabag ka sa amin, ikaw na Anak ni David.
31 At pinagwikaan sila ng karamihan, upang sila'y magsitahimik: datapuwa't sila'y lalong nangagsisigaw, na nagsisipagsabi, Panginoon, mahabag ka sa amin, ikaw na Anak ni David.
32 At tumigil si Jesus, at sila'y tinawag, at sinabi, Ano ang ibig ninyong gawin ko sa inyo?
33 Sinabi nila sa kaniya, Panginoon, na mangadilat ang mga mata namin.
34 At si Jesus, sa pagkahabag, ay (W)hinipo ang kanilang mga mata, at pagdaka'y nagsitanggap sila ng kanilang paningin; at nagsisunod sa kaniya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978